Google
 

Read the transcript of episode 72 of "Iisa Pa Lamang" courtesy of Pinoy TV Junkie.

- Nagpunta ang assistant ni Rafael at isa pang kasama sa bagong tinutuluyan ni Scarlet para hanapin si Miguel. Sinabi ni Scarlet na hanapin daw nila si Miguel sa bahay nang nanay nito. Sinabi nang staff ni Rafael na doon sila pumunta pero wala si Miguel at nagbabakasakali lang na nagsabi ito kay Scarlet kung saan pumunta. Sabi naman ni Scarlet na walang sinasabi sa kanya si Miguel at baka nagpunta daw ito sa Amadesto. Pero pati daw sa Amadesto ay na-check na din daw nang mga staff ni Rafael, baka naman daw tinatago ni Scarlet. Medyo nainis si Scarlet dahil bakit naman daw nya itatago si Miguel, at tinanong kung anong nangyari at kung meron bang problema? Sinabi nang assistant ni Rafael na posibleng sangkot si Miguel sa smuggling operation, at kung may malaman si Scarlet ay ipaalam lang sa kanila dahil mas mabibigyan nang konsiderasyon daw si Miguel kung lalapit ito sa kanila. Pag alis nang mga staff ni Rafael ay sinabi ni Winnie kay Scarlet na kaya pala asensado si Miguel ay dahil sa illegal na paraan, at mabuti nalang na hiniwalayan na ito ni Scarlet dahil hihilahin sya pababa. Nagalit at sinigawn ni Scarlet si Winnie at huwag daw nyang sisiraan si Miguel, huwag daw itong magsasalita nang laban kay Miguel dahil asawa nya ito at ama nang anak nya. Pagkatapos magalit ay nag-walk out na si Scarlet.


- Binisita ni Rafael si Estelle sa ospital, wala parin itong malay.

- Pag uwi ni Miguel sa bahay ay dali-dali nyang ibinalita na wanted si Catherine, at hindi ito pwedeng lumabas nang bahay dahil siguradong magpapakalat nang wanted posters. Nainis naman si Catherine at sinabing hindi dapat umabot sa ganon ang sitwasyon, gusto ni Catherine na bumalik. Hindi naman pumayag si Miguel dahil ibabalik sa kulungan si Catherine at madadagdagan ang kaso nito dahil sa pagtakas. Nagalit si Catherine dahil hindi naman sya ang may pakana nang pagtakas nya, ayaw naman daw nyang tumakas. Sabi naman ni Miguel na hindi maniniwala ang mga pulis kay Catherine. Sinisi ni Catherine si Miguel dahil ngayon ay wala na syang pag-asang makalaya pa at makukulong na sya nang habang buhay. Sabi naman ni Miguel na hindi nya hahayaang makulong si Catherine dahil pag nangyari iyon ay mamamatay si Catherine. Nagulat si Catherine at tinanong kung ano ang ibig sabihin ni Miguel. Sinabi ni Miguel na gustong patayin ni Marco si Catherine, kaya nya ito itinakas.

- Sa bahay naman ay pinapanood ni Rafael ang video nang ambush at nakita nya si Vernon. Pagkatapos mapanood ay tinanong si Toby kung saan nya nakuha ang video. Sinabi ni Toby na galing ito sa isang tv station dahil naghahanap sya nang clues kung sino ang pumatay sa kanilang ama, nawala lang daw ito dahil may kumuha. Nalaman ni Toby na kilala ni Rafael si Vernon, inamin ni Rafael na sya ang nagpakulong kay Vernon. Nagalit lalo si Toby dahil alam nyang nagsinungaling si Vernon sa kanya. Kinuwento ni Toby kay Rafael na kinausap nya si Vernon at sinabi daw nito sa kanya na hindi nya kilala ang Papa nila o maski sino sa kanila, nagsinungaling daw ito sa kanya dahil sinabi na nabasa daw sa diaryo ang tungkol sa ambush. Lalong lumaki ang hinala ni Toby na may kinalaman si Vernon sa pag-ambush sa kanilang Papa. Pinayuhan ni Rafael na huwag nang kakausapin ni Toby si Vernon dahil dangerous man daw ito, at sya na daw ang bahala.

- Habang naglalakad si Vernon ay muntik-mutikan na syang mabangga nang isang rumaragasang kotse, at si Rafael ang nagmamaneho (kasama ang kanyang assistant.) Nagalit si Vernon. Pagbaba ni Rafael ay nang-asar si Vernon dahil hindi na pala sya ngayon (basta) attorney, congressman na si Rafael ngayon. Galit na sinabi ni Rafael na naging congressman daw sya dahil tumakbo sya nung pinatay ang kanyang ama. Nang-inis na naman si Vernon at sinabing nabalitaan nga daw nya ang nangyari at ang malas daw ni Rafael. Hindi nakapagpigil si Rafael at susuntukin nya dapat si Vernon pero napigilan sya nang kanyang assistant. (Naku, dapat ay kahit isang suntok lang sa mukha o sikmura, makaganti man lang si Rafael. – Ara) Nang-inis ulit si Vernon at sinabing relax lang daw si Rafael at sundin nito ang kanyang assistant. Galit at sinisigawan ni Rafael si Vernon at sinabing alam nyang may kinalaman si Vernon sa pagkamatay nang kanyang ama dahil nandoon ito nung kinakarga sila papasok nang ambulance, maski kay Toby ay nagkaila daw si Vernon. Sarcastic namang sumagot si Vernon at sinabing kung nakalimutan nyang sabihin iyon kay Toby ay siguro daw dahil may memory gap na sya dahil sa pagkakulong nya na wala syang kausap kundi ang pader, sarcastic ding nagpasalamat si Vernon kay Rafael for that. Sinabi ni Rafael na kung gusto daw maghiganti ni Vernon sa kanya ay bakit pa nito dinamay ang kanyang ama, sana ay sya nalang daw. Nagbanta naman si Vernon at sinabing huwag daw mag-alala si Rafael dahil dadating din sila doon. Wala nang nagawa pa si Rafael nang umalis na si Vernon.

- Sa bahay nila Rafael ay kausap nya ang kanilang lawyer at nandoon din ang ilang mga pulis. Sinabi nang lawyer na nabasa na daw nya ang mga written testimonies at napanood na din nya ang DVD, talagang nakakaduda daw na nandoon si Vernon sa scene of the crime pero hindi ito matibay na ebidensya. Gusto ni Rafael na magkaroon sila nang full investigation kay Vernon, aalamin ang kanyang activities at tututukan nila ito 24/7, at sigurado daw syang mahuhuli nila si Vernon.

- Si Vernon naman ay pumunta sa bahay ni Isadora at sinabing tatakas sila Miguel paalis nang Pilipinas. Nagtaka naman si Isadora kung bakit at paano tatakas sila Miguel. Sinabi ni Vernon na since smuggler sya ay kaya nyang i-smuggle sila Miguel. Sabi naman ni Isadora na ilabas na ni Vernon kung sino ang gusto nyang ilabas pero huwag si Miguel na makakasama pa si Catherine. Wala naman daw magagawa si Isadora, sabi ni Vernon, dahil hindi nito kayang kontrolin si Miguel. Nag-isip din si Isadora at nagrequest kay Vernon na ilabas na din sila ni Sofia dahil nagiging mainit na din daw sila. Agree naman si Vernon at sinabing sabay-sabay nalang daw silang pamilyang mangibang-bansa. Ang pag-uusap na iyon ay nauwi sa paglalambing ni Vernon kay Isadora dahil sinabi nyang asawa parin nya si Isadora at sya parin ang babae para sa kanya, pwede na din daw nilang maging second honeymoon ang pag-alis nang bansa. Umiwas si Isadora sa paglalambing ni Vernon at sinabing asikasuhin nalang daw nito ang mga passport nila at yung second honeymoon nila ay saka nalang nila pag-usapan. Papaalis na sana si Vernon sa bahay ni Isadora pero nakita nyang may nakaabang na van sa labas nang bahay, alam nyang mga tauhan iyon ni Rafael at ayaw syang tigilan. Sinuggest naman ni Isadora na sa likod nalang dumaan si Vernon, pagtalon daw nito sa bakod ay kalye na. Sumunod naman si Vernon.

- Sa bahay ni Catherine ay nakita ni Louella na nagmumukmok si Sofia sa may living room. Sinabihan ni Louella si Sofia na huwag nitong dibdibin masyado ang pag-aaway nila ni Toby dahil magkakabati din sila. Sabi naman ni Sofia na hindi kasi nakita ni Louella si Toby, galit na galit daw ito sa kanya. Pinapalakas naman ni Louella ang loob ni Sofia dahil mahal na mahal daw ito ni Toby at magkakaayos din sila. Malungkot naman na sinabi ni Sofia na baka hindi na sila magkaayos ni Toby dahil hate na daw sya nito. Tinanong ni Louella kung ano ba ang pinag-away nila? Hindi naman sinabi ni Sofia kung ano ang dahilan, mas inaalala daw nya ang kanyang Ate. Biglang nag-alala din si Louella dahil kalat na kalat na si Catherine ay isang dangerous criminal, lalo daw itong nagmukhang guilty. Medyo sinisisi ni Louella si Catherine dahil ano ba daw ang pumasok sa utak nito at nagawa nya iyon. Si Sofia naman ay naiintindihan ang kanyang kapatid dahil minsaw daw pag ipit na ipit na ay magagawa nilang magsinungaling, maglilihim, pagtatakpan ang hindi dapat, tatakasan ang batas. Sabi naman ni Louella kung ganon nga ang ginagawa ay wala na itong pagkakaiba sa criminal.

- Sa bahay naman ni Scarlet ay tinanong nya si Winnie kung nahanap na si Catherine, pero sabi ni Winnie ay hindi pa. Nag-isip nang paraan si Scarlet kung paano mapapalabas sa lungga si Catherine (comparing her to a rat) dahil imposible daw na makapagtago si Catherine kung walang tumutulong dito. Gusto ni Scarlet na baligtarin ang sitwasyon - na ang mga nagtatago kay Catherine ang magtuturo sa kanya. Inutusan ni Scarlet si Winnie na magset nang appointment with the tv news crew, tutulungan daw nya ang mga pulis na hanapin si Catherine.

- Sa bahay naman nila Rafael ay kinausap sya ni Toby at tinatanong kung wala pa silang gagawin kay Vernon. Sabi naman ni Rafael na sa ngayon ay wala pa dahil hindi pa matibay ang ebidensya nila laban kay Vernon. Nagagalit naman si Toby dahil alam nyang may kinalaman si Vernon sa pagkamatay nang kanilang ama. Si Rafael naman ay sinabi kay Toby na hindi tinatanggap sa korte ang kutob lang at kailangan nila nang hard evidence. Tuloy-tuloy daw ang imbestigasyon nila kay Vernon at hindi ito makakakilos nang hindi nila malalaman dahil may tauhan silang nakatutok dito. Ang inaalala naman ni Toby ay baka makatakas si Vernon. Sabi naman ni Rafael na hindi sya makakapayag at nangako sa kapatid na mahuhuli nila si Vernon, but for now they just have to wait.

- Si Miguel naman ay pumasok sa kwarto ni Catherine para sabihin na dumating na ang hinihingi nyang tulong mula sa kanyang ama. Matamlay si Catherine at tinanong kung ano ang tulong at ano na naman ang binabalak ni Miguel. Masayang ibinalita ni Miguel na dumating na daw ang mga passports nila at ilalabas nya nang bansa si Catherine, may bago na din daw itong identity. Gulat na gulat si Catherine. Si Miguel naman ay masayang sinabi kay Catherine na ilalayo nya ito kung saan hindi na sya matatagpuan ni Marco o ni Rafael. Sinabi ni Catherine na hindi nya kalaban si Rafael. Nagalit si Migue at sinabing si Rafael ang nagpakulong kay Catherine. Pinilit naman ni Catherine na si Scarlet ang nagpakulong sa kanya at ito din ang nagbigay nang ebidensya, labas daw doon si Rafael. Nagagalit naman si Miguel dahil pinagtatanggol ni Catherine si Rafael samantalang hindi naman daw ito naniwala nung pinagsisigawan ni Catherine sa buong mundo na inosente sya; sya (si Miguel) daw ang naniwala, nagtanggol, nagligtas kay Catherine sa lahat nang kapahamakan.

- Si Toby ay pumunta sa kanyang kwarto at nilabas ang baril, sinabi ni Toby sa sarili na hindi na sya makakapaghintay at kailangan nang magbayad ni Vernon.

- Naiiyak at sinabi naman ni Catherine na kahit masakit sa loob nya na tinalikuran sya ni Rafael, hindi maiaalis ni Miguel na sa puso nya, si Rafael ang mahal nya.

Miguel: (starts to cry) Hindi totoo yan…Catherine…

Catherine: (sat on the bed) Miguel…marami na tayong pinagdaanan, at nagpapasalamat ako doon. Nagpapasalamat ako sa Diyos at sa iyo, dahil nandyan ka, dahil hindi mo ako pinapabayaan, dahil mabuti kang kaibigan. Pero kaibigan nalang.

Miguel: HINDI KO KAILANGAN ANG PAGKAKAIBIGAN MO! (Kneeled down and held Catherine’s hand, kissing it.) Catherine, kailangan ko ang pagmamahal mo. Catherine, mahal na mahal kita.

Catherine: Miguel, tama na, natatakot na ako. (Miguel is caressing her.) Miguel, tama na.

Miguel: (still crying) Catherine, please? Hindi ako titigil hangga’t hindi dumadating ang araw na mamahalin mo ulit ako. Catherine…(Miguel kiss Catherine on her lips and forcing her to make love to him. At first, Catherine is fighting back; and the more she fights back, the more Miguel is forcing himself. Catherine cries and Miguel noticed that she is no longer fighting back. Miguel came into his senses and let go of Catherine. Miguel went out of the room, feeling so ashamed and mad at himself. He screamed and cried. Catherine cried too.)

- Pumunta si Sofia sa bahay nila Isadora at inabot ang passport pictures nya. Tinanong nya ang ina kung para saan iyon. Sinabi ni Isadora na para sa passport nya. Nagtaka at sinabi ni Sofia na hindi pa expired ang passport nya, nagdahilan naman si Isadora na hindi kailangang ma-expire bago i-renew. Inabot ni Isadora kay Vernon ang passport picture ni Sofia, medyo kinabahan naman si Sofia. Nang tanungin ni Vernon kung nasaan ang passport pictures ni Isadora, pinakuha ni Isadora kay Vernon sa kanyang kwarto. Pag alis ni Vernon para kunin ang passport pics ni Isadora ay nagtanong agad si Sofia kung bakit binigay nang ina kay Vernon ang kanyang passport pics, at pinagdududahan nya ang ina at si Vernon. Nainis naman si Isadora dahil natotorete na daw sya kay Sofia. Pag labas ni Vernon sa may gate ay nakasalubong nya si Toby at tinutukan agad sya nang baril. Natakot naman si Vernon at sinabing pag-usap muna nila iyon ni Toby. Si Toby naman ay galit na galit at pinapaamin si Vernon na sya ang pumatay sa ama nya.

- Si Catherine naman ay nagbabalak na tumakas. Nakita sya ni Miguel at sinabi ni Catherine na babalik na sya nang Manila. Nagalit si Miguel at nagtalo sila ni Catherine. Sinabi ni Catherine na gusto na nyang sumuko at ayaw nyang umalis nang bansa at magsimula nang bagong buhay kasama si Miguel. Nagpakumbaba naman si Miguel at inaming nagkamali sya pero hindi sya susuko; gusto parin nyang magsimula sila ni Catherine nang bagong buhay at sabay daw silang aalis, sa ayaw at sa gusto ni Catherine, magsasama sila habang buhay at hindi na nya pakakawalan pa ito.

- Si Toby ay galit na galit at tinatanong kay Vernon kung paano nito pinatay ang kanyang ama. Tinanong naman ni Vernon kung bakit nya gagawin iyon, sinabi sa kanya ni Toby na kung sakaling sabihin nya ay baka mapatawad nya si Vernon at buhayin nya ito. Biglang lumabas sila Sofia at Isadora, nakitang tinututukan ni Toby si Vernon nang baril and they’re trying to stop him. Ang ginawa naman ni Vernon ay kinuhang shield si Sofia. Si Isadora naman ay kinukumbinsi si Toby na ibaba ang baril pero hindi nagpapigil si Toby. Hawak parin ni Vernon si Sofia at sinasabi kay Toby na nanginginig na ito at konting pagkakamali lang nya ay baka matamaan si Sofia. Nagmamakaawa si Isadora at Sofia kay Toby. Dahil hindi rin matiis ni Toby si Sofia ay nagpasya itong huwag nang tutukan pa si Vernon. Pinakawalan naman ni Vernon si Sofia. Pumunta agad si Sofia kay Toby at kinuha ang baril, si Isadora naman ay sinaktan si Vernon dahil ginawang hostage si Sofia. Sabi naman ni Vernon na alam nyang hindi sasaktan ni Toby si Sofia dahil mahal nya ito. Napasigaw lang sa galit si Toby at nung paalis na sana si Vernon ay sinuntok agad sya ni Toby at nag-away sila. Natalo si Toby sa suntukan nila ni Vernon. Pinaalis na ni Sofia si Toby dahil alam nyang kayang patayin ni Vernon si Toby.

- Pag uwi ni Toby ay pinagalitan agad sya ni Rafael dahil nalaman nito ang ginawa ni Toby dahil may mga tauhan syang nakamanman kay Vernon. Ni-report agad sa kanya ang ginawa ni Toby kay Vernon at muntik nang tumulong ang mga tauhan ni Rafael kay Toby and it almost blew their cover. Nilabas ni Toby ang recorded conversation nya with Vernon at that time, dahil ang gusto lang daw nya ay aminin at ma-record ang pag-amin ni Vernon sa pagpatay sa kanilang Papa. Pero nagalit si Rafael dahil hindi tatanggapin iyon nang korte dahil tinutukan ni Toby si Vernon nang baril. Sinasagot ni Toby si Rafael at sinabi nya na at least sya ay may ginagawa, hindi daw sya katulad ni Rafael na mahaba ang pasensya, hindi daw nya kayang tumahimik sa isang tabi lang at dapat daw pagbayaran ni Vernon ang ginawa sa kanilang ama. Sinabi naman ni Rafael kay Toby na hinding hindi sya papayag na makatakas sa kanila si Vernon dahil ito ang dahilan kung bakit namatay ang kanilang ama. Nangako si Rafael kay Toby na pagbabayaran ni Vernon ang mga kasalanan nito.

- Sa bahay naman ni Scarlet ay dumating na ang mga tv news crew. Nagpa-record si Scarlet para i-air sa tv ang sasabihin nya.

Scarlet: Good afternoon, ako si Scarlet Dela Rhea. Ako ang nagmamay-ari nang Dela Rhea Food Incorporated, para sa mga hindi nakakaalam. I’m sure by now, alam nyo nang lahat na nakatakas ang aking former stepmother na si Catherine Dela Rhea. (Rafael was surprised upon seeing Scarlet on tv.) Gusto ko lang din malaman nyong lahat na hindi ko sinusuportahan ang ginawa nyang ito. Isa itong malinaw na paglabag sa batas. Catherine Dela Rhea is a criminal and a fugitive of the law. (Isadora and Vernon are watching the news too.) Catherine Dela Rhea is a murdered and must be brought to justice. Kaya naman ako, bilang law-abiding citizen, gagawin ko ang lahat para lang maibalik sa kulungan ang criminal na si Catherine Dela Rhea. I’m offering a reward kung sino man ang makahuli o makakita sa kanya. I’m giving a reward of 5 million pesos. Happy hunting! (Rafael is so mad at Scarlet.)

Teasers:

- Gustong tumakas ni Catherine. Kinulong sya ni Miguel sa kwarto.

- Pumunta si Rafael sa bahay ni Scarlet para awayin sya. Sinisi ni Scarlet si Rafael dahil sya daw ang nagpapunta sa kanya sa kanilang bahay. Sinisigawn at sinabi naman ni Rafael na hindi nya pinapapunta doon si Scarlet at kung may sasabihin sya kay Scarlet ay hindi na nya uutusan pa si Isadora. Nagulat si Scarlet.

- Binubuyo ni Isadora si Vernon dahil sya lang naman daw ang nakakaalam kung nasaan si Catherine. May instant 5 million na daw ito.

- Si Marco naman ay sinasabi sa kanyang mga tauhan na sa sobrang laki nang utang sa kanila ni Catherine ay sila ang dapat makinabang sa pabuyang iyon.

- Pinuntahan ni Marco (kasama ang mga tauhan nya) si Vernon. Dinedeny ni Vernon ang kinaroroonan ni Catherine. Pinabugbog ni Marco si Vernon para kumanta.

- Pumunta naman si Scarlet sa bahay ni Isadora para itanong kung bakit sya pinapunta sa bahay ni Estelle. Plinano ba daw ito talaga ni Isadora? Mataray na tinanong ni Isadora kung gusto ba daw talagang malaman ni Scarlet ang totoo?

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!