Google
 

Read the transcript of episode 67 of Iisa Pa Lamang courtesy of Pinoy TV Junkie.

Napawalang sala si Sofia. (Babae lahat… babae ang judge, babae ang dalawang lawyer, babae ang nagsasakdal at babae rin ang nakasakdal)
Judge : Afer carefully studying the evidence on the matter of the case against Ms. Sofia Castillejos. I find that the evidence presented is insufficient to merit a trial.
Lawyer of Catherine : But your honor, the murder weapon was found in the belongings of the accused.
Lawyer of Sofia : (lady lawyer? nasaan yung lalaking lawyer?) My client maintained that she was framed. Circumstantial ang ebidensya laban sa kanya.
Judge : Bilang prosecution nasa inyo ang burden to prove the defendant guilty beyond reasonable doubt, pero wala naman kayong napatunayan na motive to kill. Kapag nakahanap na kayo ng mas malakas na ebidensya laban sa nasasakdal, maaari ninyong pabuksan ulit ang kaso. But for now, I find the evidence to be insufficient to support a conviction. The case is dismissed due to lack of evidence. Ms. Castillejos, you are free to go, for now.
-Masaya si Sofia sa pagpapawalang sala sa kanya. Tuwang tuwa rin sina Miguel at Toby para kay Sofia. Galit na galit naman si Catherine dahil napawalang sala si Sofia.


Kasama na ni Miguel si Sofia pag-uwi sa bahay nila. Naabutan nilang nagtitimpla ng juice si Isadora.
Isadora : Sofia, welcome home! O di ba sabi ko naman sa iyo magaling yung kukunin kong abugado. Alam mo, ang ganda nitong bahay na nakuha mo. Tapos tingnan mo inayos kong mabuti, pati yung kwarto mo nilinis ko na rin. And binili kita ng favorite mong meryenda, ensaymada.
Sofia : Don’t bother ‘ma, I’m not staying.
-Hinawakan ni Miguel sa braso ang kapatid na palabas ng bahay
Miguel : Sofia
Sofia : Kuya ayoko dito.
Isadora : Bakit naman? Andidito yung lahat ng gamit mo, hinanda ko na. Yung mga favorite stuffed toys mo, yung make-up kit mo, mga damit mo… lahat.
Sofia : EH DI DADALHIN KO! I can’t stand being here. I can’t even stand to breathe the air that you do.
-Palabas na si Sofia
Miguel : Sofia, saan ka pupunta?
Sofia : Doon muna ako sa boarding house nina Jenna titira. I’ll come back for my things some other day.
-Umalis na si Sofia
Miguel : Sofia
Isadora : Miguel, huwag mo na syang pigilan
-Tiningnan ng masama ni Miguel ang ina.

Galit na galit pa rin si Catherine, hanggang sa bahay ay dala niya ang galit sa pagkakawalang sala ni Sofia.
Catherine : Isang kriminal na naman ang nakatakas. PAPAANO NANGYARI YUN? NASAAN ANG HUSTISYA?
Louela : NARINIG MO NAMAN ANG SINABI NG JUDGE, DI BA? PAG NAKAHANAP NG MAS MALAKAS NA EBIDENSYA PUEDENG BUKSAN ULIT ANG KASO.
Catherine : EH PAPAANO NGA KUNG HINDI MAKAHANAP NG BAGONG EBIDSENSYA? ANONG MANGYAYARI SA ATIN? PARA NA NAMAN SIYANG SI ESTELLE? NATAKASAN NI SOFIA LAHAT NG KRIMEN NA GINAWA NYA. TAMA NA LOUELA! TAMA NA YUNG ISANG KRIMINAL NA NAKAPALIGID SA AKIN. HINDI NA AKO MAKAKAPAYAG NA MERON PANG ISANG KRIMINAL NA NADYAN, PALIBOT LIBOT AT PALABOY LABOY SA PALIGID KO.
Louela : O ANONG GAGAWIN MO? TUTUTUKAN MO RIN NG BARIL SI SOFIA?
Catherine : Hindi. Hindi. Hindi ako mamamatay tao. Hindi ako katulad nila. IYON ang pagkakamali ko. Kahit ano pang galit ko, hindi ko kayang pumatay ng tao.
Louela : O ano na ang plano mo?
Catherine : Hindi mo magugustuhan alamin kung ano ang plano ko. Isa lang ang sinisiguro ko… kung nakatakas sya sa batas, hinding hindi na sya makakatakas sa akin ngayon.

Nakita ni Cong. Raphael Torralba ang napakagarang sasakyan na minamaneho ni Miguel Castillejos. Lumapit si Raphael sa bagong dating na si Miguel.
Raphael : WOW! Galing a! (binuksan pa ang pinto ng kotse) Brand new! Huu bagong kotse! Ang galante siguro ng nagbigay sa iyo nito. Teka muna, hulaan ko ha, milyon ang halaga nito… sigurado. Sinong nagbigay sa iyo?
-Nagulat si Miguel sa tanong ni Raphael, hindi kaagad nakasagot
Miguel : Si Mommy! A nanalo sya sa sugal e. Sinwerte, nakatsamba. Binalato lang sa akin yan.
Raphael : A
Miguel : Sige Raphael, ipaparada ko muna ng maayos.
Raphael : A Miguel, kailangan nating mag-usap.
-Ipinakiusap na lang ni Miguel sa isang tauhan ni Raphael ang pagparada sa kanyang magarang sasakyan.

Sa apartment. Hindi mapakali si Catherine, hawak ang cellphone. Napansin ni Louela ang kaibigan, napapa-isip.
Louela : Bakit kaya hindi mapakali itong bestfriend ko? Kilala ko ito eh. Hindi ito aakto ng ganito kung wala syang ginagawa. Ano kaya ng ginawa nito?

Habang naglalakad si Sofia patungo sa boarding house ng kaibigang si Jenna, ay naramdaman niyang may lalaking nakasunod sa kanya.

Tila naman natauhan si Catherine, nagdial sa hawak na cellphone.
Catherine : Mali itong ginagawa ko. Dapat mapigilan ko ito.

Patuloy pa rin ang pagsunod ng lalaki kay Sofia

Catherine : Sagutin mo. Sagutin mo ang telepono.
-Napapaiyak sa kaba si Catherine ng hindi sumasagot ang tinatawagan nya.

Tumakbo si Sofia, pero nadapa sya at naabutan ng lalaking humabol. Nagpupumiglas si Sofia pero wala syang nagawa. Dinala ng lalaki sa isang bahay si Sofia at itinali sa silya.
Sofia : Kahit ho doon sa bag, may pera ho doon, madami ho. Kung gusto nyo ibenta nyo yung bag ko, malaki ang makukuha nyo, may alahas po. Huwag nyo lang akong sasaktan.
-Lumapit ang lalaki kay Sofia
Lalaki : Hindi ko kailangan ang pera mo, at hindi ko kailangan yang mga alahas mong yan.
Sofia : Anong kailangan nyo sa akin? Anong ggawin nyo sa akin?
Lalaki : (inilabas ang labaha) Papatayin kita.

Pumunta sa bahay ni Catherine si Toby
Catherine : Toby, ano ang ginagawa mo dito?
Toby : Ate Catherine, good evening! Pero andito ba si Sofia? Hinihintay namin sya sa bahay pero hindi sya dumating e. Pinuntahan ko na rin sa kanila pero wala sa kanila, so inisip ko baka dito sya tumuloy.
Catherine : Bakit mo naman naisip na baka dito tumuloy si Sofia?
Toby : Kasi bukod kay Tita Isadora at kuya Miguel, ikaw na lang ang naisip kong kapamilya nya e. Baka dito sya pumunta.
Catherine : (nairita) Anong pinagsasabi mo? Anong kapamilya?
Toby : Akala ko nag-usap na kayo dati sa presinto
Catherine : (naguluhan) Na ano? Tungkol saan?
Toby : (naiiyak ang boses) Ate Catherine, magkapatid kayo ni Sofia. Kapatid mo si Sofia.
-Nabigla si Catherine, naalala noong pinapunta siya ni Sofia sa kulungan dahil may sasabihin daw ito sa kanya. Naiyak si Catherine
Catherine : Ano bang pinagsasabi mo ha? Hindi magandang biro yan ha.
Toby : Ate Catherine hindi ako nagbibiro. Totoo ang sinasabi ko, magkapatid kayo ni Sofia. May pruweba syang hawak, yung DNA test nya. Anak sya ni Mang Rolando.
-Hindi makapaniwala si Catherine sa narinig mula kay Toby.

Nanlaban si Sofia sa lalaki, sinipa nya ito at nagawa nyang makalag ang pagkakatali sa kanya. Bago lumabas ay hinampas pa nya ang lalaki ng kahoy kaya nagawa nyang makatakas.

Umiiyak naman sa pagsisisi sa Catherine sa nagawa. Tinatawagan ni Catherine ang lalaking inutusan nyang pumatay kay Sofia, pero hindi sinasagot ng lalaki ang tawag nya. Nagpasya si Catherine na pumunta sa hideout, sumama sa kanya si Toby.

Naabutan si Sofia ng lalaki. Dumating si Catherine at pinigilan ang lalaki. Pinaalis ni Catherine ang lalaki at sinabing kalimutan na lang kung anuman ang kanilang napag-usapan. Nagulat si Sofia nang malamang si Catherine pala ang nag-utos na patayin sya. Umiiyak na umalis si Sofia pero hinabol sya ni Catherine, kapwa sila umiiyak.
Catherine : Nasaktan ka ba nya? Sofia, patawarin mo ako. Patawarin mo ako, hindi ko alam kung ano ang nagawa ko. Sofia… Sofia I’m sorry! I’m sorry hindi ko sinasadya. Kasalanan kong lahat ng ito. Nagawa ko lang naman yun kasi, sa sobrang galit at poot ko. Kung gusto mo akong kasuhan, naiintindihan ko. Tatanggapin ko. Patawarin mo lang ako Sofia. Patawarin mo ako.
Sofia : Ayoko na ng kaso Catherine. Tama na yung isnag kaso sa isang araw. Ayoko na ng gulo. Gusto ko lang naman makasama yung pamilya ko eh. Iyon lang Catherine.
Catherine : Kasama ba ako doon? Kasama ba ako dun sa pamilyang sinasabi mo? (naguluhan si Sofia) Alam ko na ang tungkol sa atin Sofia. Akala ko naiwan na ako ng pamilya ko. Akala ko wala na akong pamilya. Pero andyan ka pa. (hinawakan si Sofia, hinaplos ang buhok at mukha) Kapatid ko!
-Umiiyak na nagyakap ang magkapatid.

Kinausap ni Raphael ang staffs nya, kasama si Miguel.
Raphael : Napag-aralan ko na lahat ng mga approved projects sa opisina natin, okay? Gusto ko lang malaman ninyo… WALANG isang supplier ang umulit, maliban sa isa - si Marko Silvestre. Nagtataka naman ako kung bakit sa kanya napunta itong project na ito - project ng highway development at ang proposed gym. Bakit IISA lang? Isang tao lang nabigay?
Miguel : Raphael, maganda naman yung naging proposal nila kaya sa tingin ko karapat-dapat lang na sa kanila mapunta ang proyekto.
Raphael : Kilala mo ba itong Markong ito?
Miguel : Hindi.
Raphael : E ang ama mo kilala ba sya?
-Pinalabas ni Raphael ang ibang tauhan, para makapag-usap sila ng sarilinan ni Miguel
Raphael : Miguel, ang ama mo kilala sya.
Miguel : Anong kinalaman ng tatay ko?
Raphael : Si Vernon Sandoval ay isang ex-convict.
Miguel : E ano naman ngayon?
Raphael : Nagkataon lang na ang ama mo ay may kasong smuggling. Napakaliit ng mundo.

Pumunta si Estelle sa bahay ni Isadora.
Estelle : Nagpunta ako dito para ikongratulate ka sa paglaya ni Sofia.
Isadora : Thank you! Thank you!
Estelle : (Umupo) Teka nasaan sya? I want to congratulate her also. Wala ba sya? Alam ko hinahanap sya ni Toby eh.
Isadora : Ahm oo nga mare eh. Kaso alam mo, paglabas nung bata, sabik na sabik sa gimik. Eh nag-overnight doon sa bestfriend nya, kay Jenna. Pinayagan ko na muna para naman makapag-relax. Saka alam mo naman ang mga kabataan ngayon, yan ang gusto di ba? Iyon ang gustong gusto nila, yung gumigimik.
Estelle : Oo nga naman. Kunsabagay, tama ka dyan kumadre. Habang pinipigilan lalong nagpupumilit. Kaya ako si Toby, pinababayaan ko na lang sa mga lakad nya.
-Dumating si Vernon
Vernon : Isadora

Sa office ni Cong. Torralba
Miguel : Parang hindi ko na yata nagugustuhan ang tono nang pananalita mo Raphael. Parang gusto mong sabihin na pinagbibintangan mo kaming dalawang mag-ama.
Raphael : Sa iyo na mismo nanggaling.
Miguel : Ang alin? Anong kinalaman mo sa kaso ng tatay ko? Pati ba ako ay pinapa-background check mo? Wala ka bang tiwala sa akin Raphael?
Raphael : Hindi kita pinapa-imbestigahan Miguel.
Miguel : Anong kinalaman mo sa kaso ng tatay ko?
Raphael : Alam ko dahil ako ang may hawak ng kaso nya.

Tumayo si Estelle pagkakita kay Vernon
Estelle : Aren’t you going to introduce me?
Isadora : Ahm si Estelle ang kumare ko. So Vernon
-Nagkamay sina Estelle at Vernon
Vernon : Pleased to meet you
Estelle : Kaanu-ano mo si Isadora?
Isadora : Ahm sya
Vernon : Asawa ko sya.
Isadora : Dati! Dati ko syang asawa, tatay ni Miguel. Pero ngayon HIWALAY na kami.
Vernon : Bakit? Hindi pa naman annuled ang kasal natin di ba? Sa mata ng batas at mata ng tao, kasal pa rin tayo.
- Nag-alala si Isadora.
Isadora : Vernon ako ba? Huwag ka ngan magbiro ng ganyan. Nakakahiya kay mareng
Vernon : (inakbayan si Isadora) Bakit naman ako magbibiro? Totoo namang mag-asawa pa rin tayo di ba? Bakit naman ako magsisinungaling?
Isadora : Ahm (lumapit kay Estelle) Mare, di ba magkaibigan tayo?
Estelle : Of course! Magbestfriends nga tayo eh.
Isadora : (tumawa) Ahm puedeng humingi ng favor?
Estelle : Ano yun mare?
Isadora : Puedeng huwag mo nang sabihin kay Raphael yung tungkol sa amin ni Vernon?
Estelle : Ah yun lang pala. Your secret is safe with me.
Isadora : Thank you mare
-Nakangiti si Vernon na nakatingin kina Estelle at Isadora

Patuloy sa pag-uusapa sina Raphael at Miguel
Miguel : Ikaw ang nagpakulong sa tatay ko?
Raphael : Ako nga.
Miguel: Matagal mo na palang alam ito e. (tumayo) Ang tagal mo nang tinatago sa akin ito. Paano mo nagawa sa akin ito Raphael? Ang tagal kong nahiwalay sa tatay ko dahil ikaw pala ang may kagagawan. Niloko mo lang ako e!
Raphael: HINDI KITA NILOKO Miguel! Walang kinalaman ang pagkakaibigan natin dito. LABAS ang kaso ng tatay mo sa ating dalawa.
Miguel: E wala palang kinalaman, e bakit mo inu-ungkat ngayon?
Raphael: Dahil napagtunton ko na ang mga bagay. Ang tatay mo ay may kasong smuggling, nagpapasok sya ng mga illegal cars sa Amadesto. Nagkataon lang din na meron kang bagong sasakyan. Iyan ba ay coincidence lang?
Miguel: Pinagbibintangan mo ba ako?
Raphael: Hindi pa.
Miguel: Hindi naman pala e
Raphael: (tumayo na rin) Miguel, magkaibigan tayo. HUWAG NA HUWAG MONG HAHAYAANG MANGYARI SA IYO ITO
Miguel: Magkaibigan? Matagal na tayong hindi magkaibigan. Huwag mo akong pagbibintangan. Huwag mo kaming isasangkot dito ng tatay ko. Sinasabi ko sa iyo Raphael… hinding hindi mo magagawa sa akin ang ginawa mo sa tatay ko.
-Galit na umalis si Miguel.

Sa loob ng magara nyang sasakyan. Naalala ni Miguel kung paano nya isinagawa ang krimen - may pinapirmahan syang documents kay Raphael, at ng tumayo si Raphael dahil may tumawag sa cellphone nito, ay dali-daling kinuha ni Miguel ang pangseal ng documents from Cong. Torralba’s office, at nilagyang ng seal ang pinapirmahang documents kay Raphael.

Isinama ni Catherine sa bahay ang kapatid. Masaya silang magkatabing nakahiga sa kama habang tinitingnan ang mga bracelet nila. Kapwa naiiyak sa kaligayahan ang magkapatid.
Sofia : Ate sa tingin mo ba, masaya si itay para sa ating dalawa?
Catherine : Masayang, masayang, masaya. Kaya nga nya tayo binigyan nya ng parehong bracelet eh. Kaya rin pinagtagpo nya tayo nung gabing ‘yon sa restaurant, para magkasama na tayong magkapatid.
Sofia : Kaya pala kahit noon pa man, malapit na tayo sa isa’t isa Ate. Nasira lang ang lahat ng iyon…tumututol si Mommy sa inyo ni kuya Miguel.
Catherine : Tapos na iyon. Ang importante ay magkasama na tayo. Magsisimula na tayo ng sabay… ng bago. May isang bagay pang binigay sa akin si Itay, PERA
-Napatawa si Catherine, tapos kinuha nya sa drawer ang itinatagong pera mula sa ama. May nakitang papel si Sofia.
Sofia : Ate, ano ito?

Catherine : Sulat?
Sofia : Anong sabi?
-Magkahawak kamay na binasa nang magkapatid ang sulat ng kanilang ama. Iyak ng iyak si Catherine.

Mahal kong anak,

Sumusulat ako at umaasa na balang araw makuha mo akong patawarin sa lahat ng kasalanan ko sa iyo, kahit hindi ko sinasadya, alam kong nasaktan kita. Madami akong nagawang pagkakamali, pero ang PINAKAMALAKI ay ang kasalanan ko sa iyo at sa inay mo. Mahal na mahal ko ang nanay mo Catherine. (Flashback : Masayang pamilya ni Catherine, magkakasama sila nina Lola Aura, nanay nya at ang tatay nya)Huwag mo sanang pagdudahan iyon. Sobra ko syang mahal kaya handa akong gawin ang kahit na ano, makasama ko lang sya ng mahabang panahon. Pero mahirap mangyari iyon dahil sa sakit ng nanay mo at wala akong pera para pangpa-opera sa kanya. Kaya lumapit ako sa kaisa-isang taong hindi ko dapat pinagkatiwalaan, si Isadora. Binigyan nya ako ng pera para sa operasyon ng nanay mo… sa isang kundisyon. (Flashback : Nakita ng walang muwang na si Catherine, ang ama at si Isadora na nagtatalik sa kamalig) Pumayag ako alang alang sa nanay mo. Pero nauwi sa wala ang lahat, nalaman ng mama mo ang tungkol sa amin. (Flashback : Isinama nila ni Miguel ang nanay nya sa mansion, at nahuli nito ang asawa at si Isadora na nagtatalik. Inatake sa puso ang nanay nya at namatay.) At ito ang naging dahilan kaya sya namatay. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa iyo ang lahat… na kasalanan ko ang pagkamatay ng nanay mo. Kaya ako umalis. Isa pang pagkakamali. (Flashback: Pagkatapos ng libing ng nanay nya ay umalis ang tatay nya, at naiwan sya sa pangangalaga ni Lola Aura) Hindi dapat kita iniwan anak. Patawarin mo ako Catherine. Pero sa kabila ng lahat ng ito, may isang magandang bunga ang pagsasama namin ni Isadora… si SOFIA, ang iyong kapatid Catherine. (Flashback : Noong maliit pa si Sofia, at close silang dalawa ni Catherine) Sana mahanap nyo ang isa’t isa, mahalin ang isa’t isa, at magkasama bilang pamilya. Mahal na mahal ko kayong dalawa.

Itay.

-Mahigpit na nagyakap ang kapwa luhaan na sina Catherine at Sofia.

Nag-aalala na sina Isadora at Miguel kay Sofia.
Isadora : Sabi nya di ba, kina Jenna lang sya?
Miguel : Kasalanan nyo naman e. Pinabayaan nyo nga sya sa kulungan. Natural, magtatampo sa iyo yon. O tingnan nyo ang nangyari… naglayas.
Isadora : Bakit ba sya nakalaya? Di ba kasi kumuha ako ng magaling na abugado.
Miguel : E bakit ka nya iniiwasan? Ano ba talaga ang nangyayari sa inyong dalawa?
Isadora : Wala. Eh ganyan naman talaga ang mga bata, di ba? Lahat isinisisi sa magulang. Mga rebelde.
-Nagring ang cellphone ni Miguel. Si Sofia ang tumatawag. Kaagad na kinuha ni Isadora kay Miguel ang phone nang marinig na si Sofia ang kausap ni Miguel. Asar na tinanong ni Isadora kung nasaan ang kausap kasi nag-aalala na raw sila ni Miguel. Nagulat si Isadora ng marinig mula sa kausap na nasa bahay ito ni Catherine.

Kaagad na pinuntahan ni Isadora si Sofia sa bahay ni Catherine.
Isadora : Bakit ba ayaw mong umuwi? Halika na uuwi na tayo.
Sofia : No ‘ma. Hindi ako sasama, dito na ako titira.
Isadora : ANO BA TALAGA ANG GUSTO MO HA? KALADKARIN PA KITA? HALIKA NA!
-Sumabat sa usapan si Catherine at pumagitna kina Isadora at Sofia.
Catherine : ANO BA? AYAW NGA NYA EH. HWAG MO SYANG PILITIN. DITO NA SYA TITIRA.
Isadora : Hoy puede ba Catherine ha, huwag mong pinipigilan yang Sofia na yan? BAKIT GUSTO MO NA NAMANG SUSLSULAN? NAKU! KABISADONG KABISADO KO NA ANG HASANG MO, YANG MOTIBO MO. GUSTO MO LANG KAMING SIRAIN MAG-INA EH!
Catherine : Hindi. Ikaw mismo ang sumira sa inyong dalawa. KAYA PATI SARILI MONG ANAK SINUSUKA KA NA!
Isadora : Aba! Eh talaga palang hinahamon mo ako
-Sinabunutan ni Isadora si Catherine. Inawat nina Sofia at Louela sina Catherine at Isadora
Catherine : BAKA NAKAKALIMUTAN MO NANDITO KA SA LOOB NG PAMAMAHAY KO. LUMAYAS KA!!!
Isadora : OO. TALAGANG LALAYAS AKO DITO SA BULOK MONG BAHAY PERO ISASAMA KO ANG ANAK KO. (hinigit si Sofia) Halika na dito!
-Magkahawak sina Catherine at Sofia.
Sofia : HINDI AKO SASAMA MA. DITO LANG AKO KASAMA NG KAPATID KO!
Isadora : Kapatid mo? Sino naman ang nagsabi sa iyo nun? ITO? ITONG KAPATID NI LUCIFER? LUCIFITA!!! Ayan bagay ka dito sa impyerno mong bahay. Huwag kang nagpapaniwala dito sa babaeng ito ha. Sinungaling yan. HINDI KA DAPAT NAGPAPALOKO DYAN. HALIKA NA! UMUWI NA TAYO!
-Tinabig ni Catherine ang kamay ni Isadora
Catherine : SINABI NANG AYAW NYA EH.
Sofia : Hindi sya ang nagsabi sa akin ‘ma. And besides kung sino man ang nagsabi sa akin, hindi na mahalaga iyon. DAHIL MAY PROOF AKO, DNA PROOF MA. MAGKAPATID KAMI. AT KAHIT I-DENY MO PA NG I-DENY, ALAM KO NA ANG TOTOO. Hindi na magbabago isip ko ‘ma. Hindi ako sasama sa inyo. Dito lang ako kasama ng kapatid ko.
Isadora : Sige. Pagbibigyan kita pero pagbalik ko sa oras na hindi ka pa rin sumama sa akin. Tutuluyan ko ‘tong ba na ito. Talagang gagawin kong impyerno. SUSUNUGIN KO KAYONG LAHAT!
-Umalis na ang galit na galit na si Isadora. Nakatingin sa magkayakap na magkapatid si Louela.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!