Google
 

Read the transcript of episode 68 of Iisa Pa Lamang courtesy of Pinoy TV Junkie.

Pag uwi ni Isadora nang bahay ay galit na galit sya kay Catherine at Sofia. Hindi daw nya maintindihan kung ano ang pinakain ni Catherine kay Sofia at ganon nalang daw ang pang-aapi nito sa kanya. Si Vernon naman ay nag-aalala dahil hindi na kontrolado ni Isadora si Sofia at baka konting buyo lang ni Catherine ay kumanta na daw ito laban sa kanila.


Dinipensahan naman ni Isadora si Sofia at sinabi kay Vernon na kahit ganon ang anak nya ay sa loob nito ay mahal parin sya kaya hindi gagawin iyon ni Sofia, kung sa kulungan nga daw ay hindi kumanta, ngayon pa? Huwag daw mag-alala si Vernon dahil hindi kakanta si Sofia at hawak parin daw nya ito hanggang ngayon. Nagbanta naman si Vernon na siguraduhin daw iyon ni Isadora, dahil kung hindi ay baka tuluyan na nyang patahimikin si Sofia. Medyo natakot naman si Isadora sa banta ni Vernon.

Habang nagdi-dinner sila Estelle, Toby at Rafael; nalaman ni Estelle na magkapatid pala sila Catherine at Sofia. Naitanong ni Estelle kung sino ang nakadiskurbre nun? Sinabi ni Toby na mismong si Sofia ang nakadiskubre dahil noon pa man daw ay nararamdaman na nitong hindi sya anak ni Don Victor, kaya hindi daw ito tumigil hangga’t hindi nalalaman at na-prove naman daw iyon nang DNA test na si Mang Rolando ang kanyang ama.

Si Rafael naman ay masaya naman dahil Catherine and Sofia found each other, at least daw ay mapapalayo na si Sofia kay Isadora, at may makakasama na si Catherine. Naisip naman ni Estelle na since hindi tunay na Castillejos si Sofia, kanino daw mapupunta ang Amadesto? Sinabi naman ni Rafael na very complicated iyon, pero kung mapapatunayan na hindi valid ang kasal ni Isadora kay Don Victor at hindi anak ni Don Victor si Sofia, then mawawala daw ang Hacienda Amadesto kay Isadora. Na-conclude naman ni Estelle that Catherine would be the only living heir of Castillejos.

- The following day, sa Dela Rhea Foods naman, nag-aalala si Winnie dahil kahit tinatawagan nya sa cell si Scarlet ay hindi ito sinasagot. Biglang dumating si Scarlet at pinagsabihan sya agad ni Winnie. Sinabi ni Scarlet na wala sya sa mood, pero si Winnie ang gusto sanang sabihin kay Scarlet sa phone ay huwag na itong pumunta sa office. Hindi naman natatakot si Scarlet kay Catherine porque president na ito nang company, ano naman daw ang kaya nitong gawin?

- Si Toby naman ay nakita ang kanyang mama na aalis nang bahay, tinanong nya ito kung saan ito pupunta. Sinabi ni Estelle na lalabas lang sya. Nagreklamo na si Toby dahil napapansin nyang nadadalas ang pag-alis alis nang ina at halos wala na ito madalas sa bahay, saan ba daw ito pupunta? Nagdahilan si Estelle na magswi-swimming sila ni Isadora. Hindi naman naniwala si Toby at ipakita daw sa kanya ang bathing suit. Nag-react si Estelle. Pero alam ni Toby na magma-mahjong lang ang ina at pupunta na naman ito sa sugalan. Sabi naman ni Estelle na maglilibang lang naman sya, she’s old enough and she has money. Aanhin naman daw nya ang pera kung hindi nya i-i-spend?

Nilambing nalang ni Estelle si Toby at sinabing pabayaan nalang daw sya dahil magmula nang namatay ang Papa nila ay nalulungkot sya at namimiss nya ito, kaya payagan na daw sya ni Toby. Pinipisil ni Estelle ang pisngi ni Toby dahil nilalambing nya ito. Nag-react naman si Toby at sinabing ang laki na nya, may girlfriend na nga sya, bine-baby pa daw sya ni Estelle. Nilambing ulit ni Estelle si Toby, kaya pinayagan na sya ni Toby umalis para mag-mahjong.

- Sa Dela Rhea Foods naman ay may press con, nagsasalita si Catherine, present din ang ilang board members.
Catherine: After a short deliberation, the board reinstated me as president and CEO of Dela Rhea Foods Company.

Reporter1: Paano naman po si Ms. Scarlet Castillejos?

Catherine: Well, she’s still a part owner of Dela Rhea Foods, pero hindi na sya nagtratrabaho dito. She has resigned from her job. (Scarlet arrives.)

Reporter1: Miss Scarlet, totoo po bang nag-resign kayo?

Scarlet: Of course not! She’s lying, hindi ako nagre-resign.

Catherine: (holding some documents) Scarlet, oo nga, hindi ka nga nag-resign pero hindi ka na nagtratrabaho dito. It can only mean that – you are fired. (Scarlet is so shocked.) Hay naku Scarlet, ayoko sanang ipahiya, kaya nga sinabi kong nag-resign ka. Eh ngayon, alam na you are fired, magtataka sila kung bakit. (Scarlet is still speechless.) Ikaw talaga. Well, ayoko sanang ilabas ang mga ito dahil prinoprotektahan ko ang pangalan mo, eh kaya lang, binibisto mo ang sarili mo eh. Sandali, ito yung mga…(Catherine handed the documents to the reporters. Scarlet is so scared.)

Reporter: Ano ang dahilan kung bakit bumagsak ang mga stocks sa pamamalakad mo Scarlet?

Catherine: Actually, makikita nyo dyan kung gaano kalaki ang binagsak nung si Scarlet ang nag-take over bilang CEO nang Dela Rhea Foods.

Scarlet: (about to cry) Hindi yan totoo, hin…

Reporter: Pero ayon sa prinovide nyong statistics sa amin, bumagsak nang as much as 42% ang Dela Rhea Foods nung kayo ang presidente. Care to comment? (Scarlet looked at Catherine.)

Catherine: Prinoprotektahan ko ang pangalan mo, binisto mo ang sarili mo. (Catherine ended the press con.) Thank you, thank you very much. (Scarlet is still speechless and wanted to cry.)

- Pag uwi ni Catherine sa bahay ay nandoon si Estelle sa may garden nila. Hindi ok ang mood ni Catherine nang makita si Estelle at sinabing kung pumunta daw ito para makipag-away ay nagkamali daw nang araw nang pagpunta si Estelle dahil naubos na daw ang lahat nang energy nya kay Scarlet, sa ibang araw nalang daw ito bumalik dahil pagod na sya. Mahinahon naman nakipag-usap si Estelle kay Catherine at sinabing hindi sya nagpunta doon para makipag-away, may gusto daw syang sabihin kay Catherine. Mataray na sinabi ni Catherine na ayaw nyang pakinggan si Estelle dahil wala syang panahon para dito.
Estelle: Makinig ka. Hindi ako ang pumatay kay Aura. Pero alam ko na kung sino ang pumatay sa kanya – si Isadora.

Catherine: (became teary eyed) Napakadali sa inyo na magbintang nang krimen mo sa ibang tao. Bakit? Dahil alam mo na SUKDULAN ang galit ko kay Isadora? (Louella is also listening.) Na kinamumuhian ko si Isadora? Hindi ako tanga. Bakit naman ako maniniwala sa iyo?

Estelle: Alam mo, ang tagal ko ring pinag-isipan kung paano napunta ang panyo ko kay Aura. Tapos naalala ko, pinahiram ko iyon kay Isadora. Sya ang naglagay nang panyo sa kamay ni Aura. Sya ang nag-frame up sa akin. Sya ang pumatay sa lola mo!

- Sa restroom naman ay umiiyak sa galit si Scarlet, nandoon din si Winnie. Galit na galit si Scarlet kay Catherine dahil kinuha nito ang kumpanya nya at pinahiya pa sya. Pinagalitan naman ni Winnie si Scarlet dahil ilang beses daw nya itong pinagsabihan na asikasuhin ang kumpanya, pinabayaan daw nito ang kumpanya nang Papa nya. Nagalit si Scarlet at huwag daw isisi sa kanya ang lahat. Nangako naman si Scarlet na hindi pa tapos ang laban at gaganti sya kay Catherine.

- Back to Catherine and Estelle…
Catherine: Napakagaling nyo hong gumawa nang kwento.

Estelle: Bakit ako gagawa nang kwento? Wala akong atraso kay Aura, at wala din syang kasalanan sa akin. Bakit ko sya papatayin?

Catherine: Totoo. Hindi nga kayo magkaibigan, hindi rin kayo magkaaway, pero ano ang ginagawa mo doon sa bahay nya?

Estelle: Gusto ko lang makasiguro na nakatulong ako sa kanya sa kanyang pagbawi sa Amadesto.

Catherine: (confused) Paano nangyari iyon?

Estelle: Dahil ako ang nagbigay sa kanya nang titulo.

Catherine: Ang ibig nyo hong sabihin, kayo ang naging dahilan kung bakit nabawi nang Lola Aura ko ang Amadesto?

Estelle: Oo Catherine. Hindi ako ang kaaway – si Isadora. At kaya kitang tulungan para mapakulong na sya nang tuluyan.

Catherine: (in tears) Paano mo mapapakulong si Isadora?

Estelle: Pwede akong sumagap nang mga impormasyon tungkol sa kanya. Pwede kong manmanan ang mga galaw nya nang hindi sya nakakahalata.

Louella: Paano mo gagawin iyon?

Estelle: By simply being there. Kaibigan parin naman ang turing nya sa akin eh. At wala syang alam na pinaghihinalaan ko sya. Huhulihin ko sya sa pamamagitan nang sarili nyang patibong!

- The following day ay binisita ni Toby si Sofia sa bahay nila Catherine, masaya sya dahil ligtas na si Sofia. Sabi naman ni Sofia na dahil iyon sa kanyang Ate Catherine. Tinanong ni Toby kung hindi ba daw sasabihin ni Sofia sa kanyang ina ang nangyari. Ayaw naman ni Sofia dahil ayaw na nyang abalahin at may malaman pa si Isadora. Napansin ni Toby na galit na galit si Sofia at natanong nya ito. Sagot ni Sofia ay dahil masamang tao ang kanyang mommy at may masama itong ginawa. Nagtataka naman si Toby kung ano ang ginawa nang mommy ni Sofia para pagsalitaan nya ito nang ganon. Sabi naman ni Sofia ay madami, ang iba ay hindi pwedeng sabihin at ang iba ay dapat sabihin, may mga bagay din na dapat nyang gawin para matuwid iyon.

- Sa bahay naman ay nakatanggap nang tawag si Estelle mula kay Scarlet at hinahanap si Rafael. Since wala si Rafael, tinanong ni Estelle kung may usapan ba sila ni Scarlet. Gusto kasing mamili ni Scarlet, kaya nagpresinta si Estelle na sya nalang ang sasama kay Scarlet.

- Pumunta naman ang lawyer ni Isadora sa bahay nya para ipaalam na meron silang malaking problema. Meron daw kinuhang ebidensya galing sa kampo ni Catherine laban kay Isadora. Nagtataka at tinanong ni Isadora kung ano ang mga ebidensya? Sinabi nang lawyer na una, kino-contest parin ang kasal ni Isadora kay Don Victor at may nakuha ang kampo nila Catherine na authenticated marriage license nila ni Vernon. Nag-aalala at the same time ay naiinis si Isadora kay Vernon dahil dapat daw ay pinirmahan na nito ang papeles para wala na ang problemang iyon. Sinabi pa nang lawyer ang pangalawang ebidensya – si Sofia. Nag-submit daw sila nang DNA test na nagpapatunay na si Rolando Ramirez ang ama ni Sofia at hindi si Don Victor, at mawawala daw ang legal claim ni Sofia sa Amadesto. Sobrang nag-aalala si Isadora.

- Pagkatapos mamili ay umuwi na agad sila Estelle at Scarlet. Tuwang tuwa si Scarlet sa mga napamili nila para sa kanyang baby. Si Estelle naman ay excited din at gusto pa nyang i-assemble na ang crib. Sabi naman ni Scarlet na hindi na dahil alam nyang pagod na si Estelle at nahihiya na sya dito. Sinabi naman ni Estelle na hindi kailangang mahiya ni Scarlet sa kanya, at mas mabuti nga daw na iyon ang kanilang activity kesa sinasayang lang nya ang oras sa pagpunta nya sa casino. Natutuwa at nagpasalamat naman si Scarlet kay Estelle. Biglang naging seryoso si Estelle at alam daw nyang Scarlet feels so alone, pero huwag daw itong mag-alala dahil nandoon sya for her. If she needs someone to talk to ay nandoon daw sya to listen to her; and if she needs a mother, she’s there for her. Natutuwa at nagpasalamat ulit si Scarlet kay Estelle. Sabi pa ni Estelle na hinding hindi nya pababayaan si Scarlet lalo na ngayon na practically she’s a part of their family na daw, at sya ang lola nang baby ni Scarlet. Excited na excited si Estelle sa magiging apo dahil magkakaroon na daw nang baby ang Torralba clan. Medyo inuusig naman nang kunsensya si Scarlet.

- Nagkaroon nang hearing tungkol sa Amadesto. Na-grant kay Catherine ang full ownership dahil sa mga bagong ebidensya, and all other claims are now dismissed. Tuwang tuwa sila Catherine, ganon din si Sofia. Si Isadora naman ay may galit sa kanila, maski kay Sofia.

- Habang naglalakad si Miguel, napansin nyang may isang lalakeng sumusunod sa kanya. Kinompronta ni Miguel ang lalakeng sumusunod sa kanya, pero dinenay nang lalake na sinusundan nya si Miguel.

- Sa Hacienda Amadesto naman ay tinipon ni Catherine ang mga tauhan sa hacienda, at para din magbigay respeto sa kanyang lola.
Catherine: Maraming, maraming salamat sa inyong lahat. Nasisiguro ko na napakasaya ngayon nang Lola Aura ko dahil magkasama tayong lahat sa pagtitipon na ito. (All of a sudden, Isadora arrived, really mad.)

Isadora: Hoy babae! Ano itong bawal akong pumasok sa sarili kong hacienda ha?! Ano itong pinag-uuutos mo?!

Catherine: Lumayas ka nga dito Isadora! Lumabas na ang katotohanan, hindi ka isang Castillejos! Peke ka! PEKE!

Isadora: Hoy, mag-iingat ka sa mga pananalita mo ha?! Hindi porque’t nakatamasa ka nang konting biyaya, akala mo kung sino ka nang umasta! Ako matagal na akong nagtitimpi sa iyo, walanghiya kang babae ka! Ha! WALANGHIYA KA! (Isadora is about to charge Catherine, but the workers stopped her.) ANO BA, BITAWAN NYO NGA AKO! HOY, KAYO HA, TUMABI-TABI KAYO DITO! HUWAG KAYONG MAKIELAM! SINUSUWELDUHAN KO LANG KAYO, MGA HAMPASLUPA KAYO!

Workers: Hindi na ngayon! Si Mam Catherine na ang bago naming amo! At utos nyang palayasin ka na!

Isadora: Hoy, ikaw babae ka ha, huwag ka ngang magtago sa likod nang mga hampaslupang kagaya mo! HALIKA, TAYONG DALAWA ANG MAGTUOS! Tingan mo, pati ang sarili kong anak inagaw mo!

Catherine: Wala akong ninanakaw sa iyo!

Isadora: Halika na Sofia, umuwi na tayo! Halika na!

Sofia: (crying) Hindi na ako sasama Ma.

Isadora: (starts to cry) Talagang tinalikuran mo na ako? Alam mo ba ang ginagawa mo Sofia? AKO ang ina mo, pero mas kinakampihan mo ang babaeng ito!

Catherine: Tama lang ang ginagawa nya.

Isadora: HINDI! Pagkatapos nang lahat nang ginawa ko sa iyo? Papano? Papano mo nagawang ipagkanulo ang sarili mong ina, ha?

Catherine: Kagaya nang sinabi ko, lumayas ka at isama mo si Aling Patring!

Isadora: O sige, bagay nga kayong magkapatid, magsama kayo! Pero Sofia…tandaan mo ang araw na ito…tandaan mo ang araw na ito, na trinaydor mo ang sarili mong ina. Ingrata!

Workers: Lumayas ka na! Lumayas ka na! Layas! (They threw dirt, stones, grass, etc., etc., on Isadora. Isadora left without dignity. Catherine and Sofia are in tears, felt sorry for her. Isadora cried and felt the world turned its back on her.)

Teasers:
- May kausap sa phone si Vernon at sinabing dumating na ang kinakatukan nila dahil hindi na ma-control ni Isadora si Sofia. Kailangan na daw nilang tapusin si Sofia.
- May mga lalakeng pumunta sa bahay ni Catherine para kunin si Sofia.
- Si Estelle naman ay nasa may labas lang, sa may pintuan at may narinig sya sa pag-uusap ni Vernon sa kanyang mga tauhan.
- Galit na galit si Vernon at sinabi kay Isadora na gawan na nito nang paraan si Estelle dahil alam na nito ang tungkol kay Rolando. Kailangan daw ayusin ni Isadora ang gusot dahil kung hindi ay pareho silang mananagot. Sabi naman ni Isadora na gagawan nya nang paraan si Estelle.
- Nakatanggap nang tawag si Catherine galing kay Estelle. Naputol ang kanilang pag-uusap at sobrang nag-aalala si Catherine.
- Umiiyak at inaakusahan ni Scarlet na mamamatay-tao si Catherine.
- Umiiyak habang kinukunan si Catherine for a mug shot.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!