Google
 

Read the transcript of episode 58 of "Iisa Pa Lamang" courtesy of Pinoy TV Junkie.
- Habang nasa living room, sinusuklayan ni lola ang buhok ni Catherine. Naalala at sinabi ni lola na noong bata pa si Catherine ay hindi ito matutulog hangga’t hindi nya nasusuklayan ang buhok nito. Napabuntong-hininga si lola at nakangiting sinabi na ang bilis daw nang panahon dahil ikakasal na si Catherine. Sabi naman ni Catherine na pangalawang beses na syang ikakasal. Alam naman daw iyon ni lola, pero iba ang pakiramdam nya ngayon sa kasal ni Catherine. Sabi ni Catherine na mahal nya talaga si Rafael. Pero sabi ni lola na parang napansin nya lately na nagbago na ang pakikitungo ni Catherine kay Rafael, at tinanong nya si Catherine kung nagbago na din ba ang pagtingin nito kay Rafael? Malungkot na sinabi ni Catherine na hindi sya masisisi ni lola dahil pag tuwing nakikita nya si Rafael ay nakikita nya ang kasalanang ginawa nito sa kanya. Nagtaka naman si lola kung bakit pa gustong ituloy ni Catherine ang kasal. Sagot naman ni Catherine ay dahil mahal nya si Rafael. Pinayuhan ni lola si Catherine na sa isang kasal ay importante ang pag-ibig pero hindi sapat ang pag-ibig at hindi iyon ang magiging simula at katapusan nang lahat. Hindi sapat ang pag-ibig para magsama sila nang tiwasay. Hindi kayang solusyunan nang pag-ibig ang haharapin nilang problema at pagsubok sa buhay. Kailangan daw ay may respeto, pang-unawa, at higit sa lahat tiwala sa isa’t isa, dahil kung wala ang mga iyon ay hindi magiging tahimik ang kanilang pagsasama. Kailangan daw matutunan ni Catherine tanggapin si Rafael nang buong-buo. Kung mahal daw ni Catherine si Rafael, kailangan daw nyang tanggapin ito kasama ang lahat nang pagkukulang at lahat nang pagkakamali. Niyakap ni lola si Catherine and they are both in tears.

- Si Vernon naman ay nasa bahay ni Isadora. Naiinis si Isadora at sinabi kay Vernon na hindi sya dapat matalo sa kaso dahil hindi pwedeng mawala sa kanya ang hacienda at mapunta lang kay Aura, dahil ang gagawin lang daw home for the aged ang hacienda. Pinapipirma ni Isadora si Vernon sa kanyang sworn statement. Ayaw ni Vernon na pumirma dahil hindi naman daw sya naging pabayang asawa’t ama sa kanila ni Miguel, at gusto pa daw ni Isadora na magsinungaling sya. Sarcastic na sinumbatan naman ni Isadora si Vernon na sa lahat naman daw nang criminal ay ito ang honest, at huwag daw itong maging plastic. Alam naman daw ni Vernon kung ano ang totoo between the two of them, ang gusto lang naman mangyari ni Isadora ay pirmahan ni Vernon ang sworn statement para makasigurado sya na hindi mawawala sa kanya ang hacienda. Hindi nila alam ay kabababa lang ni Sofia at naririnig ang kanilang usapan. Pag pinirmahan daw iyon ni Vernon ay mapapatunayan na null and void ang kanilang kasal bago sya kinasal kay Victor, pagkatapos daw ay mapapatunayan na isa syang legitimate na Castillejos. Hindi sumagot si Vernon at iniwasan lang si Isadora.

- Sa bahay naman ni Scarlet ay nandoon si Winnie at si Atty. Tamayo. Sinabi nang lawyer kay Scarlet na ibibigay nang judge ang annulment kay Miguel dahil malaking grounds ang adultery. Sinabi naman ni Scarlet na she did not commit adultery dahil wala naman talagang nangyari sa kanila ni Rafael, at lahat nang iyon ay sinabi lang nya para saktan si Catherine, hindi daw sya adultress. Pinayuhan naman sya nang kanyang lawyer na sabihin ito ni Scarlet sa judge para ma-convince nila na wala talagang kasalanan si Scarlet, sabihin daw nito ang totoo. Nainis si Scarlet at sinagot nya ang kanyang lawyer na kung may utak at nag-iisip ba daw ito? Pag ginawa daw nya iyon ay mawawalan nang effect ang lahat nang paghihiganti nya kay Catherine. Sumabat naman si Winnie at sinabing pati ang annulment nila ni Miguel ay hindi matutuloy. Sagot naman ni Scarlet na mananalo naman si Catherine, talo na nga daw sya ay magmumukha pa syang sinungaling. Sabi naman ni Winnie na mamimili lang naman daw si Scarlet – si Miguel or si Catherine. Sobrang nagtatalo ang kalooban at isipan ni Scarlet.

- Si Miguel naman ay pinuntahan si Rafael sa kanilang bahay at binigay ang progress report para sa kanilang highway project. Natutuwa si Miguel dahil magaling ang nakuha nilang contractor dahil in three months time ay matatapos na agad ang project dahil mabilis silang magtrabaho. Sinabi din ni Miguel na bago mag-pasko ay matatapos na ang highway at magandang pamasko daw iyon ni Rafael para sa kanyang mga constituents. Napansin ni Rafael na masaya si Miguel. Inamin naman ni Miguel na masaya nga sya and he feels great dahil sa sandaling panahon nalang daw ay magiging free man na daw sya. Akala ni Rafael na pumayag na si Scarlet sa annulment nila. Sabi naman ni Miguel na walang choice si Scarlet, and besides sya naman din daw ang gumawa nang patibong. Nagpasalamat na din si Miguel kay Rafael dahil malaki ang naging contribution nya sa kanilang annulment. Medyo puzzled naman si Rafael sa sinabi ni Miguel.

- Si Estelle naman ay pumunta sa bahay nila Isadora para sabihin na nagbago na ang kanyang isip at hindi na nya bibilhin ang hacienda dahil ayaw na daw nyang gumastos nang malaki lalo na at kamamatay lang daw ni Enrique at ikakasal naman daw si Rafael. Sabi naman ni Isadora na ibibigay naman daw nya kay Estelle sa bagsak-presyong halaga, malaki ang discount, presyong kaibigan at may kasama pang kabayo. Sinabi nalang ni Estelle na wala syang alam sa pagpapatakbo nang hacienda, nag-offer naman si Isadora na tutulungan nya si Estelle, may alam din daw syang mga seminars and workshop at willing nyang samahan si Estelle. Giniit ni Estelle na wala syang time. Naghanap naman nang way si Isadora to convince Estelle at sinabing maghanap sila nang special session habang nagmamahjong daw sila. Pero talagang sinabi ni Estelle na wala na talaga syang balak bilhin ang hacienda and huwag na daw i-force ni Isadora ang issue dahil nagmumukha lang itong desperada. Nag-give up na si Isadora at sinabing hindi na nga daw nya ipipilit kay Estelle ang pagbenta nang hacienda. Mahirap daw palang bentahan si Estelle dahil ang kuripot nito. Nagyaya nalang si Isadora na kumain sila sa labas at ilibre daw sya ni Estelle at gusto nya ay sa isang class na restaurant. Sinabi ni Estelle na saka nalang daw nya isosoli ang titulo nang hacienda kay Isadora dahil naiwan daw nya ito sa bahay. Ok naman iyon kay Isadora at hindi nag-isip nang masama kay Estelle.

- Si Miguel naman ay pumunta sa bahay ni Scarlet at dala ang annulment papers nila na pinapipirmahan nya kay Scarlet. Hinagis lang sa sahig ni Scarlet ang mga papers. Sinabihan sya ni Miguel na huwag na itong tumutol sa kanilang annulment at tanggapin na ni Scarlet ang pagkatalo nya, at bakit daw ba ayaw ni Scarlet na maging maligaya sya? Galit na sinabi ni Scarlet na wala daw syang kasalanan dahil she never slept with Rafael, sinabi lang daw nya iyon para magantihan nya si Catherine, maniwala daw sa kanya si Miguel dahil sya lang ang nag-iisang lalaki sa buhay nya. Sabi naman ni Miguel na pagpalagay na nilang totoo ang sinasabi ni Scarlet, kaya daw kaya nyang ilantad ang mga iyon? At paano daw pag nalaman ni Catherine? Alam naman daw nilang dalawa na when it comes to Catherine ay hindi magpapatalo si Scarlet. Naiiyak na sinabi ni Scarlet na walang kinalaman doon si Catherine dahil ang ayaw lang daw nya ay mabansagan syang adultress at ayaw daw nyang isipin iyon sa kanya nang kanyang anak. Hindi naman naniniwala si Miguel at sinabi kay Scarlet na sana daw ay pinag-isipan daw muna nya ito nang mabuti bago nya ito ginawa. Since nanggaling naman daw mismo kay Scarlet, makakaasa daw ito na didiretso sya kina Rafael at Catherine, at ibubunyag nya ang lahat, wala na daw lusot si Scarlet, “my soon to be ex-wife” sabi pa ni Miguel. Umiiyak na si Scarlet. Dagdag pa ni Miguel na kung makikipag-cooperate daw sa kanya si Scarlet sa kanilang annulment ay ida-drop na nya ang adultery case at hindi iyon malalaman ni Maggie at walang makakaalam tungkol sa nangyari sa kanila ni Rafael, and finally ay makakalaya na daw sya. Naging sarcastic na din si Miguel kay Scarlet at sinabing “Bakit naman kasi, bukang-bibig mo parati na karma’s a bitch. Look what happened? Na out-karma ka na, hahaha, na out-bitch ka pa. Tsk, tsk, tsk, ayayay!” Walang nasabi si Scarlet at umiiyak lang.

- Gabi na nang makauwi si Lola sa kanilang apartment. Kinuha nya ang mga mails sa kanilang mailbox at napansin nya ang isang malaking brown envelope. May isang kotseng nakaabang sa may tapat nang bahay nila lola at nasa loob pala nang kotse si Estelle. Nang makita ni Estelle na nakuha na ni Aura ang titulo ay nagsorry sya kay Isadora (in thoughts) dahil kahit kaibigan daw nya ito ay hindi sya papayag na maging kasangkapan sa panloloko nya. Kailangan daw nyang gawin ang tama dahil si Aura ang tunay na may-ari nang hacienda, at sya ang karapat-dapat sa Amadesto.

- That same night ay pumunta naman si Miguel sa office ni Catherine at may dalai tong wine. Napansin ni Catherine na malat/may sakit parin si Miguel at ni-nag nya ito kung pumunta na ito sa doctor para magpa-check up. Sinabi ni Miguel na uminom na sya nang gamot at mawawala na din iyon. Pinansin ni Miguel na masungit si Catherine, mukha pa itong malungkot, anong klaseng bride-to-be daw sya? Nagbiro si Miguel at tinanong si Catherine na kung sa araw nang kasal nito at nagtanong ang pari kung sino ang tumututol ay magprepresinta daw sya, at sasabihin nyang dahil ang kanyang kaibigan ay mukhang hindi masaya sa pakakasalan dahil mukhang mahal pa nito ang dati nyang mahal. Napikon si Catherine sa biro ni Miguel at ilang beses ba daw nyang sasabihin na si Rafael na ang mahal nya, at isa pa ay nagkabalikan na sila. Masaya si Miguel at nakangiti. Sinabi nya kay Catherine na kaya lang sya pumunta doon ay para may makasama syang mag-celebrate dahil pumayag na si Scarlet sa kanilang annulment. Pumayag si Catherine na mag-celebrate sila, pero isang glass of wine lang daw ang kanyang iinumin, at para din mapatunayan nyang hindi na sya interesado kay Miguel.

- Si Scarlet naman ay nasa living room, habang nasa couch sila ni Maggie (na natutulog) at sya ay umiiyak. Naalala nya yung mga panahong down sya at si Miguel lang ang kanyang karamay. Pero malungkot ang kanilang pagsasama dahil alam nyang si Catherine parin ang nasa puso ni Miguel. Hanggang sa umabot sa sukdulan ang kanilang pagsasama na nauwi sa kanilang paghihiwalay at patuloy na pag-aaway. Naalala din ni Scarlet ang huli nilang pagsisiping na si Catherine parin ang laman nang puso’t isipan ni Miguel. Nagising si Maggie at nakitang umiiyak si Scarlet, inalo nya ang ina at yumakap si Maggie kanya.

- Nagpatuloy ang inuman nila Catherine at Miguel, hindi lang isang baso ang ininom ni Miguel. Nagdahilan naman si Miguel na double-celebration daw iyon at hindi pa daw nya nako-congratulate si Catherine. Napansin naman ni Catherine na parang malungkot si Miguel. Nag confide naman si Miguel kay Catherine at sinabing lately daw ay na-realize nya na madami syang failures sa buhay – naging failure ang relationship nya with Catherine, naging failure ang kanyang election, pati kasal nya ngayon ay failure. Naaawa daw sya kay Maggie dahil siguradong ito ang naapektuhan sa nangyayari sa kanila ni Scarlet. Si Catherine naman ay may panghihinayang at sinabi kay Miguel na sana daw ay pinaglaban nalang ni Miguel ang pagsasama nila ni Scarlet. Sabi naman ni Miguel na parang hindi naman daw alam ni Catherine ang sitwasyon nila ni Scarlet. Biglang sinumbatan ni Catherine si Miguel at sinabing bwisit daw ito dahil kung hindi ito nagpa-annul ay hindi sana nilandi-landi ni Scarlet si Rafael at nagkagulo sila, kasalanan daw iyon ni Miguel. Pinagtatawanan lang ni Miguel si Catherine dahil nagagalit ito at mukha pa daw itong depressed. Nag-deny naman si Catherine at sinabing hindi sya depressed. Sinabi ni Miguel na kilala nya si Catherine, tinanong nya kung nagseselos ba daw ito kay Scarlet? Itinanggi naman ni Catherine na hindi sya nagseselos kay Scarlet, pero pinagdiinan ni Miguel na kilalang kilala nya si Catherine. Sinabi ni Catherine na nagkausap na sila ni Rafael, at kung ano man daw ang nangyari ay wala naman daw iyon kay Scarlet, isa lang daw iyong napakalaking mistake. Gusto sanang biruin at gatungan ni Miguel ang pang-iinis kay Catherine, pero nang makita nyang maiiyak na ito ay sya na din ang pumigil sa sarili dahil magagalit na sa kanya si Catherine.

- May 2 lawyers na pumunta sa bahay ni Isadora (one guy, one girl.) Meron silang binigay na court order na kailangang ibigay ni Isadora ang titulo nang hacienda. Tinapon lang ni Isadora ang court order at sinabing wala sa kanya ang titulo. Sinabi nang lady lawyer na sina-summon na daw nang judge ang titulo nang hacienda, pero matapang na sinabi ni Isadora na wala sa kanya ang titulo at pinaalis nya ang 2 lawyers. Matapang din na sinagot sya nang lawyer na they will see her in court. Pagka-alis nang mga lawyers ay tinanong ni Sofia si Isadora na kung bakit nito ayaw ibigay/ipakita ang titulo, ano ba daw ang kinakatakot nya? Pinagalitan naman ni Isadora si Sofia at sinabihan na huwag na itong sumali, mainit na daw ang ulo nya. Kapag hindi daw nila nakuha ang hacienda ay walang mamanahin si Sofia. Sinagot naman ni Sofia ang ina at sinabing ni hindi nga nila deserve makuha ang hacienda. Nagalit si Isadora at sinabing hindi daw alam ni Sofia kung ano ang pinagsasabi nito, sabay walk out.

- Nagkaroon nang preliminary hearing sila Isadora at Aura (together with their lawyers.) Hiningi nang judge kay Isadora ang titulo. Hindi kumibo si Isadora at tumingin lang sa kanyang lawyer.

Aura: Ilabas mo na Isadora.

Isadora: Hindi ko mahanap.

Aura: Hindi mo mahanap? O tinatago mo?

Isadora: Hindi ko mahanap, eh sa nawawala eh. Siguro nasa Amadesto.

Isadora’s lawyer: Isadora.

Isadora: Pasensya na, perfect ako pero nagkakamali lang. (then she smiles.)

Aura’s lawyer: Di bale, nakakuha kami nang kopya galing sa munispyo (the lawyer handed it over to the judge.)

Isadora: I’m sure fake yan. Pinagawa mo sa Recto?

Aura’s 2nd lawyer: I’m so sorry Mrs. Castillejos, pero ang mga dokumentong ito ay certified true copy nang law firm mismo ni Don Amadeo (Castillejos.) At klaro dyan na co-ownership ni Victor at ni Aura. Noon pa man ay maituturing nang isa sa may-ari nang Amadesto si Aura.

Isadora: Ah basta, hindi ko alam yan. Ang sabi ni Victor, sa amin ang lupa. Ngayon, sino ba ang paniniwalaan ko?

Aura’s lawyer: Paano nyo nabenta ang lupa nang walang consent ni Aura?

Aura’s 2nd lawyer: (showed the power of attorney to Aura) Pinirmahan nyo ba po ito?

Aura: (shook her head) Wala akong pinipirmahang ganito. Peke ito! Kasing peke nang gumawa! (Aura handed it over to the judge.)

Judge: Mrs. Castillejos, saan nyo po ba nakuha ang dokumentong ito?

Isadora: Kay Victor. Eh ang sabi nya sa akin sa amin daw ang lupa. O, labas ako dyan, hindi ba? Ngayon kung meron kayong dapat sisihin, eh di si Victor. Kung meron kayong gustong ipakulong, eh di si Victor din. Huwag kayong mag-alala, ipapadala ko sa inyo ang abo. Ang isa pa, sabihin nyo nga sa akin kung may pruweba kayo na sa akin nanggaling ang papeles na yan? (Aura was mum about it.)

(Recess time.)

Isadora: Excuse me. (Went to Aura to talk to her.)

Aura: Magbalot-balot ka na Isadora. Malapit ka nang mapatalsik sa Amadesto.

Isadora: Lupa ko iyon, kahit kelan hindi mo ako mapapaalis sa lupa ko.

Aura: (laughs) Iyon lang ba ang gusto mo, lupa? Ilang paso=pot ba ang gusto mo?

Isadora: Haciendera ako Aura, hindi hardinera. At ikaw, dumi ka lang sa paningin ko.

Aura: (laughs) Tandaan mo, ang duming ito, balang-araw ang makakapuwing sa iyo.

Isadora: Eh di mag-sha-shades ako.

Aura: Wala akong pakielam kung ano ang gusto mong sabihin. Basta, ako alam ko, tunay akong Castillejos. Hindi katulad mo, peke!

Isadora: I’m sure, naiinggit ka lang sa akin Aura.

Aura: Kahit kailan ay hindi ako maiinggit sa isang katulad mo. Alam mo sa totoo lang, nakaawa ka Isadora. Para kang baliw!

- Sila Rafael at Catherine naman ay may meeting with the wedding coordinator at kahit may suggestion ang coordinator ay parang wala sa mood si Catherine at lahat ay ok lang sa kanya. Napansin iyon ni Estelle, pero hindi iyon napansin ni Rafael. Nagpaalam muna si Rafael dahil marami pa syang pipirmahan at doon daw muna sya sa den, kung kailangan sya ay tawagin lang daw sya. Bago umalis ay binulungan nya si Catherine at sinabing pupunta sya nang Amadesto, tinanong nya kung sasama sa kanya si Catherine. Iritado naman na sumagot si Catherine at sinabi na daw nya kay Rafael na sasama sya. No big deal naman iyon kay Rafael nang sagutin syang pabalang ni Catherine. Narinig din iyon ni Estelle. Pag alis ni Rafael ay tinanong si Catherine nang wedding coordinator kung nakapili na sya nang wedding gown between Pepsi Hererra o Randy Ortiz. Sinabi ni Catherine na kahit sino sa dalawa ay ok lang. Napansin at sinabi nang wedding coordinator na sa lahat nang bride ay si Catherine ang parang bored, alam naman daw ni Catherine na sila ni Rafael ang “It” couple, and this could be the wedding of the year. Tumango lang si Catherine. Dagdag pa nang wedding coordinator na parang mas excited pa sya kesa kay Catherine. Nagsorry at nagdahilan lang si Catherine na pagod lang sya. Nagpaalam nalang ang wedding coordinator at sinabing babalik nalang sya pag nasa mood na si Catherine. Tahimik lang na nagmamatyag si Estelle. Pag-alis nang wedding coordinator ay naging awkward naman si Catherine dahil nandoon si Estelle at nakatingin sa kanya. Aalis na sana si Catherine pero kinausap sya ni Estelle at sinabing parang hindi daw excited si Catherine, and if she’s having second thoughts. Sinuggest ni Estelle na kung nagdadalawang-isip daw si Catherine ay ipostpone nalang ang kanilang kasal hanggang sa maplantsa nila ang issues nila ni Rafael. Sumagot naman si Catherine na alam nyang iyon naman ang gusto ni Estelle. Sabi naman ni Estelle na nagtataka lang daw sya kung bakit nagmamadali silang ikasal, kung niloko sya ni Rafael, why are they pushing the wedding? Matapang na sinagot at sinabi ni Catherine na dahil mahal nya si Rafael. Sinabi naman ni Estelle na hindi naman daw nya iyon nakikita kay Catherine, dahil pag magkasama daw sila ni Rafael ay tinitingnan sila ni Estelle, wala daw love, sparks and they don’t have any chemistry at all, parang daw ang cold ni Catherine kay Rafael. Kahit hindi daw nagsasalita si Rafael, alam daw nyang nasasaktan ang anak nya sa ginagawa ni Catherine. Naiisip daw nya tuloy na hindi talaga mahal ni Catherine ang anak nya. Mabilis at matapang na sinagot ni Catherine si Estelle na mahal nya si Rafael. Pero sinabi ni Estelle na mahal lang ni Catherine ang kapangyarihan, posisyon at pera ni Rafael. Hindi nakasagot si Catherine sa bintang ni Estelle.

Teasers:

- Kinausap ni Vernon si Miguel at sinabing may malaking shipment nang mga luxury cars, baka pwede daw ipadaan sa Amadesto.

- Nasa bar sina Winnie at Scarlet. Umiiyak si Scarle at sinasabing hindi pwedeng mawala sa kanya si Miguel at hindi pwedeng maging masaya si Catherine.

- Nanlulumo si Sofia dahil nakuha na nya ang DNA test, nalaman nyang hindi sya isang Castillejos.

- Nagpasya na ang hukom na i-award ang Hacienda Amadesto kay Isadora with equal ownership to Aura. Nainis si Isadora at hindi daw sya papayag na maisahan ni Aura. Kinausap sya ni Sofia at sinabing wala na daw lusot at huling huli na sya, paano daw nya ito nagawa?

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!