Google
 

Read the transcript of episode 57 of "Iisa Pa Lamang" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Habang pababa nang stairs si Catherine, hinahabol sya ni Scarlet.

Scarlet: Catherine! Catherine, hindi pa tayo tapos! Lalabanan kita, sinisigurado kong walang kahit na sinong judge ang maniniwala sa iyo dahil sirang sira na yang reputasyon mo! You’re just a liar! You’re just a WHORE!

Catherine: A whore?! Ows?! Scarlet, ako whore?! At least ako, hindi ko kailangang magbayad nang Php2M para lang may makipag-date sa akin. Nung una si Miguel binili mo, ngayon naman si Rafael.

Scarlet: Walanghiya ka!!

Catherine: Mas walanghiya ka!!!

Scarlet: HOME WRECKER!

Catherine: ADULTRESS!

Scarlet: SOCIAL CLIMBER!

Catherine: SLUT!

Scarlet: BLACK WIDOW!

Catherine: DESPERATE HOUSEWIFE FROM HELL!

(Scarlet slapped Catherine on the face. Catherine fought back and they had a fight. Miguel and the rest came to stop them.)
Scarlet: (crying) ANO MIGUEL, MASAYA KA NA HA?! ANONG AKALA MO, WALA KANG KASALANAN DITO?! IKAW ANG PUNO’T DULO NANG LAHAT NANG ITO! MAGBABAYAD KAYONG DALAWA! HINDI PA TAYO TAPOS! HINDING HINDI KO MAKAKALIMUTAN ANG ARAW NA ITO, LAHAT NANG GINAWA NYO SA AKIN! GAGANTIHAN KO KAYO! SINISIGURADO KONG HINDI KAYO MANANALO! AKO ANG MANANALO DITO!!

- Pumunta si lola sa bahay nila Isadora. Sa may gate ay nakasalubong sya ni Isadora at nagsimulang mang-asar kay lola. Sinabi ni lola ay huwag doong manglimos si lola dahil wala syang pera. Sinagot sya ni lola na kaya pala nya binebenta ang hacienda dahil wala syang pera. Nagulat si Isadora dahil nalaman na agad ni lola, “may pakpak ang balita, may tenga ang lupa. O sadyang chismosa ka lang?” sabi ni Isadora. Sinabi ni lola na walang karapatan si Isadora na ibenta ang hacienda, at iyon nalang daw ang naiwan na alaala nang kanyang ama.

Nang-asar na naman si Isadora at sinabing kung magsalita daw si lola ay feel na feel nitong Castillejos sya, anak lang naman daw ito sa labas. Hindi naman nagpatalo si lola at sinabing baka nakakalimutan ni Isadora na alam nya na walang bisa ang kasal nito kay Victor at lalong wala itong karapatan na ibenta ang hacienda dahil hindi ito kay Isadora. At kahit kailan ay hindi daw pwedeng ibenta ni Isadora ang hacienda, magkamatayan na daw sila. Tinakot naman ni Isadora si Lola at sinabing magdahan-dahan daw ito sa wini-wish nya, dahil baka magkatotoo. Pumasok na sa loob nang bahay si Isadora at iniwan si lola sa labas nang bahay.

Si Rafael naman ay naglalasing at sising-sisi sa nangyari. Naalala nya ang mga panahong pag may problema si Catherine ay sya ang pinupuntahan nito at sya ang parating nakaalalay sa kanya. Naiiyak si Rafael habang naalala kung paano nag-propose si Catherine sa kanya nang kasal. Naalala din nya nung gabing mahuli sila ni Catherine at galit na galit sa kanya ito.

Kinabukasan ay dumalaw si Rafael sa office ni Catherine at may dala syang flowers.

Rafael: (laid down the flowers on Catherine’s desk) Catherine…gusto ko lang sanang magpaliwanag sa iyo dahil sa nangyari doon kina Scarlet…

Catherine: (so mad) NO! Magpapaliwanag? Sige, sige! Nakikinig ako! Ipaliwanag mo nga sa akin Rafael? Sige! IPALIWANAG MO SA AKIN KUNG ANO YUNG NAKITA KO!

Rafael: Ang pagkakaalam ko, nalasing si Scarlet. Inakyat ko sya sa kanyang kwarto. Nung nagkamalay ako, nandoon na ako sa kama nya.

Catherine: Tapos? Wala kang naalala dahil naglasing ka!

Rafael: Wala akong naaalala, isang baso lang ang nainom ko.

Catherine: ISANG BASO LANG ANG NAINOM MO?! ALAM MO RAFAEL, HINDI AKO LALAKI PERO HINDI AKO TANGA! KUNG NAKAYA MONG SIPINGAN ANG BABAENG IYON, SANA KAYANIN MO DING UMAMIN SA AKIN SA LAHAT NANG KASALANANG NAGAWA MO!

Rafael: PAANO AKO HIHINGI NANG TAWAD SA ISANG BAGAY NA HINDI KO GINAWA?! NI HINDI KO NGA ALAM KUNG ANO ANG NANGYARI ‘NUN EH! KAYA NGA AKO NANDITO PARA MAGPALIWANAG! Mapapahiya ba ako sa lahat nang taong ito kung hindi ko sinasabi ang katotohanan? (Because they’re in the office.) Hindi kita gustong saktan Catherine, kaya ako nandidito. Sana maniwala ka sa akin, ikaw ang huling babaeng gusto kong saktan at hindi kita gustong saktan kahit na kailan, dahil mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita Catherine. (Catherine is not looking at Rafael.)

Tingnan mo ako sa mata ko. (Catherine won’t look.) TINGNAN MO AKO! (Catherine got scared because Rafael yelled at her and she starts to look at him.) Sana makita mo rin na minamahal kita. Sana makita mo rin na hindi ako nagsisinungaling sa iyo. (Rafael is teary eyed.) Damhin mo itong puso ko. Pakinggan mo yang puso mo. At sana marinig mo kung gaano ako katapat sa iyo. Buksan mo ang puso mo, at alam kong sa loob nyan nakikita ko rin na mahal na mahal mo ako. (Catherine starts to cry. Rafael moved closer and touched Catherine’s face.) Hindi ka pwedeng mawala sa akin Catherine. Mahal na mahal kita. Hindi ako pwedeng magsinungaling sa iyo. Mahal na mahal kita. Patawarin mo ako sa mga nangyari. (They hug each other with tears in their eyes.)

- Pumunta si Estelle sa bahay ni Isadora. Pinagbili na ni Isadora ang hacienda kay Estelle at inabot na nya dito ang titulo. Pagbasa ni Estelle nang titulo, nakita nya na co-owner si Victor at Aura sa hacienda. Nagulat si Isadora, hindi sya agad nakapagsalita at nakapag-react. Sinabi ni Estelle na hindi pwedeng ibenta ni Isadora ang hacienda kung walang consent ni Aura.

- Pag uwi ni Catherine sa kanilang bahay ay kasama nya si Rafael. Tinanong sya ni Louella kung bati na sila ni Rafael. Sinabi ni Catherine na nakapag-usap na sila ni Rafael at tuloy ang kanilang kasal. Natuwa naman si Lola sa narinig at sinabing ang lahat naman ay nadadaan sa mabuting usapan, mali na magdesisyon kapag galit. Inalala naman ni Catherine na baka gabihin si Rafael kaya pinauwi na nya ito. Nagpaalam si Rafael kina lola at saka humalik din kay Catherine bago ito umalis.

Tuwang tuwa sila lola sa magandang nangyari kina Rafael at Catherine. Sinabihan ni lola na huwag silang magpuyat ni Louella (dahil alam nyang mag-chichikahan pa ang dalawa.) Pag-akyat ni lola ay sinabi ni Louella na buti nalang daw at hindi nasayang ang binili nyang damit para sa kasal nila Catherine. Hindi parin masyadong ngumingiti si Catherine kahit ok na sila ni Rafael. Sinabi ni Louella na alam nyang hindi matitiis ni Catherine si Rafael at akala nya ay she will hate him forever. Sabi naman ni Catherine na hindi pwedeng mangyari iyon dahil mahal na mahal nya si Rafael. Tama daw ang sinabi sa kanya ni lola, tanga na kung tanga, pero tao din si Rafael na nagkakasala at nagkakamali.

Medyo nakuha naman ni Louella na ang ginawa ni Catherine ay pinatawad lang si Rafael pero hindi sya naniniwala sa paliwanag nito. Sabi naman ni Catherine na hindi sya kumbinsido na walang maalala si Rafael. Sana daw ay gumawa ito nang dahilang mas kapani-paniwala. Si Louella naman ay sinabi kay Catherine na sa tingin nya ay nagsasabi nang totoo si Rafael dahil matalino daw ito at sana ay nag-isip nalang ito nang iba pang rason para maniwala si Catherine. Medyo naguguluhan na si Catherine at sinabing tama na daw siguro na hindi nya hiniwalayan si Rafael, at pakakasal naman sya. Si Louella naman ay medyo nagre-react dahil ano daw klaseng relasyon iyon kung sa umpisa palang ay wala nang tiwala si Catherine sa mapapangasawa nya at baka mapraning daw si Catherine.

Hindi naman maipaliwanag ni Catherine kay Louella at sinabi na nya na basta ang alam nya ay mahal nya si Rafael, pero ngayon ay mamahalin nya ito nang nakabukas ang mga mata nya at hinding hindi na sya papayag na magbulag-bulagan sa pag-ibig.

- (Back to Estelle and Isadora) Sinabi ni Estelle na hindi pwedeng ibenta ni Isadora ang hacienda kung walang consent ni Aura. Kahit ninenerbyos ay sinabi ni Isadora na meron syang power of attorney, at inabot nya ang papers kay Estelle. Nagulat naman si Estelle at naitanong kung talagang ginawa iyon ni Aura at kailan daw?

Gustong magpalusot ni Isadora at sinabing hindi na nya matandaan, ang alam lang daw nya ay noon daw ay nagipit ito sa pera, kaya ito nakuha ni Victor. Medyo nagtataka parin si Estelle at may pagdududa. Tinanong sya ni Isadora if they have a deal. Biglang nagbago ang isip ni Estelle at sinabi kay Isadora na she will think about it again dahil malaking pera din naman ang concerned. Sabi ni Estelle na kukunin nya muna ang mga documents habang pinag-aaralan nya ito. Pumayag naman si Isadora.

- Pumunta si Estelle sa office ni Rafael. Hinintay muna ni Estelle na matapos si Rafael sa kanyang kausap na staff. Napansin ni Rafael na matyagang naghihintay si Estelle sa kanya at tinanong nya kung may problema ba ito. Tinanong ni Estelle si Rafael tungkol sa pagdedemanda ni Aura kay Isadora dahil sa hacienda.

Sinabi ni Rafael na kino-contest daw ni Lola Aura ang papeles na hawak ni Isadora dahil malaki ang possibilities na hindi legal ang kasal nito kay Don Victor, at bilang isang Castillejos (si Lola Aura) ay may karapatan ito sa hacienda. Naitanong din ni Estelle kung hindi ba daw pinamahan si Lola ni Don Castillejos bago ito namatay? Sinabi naman ni Rafael na pinamahan si lola nang kapirasong lupa sa gilid nang hacienda. Biglang naiba na ang usapan nila dahil masayang binalita ni Rafael sa ina na nagkaayos na sila ni Catherine at tuloy na ang kasal.

- Kinabukasan ay pumunta si Estelle kina Isadora. Akala ni Isadora ay sasama sa kanya si Estelle para mag-mahjong, pero sinabi ni Estelle na may family dinner pa sila. Naintriga naman si Isadora at tinanong kung saan ang kanilang family dinner. Sinabi ni Estelle na mamamanhikan sila kina Aura. Sabi naman ni Isadora na totoo pala ang narinig nyang chismis na nagkabalikan na sila Rafael at Catherine, at talaga daw hindi papakawalan ni Catherine si Rafael dahil madami daw itong mahuhuthot.

Sinabi naman ni Estelle na hindi nya alam kung ano ang nangyari sa dalawa dahil parang kinalimutan lang lahat ni Catherine at maski sya ay nagtataka. Sabi naman ni Isadora kay Estelle na hindi basta-basta makakalimutan ni Catherine ang nangyari between Rafael and Scarlet, kasi hindi naman daw ganon kadali ibalik ang tiwala sa isang tao, at siguradong may lamat na ang kanilang relasyon. At kahit anong may lamat ay mabilis na itong mabasag. Si Estelle naman ay hoping din na magkatotoo ang sinabi ni Isadora. Ayaw na daw nyang magsalita dahil para na daw syang kontrabida sa buhay ni Rafael at hindi na din nya ito mapagsabihan pa dahil lalo itong magmamatigas.

Dagdag pa ni Estelle na kahit ang anak nya ang may kasalanan (sa nangyari sa kanila ni Scarlet) ay wala pa din daw syang ka-amor-amor kay Catherine dahil she’s just too wrong for Rafael. Ginatungan pa ni Isadora si Estelle at sinabing dapat daw ay wala sa kanilang anak ang makatuluyan ni Catherine dahil mababa daw ang uri nito.

- Sa bahay naman ni Scarlet ay nandoon si Winnie at ang kanyang lawyer. Nagagalit si Scarlet at sinasabihan ang lawyer na dapat gumawa ito nang paraan dahil hindi sya papayag na basta lang maiisahan ni Catherine. Gusto ni Scarlet na ipabuksan ulit ang arson case. Sabi naman ni Winnie na na-dismiss na ito and it’s time to give up. Nagalit si Scarlet at pinagmalaki na hindi sya nag-gi-give up. Galit na galit si Scarlet at sinabihan ang lawyer na gawin nito ang lahat para mabulok si Catherine sa bilangguan.

- That night ay namanhikan sila Estelle, Toby at Rafael sa bahay nila Lola Aura at Catherine. Masaya naman si Estelle at masuyo pa kay Lola Aura. Sinabi pa nya na ang sugpo at paella ay pina-cater pa nila dahil suggestion iyon ni Rafael dahil alam nyang paborito ito ni Catherine (she also calls lola as ‘balae.’) Si Lola naman ay pinagmalaki na nagluto sya nang kaldereta para matikman nila ang especialty nya.

Sinabi ni Louella kay Catherine na ang lahat nang handa ay paborito nito kaya kumain daw ito nang marami. Sinabi naman ni Catherine na nagdi-diet sya. Sabi naman ni Toby na hindi na kailangan dahil sexy na daw si Catherine. Medyo nahihiya si Catherine pero pinasalamatan nya si Estelle sa pagpunta nito, ang kanyang lola, ganon na din sila Louella at Toby. Masaya daw sya dahil ni minsan ay hindi nya naisip na magkakasama sila sa ganon klaseng okasyon. Masayang nagsimulang kumain ang lahat.

- Pagkatapos kumain ay lumabas sila Estelle at Aura para makapag-usap. Sinabi ni lola na siguro daw ay mas maganda kung sa Amadesto gaganapin ang kasalan, tutal doon naman nagkakilala sila Catherine at Rafael. Napuna at nasabi naman ni Estelle na talagang malapit sa puso ni Aura ang Amadesto. Sabi naman ni Aura na oo dahil doon sya pinanganak, doon nakapangasawa, nagkaanak at nagka-apo. Naitanong ni Estelle kung malaki ang pinamana kay Aura, sabi naman ni lola ay hindi naman, yung parteng gilid nang hacienda na may bahay na maliit, yun lang naman daw ang kailangan nilang mag-ina at hindi na sila nakipaglaban sa higit pa doon.

Nabanggit din ni lola na iyon ang kanyang ipinaglalaban ngayon. Nagtanong ulit si Estelle, dahil since anak si Aura ni Don Amadeo (Castillejos) ay wala pa ba daw itong ibang napamana dito? Sabi naman ni lola na iyon lang maliit na lupa at sapat na iyon para sa kanila. Biglang tinanong ni Estelle kay lola kung paano na si Isadora.

Nabanggit ni lola kay Estelle na parang questionable ang kasal nito sa kapatid nyang si Victor. May usap-usapan daw kasi na kasal pa si Isadora sa ama ni Miguel nung magpakasal ito kay Victor (nakikinig mabuti si Estelle at mukhang may iniisip.) Nag-urirat muli si Estelle at tinanong si Aura kung hindi ba daw sya pinamahan ni Victor bago ito namatay, wala ba daw itong pinapirmahan kay Aura? Sabi naman ni Lola Aura na wala, naitanong nya kay Estelle kung bakit. Sinabi naman ni Estelle na wala naman daw, nagtataka lang sya (kung bakit may power of attorney si Isadora. Huli sya! – Ara)

- Sa loob naman nang bahay ay malalim ang iniisip ni Toby at napansin iyon ni Catherine. Tinanong nya si Toby kung may problema ito. Hindi naman kumibo si Toby. Sinabi ni Catherine na kung hindi nya kilala si Toby ay iisipin nyang hindi ito sang-ayon sa kasal nila ni Rafael. Natawa naman si Toby at tinanong kung bakit naman ganon ang iniisip ni Catherine. Dahil daw naka-sambakol ang mukha ni Toby, sagot ni Catherine. Sabi naman ni Toby na wala daw iyon at may iniisip lang sya. Hinulaan ni Catherine na tungkol ito sa babae. Natawa naman si Toby at tinanong kung bakit iyon ang inisip ni Catherine.

Sagot ni Catherine na sa mga lalake at sa ganong edad katulad ni Toby, dalawang bagay lang naman ang pinoproblema, kundi sa magulang ay babae. Sa tingin naman daw ni Catherine ay ok sila nang kanyang mommy, so ang hula nya ay babae nga. Biglang naging serious na si Toby at inamin na si Sofia ang problema nya, hindi daw nya ito ma-gets — isang araw ay ok sila, isang araw ay parang sya na ang pinakamasamang tao kay Sofia, ganon ba daw talaga ang mga babae? Sabi naman ni Catherine na malapit na syang ikasal kay Rafael at pag nangyari iyon ay magiging kapatid na sya ni Toby.

Huwag daw sanang mamasamain ni Toby ang sasabihin nya, pero mas mabuting kalimutan nalang ni Toby si Sofia. Naguluhan naman si Toby at tinanong nya si Catherine kung bakit. Sabi ni Catherine na dahil anak ni Isadora si Sofia at hindi maganda na ma-involve si Toby sa ganong klaseng pamilya. Biglang naibato ni Toby ang question kay Catherine – na bakit sya kay Miguel? “Tingan mo naman kung ano ang nangyari sa akin”, sagot ni Catherine, binabalaan lang nya daw si Toby bilang Ate nito, kalimutan na daw nya si Sofia dahil masasaktan lang ito.

- Kinabukasan ay nalaman ni Scarlet na nagkabalikan na sila Catherine at Rafael. Galit na galit sya dahil paano daw nangyaring nagkabalikan nang ganon-ganon lang ang dalawa pagkatapos nang ginawa nya. Ano ba daw talaga ang meron si Catherine at bakit hindi ito mabuhay nang walang lalake? Pinapa-relax sya ni Winnie, pero lalong nagalit si Scarlet dahil sunod-sunod na bad news ang dinadala nila sa kanya. Sabi naman ni Winnie na kaya sila nandoon ni Atty. Tamayo dahil may good news silang sasabihin kay Scarlet.

Sinabi ni Atty. Tamayo na nakausap nya ang inspector at pera lang pala ang naging katapat nito, inalok daw nya nang milyon ay mabilis pa sa ibon itong kumanta. Natutuwa si Scarlet at tinanong si Atty. Tamayo kung ano ang sinabi nang inspector. Sinabi nang lawyer na bakit hindi nalang daw si Scarlet ang mismong magtanong dito? Sinama pala nila ang inspector at pumasok ito sa bahay ni Scarlet. Pagpasok nang inspector ay tinanong sya agad ni Scarlet kung totoo ang pinirmahan nitong report. Agad na sumagot ang inspector na hindi ito totoo, binayaran lang sya para i-falsify ang report at gawing faulty wiring instead of arson ang naging dahilan nang nangyaring sunog.

Tinanong ni Scarlet kung sino ang nagbayad sa kanya. Sinabi nang inspector na ang executive assistant daw ni Rafael ang nagbayad, at kahit daw sa dilim ay kilala nya ito, sakay daw ito sa sasakyan ni congressman. Si Cong. Torralba daw ang nasa likod nang pagsusuhol sa kanya. Matapos malaman ang lahat, tinanong ni Winnie si Scarlet kung ano ang balak nya. Sabi ni Scarlet na gagamitin nya ito laban kay Catherine. Nag-alala naman si Winnie na madadamay si Rafael at wala naman daw itong kasalanan kay Scarlet. Galit si Scarlet at sinabing madamay na kung sino ang madadamay, basta masira lang nya ang buhay ni Catherine.

Teasers:

- Nakipag-usap si Sofia kay Toby at may inabot sya dito. Umiiyak na sinabi ni Sofia na mabuti na daw na clean slate na sila ni Toby para hindi na daw sya masumbatan nito, dahil makikipag-break na sya.

- Pumunta si Estelle sa bahay ni Isadora at sinabi nya na nagbago na ang isip nya at hindi na nya bibilhin ang hacienda.

- Nagkaroon nang meeting ang both parties (with their lawyers) nila Aura at Isadora. Sinabi ni lola na magbalot-balot na daw si Isadora dahil malapit na itong mapatalsik sa Amadesto. Sabi naman ni Isadora na kahit kailan daw ay hindi sya mapapaalis sa lupa nya, at si Aura daw ay dumi lang sa paningin nya. Sabi naman ni lola na ang duming iyon, balang-araw ay ang syang makakapuwing kay Isadora.

- Nagkausap muli sila Scarlet at lawyer nya para sa kaso nyang adultery. Sinabi ni Scarlet na she did not commit adultery. Suggestion naman nang lawyer nya na sabihin ito ni Scarlet sa judge para ma-convince nila na wala syang kasalanan. Sabi naman ni Scarlet na pag ginawa nya iyon ay mawawalan nang effect ang lahat nang paghihiganti nya kay Catherine. Sabi naman ni Winnie, mamimili lang daw naman si Scarlet – si Miguel or si Catherine.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!