Google
 

Read the transcript of episode 73 of Iisa Pa Lamang courtesy of Pinoy TV Junkie.

- Pagkatapos mapanood ni Isadora ang sinabi ni Scarlet sa tv, iba ang ngiti nya nang tumingin kay Vernon. Alam na ni Vernon kung ano ang iniisip ni Isadora. Sinabi naman ni Isadora na since kailangan nila nang pera, si Scarlet ay magbibigay nang 5M, at si Vernon lang ang nakakaalam kung nasaan si Catherine – may instant 5M na daw ito. Sabi naman ni Vernon na hindi papayag si Miguel. Ang plano naman ni Isadora ay hindi nila sasabihin kay Miguel, bigla nalang daw silang pupunta doon at dudukutin si Catherine - tapos ay biglang yaman na sila ulit. Medyo parang nagustuhan naman ni Vernon ang idea ni Isadora.


- Si Rafael naman ay agad pumunta sa bahay ni Scarlet para awayin sya dahil sa ginawa nito. Galit na galit si Rafael at sinisigawan si Scarlet, tinatanong kung bakit nya ginawa iyon. Sabi naman ni Scarlet na she’s just being a good citizen at gusto lang nyang tulungan ang mga pulis.

Rafael: Bakit mo ba pinapahirapan si Catherine?! Gaano ba kalaki ang galit mo sa kanya?!

Scarlet: Malaki! 5 MILLION PESOS WORTH!

Rafael: Hindi ka ba makuntento at diniin mo pa sya sa korte?!

Scarlet: Excuse me Rafael, hindi ko sya diniin sa korte! I just told the truth, the whole truth and nothing but the truth, Rafael!!

Rafael: Yeah right, I’ve heard that line before.

Scarlet: Hindi ko kasalanan kung nagpunta ako sa bahay mo noon! In fact, ikaw ang may kasalanan nito dahil ikaw ang nagpapunta sa akin sa bahay mo nung araw na iyon!

Rafael: HINDI KITA PINAPUNTA!

Scarlet: Don’t you remember?! Meron tayong appointment sa doctor, kaso lang male-late ka kaya mo pinasabi kay Isadora na doon tayo magkikita sa bahay mo, kaya DOON AKO NAGPUNTA!

Rafael: Look, wala akong sinasabi kay Isadora, ok? At kung may ipaparating ako sa iyo, hindi ko na uutusan si Isadora! (Scarlet was so shocked. She remembered the time when she and Isadora talked about joining forces to put Catherine down. She also remembered when Isadora called and told her to go at Rafael’s house; only to find Catherine with Estelle’s blood and lifeless body. And the time in court when she accused Catherine as the murderess in yellow.)

(That night in her room…)

Scarlet: (thinking) “Plinano ni Isadora ang lahat nang yun. Ibig bang sabihin nito, may kinalaman si Isadora sa pagbaril kay Tita Estelle?

- Kinabukasan, naghanda nang breakfast si Miguel. Lumabas si Catherine sa kwarto at binati sya ni Miguel. Pumunta si Miguel sa kitchen para kumuha nang tubig. Kumuha nang pagkakataon si Catherine na wala si Miguel, para kumuha nang knife (steak knife lang – Ara) Dali-dali nyang tinago iyon bago pa dumating si Miguel. Pagdating ni Miguel ay masaya nyang kinakausap si Catherine, pero si Catherine ay tinanong si Miguel kung ano ba ang ginagawa nila doon, nagbabahay-bahayan? Sinabi ni Catherine na huwag nang mag-ilusyon si Miguel dahil tapos na sila at wala na itong pag-asa. Mahinahon naman syang sinagot ni Miguel at sinabing nagmamagandang loob na nga sya pero iniinsulto pa daw sya ni Catherine, ano ba daw ang gusto ni Catherine? Sinagot sya nang diretso ni Catherine at sinabing gusto nyang lumabas doon at lumayo kay Miguel. Hindi naman sya pinayagan ni Miguel at sinabing ginagawa nya iyon for her own good. Ikinumpara naman ni Catherine na walang pinagkaiba doon sa bahay na iyon at ang kulungan nya sa presinto.

- Pinuntahan ni Scarlet si Isadora sa bahay nito. Habang sine-serve ni Isadora si Scarlet nang drinks, impressed sya kay Scarlet dahil magbibigay ito nang 5M para sa reward kay Catherine, paano daw ike-claim ang prize, cash or check? Sabi naman ni Scarlet na ang daming tanong ni Isadora, tutulong ba daw ito sa paghahanap? Sagot naman ni Isadora ay “syempre naman” dahil ang laki-laki daw nang reward ni Scarlet, at sisiguraduhin nya na sya ang makakahuli kay Catherine (calling her as “pugante”= fugitive), at ano daw ang gusto ni Scarlet – dead or alive? Hindi naman sumagot si Scarlet, nakatingin lang kay Isadora. Tumawa lang si Isadora at sinabing joke lang iyon, gusto daw nyang makuha si Catherine nang buong-buo at hindi nya ito sasaktan, nang sa ganon ay makulong ito at lalo itong mahirapan, tutal iyon naman daw ang gusto ni Scarlet. Biglang tumayo si Scarlet at tinanong si Isadora kung bakit sya pinapunta sa bahay ni Rafael nung gabing iyon. Sagot ni Isadora na sabi daw iyon ni Rafael na doon sila magmi-meet. Sinabi na ni Scarlet kay Isadora na nakausap nya si Rafael at wala daw itong sinasabing ganon, tinanong nya si Isadora kung plinano na iyong lahat. Pabalik na tanong ang sinagot ni Isadora, kung gusto ba daw talagang malaman ni Scarlet ang sagot sa lahat nang mga tanong nya? Hindi makakibo o makasagot si Scarlet kay Isadora, may takot ito sa mukha. Dagdag pa ni Isadora na sasagutin nya si Scarlet dahil alam nyang magkakampi sila, at isa lang naman ang goal nila sa buhay – ang sirain si Catherine, at iyon din naman ang gusto ni Scarlet. Tinanong ni Scarlet kung totoong si Catherine ang bumaril kay Estelle, sinagot sya ni Isadora na “hindi”, nagtanong ulit si Scarlet kung sino, sinagot naman sya ni Isadora nang “ako.” Halos maiyak si Scarlet nang malaman ang totoo dahil nasho-shock ito. Sinabi ni Isadora na nagiging perwisyo na sila Estelle at Catherine, kaya pinagsama na nya ito para sa isang bonggang-bonggang solusyon. Shocked parin si Scarlet at tinanong si Isadora na bakit nya sinasabi sa kanya ang mga iyon? Sabi naman ni Isadora na alam nyang hindi magsusumbong si Scarlet sa mga pulis, alam din nya na kakampi nya ito, na magkasabwat silang dalawa. Takot na takot si Scarlet kay Isadora. Dagdag pa ni Isadora na hindi maniniwala ang mga tao na walang alam si Scarlet, kaya hindi daw ito magsusumbong sa mga pulis dahil pag nagsumbong si Scarlet ay maaabsuwelto si Catherine at pag naabsuwelto si Catherine ay lalaya ito, at alam nyang hindi daw ito gusto ni Scarlet. Sabi pa ni Isadora na naalala nyang sinabi sa kanya ni Scarlet na “that the enemy of my enemy is my friend.” Naiiyak lang si Scarlet sa takot. Hinawakan ni Isadora ang kamay ni Scarlet at sinabing “so…my friend, I know you will keep my secret. I trust you.”

- Tumawag naman si Vernon kay Miguel para sabihin na ready na ang mga passports nila at dadalhin nya ito mamayang gabi. Si Miguel ay gamit lang ang pay phone sa tindahan. Kinamusta ni Vernon ang kalagayan nila Miguel, kung wala ba daw nanggugulo. Sagot naman ni Miguel na wala naman. Pinapasigurado ni Vernon kay Miguel na dapat ay walang makakakita kay Catherine, itago daw itong mabuti at huwag magtitiwala kahit kanino. Pagbaba nila nang phone ay napanood naman ni Miguel ang sinabi ni Scarlet sa tv at ang pagbibigay nito nang reward.

- Si Marco naman ay kausap ang mga tauhan at alam na nya ang reward na nakalaan kay Catherine. Sabi ni Marco na sa laki daw nang utang sa kanya ni Catherine ay sya dapat ang makinabang doon. Tinanong naman sya nang isang tauhan kung saan hahanapin si Catherine. Sagot naman ni Marco na hindi nya alam, pero alam nya kung sino ang nakakaalam.

- Habang nagba-basketball si Vernon sa gym, dumating si Marco at mga tauhan nya. Akala ni Vernon ay may ipapagawa sa kanya si Marco. Biglang tinanong ni Marco kay Vernon kung nasaan si Catherine. Nagmaang-maangan naman si Vernon. Inulit ulit ni Marco ang tanong. Dinenay naman ulit ni Vernon at sinabing hindi nya alam kung nasaan si Catherine. Pinaulit sa kanya ni Marco ang sagot nya. Sinabi ulit ni Vernon na hindi nya alam kung nasaan si Catherine. Biglang sinabi ni Marco na wala daw sa tono (ang pagkanta ni Vernon) out of tune daw, inutusan ni Marco ang mga tauhan na ‘pakantahin nang may tono’ si Vernon. Binugbog nang mga tauhan ni Marco si Vernon. Nagmakaawa si Vernon kay Marco. ‘Pinapakanta’ ni Marco si Vernon.

- Sa bahay naman ni Rafael ay kausap nya ang assistant at sinasabi na kailangan nilang unahan ang lahat nang humahanap kay Catherine dahil doon lang nya masisiguro na hindi ito masasaktan. Suggestion naman nang kanyang assistant na doblehin ang kanilang investigators. Naisip naman bigla ni Rafael si Miguel, dahil kasabay nitong nawala si Catherine. Sinabi ni Rafael na nakakasiguro syang magkasama silang dalawa, at nakakasiguro din sya na alam ni Isadora kung nasaan si Miguel. Inutusan ni Rafael ang assistant na magkaroon nang 24-hour surveillance kay Isadora, dahil sigurado si Rafael na si Isadora ang susi nila para mahanap si Catherine.

- Nagpunta naman si Sofia sa bahay nila Toby. Nasa labas ito at nagmumukmok. Sinabi ni Sofia na hinanap nya ito sa school pero hindi ito pumasok, kinamusta ni Sofia si Toby. Sarcastic naman si Toby kay Sofia at sinabing dahil ba daw binugbog sya ni Vernon? Hindi daw ang isang patapon na criminal lang ang makakapagpabagsak sa kanya. Nagsorry si Sofia kay Toby at tinanong kung mapapatawad sya nito. Sagot ni Toby na hindi nya alam, sabay walk out. Naiyak lang si Sofia.

- That same night, tinawagan naman ni Isadora si Vernon dahil gusto na nyang puntahan nila si Miguel. (Puro pasa ang mukha ni Vernon) Sinabi ni Vernon na naharang sya nila Marco at hindi sya tinigilan hangga’t hindi nya sinasabi kung nasaan sila Catherine. Nag-alala naman si Isadora na baka sinabi ni Vernon. Sabi naman ni Vernon na walang syang nagawa dahil pinagtulungan daw sya. Tinawag ni Isadora na bobo si Vernon dahil sa inis, pwede naman daw kasi itong magsinungaling. Nagpasya si Isadora na pupuntahan nalang nya si Miguel at kailangan nyang maunahan sila Marco.

- Si Rafael naman ay kausap ang kanyang assistant (si Neil – salamat, nalaman ko din ang pangalan – Ara) sa phone at tinatanong kung ano na ang balita tungkol kay Isadora. Sinabi ni Neil na nakasunod parin sila kay Isadora. Nagbilin si Rafael na huwag lulubayan si Isadora at sundan nila ito kahit saan ito magpunta, tinanong ni Rafael kung ano ang exact location nila para susunod sya.

- Si Miguel naman ay kinakatok si Catherine sa kwarto para kumain dahil hindi na ito kumain buong araw. Sinabi nalang ni Catherine na susunod sya kay Miguel. Pag alis ni Miguel sa may pintuan ay hinarangan ni Catherine nang silya ang pintuan nang kanyang kwarto para hindi makapasok agad si Miguel. Ginamit nya ang nakuhang kutsilyo para maalis ang trangka (=latch or the one that fastens the lock.) Nakatakas si Catherine.

- Si Marco at tauhan nito ay parating na rin. Nagkasalubong si Marco at Catherine.

Marco: Tingnan mo nga naman pag sinusuwerte. Kinakarma ka. Ang pusang pinaghahanap nang lahat, ako ang nakakita dahil sa milyong nakapatong sa ulo mo.

Catherine: (scared) Kung tungkol ito sa utang ko sa iyo, mababayaran kita, pinapangako ko.

Marco: Kahit ilang milyon pang handicrafts ang gawin mo sa loob nang kulungan, hindi mo ako kayang bayaran.

Catherine: Hindi mo naiintindihan. Yung…yung pera mo, ininvest ko sa stocks nang Dela Rhea Foods, napakataas nang stocks ngayon.

Marco: Masyadong complicated ‘yun! Gusto ko nang quick money! Ang perang makukuha ko sa life insurance mo, at ang limang milyong nakapatong sa ulo mo na manggagaling kay Scarlet.

Catherine: (shocked) Scarlet?

Marco: Magbibigay sya nang pabuya, nang reward money sa kung sino man ang makakahuli sa iyo. Pero wala syang binanggit kung patay o buhay. Kanya-kanyang diskarte nalang ito. Kaya para sa akin, (pointed the gun on Catherine) mas maganda kung patay ka.

- Nagmakaawa si Catherine kay Marco. Babarilin nalang sana ni Marco si Catherine pero biglang dumating si Miguel at binaril si Marco sa may balikat. Tinakas ni Miguel si Catherine. Nagpaulan nang bala ang mga tauhan ni Marco pero hindi tinamaan sila Miguel at Catherine. Galit na galit si Marco at sinundan/hinabol nalang nila sila Miguel. Dumating naman si Rafael, kasama ang ilang bodyguards at si Neil. Pagbaba nila nang kotse ay nakarinig sila nang putukan. HInahabol parin sila Miguel nang mga tauhan nila Marco at nakabaril/nakapatay sya nang ilan. Hanggang sa ma-corner sya ni Marco at tinutukan sya nang baril para patayin. Biglang dumating sila Rafael at hinuli si Marco. Tinanong ni Rafael si Miguel kung nasaan si Catherine at sinabi ni Miguel na nakatakbo ito pero hindi nya alam kung safe ito. Sabi naman ni Rafael na kailangan nilang mahanap si Catherine, alam ni Miguel na hindi pa nakakalayo si Catherine kaya sinabi kay Rafael na kailangan na nilang kumilos. Dumating si Neil at sinabing parating na ang mga pulis. Nagsorry si Rafael kay Miguel dahil tinulungan nitong tumakas si Catherine, kaya he needs to turn him in.

- Si Isadora naman ay nandoon na din sa location at nakasalubong nya ang tumatakas na si Catherine. May dalang baril si Isadora.

Isadora: Hahaha! Fancy meeting you here.

Catherine: (panting) Huwag mong sabihing hinahanap mo rin ako?

Isadora: Wow, feeling in demand ka ha? Pero in fairness, popular ka na, (Isadora pointed the gun on Catherine) ang daming naghahanap sa iyo. At syempre naman, hindi ako magpapahuli dahil napakarami kong incentives – 5 million incentives! Hahahaha!

Teasers:

- Sobrang nag-aalala sila Sofia at Louella para kay Catherine. Hindi alam ni Sofia kung ano ang gagawin ni Scarlet pag nasa kamay na daw nito ang kanyang Ate Catherine. Nasisigurado naman ni Louella na hindi maganda.

- Dineliver ni Isadora si Catherine kay Scarlet. Nakagapos at may takip ang bibig ni Catherine. Binigay ni Scarlet ang check kay Isadora, naka-ready na daw iyon sa bangko. Ipinaalam pa ni Isadora kay Scarlet na ang kasama ni Catherine ay si Miguel, at may plano daw silang tumakas. Binubuyo ni Isadora na patayin ni Scarlet si Catherine. Binigay ni Isadora ang baril kay Scarlet at iniwan na silang dalawa ni Catherine. Galit na galit si Scarlet kay Catherine at tinutukan ito nang baril at sinabing “mga walanghiya talaga kayo!!!” Kahit hindi makapagsalita (dahil may takip sa bibig) ay sa mukha ni Catherine ang nagmamakaawa.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!