Read the transcript of episode 65 of Iisa Pa Lamang courtesy of Pinoy TV Junkie.
May mga press sa mansion ng mga Torralba, ini-interview si Raphael. Nasa tabi ni Raphael ang kanyang ina.
Lady reporter 1 : Congressman, kumusta po ang first quarter nyo bilang congressman ng Amadesto?
Raphael : Well, mabuti naman at nakapag-implement na kami ng mga changes para sa ikabubuti ng mga magsasaka at trabahador ng Amadesto.
Lady reporter 1 : Ano naman po ang naging epekto ng kaso ni Mrs. Torralba ukol sa pagpatay kay Aura Castillejos?
Raphael : A walang kinalaman ang mama ko roon. Tinanggal na sya sa suspects ng mga imbestigasyon at malaya na sya.
Lady reporter 2 : Congressman, kumusta po si Catherine?
Reporter 1 : Ahm Sir, sa inyong palagay ano kayang nararamdaman ni Catherine ngayon sa pagkaka-involved ng inyong mama sa pagkamatay ng inyong lola?
Raphael : Well, ang biktima dito ay ang kanyang lola, na nakakasiguro ako na gusto nyang ako na rin ang makahanap ng katarungan para dito.
Reporter 1 : So sa ngayon po, sino ang mas pinaniniwalaan nyo, si Catherine o ang inyong mama?
Reporter 2 : Sir, tuloy pa ho ba ang kasal nyo?
Reporter 1 : Totoo rin po ba na umurong kayo sa kasalan?
Raphael : Alam nyo, no comment ako rito dahil labas sa imbestigasyon ang aking personal life.
-Napapanuod sa TV nina Catherine at Louela ang interview kay Raphael.
Catherine : Ano, ganun na lang yun? NATAKASAN NA NAMAN NILA ANG MGA KASALANAN NILA. DAHIL ANO? MAYAMAN SILA? MAKAPANGYARIHAN SILA? Hindi ako makakapayag. Hindi ako makakapayag, sisiguraduhin ko magbabayad sila. LAHAT SILA!
Louela : Di ba Catherine, dapat hindi ka nagdedesisyon ng galit? Parang nagpapadala ka na sa emosyon mo eh. Huwag mong hayaang manduhan ka ng galit mo. Kung nasaan man si Lola ngayon… sigurado ako hindi nya nagugustuhan ang mga nangyayari sa iyo ngayon. Naaalala mo ba noon… nung gusto mong maghiganti, pinigilan ka nya. Nasisiguro ko kung nandito pa rin sya ngayon, gagawin pa rin nya yun pipigilan ka nya ulit.
Catherine : IYON NA NGA EH, WALA NA ANG LOLA KO, WALA NA SI LOLA! PINATAY NILA! WALA AKONG KASALANAN SA KANILA LOUELA, WALANG KASALANAN SI LOLA SA KANILA. Kaya maghihiganti ako. Sisingilin ko sila. Sisiguraduhin ko pagbabayayaran nila lahat… ang lahat ng bigat na dinanas ko sa kanila. Hanggang sa kahuli-hulihang hininga nila.
Dinalaw muli ni Miguel ang kapatid sa kulungan, may dalang pasalubong
Miguel : Pinabibigay ni Scarlet, susubukan daw nyang dumalaw sa ‘yo.
Sofia : Salamat ha. Pakisabi na lang sa kanya, thank you. Si Mommy?
Miguel : Wala sa bahay e. Hindi ba pumunta dito? Iyon ang sabi nya e.
Sofia : Hindi
Miguel : Nag-away ba kayo?
Sofia : (naiiyak) Kuya, malapit na yung hearing. Natatakot talaga ako eh.
Miguel : Huwag kang matakot. Nandito lang ako. Hindi kita pababayaan. Gagawin ko ang lahat para patunayang inosente ka. Sofia tibayan mo ang loob mo, malalagpasan natin ito. Pinapangako ko sa sa iyo, ilalabas kita dito. Maniwala ka sa akin.
May mga pulis na dumating sa office ni Cong. Torralba.
Pulis : Cong. Torralba, magandang umaga po!
Raphael : Ako nga oo. Magandang umaga!
Pulis : May ini-imbestigahan po kami, illegal shipment ng mga luxury car. Base po sa imbestigasyon sa Amadesto po sya pumasok at lumalabas sa imbestigasyon po namin na kayo po ang pumirma at kayo rin po ang nag-authorize para pumasok ang shipment. Baka hindi po ninyo alam smuggled ang mga ito.
Sinita ni Miguel ang ina sa hindi pagdalaw kay Sofia
Miguel : Why can’t you just be there for her? Puede ba magpaka-nanay ka naman. Sa tuwong pupunta na lang ako doon palagi kang hinahanap sa akin, hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. O ano, guilty ka hindi ba?
Isadora : Guilty? Ako magi-guilty? Bakit naman ako magi-guilty Miguel?
Miguel : Guilty of being a bad mother.
Isadora : Hoy, masyado ka naman yatang masakit magsalita. BAD MOTHER pa ba yung kumuha ako ng magaling na abugado para mapalaya sya? Eh hanggang ngayon nga hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera para ipambayad sa abugadong yun. Tapos sasabihin mo sa akin bad mother ako.
Miguel : Hindi lang yan ang kailangan nya e. Kailangan nya suporta natin. Ang suporta mo
Isadora : Hindi iyon ang kailangan nya Miguel. Ang kailangan nya … magaling na abugado dahil yun ang susi para makalaya sya, yun yon.
Kausap ni Estelle sa telepono ang magiging nanay ng “apo nya kuno”
Estelle : A Scarlet, hindi ka raw masasamahan ni Raphael eh. May problema kasi sa opisina. Huwag kang mag-alala ako na lang ang sasama sa iyo sa pagpacheck-up mo. Ah papunta ka na dito? O sige hintayin ko na lang ang pagdating mo. Okay, bye!
-Biglang dumating si Catherine, kasunod ang isang bodyguard ng mga Torralba.
Estelle : Catherine! Anong ginagawa mo rito?
Catherine : AKALA MO SIGURO NAKATAKAS KA NA ANO? PORKE’T BA MAYAMAN KAYO AT NASA KAPANGYARIHAN? AKALA NYO PUEDE NYONG TAKASAN ANG LAHAT NG KASALANAN MO SA AKIN?
Estelle : ANO BANG PINAGSASABI MO? Inabswelto ako dahil hindi sapat ang ebidensya laban sa akin. Ang korte mismo ang nagdesisyon nyan
-Biglang kinuha ni Catherine ang baril na naka-sukbit sa beywang ng bodyguard. Itinutok kay Estelle ang baril
Catherine : SINUNGALING!!! (pati ang bodyguard ay tinutukan) Dyan ka lang! Akala mo siguro nakaligtas ka na sa batas ano? SIGURO NGA. Pero sa akin, hindi ka pa rin makakaligtas. Magbabayad ka at nandito ako ngayon para maningil!
Estelle : Catherine, wala akong kasalanan. Maniwala ka sa akin.
Catherine : Lahat kayo mga sinungaling kayo. Sawang sawa na ako sa inyong lahat sa pagsisinungaling nyo. AMININ MONG KASALANAN MO!!!
-(Hihi! Nabigatan yata si Catherine sa baril kaya ibinaba saglit, pero hindi pa rin naagaw ng bodyguard, engot naman ng eksenang ito, at saka wala naman sa gatilyo ng baril ang daliri ni Catherine)
Estelle : Kailanman hindi ako aamin sa kasalanang hindi ko ginawa. Patayin mo man ako, wala akong aaminin dito. Hindi ko sinaktan si Aura Catherine. Tinulungan ko pa nga sya. AKO ANG NAGBIGAY SA KANYA NG MGA PAPELES PARA MABAWI NYA ANG AMADESTO.
Catherine : BAKIT NASA KANYA ANG PANYO MO?
Estelle : EWAN KO HINDI KO ALAM. Maniwala ka Catherine wala akong kasalanan sa pagkamatay ng lola mo. I swear Catherine, ni minsan hindi kami nagkaroon ng alitan ni Aura.
-Dumating si Scarlet. Agad na niyakap ni Estelle si Scarlet
Catherine : Hahaha! Kapag sinuwerte ka nga naman. Pumunta lang ako dito para pumatay ng isa, may bonus pang isa. Ano ito, two for one special?
-Iniharang ni Estelle ang katawan kay Scarlet
Estelle : Huwag mong idadamay si Scarlet. Huwag mong idadamay ang dinadala nya. Wala kasalana sa iyo ang apo ko.
Catherine : (may luha sa mga mata) DAMAY DAMAY NA KAYONG LAHAT! WALA RING KASALANAN ANG LOLA AURA KO SA INYO, PERO PINATAY MO SYA!
Estelle : Catherine, maghunos dili ka!
Scarlet : Sinasabi ko na nga ba eh… NAPAKA-ITIM NG BUDHI MO! NASA SA DUGO MO ANG PAGIGING KRIMINAL CATHERINE. SIGE CATHERINE! IPUTOK MO YANG BARIL MO NANG MATAPOS NG LAHAT NG ITO!
Estelle : Shut up Scarlet!
Scarlet : BAKIT BA? BALEWALA NA RIN NAMAN AH, SIRANG SIRA NA ANG BUHAY NATING LAHAT!! ANO PANG HINIHINTAY MO? SIGE CATHERINE IPUTOK MO YANG BARIL MO NANG MAGKAMATAYAN TAYONG LAHAT. SEE YOU IN THE HELL!!!
-Umiiyak na ibinaba ni Catherine ang baril at tumakbo palabas. Kinuha naman ng bodygurad ang baril na parang balewala lang.
-Nakahinga ng maluwag ang takot na takot na si Estelle.
Sa office ni Raphael. Kinausap nya ang staffs nya, kasama si Miguel
Raphael : Mabuti na lang, napakiusapan ko ang awtoridad na gumawa tayo ng sarili nating imbestigasyon bago sila magsampa ng kaso. (galit) Kahit na ano ang isipin ko, wala akong naaalalang pinirmahang permit para maglabas ng imported cars sa pier ng Amadesto. (ipinakita ang isnag document) This is a genuine document… even the seal is genuine. Wala nang iabng panggagalingan ang dokumentong ito kung hindi dito sa opisina natin. This is either a good fake or somebody forge my signature. Sino ang nakakaalam nito? Ha? Kung sinuman ang gumawa nito, hindi ko lang sisesantehin… IPAKUKULONG KO PA! FIND OUT!
-Galit na galit na tumayo si Raphael at umalis sa meeting. Kinakabahan naman si Miguel.
Nakauwi na si Raphael sa mansion nila.
Raphael : Ma, what happened? Are you okay?
Estelle : No. I’m not okay. That woman, that Catherine na naman.
Raphael : Cath… Catherine na naman, WHAT ABOUT CATHERINE?
Estelle : She almost killed mo today. Tinutukan nya ako ng baril. Ako pa rin ang sinisisi nya sa pagkamatay ng lola nya. Not only me ha, pati si Scarlet tinutukan din nya. She endangered the life of your unborned child. Raphael, dapat… dapat ipakaulong na yan eh. She’s crazy!
Raphael : Okay, sinaktan nya si Scarlet?
Estelle : Yes!
Raphael : Kamusta sya?
Estelle : Okay
Raphael : Ok. Good (umupo sa couch) Good.
Estelle : Iyon lang ang sasabihin mo, okay?
Raphael : What do you expect? Anong gusto nyong gawin ko? GUSTO MONG IDEMANDA KO SI CATHERINE? IPAKULONG KO SYA? KASUHAN KO SYA? MOM, THAT’S ENOUGH. NAMATAY YUNG DADDY NYA, PINATAY YUNG LOLA NYA. THE GIRL IS FRUSTRATED, LET’S GIVE HER A BREAK! What she wants to do is ilabas yung galit nya.
Estelle : Eh bakit sa akin nya ibinubuhos ang galit nya? Hindi ba’t inabswelto na ako ng korte? Bakit ako pa rin ang sinisisi nya? (naiiyak) At bakit sya pa rin ang kinakampihan mo? I’m your mother Raphael. Ipagtanggol mo naman ako.
-Naantig naman ang damdamin ni Raphael sa sinabi ng ina, nilapitan niya ito at inamo
Raphael : Ok mom, kausapin ko si Catherine.
-Niyakap ni Raphael ang umiiyak na ina
Sa bahay nina Catherine at Louela, pinagagalitan ni Louela ang kaibigan
Louela : ANO BA CATHERINE? ANO BANG PUMASOK DYAN SA UTAK MO AT NAGAWA MO ‘YON? NABABALIW KA NA BA?
Catherine : Di ko alam. Di ko alam kung ano ang iniisip ko nun, nagdilim ang paningin ko. Wala akong maramdaman, namanhid ako. Hindi ko maramdaman yung galit o sakit. Hindi ko talaga naiintindihan eh. Akala ko kaya ko, akala ko kaya ko na. Hindi pa rin pala.
Louela : Mabuti na lang! Eh kung nagkataon e di nakakulong ka ngayon.
Catherine : Makulong na kung makukulong. Wala naman akong tiwala sa hustisya dito eh.
Louela : Huwag mong sasabihin yan Catherine. Kahit ano pang sabihin mo, mali pa rin ang ginawa mo. Hindi matatama ng isang kamalian ang isa pang mali. Makinig ka sa akin Catherine… bantayan mo yang galit mo. Walang magandang idudulot yan sa iyo. Masisira ka lang. Matuto kang lumaban ng tama… sa tamang paraan, lumugar ka. Kilala kita eh. Alam kung mabait kang tao. Huwag mong hayaang kainin ka ng galit mo. Ikaw rin ang masisira. Ikaw rin ang talo.
-Pinahid ni Catherine ang luha at niyakap ang kaibigan.
Naiisip ni Estelle ang nangyaring panunutok sa kanya ng baril ni Catherine at katanungan nito kung bakit nasa Lola Aura nya ang panyo ni Estelle. Naalala niya nang minsang malasing si Isadora at matapon ang iniinom nitong alak, pinahiram niya kay Isadora ang panyo nya para ipampunas sa damit nito na natapunan ng alak. Nagimbal si Estelle sa napagtantong pangyayari.
Estelle : Si Isadora, sya ang naglagay ng panyo ko sa bangkay ni Aura. Si Isadora ang pumatay kay Aura.
Pinuntahan ni Raphael si Catherine sa office nito sa Dela Rhea Foods.
Catherine : Nagsumbong na sa iyo ang mama mo? Magpasalamat sya, mabuti na lang yun ang ginawa ko sa kanya.
Raphael : Walang kasalanan ang mama, pinawalang sala ang kanyang kaso. Mahirap bang intindihin yun Catherine?
Catherine : Papaano napapalaya ang isang kriminal? Maliban na lang kung malakas sya sa korte… gaya mo.
Raphael : Ang totoo nyang Catherine, mahina ang ebidensya laban kay mama. Ginagawa ko lang ang tungkulin ng isang abugado at ginagawa ko lang ang dapat gawin ng isang anak.
Catherine : Ang pagtakpan ang krimen ng sarili mong ina?
Raphael : Walang kasalanan ang mama. Naniniwala ako sa kanya.
Catherine : (tumayo ang lumapit sa dating katipan) At ako, hindi ka naniniwala sa akin?
Raphael : Catherine, wala ka doon nang mamatay si Lola Aura. Hindi mo alam kung papaano sya namatay. You cannot be judge and executioner.
Catherine : Kailangan dahil makapangyarihan ang mga katapat ko. Yung mga taong kayang kaya baliin ang katotohanan. Hindi ka naiiba sa kanila… pinagtakpan mo ang kasalanan ng nanay mo, dinungisan mo ang pangalan mo.
Raphael : Nadungisan? Hindi ba dahil ikaw ang unang dahilan kung bakit nadungisan ang pangalan ko? Ikaw din ang dahilan kung bakit ako natutong baliin ang aking prinsipyo.
-Dumating si Scarlet at nakita nito na halos magkadikit na ang mukha nina Raphael at Catherine habang nag-uusap.
Scarlet : Excuse me! Am I interrupting something? (ngek! feeling nobya ni Raphael)
-Bumalik sa upuan niya si Catherine
Raphael : Wala. Nandito lang ako para ipaliwanag kay Catherine kung ano ang nangyari.
Scarlet : (lumapit kay Raphael) Ahh so nasabi na pala sa iyo ng mama mo kung ano ang nangyari. Actually, ayoko na sanang sabihin sa iyo dahil ayoko na rin naman ng gulo. Pero alam mo Raphael, dahil sa ginawa ng babaeng yan, muntik na akong makunan. Muntik nang mawala sa akin ang baby ko. Pasalamat ka Catherine ayaw ni Raphael ng eskandalo, kung hindi agad-agad kitang idedemanda. Two counts of attempted murder… ay sorry three counts pala, KASAMA ang baby ko. (kumapit at inihilig ang ulo kay Raphael) Ang baby namin ni Raphael.
-Walang imik na umalis si Raphael, sumunod sa kanya ang hindi pa rin bumibitaw na si Scarlet. Naiwan si Catherine na nasasaktan.
Nasa Dela Rhea Foods si Louela at kakwentuhan nito ang umiinom ng wine na si Catherine
Catherine : Bakit parang mas dumarami ang problema ko Louela? Parang hindi nababawasan. Ewan ko, parang nadadagdagan pa nga eh. Kinuha na nila ang lahat sa akin, pati pamilya ko kinuha na nila… ngayon pati si Raphael mawawala na.
Louela : Okey lang yan Catherine. Nandito pa naman ako eh, kahit kailan hindi kita iiwan. Sigurado naman ako hindi naman talaga type ni Raphael si Scarlet, pinapanagutan lang nya yung magiging baby nila. Alam mo naman yang dyowa mo… Mr. Responsible na, Mr. Dependable pa! Para lang yun sa baby, no batteries attached.
Catherine : Alam ko naman yun eh. Pero hindi ko pa rin maialis sa sarili ko, sa puso ko na masaktan… tuwing nakikita ko silang magkasama ni Scarlet. Para akong sinisilaban, masakit
Louela : Sinisilaban? Marami ka na lang nainom kaya nag-iinit ka na. (kinuha ang wine glass kay Catherine)
Catherine : Pero alam mo kung tutuusin, hindi ako dapat nagagalit o nagseselos kay Raphael at Scarlet. Ako naman ang nakipag-break kay Raphael. Ako ang nang-iwan. (basag ang boses) Karapatan din ni Raphael ang lumigaya… kahit hindi sa piling ko, kahit sa piling ni Scarlet.
-Naaawang niyakap ni Loulea ang kaibigan.
Nasa likod ng mga rehas na bakal si Sofia, kausap nya ang kapatid na si Miguel.
Miguel : Nakausap ko yung abugado mo. Ang sabi nya sa akin, hindi ka na nya tatawagin sa stand para hindi ka na magsalita.
Sofia : Kuya salamat
Miguel : Kung may iba ka pang kailangan sabihin mo lang sa akin, huwag kang mahihiya.
Sofia : Kuya, may hihilingin sana ako sa iyo eh.
Miguel : Ano iyon?
Sofia : Puede bang dalhin mo dito si Catherine? May kailangan akong sabihin sa kanya.
Miguel : Si Catherine, bakit? Tungkol saan?
Sofia : Basta kuya. Gumawa ka ng paraan para pumunta sya dito. Kailangang kailangan ko sya maka-usap.
Sa Dela Rhea Foods, busy si Catherine at mga tauhan ng kumpanya. Dumating ang masayang si Scarlet na may dalang ultrasound report.
Scarlet : Hi! Gusto nyong makita? Ito yung ultra sound ng baby namin ni Raphael. (humarap kay Catherine) Alam mo sigurado ako, magiging sobrang cute naming dalawa. Eh papaano, ang daddy ang gwapo gwapo at ang mommy nya walang kasing ganda. Catherine, gusto mong makita?
Catherine : No, thank you.
Scarlet : Alam mo Catherine, sobra na akong excited para sa baby namin kasi pakiramdam ko, talagang susuportahan ito ni Raphael ng sobra sobra… aalagaan nya. Papaano hindi lang sya good provider, isa pa syang emotionally available na lalaki. Kanina nga pagkagaling namin sa hospital, pagkagaling namin sa check-up, dinala pa nya ako para kumain kami sa labas. At hindi lang yan pinakain sa akin ni Raphael lahat ng pagkain na pinaglilihian ko, sweet pala sya ano?
Catherine : Alam mo Scarlet alam ko naman na ginagamit mo lang si Raphael para saktan ako. Pero kung gusto mo akong saktan sige saktan mo ako, pero huwag na huwag mong gagamitin si Raphael. Off limit sya sa away natin.
Scarlet : Napaka overprotective mo namang ex-girlfriend. Pero alam mo kung ano yung tumatak sa akin dun? Yung salitang EX. Kasi ang ibig sabihin nun wala ka ng karapatan kay Raphael. At isa pa Catherine, bakit ko naman gagamitin si Raphael para lang saktan ka? Raphael is single. He’s gorgeous. At ako naman, annuled and fabulous… AND very much pregnant with his baby. Kaya wala na akong maisip na dahilan para hindi kami magkatuluyang dalawa.
Catherine : Hindi kayo magkakatuluyan. Hindi ka naman mahal ni Raphael eh. Kaya lang naman sya sumasama sa iyo dahil sa bata. Huwag kang ilusyunada Scarlet.
Scarlet : Sigurado ka Catherine? (pumunta sa likuran ni Catherine) Kasi ako, pakiramdam ko nadedevelop na sa akin si Raphael. Papaano natikman na nya ako, syempre hindi na nya ako papakawalan, di ba? At isa pa naisip ko, hindi naman sya magiging ganun ka-asikaso, ganun ka-protective kung wala syang feelings sa akin. Eh pati nga IKAW, di ba sinugod ka nya para lang sa sarili kong kapakanan?
Catherine : (humarap kay Scarlet) Sige! Ipagpatuloy mo yang ginagawa mo… magpumilit kang akitin si Raphael. Ako naman, aakitin ko si Miguel. (biglang nawala ang ngiti ni Scarlet) Well, pareho naman nating alam na hanggang ngayon ay inlove pa rin sa akin si Miguel. Tutal, I’m single and gorgeous and Miguel is annuled and fabulous. Wala akong nakikitang dahilan para hindi kami magkatuluyan. Isang tawag ko lang kay Miguel, bakit ganun para syang asong nagmamadaling pumunta sa kanyang amo? Kayang kaya kong makuha ULIT si Miguel. (finger snap) Just like that. Ano laban ka pa, baby?
-Tumalikod at iniwan na ni Catherine ang nagngingitngit na si Scarlet.
Labels: Iisa Pa Lamang