Google
 

Read the transcript of episode 56 of "Iisa Pa Lamang" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Pumunta si Isadora sa bahay ni Estelle para makipag-celebrate sa ginawa ni Scarlet kay Rafael at Catherine. Inunderestimate daw ni Isadora si Scarlet before, yun pala ay ito ang magpapatibag sa relationship nila Rafael at Catherine. Si Estelle naman ay hindi daw nya alam na aabot sa ganon, pero she still cheered for Scarlet dahil pailalim daw ito kung umatake. Tuwang tuwa ang dalawa.



Nasabi ni Isadora na nagmana si Scarlet sa kanya nang kalandian at kapilyahan. Biglang sinabi ni Estelle na umaamin pala si Isadora na malandi sya, biglang deny agad si Isadora at dinenay din nya na nasabi nyang sa kanya nagmana si Scarlet nang kalandian at kapilyahan. Sinabi nalang ni Estelle na lasing na siguro si Isadora at parang sabik ito sa Bordeaux wine, deny ulit si Isadora pero halos sya na ang nakaubos nang bote nang wine at sinabi na madami syang ganoong wine pero pinamigay lang nya.

Si Rafael naman ay pumunta sa apartment nila Catherine at kausap si lola. Sinabi ni lola na hayaan muna ni Rafael humupa ang galit ni Catherine sa kanya at saka sila mag-usap, baka sakaling maniwala daw si Catherine sa mga paliwanag ni Rafael. Sinabi naman ni Rafael na hindi nya alam kung ano ang nangyari at wala syang mapapaliwanag, talagang hindi nya maalala kung ano ang nangyari. Hindi at wala syang intention na saktan si Catherine.

Pero ang sabi naman ni lola ay nasaktan parin ni Rafael si Catherine. Nagtiwala daw sya nang buong-buo kay Rafael na mamahalin at hindi sasaktan si Catherine, yun pala ay wala daw itong pagkakaiba kay Miguel, dahil pareho nilang niloko si Catherine. Medyo nalungkot naman si Rafael sa sinabi ni lola.

Si Catherine naman ay nasa kwarto nya at iyak nang iyak habang nakahiga sa kama. Naalala nya nung una nyang makitang magkayakap sila Rafael at Scarlet sa office; pati ang naganap na auction for a date na si Scarlet ang nanalo; at ang huli ay nang makita nya si Rafael at Scarlet na parang may nangyari. Pumasok si Louella sa kwarto ni Catherine at sinabi na ayaw paring umuwi ni Rafael kahit sinabi nyang ayaw ni Catherine na harapin sya, nagpupumilit parin daw ito.

Sinabi ni Catherine na ayaw nyang makarinig nang kahit na anong paliwanag na galing kay Rafael, wala din syang gustong isumbat dahil galit sya. Galit na galit daw si Catherine sa kanyang sarili dahil iniisip nyang iba si Rafael kay Miguel; at nagpakatanga sya, kinalimutan ang sarili, hinayaan nya na hamak-hamakin sya nila Estelle, Scarlet at Isadora. Nagtataka daw siguro sila lola at Louella kung bakit hindi sya lumalaban, kung bakit sya hindi umiimik kahit nasa lugar sya; nasaan na nga ba daw yung Kate na palaban at bakit nga ba nya binago ang sarili nya? – dahil daw iyon sa pag-ibig ni Rafael.

Kahit na alam nyang imposible ay ginawa nyang karapat-dapat sa isang katulad ni Rafael, sa isang kasing-linis nya. Mas pinili nyang managinip kesa magpakatotoo, ngayon ay nagising na sya sa isang napakalaking bangungot. Iyak nang iyak si Catherine at inalo naman sya ni Louella.

Nagkausap sila Sofia at Toby, napag-usapan nila ang nangyari kina Scarlet at Rafael. Hindi naniniwala si Toby na kayang gawin iyon nang kanyang kapatid, dahil ngayon pa daw na malapit na silang ikasal ni Catherine. Si Sofia naman ay sinasabi na wala sila doon ni Toby at minsan daw ay may nagagawa ang isang tao na hindi nila alam na magagawa pala nila. Sabi naman ni Toby na walang logic dahil ang dami-dami daw babaeng nagkakandarapa kay Rafael noon, pero kahit isa ay hindi ito nagpatukso, naghintay ito at nagtiyaga, at pinaglaban nang kanyang kapatid si Catherine.

Hindi na daw sila mga bata, sabi ni Sofia, totoong buhay na daw iyon at minsan kahit na yung pinakamamahal nila at pinagkakatiwalaan ay pwede silang biguin, kaya silang traydurin nang kahit sino. Parang nahalata naman ni Toby na parang iba ang sinasabi ni Sofia sa pinag-uusapan nila. Tinanong ni Toby kung may problema si Sofia sa bahay nila na hindi sa kanya sinasabi nito. Hindi nagsalita si Sofia at naiyak lang ito. Sabi ni Toby na kung may problema si Sofia ay idamay daw sya dahil boyfriend sya nito, at para saan pa daw ang pagmamahalan nila kung magkakanya-kanya sila. Sya ba daw ang problema ni Sofia, at ayaw na nito sa kanya? Hindi nagsalita si Sofia at nagwalk out nalang.

Si Scarlet naman ay kasama si Winnie sa isang bar at tuwang tuwa si Scarlet dahil sa ginawa nya kay Catherine. Sinabi ni Winnie na since nakaganti na si Scarlet kay Catherine ay magback to work na ito. Pero ayaw pa ni Scarlet bumalik sa office dahil gusto pa daw nyang magcelebrate. Kung dati daw si Catherine ay gold-digger in red, ngayon daw ay isa na itong girl in green, green with envy. Sabi naman ni Winnie na pagkatapos nilang magcelebrate ay bumalik na si Scarlet sa office at asikasuhin na ang company dahil nagpa-panic na daw ang mga investors nila. Si Scarlet naman ay sinabi kay Winnie na hindi babagsak ang stocks nang Dela Rhea Foods at sabihin daw sa mga investors nila na mag-relax daw sila, uminom daw sila nang wine instead of coffee para mabawasan daw ang nerbyos nila. Masayang masaya si Scarlet dahil sa ginawa nya kay Catherine.

Pag-uwi ni Isadora sa bahay ay naghihintay sa kanya si Sofia. Lasing nang dumating si Isadora sa bahay.

Sofia: Ma, are you drunk?

Isadora: Hindi, nakainom lang.

Sofia: At nagawa mo pa talagang uminom.

Isadora: Syempre naman! To celebrate good time, come on! Hahaha! Alam mo ba, ha, alam mo ba — nahuli ni Catherine si Rafael at saka si Scarlet na magkasiping! Naku, yung babaeng iyon talaga noh, hindi na nalayo-layo sa iskandalo.

Sofia: Bakit ka ba ganyan Ma? Bakit ba masaya ka kapag may nasasaktan?

Isadora: Ano ka ba? Hindi naman ako masaya kapag may nasasaktan, o sa lahat nang nasasaktan. Hindi ako sadista noh! Masaya lang ako kapag meron akong bad news na naririnig kay Catherine. Kay Catherine lang, dun lang!

Sofia: Bakit ba galit na galit kayo kay Catherine? Ano ba ang ginawa nya sa inyo Ma? Tungkol ba ito sa tatay nya? Tungkol ba ito kay Mang Rolando?

Isadora: (irritated) Bakit mo ba ako pilit na nili-link kay Rolando?

Sofia: You tell me, Ma. Bakit ba kayo sumama sa akin na dumalaw kay Mang Rolando? Bakit ganon nalang ang concern nyo? Magkakilala ba kayo?! May nakaraan ba kayo?! Sa Amadesto ba, Ma?! Ano bang sikretong tinatago nyo?!

Isadora: (got mad) HOY! HOY! TANTANAN MO NGA AKO SOFIA, HA?! Ano ba ako, ini-imbestigahan mo?!

Sofia: Ma, bakit ba defensive ka?

Isadora: Hindi ako defensive, offensive ka lang!

Sofia: Eh bakit ayaw mong sagutin yung mga tanong ko?!

Isadora: Hoy, hoy, hoy, Miss. Baka nakakalimutan mo ha, NANAY mo parin ako, ANAK lang kita. Now go to your room! Go! (Sofia went to her room.)

Kinabukasan sa office ni Rafael ay meron silang meeting regarding the outcome of their fund raising project. Inannounce na they gathered 3M, and they owe Rafael 2M of that amount dahil nag-bid si Scarlet sa kanya. Medyo nainis si Miguel on that part and na-awkward naman si Rafael kaya tinapos na ang meeting. Pagkaalis nang mga staff ay kinausap ni Rafael si Miguel at gusto sana nyang mag-explain sa nangyari, pero sinabi ni Miguel na hindi kailangan ni Rafael magpaliwanag. Sabi naman ni Rafael na sa tono daw nang pananalita ni Miguel ay parang gusto pa nito ang nangyari.

Wala daw syang pakielam kay Scarlet o kung ano ang ginagawa nito, sabi ni Miguel, dahil matagal na nyang gustong hiwalayan ito, wala daw syang pakielam kung sino ang gusto nitong ikama. Masaya lang daw sya dahil lumabas na ang tunay na kulay ni Scarlet at ni Rafael. Iniwan na ni Miguel si Rafael sa office.

Si Toby naman ay pumunta sa bahay nila Sofia at nagdo-doorbell pero hindi sya pinagbubuksan nang gate ni Sofia. Sumisigaw sa labas si Toby kay Sofia, at bakit ayaw daw sya nitong kausapin. Umupo nalang si Toby sa may gate at naghintay kay Sofia. Sumilip si Sofia sa may bintana at nakita nyang naghihintay si Toby sa may gate.

Si lola naman ay pilit inaaliw si Catherine at sinabing magbakasyon muna sila sa Amadesto at magpahinga muna si Catherine, ipahinga ang puso nito. Ayaw naman ni Catherine dahil ayaw na nyang magtago dahil hindi daw isang Scarlet ang magpapabagsak sa kanya. Tapos na daw syang umiyak at tuloy ang buhay. Alam naman daw ni lola na matatag si Catherine, dahil apo nya ito at mana ito sa kanya. Sumasaya na silang 3 nang biglang may kumatok sa kanilang bahay – si Miguel ang bisita. Nagpaalam muna si lola na pupunta sila ni Louella sa kusina (para magkausap sila Miguel at Catherine.) Pag-alis nila lola ay nagsalita si Catherine at sarcastic na kinausap si Miguel, kaya ba daw ito nagpunta doon ay para makiramay sa kanya? Huwag daw magkunwari si Miguel dahil alam nyang masaya ito sa lahat nang nangyayari sa kanya. (Catherine starts to cry.) Mahal daw nya si Rafael, pero trinaydor daw sya, sila Rafael at ang malanding asawa ni Miguel. Hindi makapagsalita si Miguel.

Habang naghihintay si Toby sa may gate ay dumating si Vernon at pinapapasok nya ito. Nakita iyon ni Sofia. Tinanong ni Vernon kung bakit nasa labas si Toby. Sinabi ni Toby na ayaw syang papasukin ni Sofia. Nagtanong ulit si Vernon kung nag-away ba daw sila. Sabi naman ni Toby na hindi nya maalala na nag-away sila, wala din syang maisip na ginawa nyang masama, hindi daw nya alam. Natawa naman si Vernon at sinabi kay Toby na mag-ina nga daw sila ni Isadora dahil pareho silang luka-luka. Biglang lumabas si Sofia at sinigawan si Toby na umalis na. Pinagtabuyan at pinagsabihan nang masasakit na salita ni Sofia si Toby. Dahil nasaktan, umalis din si Toby.

Pagpasok nila Vernon at Sofia sa bahay, kinausap ni Vernon si Sofia at sinabi na kawawa naman daw si Toby dahil pagkatapos nitong maghintay nang matagal ay hiniya-hiya ito ni Sofia nang ganon-ganon lang, at sa panahon ngayon ay mahirap daw humanap nang ganong klaseng lalake. Binalingan nang galit ni Sofia si Vernon at sinabi na hindi sya ang ama nya, in fact ay hindi nga nya ito kaano-ano and she thank God for that (biglang dumating si Isadora at narinig ang sinabi ni Sofia.) Pinagsabihan ni Isadora si Sofia dahil para daw itong walang respeto sa kanyang Tito Vernon. “Tito?” sarcastic na tanong ni Sofia, sabay walk out. Humingi nang dispensa si Isadora kay Vernon at ganon lang daw lately si Sofia, palaging inis, palaging galit hindi lang kay Vernon kundi sa lahat.

Kinabukasan ay naglu-lunch sila Estelle at Isadora sa isang restaurant at umuutang si Isadora kay Estelle. Sabi ni Estelle na kahit gusto nyang pautangin si Isadora ay hindi pwede. Nagtataka naman si Isadora kung bakit hindi pwede dahil close naman daw sila at marami naman daw itong pera. Sabi naman ni Estelle na she has a rule about friends and money, they should not mix dahil mag-aaway lang daw sila, and she’d rather keep her friendship with Isadora. Kahit masama ang loob at inis si Isadora ay wala namang syang magawa, kaya umagree nalang kay Estelle. Biglang nakaisip si Isadora at tinanong kay Estelle paano daw kung isanla nalang nya ang hacienda dito? Naisip naman ni Estelle na bilhin nalang nya ang hacienda kay Isadora – take it or leave it ang offer nya. Naisip ni Isadora na ibenta kay Estelle ang hacienda at pag ok na sya ay bibilhin nya ulit ito kay Estelle. Nakangiti lang si Estelle pero hindi sumagot kay Isadora. Medyo ninenerbyos naman si Isadora.

Habang nagtratrabaho si Catherine ay lumapit ang isa nyang kasamahan at inabot ang isang bouquet of flowers, may nagpadeliver daw para kay Catherine. Pinalagay nalang ni Catherine sa table at hindi nya pinansin kung sino at ano ang laman nang card. Biglang dumating si Scarlet kasama si Winnie at nakita ang bulaklak. Nang-aasar na tinanong si Catherine kung galing ba daw iyon kay Rafael?

Scarlet: Galing kay Rafael? Siguro humihingi sya nang sorry sa iyo. Bakit kaya? Kasi ako naman, I’m not sorry at all.

Catherine: Umalis ka na Scarlet! Kung ayaw mong ipakain ko sa iyo ang mga flowers na yan, ALL P5,000 OF IT!

Scarlet: Huwag mo namang sabihin sa akin na magpapadala ka sa flower arrangement na yan? Kung kay Papa nga milyones ang nahuthut mo bago ka bumigay, tapos ito, limang libong halaga nang bulaklak, magpapadala ka? Ang cheap mo. At isa pa, kung galing yan kay Rafael, tatanggapin ko, wala akong tatanggihan. (Scarlet laughs. Catherine is so pissed.) Masakit ba Catherine? Ha? At least ngayon, alam mo na ang pakiramdam nang inaagawan nang asawa. Mata sa mata, ngipin sa ngipin, laman sa laman.

Catherine: Walanghiya ka talaga Scarlet! Malandi ka! MALANDI!! (Scarlet’s lawyer arrived.)

Scarlet: Attorney! Mabuti at nandito ka para naman makita mo kung paano ako atakihin nang babaeng ito. Sige Catherine, ngayon subukan mo akong saktan. (Catherine wipe her tears.) Para sasampahan kita nang kasong physical injury! Gusto mo iyon? Makukulong ka nga lang. Kawawa ka naman, hahaha! (Miguel and his lawyer arrived too.)

Miguel’s lawyer: O, kumpleto na pala tayo eh. Ah, let’s start the meeting?

Scarlet: Ayokong magsimula hangga’t nandidito ang babaeng yan. Paalisin nyo yan dahil hindi kami magka-level!

Catherine: Talagang hindi tayo magka-level! Dahil mas MAKAPAL ang mukha mo sa mukha ko! Sobrang kapal nga nyang pagmumukha mo eh! SA LAHAT NANG GINAWA MO SA AKIN?

Scarlet: Dahil lang ‘yun sa lahat nang ginawa mo sa akin!

Catherine: So ano, magsisisihan nalang tayo?! Magbubuntunan nang sisi?! GROW UP SCARLET!

Scarlet: Aaayyy! Napipikon ka na! (Winnie, Scarlet’s lawyer and Miguel are so disappointed and felt ashamed.) Diba naglalaro lang naman tayo dito? Bahay-bahayan, yaman-yamanan? Agawan nang yaman, agawan pa pati nang asawa!

Scarlet’s lawyer: Ladies, ladies, please. This meeting is about the annulment case filed by Mr. Miguel Castillejos. This is not a boxing match.

Scarlet: Kung tungkol ito sa kaso namin ni Miguel, paalisin nyo ang babaeng yan dito! Sigurado akong madami dyang pwedeng magtake-down nang notes. PAALISIN NYO YAN!

Miguel’s lawyer: Mrs. Castillejos, Ms. Dela Rhea is not here as a paralegal. She’s here as a WITNESS.

Scarlet: (shocked) Anong witness?

Catherine: (laughs) Oo Scarlet, hindi mo ba alam ang bagong development sa annulment case nyo ni Miguel? Well, Miguel is seeking annulment for the grounds of ADULTERY. YOUR ADULTERY SCARLET. (Scarlet is so shocked and scared.) Ano Scarlet, panalo na ba ako? O gusto mo pang makipaglaro? (Scarlet starts to cry.)

Teasers:

- Narinig ni Sofia ang pag-uusap nila Isadora at Vernon. Kinukumbinsi ni Isadora na pirmahan ni Vernon ang mga papales para magpatunay na null and void ang kasal nila bago sya kinasal kay Don Victor, para mapatunayan din na legitimate syang Castillejos.

- Galit na galit si Scarlet kay Catherine at inuutusan ang kanyang lawyer na i-appeal ulit ang kaso laban kay Catherine dahil gusto nyang mabulok sa bilangguan si Catherine.

- Kausap ni Isadora si Estelle at sinasabi nyang hindi agad makakalimutan ni Catherine ang nangyari kina Rafael at Scarlet, may lamat na ang relasyon nang dalawa. At kahit anong may lamat ay mabilis na itong mabasag. Estelle is hoping the same thing with Isadora.

- Pinuntahan ni Lola Aura si Isadora. Sa labas nang bahay, sa may gate, ay sinabi ni lola na huwag daw kakalimutan ni Isadora na alam nyang walang bisa ang kasal nila ni Victor at hindi nya pwedeng ibenta ang hacienda, magkamatayan na daw sila ni Isadora. Sagot naman ni Isadora na magdahan-dahan daw si lola sa wini-wish nito, baka daw magkatotoo.

- Dumating sa bahay ni Scarlet ang inspector. Tinanong ni Scarlet kung totoo ba ang pinirmahan nitong report.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!