Google
 

Read the transcript of episod 74 of "Iisa Pa Lamang" courtesy of Pinoy TV Junkie.

- Nagmakaawa si Miguel kay Rafael na gusto nya munang masiguro na ligtas si Catherine at pagkatapos ay sya mismo ang susuko sa mga pulis, tinawag pa ni Miguel si Rafael na ‘Kuya.’ Pumayag naman si Rafael. Humiwalay na si Miguel para hanapin si Catherine. Dumating ang mga pulis at hinanap si Catherine. Sinabi ni Rafael na nung dumating sila ay wala na ito. Pinaalam nang mga pulis kay Rafael na binaba na ang shoot to order kay Catherine. Nagulat si Rafael.


- Si Isadora naman ay tinawagan si Scarlet para sabihin na nanalo daw ito nang free gift at pinapapunta nya doon si Scarlet. Nahulaan naman ni Scarlet na nahuli na ni Isadora si Catherine. Tumawa lang si Isadora at sinabing “secret”, basta pag punta daw doon ni Scarlet ay siguraduhin daw na dala nito ang kanyang prize.

- Si Sofia naman ay nakatanggap nang tawag mula kay Toby at sinabing nahanap na ni Rafael si Miguel pero wala ang kanyang Ate Catherine dahil nagkahiwalay sila ni Miguel. Nag-alala naman si Louella para kay Catherine at sana daw ay sumuko nalang ito sa mga pulis dahil mas safe pa iyon kesa mahanap sya nang mga sira ulong naghahabol nang reward money galing kay Scarlet, inis na inis si Louella kay Scarlet at tinawag nyang buwisit ito dahil pampagulo lang daw ito. Nag-alala din si Sofia kung ano ang gagawin ni Scarlet pag nasa kamay na nito si Catherine. Sabi naman ni Louella ay siguradong hindi maganda, kaya ipagdasal nalang daw nila na huwag mapunta si Catherine kay Scarlet.

- Dumating na si Scarlet sa kinaroroonan ni Isadora (parehong naka-park ang sasakyan nila.) Pagbaba ni Scarlet ay bumaba na din si Isadora sa kanyang kotse at masayang binati at nagbeso pa kay Scarlet. Tinanong agad ni Scarlet kung nasaan ang kanyang ‘regalo.’ Pinasusunod ni Isadora si Scarlet at dinala sya sa may likod nang kotse, pagbukas ni Isadora sa likod nang kotse ay nakita ni Scarlet na nakagapos at may takip sa bibig si Catherine. Tinanong agad ni Isadora kung nasaan na ang kanyang prize. Kinuha naman ni Scarlet sa loob nang kanyang kotse, habang si Isadora ay pinapababa si Catherine sa kanyang kotse. Binigay ni Scarlet ang check kay Isadora at sinabing naka-ready na ang pera sa bangko. Nagpasalamat si Isadora kay Scarlet at sinabing sa uulitin daw. Hawak ni Isadora ang baril habang katabi si Catherine at tinanong kung ano ang gagawin ni Scarlet kay Catherine. Sinabi ni Scarlet na ibabalik na daw nya si Catherine sa mga pulis.

Isadora: Talaga? Alam mo, kanina nung papunta ako dito, narinig ko sa radio, dangerous daw itong Catherine na ito eh. (Isadora pulls Catherine.) Tapos, may order pang shoot to kill.

Scarlet: So?

Isadora: Eh di…why don’t you shoot and kill her? Sige na! (Isadora is handing her gun to Scarlet.) Ano pang hinihintay mo? Sige na! (Scarlet did not get the gun.)

Scarlet: Bakit ko gagawin iyon?

Isadora: Bakit hindi? Eh anong mangyayari dito? Ha?

Scarlet: Mas gugustuhin ko nang nandyan ‘yan sa kulungan. Mas gusto kong makita syang naghihirap. (Catherine is trying to get loose.)

Isadora: Bakit pa? Ang luma-luma naman nun. Ito, ha? (She pulls Catherine’s hair.) Makukulong lang? Tapos ano? Makakatakas lang ulit, ganon lang? Alam mo, paulit-ulit lang eh, diba isipin mo nga?

Scarlet: Hindi na. Doon sya sa kulungan, ibabalik ko sya sa mga pulis.

Isadora: Makakatakas lang yaaann! Eh kung sa arson nga eh, tingnan mo, diba nakatakas sya? Eh lalo pa ngayon, itong krimen na ginawa, eh di makakatakas ulit ito! Ikaw talaga! Bakit ba? Ha? (Isadora hit Scarlet on her shoulder.) Ha? Nagi-guilty ka ba? (Scarlet is teary eyed.) Ha? Nagi-guilty ka? Eh dapat nga, ito ang nagi-guilty eh, sa iyo! Alam mo ba kung nasaan sya nitong mga huling araw? Alam mo ba kung sino ang kasama nya? Si Miguel.

Scarlet: Si Miguel? (Isadora hit Catherine and pulled her.)

Isadora: Alam mo ba, kung nasaan sila? Nasa gitna sila nang gubat, sa iisang bahay. (Scarlet felt weak. Catherine is crying, trying to plead with her eyes.) Syempre, alam mo na kung ano ang ginagawa doon. Hindi lang iyon Scarlet, meron pa silang planong tumakas, yung iwanan ka, yung gawin kang mukhang tanga. In fact, nagpagawa pa sila nang passport, eto o! (She showed Scarlet their passports.) Mr. Jonathan Perez at Mrs. Rachel Perez. (Scarlet is so confused.) Kawawa ka naman Scarlet, gagawin ka na namang mukhang tanga, iisahan ka na naman. (Catherine tries to remove the cover on her mouth, but Isadora saw it and stopped her.) Tumigil ka! Tumigil ka! (Catherine is trying to plead with her cry.) Kaya kung ako sa iyo, tapusin mo na ang problema mo. O, isang kalabit lang nang gatilyo, tapos na ang lahat nang problema mo.

Scarlet: (crying) Hindi ko kaya. (Isadora slaps her on the face.)

Isadora: Anong hindi mo kaya, ha? Anong hindi mo kaya?! Ang dali, dali lang nyang eh! Palabasin mo na, na dinifend mo ang sarili mo, diba convincing? Sige na Scarlet. (Isadora handed her the gun.) Tapusin mo na ang problema mo.

- Dumating si Miguel sa bahay nila at nakita nya doon si Vernon, hinanap nya agad si Isadora. Sinabi ni Vernon na wala doon si Isadora dahil pinuntahan nya doon si Miguel, tinanong ni Vernon kung ano ang nangyari. Napansin ni Miguel ang mga pasa sa mukha ni Vernon, pero sinabi ni Vernon na wala iyon. Sinabi ni Miguel na nahuli na sila ni Marco at papatayin na sana sila, buti nalang daw at dumating si Rafael kaya lang ay nawala si Catherine. Nag-alala si Miguel na baka kasama ni Isadora si Catherine. Inalala naman ni Vernon si Marco, sinabi ni Miguel na nahuli na ito.

- Pagkabigay ni Isadora nang baril kay Scarlet ay sinabi nya na bahala na si Scarlet kay Catherine at huwag daw hayaang maisahan sya ulit, yung gagawin syang tanga ulit. Sinubukan ni Catherine na manlaban kay Isadora, pero tinulak lang sya ni Isadora at sumakay na sa kotse. Tumatawa pa nang malakas si Isadora habang paalis. Si Scarlet naman ay napasigaw sa sobrang galit at tinutukan nang baril si Catherine.

Scarlet: MGA WALANGHIYA TALAGA KAYO! MGA HAYUP! Hayup ka! Paulit ulit nyo akong niloko! Huhuhu…sige, subukan mo pang magdahilan. SIGE, MAGDAHILAN KA PA! (Catherine is trying to plead.) MAGSALITA KA, BAKIT MO GINAWA SA AKIN ITO HA?! HAYUP KA! (Scarlet pushed Catherine on the ground and hit her.) HAYUP KA! LUMABAN KA SA AKIN! (Catherine rope untangles.) LUMABAN KA! LUMABAN KA NGAYON! (Scarlet continues to hit her, but Catherine didn’t fight back. Catherine removed the cover on her mouth and pushed Scarlet on the ground, took the opportunity to run away. Scarlet felt a sharp pain in her stomach.) Ang baby kooo! Catherine, ang anak kooo! (Catherine stopped from running and turned back to help Scarlet.) Catherine!! Catherine, tulong!! Ahhhh! Catherine…huhuhu…Catherine….(Catherine helped to get Scarlet off the ground. Scarlet has blood on her legs.)

Catherine: Dahan dahan…

Scarlet: (in pain and crying) Ang anak ko! (Catherine tries her best to help Scarlet to get in the car.)

- Si Miguel naman ay hindi mapakali at iniisip ang kalagayan ni Catherine habang umiinom nang alak sa isang restaurant. Naalala din ni Miguel ang sinabi sa kanya ni Isadora noon about the money she gave to Catherine, telling him that Catherine asked for it to elope with Emilio. Naalala din ni Miguel ang katotohanang sinabi ni Catherine na kinulong sya ni Isadora sa ospital, at kung ano-anong gamot ang tinurok sa kanya kahit na alam ni Isadora na buntis sya. Naiyak si Miguel. Biglang dumating si Isadora at pinagalitan si Miguel dahil pinapunta sya doon, hindi daw ito nag-iisip dahil baka makita daw sya nang mga pulis doon. Pagharap ni Miguel ay nakita ni Isadora na umiiyak ito kaya natigilan sya.

Miguel: Hindi pa nila ako nail-link sa pagtakas ni Catherine. Nasaan sya?

Isadora: Ewan ko. Ano ako, lost and found? (but she can’t look straight in Miguel’s eyes.)

Miguel: Alam kong kinuha mo sya, dahil interesado ka sa reward ni Scarlet. Saan mo dinala si Catherine?

Isadora: Wala sya sa akin. Ewan ko, baka wala na din sya sa mundong ito.

Miguel: (mad) Anong ginawa mo sa kanya? Pinatay mo sya?!

Isadora: Hindi! Iniwan ko sya kay Scarlet. O pero hanggang ngayon, hindi ko parin nababalitaan na bumalik si Catherine sa mga pulis. Kaya siguro, binura na ni Scarlet ang mga problema nya. Binura na nya si Catherine sa mundong ito!

Miguel: Oras na may mangyaring masama kay Catherine…

Isadora: O ano?

Miguel: Mananagot ka sa akin.

Isadora: Ano? Ako na naman ang masama?! Ako na naman ang may kasalanan?!

Miguel: (teary eyed) Dahil iyon ang totoo. Sinabi na sa akin ang lahat ni Catherine. Sinabi na nya sa akin ang lahat-lahat. (Isadora tries to hide her fear.)

Isadora: Sigurado akong nagsisinungaling lang iyon. Wala akong ginagawa sa kanya.

Miguel: Hindi mo ba sya pinadukot? Pinadukot mo sya nung gabing magtatanan kami. Ikinulong mo sya, at tinurukan nang kung ano-anong gamot. (Isadora tries to hide her guilt.) Buong akala ko, sumama sya sa ibang lalake, yun pala ay nasa iyo lang! Ngayon mo itanggi, subukan mong itanggi…

Isadora: O sige! Sige! Hindi ko itatanggi! Pero ito ang gusto kong malaman mo, gusto kong malaman mo na ginawa ko ang lahat nang iyon para sa iyo! Dahil isang hampaslupa si Catherine! Hindi sya nababagay sa iyo!

Miguel: SINO KA, PARA MANGHUSGA?! Galing din tayo sa lupa!

Isadora: OO, NANGGALING DIN TAYO SA WALA, PERO GINAWA KO ANG LAHAT PARA MAWALA KA SA PAGKAWALA!

Miguel: (starts to cry) Ginawa mo ang lahat? Halos mamatay si Catherine.

Isadora: (didn’t feel any remorse) O bakit? Buhay parin naman ang pinakamamahal mong Catherine ah?! May nangyari ba sa kanya?! O?! Saka teka muna nga Miguel ha, bakit ba inuungkat natin ito ngayon?! Ang tagal-tagal na nyan, kalimutan na natin yan!

Miguel: (crying) Hindi ko makakalimutan…huhuhu…namatay ang anak namin…namatay ang isang inosenteng sanggol. Namatayan ako nang panganay. (Isadora got teary eyed and starting to feel guilty.) Kaya huwag mong sasabihin sa akin…na wala lang yun. Sana hindi nalang ikaw ang naging ina ko. (Out of anger, Miguel threw his glass of wine and walked out. Isadora felt weak and cried. Then suddenly, Isadora remembered something and she stopped from crying. She is thinking of another plan.)

- Sa ospital, nagising si Scarlet na mag-isa lang at kinapa ang tiyan. Dumating ang isang nurse at tinanong agad ni Scarlet kung kamusta ang kanyang baby. Sinabi nang nurse na ligtas na ang baby ni Scarlet dahil mabuti daw at naagapan. Dagdag pa nang nurse na nagbilin daw yung kasama ni Scarlet (si Catherine) na alagaan sya, matagal-tagal daw din itong nagbantay. Tinanong ni Scarlet ang nurse kung nasaan si Catherine, pero sinabi nang nurse na hindi nya alam. Nagpaalam muna ang nurse para alamin ang result nang lab test ni Scarlet. Pag alis nang nurse ay naiyak si Scarlet at nakunsensya. Naalala nya ang mga pinagsasabi nya noon kay Catherine (yung mga color-coded nyang remarks – Ara) Naalala din nya nung mga panahong pinalayas at kinaladkad nya si Catherine palabas nang mansion. Pati na din nung kinausap sya ni Catherine para sabihin na gusto na nito ang tahimik na buhay pero hindi sya pumayag at patuloy parin sya sa paghiganti, hanggang pati si Rafael ay ginamit nya para sirain ang buhay nila. Naalala din nya nung mga panahong naiiyak pa si Catherine at sinabi sa kanya na wala talagang nangyari sa kanila ni Miguel; pero hanggang sa huli ay hindi parin sya naniwala at mutikan pa nyang barilin si Catherine, at dahil doon ay muntikan na ding nawala ang baby nya.

- Sinundo ni Winnie si Scarlet sa ospital. Palabas na sana sila nang biglang dumating si Miguel at hinanap si Catherine.

Scarlet: (still weak) Pwede ba Miguel, huwag ngayon.

Miguel: Ang sabi sa akin ni Mommy, nasa iyo si Catherine, hindi mo daw sya tinurn over sa mga pulis. Anong ginawa mo sa kanya?

Scarlet: Pinakawalan ko sya.

Miguel: I don’t believe you.

Scarlet: Believe what you want Miguel. Basta ang sinasabi ko sa iyo, pinakawalan ko si Catherine. Kung nasaan man sya ngayon, hindi ko na alam iyon. Problema mo na kung maniniwala ka sa akin o hindi. Pagod na akong makipag-away.

Miguel: Anong nangyari sa iyo, bakit…

Winnie: Miguel naman, na-stress ang baby, muntik na syang makunan, buti nalang naagapan eh.

Miguel: I’m sorry. Ok ka lang ba?

Scarlet: (teary eyed) Kailangan ko lang daw magpahinga.

Miguel: Hindi ka dapat naglalakad na. Hayaan mong ako na ang maghatid sa iyo. (Scarlet felt happy.)

Teasers:

- Kausap ni Scarlet si Miguel at sinabing nag-file nang appeal si Catherine para sa kaso nyang frustrated murder. Gusto ni Scarlet magtestity para tulungan si Catherine.

- Pumunta si Isadora sa bangko para i-encash ang check. Sinabi nang manager na kakatawag lang ni Scarlet at pinaba-block ang check ni Isadora. Gulat na gulat si Isadora.

- Si Marco naman ay sinasabing madami syang sisingilin.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!