Google
 

Read the transcript of episode 76 of "Iisa Pa Lamang" courtesy of Pinoy TV Junkie.

(Ang nakaraan: Ipinagtapat na ni Sofia kay Catherine na si Isadora ang pumatay sa kanilang ama.)

- Inabot na nang umaga ay naghihintay parin si Isadora kay Sofia sa Amadesto. Halos maiyak-iyak si Isadora habang naghihintay at nagmumuni-muni, naisip nya kung paano sya naging (masamang) ina kay Miguel at naalala nya yung mga panahong bata pa si Miguel at pinapagalitan nya ito dahil nasunog ang bodega sa hacienda – kung ilang beses nya nasampal si Miguel mula pagkabata hanggang paglaki. Naalala din ni Isadora nung nagsinugaling sya kay Miguel at sinabing binigyan nya nang pera si Catherine because she asked for it dahil magtatanan sila ni Emilio; yung panahong kinompronta sya ni Miguel at umiiyak dahil nalaman nitong namatay/nadamay ang baby nila ni Catherine at winish pa ni Miguel na sana hindi sya ang naging ina nya.



Sumunod nyang naisip ay si Sofia at naalala nya nung mga panahong sinabi sa kanya ni Sofia ang mga nalalaman nito dahil si Rolando mismo ang nagsabi na sila ni Vernon ang may pakana nang pag-ambush kay Enrique; nang malaman din ni Sofia na si Rolando ang kanyang tunay na ama – may kalungkutan sa mukha ni Isadora nang maalala ang mga iyon.
Biglang dumating si Vernon at pinahid ni Isadora ang kanyang luha, napansin iyon ni Vernon pero sinabi ni Isadora na hindi sya umiiyak at wala lang iyon. Tinanong agad ni Isadora kung nakuha na ni Vernon (may dalang bag si Vernon), sinabi naman ni Vernon ay nakuha na nya at nilimas na nya ang mga alahas at pera ni Marco. Natuwa naman si Isadora dahil mukhang marami (dahil mabigat yung bag) at malayo ang mararating nila. Nagpahintay muna nang konti si Isadora kay Vernon dahil hinihintay nya si Sofia pero pinahanda na nya kay Vernon ang sasakyan nila. Dumating si Sofia at natuwa naman si Isadora. Niyayaya na ni Isadora si Sofia para umalis pero hindi ito nagsasalita, malungkot at parang gustong maiyak. Tinanong ni Isadora kung may problema si Sofia. Sinabi ni Sofia na may kasama sya…biglang lumabas si Catherine at may dalang baril. Kahit nagulat si Isadora ay matapang nyang hinarap si Catherine.

Isadora: Balak mo talagang sumama sa bakasyon naming pamilya? Ha? Napaka-cheap mo talaga Catherine.

Catherine: Hindi ka makakaalis Isadora. (Biglang tinutukan ni Catherine nang baril si Isadora, tinaas naman ni Isadora ang kanyang dalawang kamay pero parang hindi naman natakot.)

Isadora: O, masyado namang mainitin ang ulo mo. Masyado kang pabigla-bigla. Ok, fine, sige, sumama ka na. O pero buntot ka lang ha? Tapos KKB ha? (KKB = kanya kanyang bayad.)

Catherine: Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo ha! Marami kang dapat pagbayaran at panagutan! (Tumakbo palapit si Sofia kay Catherine.)

Sofia: (crying) Alam na nya ang lahat Ma.

Isadora: Teka nga muna, anong alam nya?

Sofia: Na kayo ang nasa likod nang ambush ni Tito Enrique! Na kayo ang pumatay sa Tatay Rolando namin Ma!

Isadora: So talagang trinaydor mo na ako?

Sofia: I’m sorry Ma, pero mali ang ginawa nyo!

Isadora: MALI NGA ANG GINAWA KO PERO NANAY MO PARIN AKO!

Sofia: AT TATAY NAMIN ANG PINATAY NYO! KAPATID KO ANG INIIPIT NYO!

Isadora: O sige, magkapatid kayo? Magsama kayong dalawa, tutal hindi ko naman kayo kailangan eh. O, GAME NA! (Biglang kinuha ni Isadora sa kanyang bulsa ang nakatagong baril at tinutukan din si Catherine. Tinago ni Catherine sa kanyang likod si Sofia para kung babaril si Isadora ay sya muna ang tatamaan.) Sige! Ano Catherine, hahaha, kaya mo? Ha? Sige, game! Sige! O, parang nanginginig ka? Sige! Iputok mo! Kaya mo na akong patayin, ha? Kaya mo na akong patayin? Iputok mo! Para sa bandang huli, pareho lang tayo. Pareho tayong mamatay-tao!

Catherine: (crying) Walanghiya ka…

Isadora: Sige! Iputok mooo!

- Si Miguel naman ay hinahanap si Isadora at may dala din syang baril. Hindi nya mahanap si Isadora kaya nagpasya itong tumawag kay Rafael. Sinabi nya kay Rafael na hindi nya mahanap ang ina dahil sobrang laki ang lugar na iyon. Si Rafael naman ay kasama si Toby at ang ilang bodyguards, sinabi nyang papunta na rin sila doon. Tumawag daw sa kanya si Sofia at sinabing magkikita sila ni Isadora, magkasama sila ni Catherine. Nagulat si Miguel dahil magkasama sila Catherine at Sofia. Si Rafael naman ay sinabi na hindi nya alam ang balak nang magkapatid pero masama ang kutob nya at sinabihan si Miguel na kailangan nyang mahanap sila.

- (Back to Isadora, Catherine and Sofia…)

Isadora: O sige, pagbibigyan kita. (Biglang itinaas ni Isadora ang kanyang dalawang kamay.) Wala na akong baril ha, chance mo na para maasinta mo akong mabuti. Sige, iputok mo na Catherine, iputok mo na! (Nakatutok parin ang baril ni Catherine kay Isadora at umiiyak ito. Napasigaw sa galit si Catherine pero hindi nya magawang barilin si Isadora. Nanlumo at naiyak lang si Catherine, kinuha ni Sofia ang baril. Tumawa namang nang tumawa si Isadora.) Tsk, tsk, tsk, napakahina, napakahina talaga nang babaeng ito…AKO NAMAN! (Biglang tinutukan ni Isadora si Catherine, humarang agad si Sofia sa kapatid.)

Sofia: (crying) Ma, huwag! Huwag!

Isadora: Ako naman ngayon ha?! Tumabi ka dyan, baka matamaan ka Sofia! Tabi dyan!

Sofia: No Ma, I won’t let you hurt her because she’s my sister!

Isadora: SHE’S MY SISTER! Sige, magsama kayong dalawa! Sige, magkampihan kayong dalawa. Gusto nyo nang aminan? Sige, mag-aminan tayo. Oo, si Vernon ang nagplano para patayin at i-assassinate si Enrique Torralba. Oo, ako ang pumatay kay Rolando. Pero akala nyo, alam nyo na ang lahat? Akala nyo alam nyo na ang lahat sa akin? Hahaha, hindi pa! Hindi nyo pa alam ang lahat sa akin!!

Catherine: Sige, sige Isadora, ilabas mo na ang LAHAT NANG BAHO MO!

Isadora: (still pointing the gun) Sige, gusto mong ilabas ko ha? At ipagmamalaki ko, na sa lahat nang ginawa ko, hanggang ngayon nakatakas parin ako! Alam nyo kung ano pa ang ginawa ko? Hindi nyo alam na AKO ang bumaril kay Estelle. Alam nyo rin ba, na AKO Catherine ang nag-frame up sa iyo. At higit sa lahat…ako ang nakapatay sa Lola Aura mo. Narinig mo? (Parang binuhusan nang malamig na tubig si Catherine sa sobrang gulat dahil sa narinig kay Isadora.) Ako ang pumatay sa Lola mo!

(Unti-unting lumapit si Catherine kay Isadora; napaurong naman si Isadora kahit nakatutok parin ang baril nya kay Catherine.)

Catherine: hayup ka…Ahhh! (Biglang nagpasyang kunin ni Catherine ang baril kay Sofia. Hindi binigay ni Sofia ang baril kay Catherine, kaya nagpasya nalang si Catherine na sugurin ulit si Isadora kahit walang baril.)

Isadora: Hep, hep! Hanggang dyan ka lang! Papuputukin ko talaga ito! Hanggang dyan ka lang! Kahit kailan Catherine, napaka-predictable mo! Asarin lang kita nang konti, lumalabas ka na! O ngayon, pwedeng pwede na kitang patayin talaga! (Biglang nagpasya si Sofia na tutukan nalang nang baril ang ina.)

Sofia: (crying) Bitiwan mo ang baril, Ma! (Pinigilan ni Catherine ang kapatid.)

Catherine: (crying) Sofia, Sofia umalis ka dyan! Sofia tama na!

Isadora: (shocked) Sofia, bitiwan mo yang baril. (Isadora starts to cry) Sofia hindi mo alam ang ginagawa mo, bitiwan mo yang baril!

Catherine: Hayaan mo na ako Sofia, hayaan mo na ako….

Isadora: (crying) Sofia, nanay mo ako. Ako ang nanay mo…

Sofia: Tama na ang patayan Ma, tama na.

Isadora: Sofia, ibaba mo yang baril, nanay mo…(biglang lumaban si Catherine at sinunggaban ang baril ni Isadora. Natalo ni Isadora si Catherine at naitulak nya ito. Natumba si Catherine at binaril sya ni Isadora — kaya lang ay humarang si Sofia at sya ang nabaril. Sa di kalayuan, narinig naman ni Miguel ang putok nang baril kaya mabilis itong tumakbo para sundan kung saan ang narinig na putok.)

(Si Vernon naman ay nakabalik na at nakita ang nangayari. Pilit na hinatak ni Vernon si Isadora para makatakas na sila. Gulat na gulat at sising-sisi si Isadora. Kahit ayaw nyang sumama kay Vernon dahil gusto nyang damayan si Sofia pero wala syang magawa. Umiiyak at nagso-sorry si Isadora kay Sofia at nangakong babalikan nya ang anak. Tumakas na sila Isadora at Vernon, naiwan si Catherine na kalong-kalong si Sofia na may tama sa likod, sa may balikat. Iyak nang iyak si Catherine at galit na galit kay Isadora. Umiiyak sa sakit si Sofia.)

Catherine: (crying) Sofia, Sofia, huwag mong iiwan si Ate ha? Huwag mo akong iiwan…huhuhu…Sofia, ipangako mo sa akin, Sofia ipangako mo yan ha?

- Dumating na sila Rafael, Toby, mga bodyguards nila at ilang pulis.)

- Si Vernon naman ay naramdamang parang may sumusunod sa kanila. Sinabi nya kay Isadora na maghiwalay muna sila. Gusto ni Isadora na sya ang magdadala nang bag/pera at sya nalang daw ang magtatago. Nag-alala naman si Vernon na baka lokohin sya ni Isadora, pero sinabi ni Isadora na ngayon pa daw ba sila maglolokohan? Ibinigay na lang din ni Vernon ang bag/pera kay Isadora at ingatan daw ito. Kinuha ni Isadora ang pera at sinabing sundan nalang daw sya ni Vernon. Naghiwalay nang landas sila Vernon at Isadora.

- Nahanap na ni Toby si Sofia at isang bodyguard. Sinabi nang bodyguard kay Rafael na nakita nila sila Catherine sa may gubat at ipinasasabi ni Catherine na kailangang madala si Sofia sa ospital. Hinanap ni Rafael si Catherine. Sinabi ni Sofia na hinabol daw ni Catherine sina Isadora at Vernon. Binilinan ni Rafael si Toby na dalhin si Sofia sa ospital, inalala naman ni Sofia ang kapatid. Sinabi ni Rafael na sya na daw ang bahalang maghanap kay Catherine. Pag alis nila Sofia ay inutusan agad ni Rafael ang mga pulis at bodyguards nya na halughugin ang paligid para hanapin din sina Vernon at Isadora.

- Nagkatagpo ang landas nila Rafael at Vernon. Nagsuntukan ang dalawa. Nabitawan naman ni Vernon ang baril. Nagsuntukan ang dalawa hanggang matalo ni Rafael si Vernon at nakuha nya ang baril nito. Akala ni Rafael ay tumba na si Vernon, kaya tumawag agad ito sa cellphone. Biglang bumangon si Vernon, kumuha nang kahoy at pinukpok si Rafael. Kinuha ni Vernon ang baril kay Rafael; babarilin na sana nya si Rafael kaya lang ay narinig nyang parating ang ibang kasama ni Rafael, kaya tumakas nalang si Vernon.

- Si Catherine naman ay nakita si Isadora at pinukpok nya ito agad nang kahoy sa likod, kaya nahulog ni Isadora ang kanyang baril. Pinagpapalo ni Catherine si Isadora, hanggang mahulog ito sa kumunoy=quicksand. Humihingi nang tulong si Isadora kay Catherine. Mabilis na kumuha nang kahoy si Catherine at inabot iyon kay Isadora, pero ayaw bitiwan ni Isadora ang bag kaya nya hindi maabot ang kahoy. Sinabi pa ni Isadora na ayaw nyang iwan ang pera nya kay Catherine, sinisigawan sya ni Catherine na abutin na ang kahoy. Palubog na nang palubog si Isadora pero ayaw parin nyang bitiwan ang bag dahil ayaw nyang iwan iyon kay Catherine. Nag-isip nalang nang iba pang paraan si Catherine at sumigaw ito nang tulong. Nagpasya nalang si Catherine na maghanap nang tulong at sinabi kay Isadora na babalikan nya ito. Takot na takot si Isadora at sinabing huwag daw syang iwan ni Catherine (dahil palubog na sya nang palubog.) Umalis si Catherine para humingi nang tulong. Si Rafael naman ay nakita na nang mga pulis. Nagkita sila Miguel at Catherine. Mabilis na pumunta sila Catherine at Miguel kay Isadora. Pagdating nila doon ay wala na sa kumunoy si Isadora. Naiyak si Miguel at pilit na hinahanap ang ina sa kumunoy. Sumigaw nang tulong si Miguel. Hindi naman makapaniwala si Catherine na wala na si Isadora, iyak nang iyak si Miguel.

- (This is maybe the following day or so – Ara) Binalikan ni Sofia at Toby ang kumunoy kung saan lumubog si Isadora. Umiiyak si Sofia at sinabing hindi nya alam na doon matatapos ang lahat – ang Amadesto, ang lupang matagal nang kinakamkam nang kanyang ina, ay ito din pala ang lupang sisingil sa kanya. Inalo naman ni Toby si Sofia.

- Sa bahay naman ni Scarlet ay dumating si Miguel dahil gusto syang kausapin ni Scarlet. Malungkot si Scarlet at sinabi kay Miguel na aalis sya nang Pilipinas at ipinapaalam nya kay Miguel na isasama nya si Maggie. Tinanong ni Miguel kung saan sila pupunta. Sagot naman ni Scarlet na hindi nya alam, pwedeng sa Canada o Alaska, kung saan konti lang daw ang tao dahil allergic na sya sa tao. Sabi naman ni Miguel na sya din daw ay mas mabuting umalis na sya dahil wala na syang buhay doon. Tinanong naman ni Scarlet si Miguel kung paano na si Catherine. Sinabi ni Miguel na kahit anong gawin nya ay hindi na mapapasakanya si Catherine at kailangan na nya iyon tanggapin. Hindi na daw nya ipipilit ang kanyang sarili sa taong ayaw na sa kanya. Ngumiti naman si Scarlet at sinabing iyon din daw ang iniisip nya. Tinanong ni Miguel kung kailan aalis sina Scarlet. Sinabi ni Scarlet na pagkatapos nang hearing ni Catherine. Nagulat si Miguel. Dagdag pa ni Scarlet na magte-testify sya, time naman daw na tulungan nya si Catherine. Natuwa si Miguel.

Teasers:

- Kausap ni Winnie si Scarlet at nalaman nyang na-reinstate na si Catherine bilang president nang Dela Rhea Foods. Wala nang galit sa mukha si Scarlet at sinabi kay Winnie na hindi naman iyon sa kanya lahat. Nagtataka naman si Winnie dahil may video si Martin na sinasabing binabawi na nya ang lahat kay Catherine. Sinabi naman ni Scarlet na hindi iyon ang huling bilin nang kanyang Papa.

- Pinatawag ni Scarlet ang nurse na nag-attend kay Martin bago ito namatay. Tinanong ni Scarlet kung ang kanyang Papa nga ang sumulat nang note at iniwan iyon sa nurse.

- Si Rafael naman ay kausap si Estelle. Ipinaalam nya na nag-usap na sila ni Catherine at itutuloy na nila ang kasal. Hinihintay ni Rafael ang reaction nang ina.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!