Google
 

Read this transcript of episode 2 of "Kahit Isang Saglit", courtesy of Pinoy TV Junkie. We'll try to post more pictures and our own episode summary by next week. The videos... well, still looking for a different bloghost.

Nagsorry si Rocky kay Garie dahil nabangga nya ito. Hindi naman sya pinansin ni Garie at nagmamadaling sumakay nang taxi. Nang makita ito ni Nestor (si Empoy) ay nagandahan sya kay Garie at kahit habang kumakain na sya ay kinukulit parin nya si Rocky kung hindi ba daw ito nagagandahan sa babae (kay Garie.) Tinawagan ni Marian (Malou de Guzman) si Rocky dahil nag-aalala ito. Si Mona (Wilma Doesnt)naman ay kinakamusta si Nestor. Ipinaalam ni Rocky kay Mona na ok sila ni Nestor. Pinag-iingat ni Mona si Rocky at relieved na sya dahil nakausap na nya ito. Si Rocky naman ay nakita na ang taong sinusundan.

Super busy si Garie sa trabaho. Pinagsabihan si Garie nang kanyang mama na kung ang gusto lang daw ni Garie na maging stable ang company para makabalik sa pinas ay hindi nya ito papayagan. Pinaglaban naman ni Garie dahil iyon daw ang kanyang dream at happiness. Gusto nang mama ni Garie na kalimutan na ang ama, pero alam ni Garie na mahal parin nang ina ang kanyang ama. Kalimutan na daw ni Garie ang ama dahil 15 years na itong wala at kung gusto silang hanapin ay dapat noon pa nito ginawa. Ang gusto lang naman ni Garie ay malaman kung ano ang nangyari sa ama at malaman ang totoo. Pag alis ni Garie ay wala pa ang kanyang driver dahil nagpagasolina ito. Hindi nalang hinintay ni Garie ang driver kaya umalis nalang sya.

Sila Rocky at Nestor naman ay sinundan na si governor. Nakasakay na nang kotse si gov at naghahanap nang taxi si Rocky, nandoon din si Garie at nagkasabay silang sumakay sa iisang taxi. Nagtalo ang dalawa dahil sa iisang taxi na nakuha nila. Hindi alam ni Rocky na nasusubaybayan din pala sya at nakitang susunod sya. Nagtatalo sila Garie at Rocky. Gusto ni Rocky na sumunod ang driver para sundan ang kotse, si Garie naman ay pupunta sa airport and she’s in a hurry. Nagtititili si Garie dahil mabilis ang pagdrive nang taxi dahil hinahabol nila ang kotse. Akala ni Garie ay criminal si Rocky. Nagtagalog si Rocky at nagulat si Garie. Inexplain at ipinakita ni Rocky na isa syang drug enforcer at hindi nya sasaktan si Garie. Nang malaman ni Garie na pinoy si Rocky ay sinabi nyang half pinoy sya, at nakakapagsalita sya nang konting tagalog. Daldal naman nang daldal si Rocky dahil naging excited sya nang malamang pinoy si Rocky. Si Rocky naman ay naiinis dahil nawala sa paningin nya ang kotseng sinusundan. Gusto ni Garie na maging kaibigan si Rocky at sinabi nyang plano nyang bumalik nang pinas. Nasundan ang taxi nila Rocky at binangga sila. Tinawagan nya agad si Nestor para sabihin na nasundan sila, takot na takot naman si Garie. Binabangga parin ang kanilang taxi, sa likod at sa gilid. Tinatanong ni Nestor kung nasaan na sila, hindi alam ni Rocky kung nasaan sila, nagtatanong si Rocky sa driver pero abala ito sa pag-iwas sa mga humahabol sa kanila. Nagpaputok nang baril ang mga humahabol kay Rocky, at nabaril si Rocky sa may binti dahil tumagos ang bala. Nang magkaroon nang chance ang taxi driver ay bumaba ito agad at iniwan sila Rocky. Pinapatakas na ni Rocky si Garie pero hindi sya nito iniwan. Si Garie ang nagdrive nang taxi dahil may tama nang baril si Rocky. Takot na takot si Garie at tinulungan sya ni Rocky magmanibela. Sa awa nang Diyos ay nakatakas sila dahil nagka-flat tire ang humahabol sa kanila.

Yung dapat makakasama ni Garie sa pag-alis ay hinihintay parin ang tawag nya dahil aalis na ito papuntang airport. Sinabi nalang nang lalaki sa kanyang secretay na tawagan ang ka-meeting nya and he will just meet that person sa Kuala Lumpur.

Hindi alam ni Garie kung saan nya dadalhing ospital si Rocky dahil nawawala din sya. Tatawagan nya sana ang ina pero walang sumasagot. Biglang huminto ang kanilang taxi dahil they ran out of gas. In pain parin si Rocky at halos magpanic na si Garie dahil nasundan sila. Mabuti nalang at nakaalis na sila sa taxi bago pa sila makita. Kahit na hinang hina si Rocky ay sinasabi nya kay Garie na iwan na sya. Pero ayaw ni Garie at gusto nyang tumulong kay Rocky. Sinabi ni Rocky na dapat alisin ang bala sa leg nya. Nilabas ni Rocky ang knife nya at ibinigay kay Garie, ayaw ni Garie dahil hindi daw nya kaya. Biglang may dumating at nakita sila Rocky and Garie.

Nag-aalala si Popong at mama ni Garie dahil she’s not answering her phone. Biglang nakatanggap nang tawag si Popong, si Amir Mohammad ang tumawag.

Si Rocky at Garie naman ay tinulungan nang isang babae at ginamot si Rocky. Akala nang babae ay nobyo ni Garie si Rocky, sinabi nya na hindi nya ito boyfriend. Sinugod si Rocky sa ospital. At habang nasa ambulance ay kinakausap ni Garie si Rocky just to stay awake and be conscious. Kinantahan ni Garie si Rocky nang “Di Ko Kayang Tanggapin.” Dumilat si Rocky at sinabing makulit si Garie, inamin naman ni Garie na makulit talaga sya. Hinawakan ni Garie ang kamay ni Rocky at sinabing huwag daw itong mamatay. Itinuloy ni Garie ang pagkanta. Nasundan parin ang ambulance ni Rocky habang papunta ito nang ospital.

Teasers:

- Nagsosorry si Garie sa kanyang ina.

- Ipinaalam ni Rocky na may malaking tao sa likod nang operation nang drugs sa Manila. Gusto naman nang superior ni Rocky na ang Malaysian gov’t ang maghandle nun at pinapauwi na si Rocky.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!