Google
 

Read the transcript of episode 63 of Iisa Pa Lamang courtesy of Pinoy TV Junkie.

Pumunta sina Catherine at Miguel sa negosyanteng si Marko Silvestre na sinasabi ni Miguel na makakatulong kay Catherine.
Marko : Nagulat naman ako sa tawag mo Miguel. Mabuti na lang at malapit dito ang opisina ng aking assistant. Ano ba ito, tungkol ba ito sa construction ng Amadesto highway? On time yung schedule, hindi ka nagkamali ng pagpili sa amin
Miguel : Hindi ito tungkol sa highway. Negosyante ka, hindi ba?
Marko : Oo naman. May business proposal ka sa akin, ha?
Miguel : Hindi ako. Itong kaibigan ko, si Catherine dela Rhea
Marko : Wow! Sino ba naman ang hindi makakakilala sa magandang si Ms. Catherine dela Rhea? Ang fiancee ni Cong. Raphael Torralba.
Catherine : Ex na po. Hindi na ho tuloy ang kasal namin
Marko : Ah sorry. Sayang. Anyway, ganun talaga ang buhay e. Ano ba ang maipaglilingkod ko sa iyo magandang binibini?
Catherine : Kailangan ko ho ng malaking halaga. Matutulungan nyo ba ako?
Marko : Para saan ba?
Catherine : May bibilhin akong negosyo, yun lang ho ang masasabi ko sa ngayon. Pero sigurado ho akong makakabayad ako sa inyo.
Marko : Ibig sabihin milyon ang kailangan mo. Alam mo naman, marami dyan… magaling mangutang pero pagdating sa bayaran, well… nakakalimot
Catherine : Makakabayad po ako. Alam ko kung saan dadalhin ang pera. Matalino ako. Magaling ako. Nakapagtapos ako ng pag-aaral. Una ako sa klase namin. Babayaran kita, kung kinakailangang may interes gagawin ko.
- Nakumbinsi ni Catherine si Marko Silvestre
Marko : Let’s have a deal
-Nagkamay sina Catherine Dela Rhea at Marko Silvestre.
Catherine : Salamat


Puspusan ang ginawang paghahanda ni Catherine para sa kanyang paghihiganti. Maraming pinag-aaralan si Catherine. Pinuna ni Louela ang kaibigan na halos hindi na natutulog sa kababasa.
Catherine : Kailangan kong aralin itong mabuti Louela.
Louela : Eh aral ka ng aral, ilang araw ka nang walang tulog.
Catherine : Pinagkaisahanako ng mga taong ito. Sa simula pa lang, wala silang ibang ginawa kundi ang apihin ako. Minata nila ako. Tinapakan nila ako. Niyurakan nila ang pagkatao ko. Hindi sila tumigil hanggang sa maibagsak nila ako. At kahit na noong bagsak ako, hindi pa rin nila ako tinitigilan. (lumuluha) Pinatay pa nila ang pamilya ko. Nagkamali sila Louela… dapat ako na lang ang pinatay nila. Dahil ako ngayon ang makakalaban nila. Wala akong sasantuhin. Magbabayad sila, silang lahat!

Napansin ni Scarlet na maganda ang mood ni Winnie
Scarlet : Parang ang ganda ganda ng mood mo ngayon
Winnie : Oh yes, may magandang balita ako sa iyo. May bumili na ng stocks na binenta ng mga board members, kaya feeling ko bumalik na ang tiwala ng mga tao sa kumpanya. Mukhang aahon na talaga ang Dela Rhea Foods.
Scarlet : Sabi ko naman sa iyo eh, the problem will take care of itself. Ikaw masyado kang nerbyosa (natawa si Winnie). Sino ba yang investor natin na yan?
Winnie : Actually hindi ko alam. Pupunta daw sya dito para magpakilala sa iyo.
Scarlet : Dito? Sa bahay ko ha?
Winnie : Yes, yes ako mismo ang nagbigay ng address mo doon sa secretary nya.
-Dumating ang isang mukhang mayaman na si Catherine
Catherine : Hello Scarlet!
-Nagulat sina Scarlet at Winnie sa pagdating ng hindi inaasahang bisita. Tiningnan mula ulo hanggang paa ni Scarlet ang dumating na si Catherine.
Scarlet : Anong ginagawa mo dito?
Catherine : Nagpunta lang ako dito para batiin… kayo. Bisitahin kayo
Scarlet : Yun lang? Okey, o eh di umalis ka na!
Catherine : Not so fast. Hindi nyo pa ba nababalitaan ang good news? Hah, AKO ang nakabili ng Dela Rhea Foods Company (binasa ni Winnie ang hawak na mga documents) Ako ang majority owner nang kumpanya. So from now on, ako na din ang boss mo. (hindi mapaniwalaan ni Scarlet ang mga naririnig mula kay Catherine, naiiyak na si Scarlet) Kaya kung ako sa iyo, sanay sanayin mo na ang sarili mo na tinatawag akong MA’AM? Oh before I forget, tuwing papasok ako ng opisina, gusto ko ipagtimpla mo ako ng kape, yung black… VERY BLACK. KASING PAIT NG BUHAY NA IPAPALASAP KO SA IYO!
Scarlet : (tumawa) You’re bluffing Catherine. This is impossible, wala kang pera. Paano mo mabibili ang stocks? You don’t have the means. Or unless, nagpakasal ka na naman sa isang matandang lalaking malapit ng mamatay nang hindi ko nalalaman. Once a slut… ALWAYS A SLUT!!!
Catherine : Alam mo Scarlet, ang hirap sa iyo… hindi mo kinikilala ang mga kinakalaban mo. Ngayon, talo ka na…ikaw pa itong may ganang magmalaki.

Tinanong ni Estelle si Raphael tungkol sa kaso ni Aura Castillejos
Estelle : Raphael, ano na ang developments tungkol sa kaso ni Aura? Is there a lead sa paghahanap nila sa kung sino ang pumatay sa kanya?
Raphael : Wala pa hong development sa mga lead ‘ma
Estelle : So ang ibig bang sabihin nito, ako pa rin ang prime suspect? Makukulong ba ako Raphael?
Raphael : Ma, hindi kayo makukulong. Ipaglalaban ko. Maniwala ho kayo hindi ako papayag na makulong kayo. Syanga pala ‘ma, may gusto akong itanong sa inyo, ano hong ginagawa ninyo kay Lola Aura? Bakit ho nyo sya dinalaw?
Estelle : Wala lang. Gusto ko lang syang kumustahin.
Raphael : Kamustahin? Hindi nyo naman ginagawa nung araw ‘yon, bakit ngayon pa? Naguguluhan lang ako.
Estelle : Gusto ko lang alamin kung paano nya nabawi ang Amadesto.
Raphael : Amadesto? Ano naman ang kinalaman ninyo sa pagbawi nya sa Amadesto?
Estelle : Ako ang may kagagawan nun. Ako ang tumulong kay Aura para mabawi nya ang Amadesto.

Balikan natin ang “gold digger” at “bitch”
Catherine : Matagal rin akong nagtiis at nagtimpi sa mga KABALIWAN MO! Pero sinubukan kong intindihin na isa ka lang babae na pinaglalaban na mabuo ang pamilya. Naghihiganti dahil iniwan ng asawa. Pero kahit ilang beses kong sabihin sa iyo paulit-ulit na wala na akong interes kay Miguel… na pakakasalan ko na si Raphael na talagang minahal ko, hindi mo pa rin ako tinitigilan.

Raphael : Binigay ninyo ang mga dokumento kay Lola Aura ng Amadesto? Napaka-importanteng impormasyon iyon, bakit hindi ninyo sinabi sa akin?
Estelle : Dahil ayokong malaman ni Isadora yun. Pinalabas ko na lang na ninakaw ang mga dokumento. Pag nalaman nya ang totoo, magagalit sya sa akin… sisisihin nya ako… aawayin nya ako. Ayokong mangyari yun, sya na lang ang natitira kong kaibigan.
Raphael : KAIBIGAN? Magnanakaw yung kaibigan na iyon. Iyon ba ang gusto ninyong maging kaibigan?
Estelle : That’s not true. Si Victor ang magnanakaw, sya ang sakim. Kinuha nya ang mana ni Aura sa kanya, sya ang nagforge ng signature ni Aura sa power of Attorney para maisanla nya ang lupa.
Raphael : Naniwala naman kayo?
Estelle : Oo. Nakita ko ang dokumento… maayos. Walang alam si Isadora. Si VICTOR ang may kasalanan, sya ang may kagagawan ng lahat.

Patuloy pa rin ang “gold digger” at “bitch”
Catherine : Away ang gusto mo, kaya simula na ito nang gyera. Magtago ka na. Baka gusto mong pasabugin ko yang pagmumukha mo. ANO SCARLET? Ngayon, ilabas mo ang TAPANG MO!
Scarlet : Go to hell, go to HELL! GO TO HELL!!!
Catherine : I’LL SEE YOU THERE! Hahahaha!
-Umalis ang patuloy sa pagtawa na si Catherine. Hindi pa rin makapaniwala si Scarlet, umiiyak. Nag-aalala naman si Winnie para kay Scarlet.
Scarlet : NO NO NO! Tita, Tita, NO NO NOOO! THIS IS NOT HAPPENING! NO NOOO THIS IS NOT HAPPENING TO ME! NOOO! NOOO! HOW CAN YOU LET HER DO THIS? HOW CAN YOU LET HER DO THIS, TITA? THIS IS NOT HAPPENING, THIS IS NOT TRUE! THIS IS NOT TRUE! NOOO! NOO! NOOO!!!!!

Medyo kalmado na si Scarlet.
Scarlet : I hate Catherine. I hate Catherine! I HATE HER!!!
Winnie : Shhhhh! Scarlet, stop doing this to yourself. Isipin mo na lang ang baby mo, ha?
Scarlet : (iyak ng iyak) I hate her. I hate her

Magkakasama naman ang pamilyang may illegal activities
Vernon : Nakuha na pala ni Catherine yung majority shares ng Dela Rhea Foods.
Isadora : Bakit gaano ba kalaki ang inutang nya kay Marko?
Vernon : Malaki. Pero may mga nilapitan syang tao para mag-invest. Yung mga nakilala nya noong misis pa sya ng matandang Dela Rhea. Alam mo, ibang klase yang si Catherine ha… pailalim kung umatake, matinik… magaling dumiskarte. Totoo nga yung sinasabi nila na kapag sinaling mo ang taong may sugat, lalong tumatapang.
Miguel : Sana lang hindi maapektuhan ng galit nya ang pamamalakad nya sa kumpanya. Nang sa ganun kumita ang kumpanya at hindi sya maipit sa utang nya kay Marko.
Isadora : Sana nga hindi nya magawa yun. Sana lalung malugi yung kumpanya.
Miguel : Ma ano ba kayo?
Isadora : O bakit?
Miguel : Nagsisimula na naman kayo
Isadora : Ay naku, totoo naman a. Bakit sa palagay mo ba ikagaganda at ikauunlad ng Dela Rhea Corporation ang sagupaan ng dalawa mong ex? At saka isa pa para malipat naman ang atensyon ni Marko kay Catherine. Hindi yung palagi ako ang kinukulit nya. Para maranasan ni Catherine kung paano ang mabuhay ng may deadline.
-Bumaba si Sofia
Sofia : Ah ‘ma, may nakita na akong mas murang bahay para sa atin
Vernon : (kay Isadora) Lilipat kayo?
Isadora : Oo, ang mahal mahal na kasi nitong bahay. Hindi ko na kayang hulugan. Isa pa hindi ko na kayang magtago sa mga bangko.
-Tawa ng tawa si Miguel
Miguel : O ano? E di ngayon tanggap nyo na, hindi ninyo kayang i-maintain ang ganitong klaseng lifestyle?
Vernon : A Sofia, saang area ba yung lilipatan nyong bahay?
Isadora : Oo nga saan ba?
-Walang imik na lumabas ng bahay si Sofia. Sinundan ni Miguel ang kapatid.

Sa labas ng bahay
Miguel : Anong problema? Bakit binabastos mo na yata ang tatay ko? Sumusobra ka na e.
Sofia : I’m sorry kuya. Alam kong tatay mo sya pero I just don’t trust him.
Miguel : Iyon na nga e. Alam mong tatay ko sya, hindi mo man lang nirerespeto.
Sofia : Hindi mo sya kilala kuya. Hindi mo alam kung ano ang ginawa nya.
Miguel : Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo? Sa tuwing binabastos mo sya, para mo na rin akong binabastos. Sabihin mo sa akin, ano ba ang problema? May gusto ka bang sabihin?
Sofia : Wala syang ginawa sa akin Kuya
Miguel : Wala naman pala e. Then what?
-Nakatingin mula sa bintana si Vernon
Sofia : Hindi mo gustong malaman Kuya. Believe me, you won’t want to know.

Pumunta sa Dela Rhea Foods ang galit na galit na si Scarlet. Sinisigawan nito ang mga board members ng Dela Rhea Foods.
Scarlet : BAKIT NINYO HINAYAANG MAKUHA NI CATHERINE ANG KONTROL NG DELA RHEA FOODS? KAYONG LAHAT, HINDI KAYO BINABAYARAN NG MALAKI PARA ILAKO NYO ANG STOCKS KUNG KANI-KANINO LANG. PAPAANO NANGYARI ITO HA?
Woman : Gumamit sya ng tatlong company names. Kaya hindi namin nalaman na yun pala ay pag-aari nya: Pakunti-konti syang bumili para madagdagan ang kanyang shares… at sa kalaunan sya na ang may majority stock shares.
Scarlet : E di dapat mas naging extensive ang company background check ninyo. Hindi yung basta basta nambebenta. MGA INUTIL!

Miguel : Anong klaseng sagot ba naman yan? Kung meron kang gustong sabihin tungkol sa tatay ko, sabihin mo na. Ano? Sofia, ano?
- May humintong police car sa tapat nila, at bumaba ang tatlong pulis
Pulis : Nandito ba si Sofia Castillejos?
Sofia : (kinakabahan) Ahm ako ho yun.
Miguel : (hinarap ang pulis) Bakit ho?
Pulis : Inaaresto ka namin sa pagpatay kay Mr. Rolando Ramirez.
Sofia : Ha?!
Miguel : Teka sandali lang. (tinawag ang ina) Ma! MA!
Sofia : Ano ang nangyayari dito, HA? Miguel bakit?
Miguel : Pinagbibintangan nila si Sofia na pumatay kay Mang Rolando. (hawak ang kapatid) Sandali sasama ako
Isadora : Samahan mo na Miguel. Anak, huwag kang mag-alala, susunod ako. Kukuha ako ng abugado, huwag kang mag-alala. Huwag kang mag-alala susunod ako. Miguel, bantayan mo ang kapatid mo.
Sofia : Ma
-Nakamasid lang si Vernon sa mga nangyayari. Tiningnan ni Isadora si Vernon

Sa Dela Rhea Foods
Board member : Authenticated ng Securities and Exchange Commission ang lahat ng companies na gamit ni Catherine. Legitimate ang lahat ng dealings. Wala kaming nakitang rason para magduda. At isa pa sa sobrang pagbaba ng market value stocks natin, of course may bibili nun. Di ba mas maganda, may perang pumapasok sa company natin?
Scarlet : AT PERA YUN NI CATHERINE. HINDI NYO MAN LANG NAMAMALAYAN NA MAY TAKE-OVER NANG NAGAGANAP DITO.
Woman : Matalino lang si Catherine. Alam nya ang ins and outs ng company na ito kaya sya naging presidente ng Dela Rhea Foods. Alam mo, kung pumapasok ka lang palagi, sana namomonitor mo ang kumpanyang ito.
Scarlet : ANO GUSTO MONG PALABASIN TITA? NA MAS MAHUSAY NA PRESIDENTE SI CATHERINE KESA SA AKIN?
-Biglang pumasok si Catherine.
Catherine : Oh YES! Good morning everyone! Scarlet, milya-milya naman talaga ang layo ko sa iyo. Nagdududa ka pa ba?
Scarlet : Hindi mo maaagaw sa akin ang kumpanyang ito. Sa akin ito, sa pamilya ko ito… SA AKIN ITO!
Catherine : Nakuha ko na eh. Ako na uli ang bagong nagmamay-ari ng Dela Rhea Foods. Ako na uli ang bagong presidente. Ikaw naman kasi, namihasa ka sa kaka-absent mo.. ginawa mong hobby, yan tuloy malapit nang bumagsak yung kumpanya. Nalusutan tuloy kita through the BACK DOOR.

Kinumpronta ni Isadora ang dating asawa na si Vernon
Isadora : Ano itong ginawa mo Vernon? ALAM KO IKAW ANG MAY PAKANA NYAN EH. Bakit pati si Sofia dinamay mo?
Vernon : Ginawa ko lang ang dapat kong gawin. Masyado na syang maraming nalalaman. Kailangan na syang turuan ng leksyon
Isadora : ANAK KO ANG IPINAGKANULO MO!
Vernon : Mas mabuti nang sya kaysa ako. Kung nagpakabait lang sya sana sa akin. E di sana nag-isip isip pa ako.
Sinampal ni Isadora si Vernon
Isadora : Walanghiya ka! Pati ako inahas mo. Ang anak ko ang dinale mo. Papaano kung makulong yun… papaano kung may masamang mangyari doon, ha?
Vernon : Hindi kita inahas. Prinutektahan kita! Nasa iyo naman yun kung tatanggapin mo ang proteksyon na yon o hindi. Gusto mong iligtas yung anak mo? Aminin mo yung kasalanan mo. Makakalaya sya, tutal ikaw naman talaga ang pumatay kay Rolando, hindi ba?
Isadora : DAHIL INUTOS MO! Damay ka rin. BOBO KA TALAGA!
-Biglang sinakal ni Vernin si Isadora
Vernon : Wala akong pakialam kung gusto mong iligtas ang sarili mo o ang anak mo. Pwes huwag ka lang magkakamaling idamay ako o si Marko. Kung ayaw mong matagpuan ang bangkay mong lumulutang sa ilog.
-Itinulak ng malakas ni Vernon ang babae, sa sofa tumilapon si Isadora

Sa Dela Rhea Foods. Naiiyak sa galit si Scarlet. Ang board members naman ay tila masaya sa pagbabalik ni Catherine.
Scarlet : Eh dyan ka naman magaling eh… back door, back stabbing, back biting. Palibhasa, ayaw mong ipakita yang pagmumukha mo dahil nababahiran ng PUTIK!!!
Catherine : Bago mo pansinin ang putik sa mukha ko, tingnan mo muna yang PUSALI sa mukha mo. Alam mo, hindi na natatakpan nang mamahalin mong pabango ang nabubulok mong pagkatao. Actually, umaalingasaw na nga eh.
Scarlet : Hindi ako ang naaamoy mo, kung hindi ang naaagnas na katawan ng PAPA ko. Minumulto ka dahil binababoy mo ang kumpanyang binuo nya
Catherine : Kahit ano pa ang sabihin mo Scarlet, wala ka ng magagawa. Kaya umalis-alis ka na DYAN SA TRONO KO. Dahil nagbalik na ang TUNAY NA REYNA!
-Umupo si Catherine at inumpisahan na ang meeting. Lumabas ang galit na si Scarlet, sinundan sya ni Winnie.

Ibinalita ni Raphael kay Toby ang nangyari kay Sofia
Raphael : Nabalitaan mo na ba yung nangyari kay Sofia?
Toby : Kung anuman yung balita mo kay Sofia kuya, hindi ako interesado. Tapos na ako sa babaeng yun. Hindi ko na sya napapanaginipan. Hindi ko na sya naaalala. Hindi ko na sya naiisip. Mas lalong hindi ko na sya pinagpapantasyahan. Kaya kung anuman yang balita mo kuya tungkol kay Sofia, hindi ako interesado. Past is past na.
Raphael : Okey. Kahit na sabihin ko sa iyo na inaresto sya dahil sa pagkamatay ni Mang Rolando, wala ka pang pakialam?
- Hindi nakakibo si Toby.

Nasa presinto na ang abugado ni Sofia.
Lawyer : Sofia, nabasa ko yung police report. Ayun sa kanila, ikaw lang daw ang huling taong nakakita kay Rolando Ramirez ng buhay. Magkasama raw kayo ng mamatay sya. Magkasama kayo sa kwarto. Ikaw lang daw ang may oppurtunity. Ikaw lang ang puedeng maglagay ng morphine sa dextrose nya. Kaya ikaw ang ginagawang suspect sa pagpatay sa kanya.
Sofia : Hindi totoo yan. Hindi ko magagawa iyon. Hindi ko pinatay si Mang Rolando. Maniwala ka sa akin
Lawyer : E bakit pabalik-balik ka sa ICU? Parati ka raw dumadalaw sa kanya
Sofia : Walang masama dun. Hindi naman krimen ang dumalaw eh.
Lawyer : Ang nakakapagtaka kasi, hindi ka naman kaanu-ano ni Rolando Ramirez.
Sofia : Kaibigan ko ho sya. Gusto ko lang syang damayan. Bakit ba pinagbibintangan nyo ako? Wala ho akong kasalanan.
Lawyer : E paano napunta sa iyo yung syringe? Paano rin napunta sa locker mo sa school mo? Iniksamen nila ito. May morphine doon sa syringe, meron ding DNA ni Rolando Ramirez. E kaya ito ang ginagamit nilang proof na ito yung ginamit sa pagpatay kay Rolando Ramirez. Paano napunta yung syringe sa iyo? Sofia, Sofia para matulungan kita… I need your full cooperation.
-Hindi sumasagot ang naiiyak na si Sofia. Biglang dumating si Catherine.
Sofia : Catherine, mabuti nandito ka. May kailangan akong sabihin sa iyo. May kailangan kang malaman
-Lumapit si Catherine kay Sofia at sinampal ito
Catherine : Walanghiya ka! PINATAY MO ANG TATAY KO! WALANGHIYA KA!
Sofia : Hindi Catherine. Maniwala ka sa akin. MAKINIG KA SA AKIN! Hindi ako ang pumatay kay Mang Rolando
-Inaawat ni Louela si Catherine
Catherine : MGA WALANGHIYA KAYONG LAHAT!!! DAPAT AKO NA LANG ANG PINATAY NINYO. HINDI NYO NA DAPAT DINAMAY ANG PAMILYA KO! KAHIT NA ANO ANG MANGYARI SA AKIN. HINDING HINDI AKO TITIGIL HANGGA’T HINDI KAYO NAGBABAYAD. BABAWIIN KO ANG LAHAT NG INUTANG NYON SA AKIN! AT KAHIT SAAN PA TAYO MAKARATING, KAHIT PA SA DULO NG IMPYERNO… SUSUNDAN KO KAYONG LAHAT!!!! TANDAAN NYO YAN, SUSUNDAN KO KAYO!!!
-Inilayo ng lawyer si Sofia
Catherine : Dumating na ang araw ng paniningil Louela. Iisa-isahin ko sila… SI SCARLET… SI ESTELLE… SI SOFIA… AT LALUNG LALO NA SI ISADORA. At pag natapos na ako sa kanila. Hinding hindi nila gugustuhing mabuhay pa!

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!