Google
 

Read the transcript of episode 69 of Iisa Pa Lamang courtesy of Pinoy TV Junkie.

Sa bahay nila Rafael, tinanong nya ang ina tungkol sa nabalitaan nyang pinalayas ni Catherine si Isadora sa hacienda. Sinabi naman ni Estelle na kaibigan nya si Isadora pero si Catherine ang rightful owner at tama lang na mabawi nya ang hacienda. Sabi naman ni Rafael na hindi iyon magagawa ni Catherine kung hindi ito tinulungan nang kanyang ina, bakit daw nya ginawa iyon? Sagot naman ni Estelle na she always tried to instill with them (Rafael and Toby) a sense of always doing the right thing and she will be a hypocrite if she will not practice what she preach.


Kaya lang ay nalulungkot daw sya dahil nag-fail sya kay Enrique. Nagkaroon nang pagkakataon si Rafael na tanungin ang tungkol sa kanyang Papa at Mr. Lintoco, kung totoo ba daw na corrupt ang kanyang ama. Inamin naman ni Estelle at sinabing she tried to stop him pero sobra ang ambisyon nang Papa nila.

Parati daw nilang pinag-aawayan iyon hanggang sa napagod na sya, sa kanila nalang daw ni Toby bumabawi si Estelle dahil gusto nyang lumaki silang with the right principles, to be strong and to always fight for the truth, para kahit papano ay makakabawi sila sa lahat nang nagawang kasalanan nang Papa nila. Naintindihan naman ni Rafael ang ina at sinabing babaguhin daw nya ang pangalan nang kanyang Papa at ibabangon nya ulit ang Amadesto, lilinisin nya ang pangalang Torralba. Natuwa naman si Estelle.

- Nagpunta si Vernon sa bahay nila Isadora at nabalitaan na nya ang ginawa ni Sofia. Natatawa nalang si Vernon dahil manang-mana daw si Sofia kay Isadora. Nainis naman si Isadora dahil pinagtatawanan sya ni Vernon at baka gusto daw nyang sya ang batuhin nya nang putik. Hindi lang daw maisip ni Vernon na tinalikuran ni Sofia ang sariling ina, at akala ba daw nya ay hawak ito ni Isadora sa leeg. Sinabi naman ni Isadora na nasulsulan lang daw ito at si Catherine ang may kasalanan at may kagagawan nang lahat. Pumunta si Isadora sa kanyang kwarto para magpalit ulit. Pag alis ni Isadora ay may tinawagan si Vernon at sinabing dumating na daw ang kinatatakutan nya dahil hindi na daw ma-control ni Isadora si Sofia at delikado sila dito, kailangan na daw nilang tapusin si Sofia.

- Sa bahay naman nila Catherine, habang nag-i-impake sila Louella at Sofia, alam ni Louella na namimiss ni Sofia ang kanyang ina at sinabing magkakabati din daw sila. Iyon din ang wish ni Sofia, at minsan ay namimiss nya talaga ang kanyang mommy, pero kailangan lang daw nya talagang lumayo. Hindi makakasama si Catherine sa kanila dahil sabi ni Louella na doon muna ito mamamalagi dahil naging presidente si Catherine nang Dela Rhea Foods, at madami daw iniwang problema si Scarlet. Pero huwag daw mag-alala si Sofia dahil makakasama nila si Catherine pag weekend. Medyo nag-alala naman si Sofia dahil sila ni Louella ang magpapalakad nang hacienda.

Sinabi naman ni Louella na huwag mag-alala si Sofia dahil sanay na sanay sya, ang inaalala nya ay si Sofia dahil baka pag nagtrabaho sila at naputol ang mga kuko nito ay baka bigla nalang daw itong umiyak. Sabi naman ni Sofia na hindi daw sya ganon kaarte, pinaalala din ni Louella na silang dalawa ang magtratrabaho at hindi daw sya maid ni Sofia. Umalis muna si Louella para bumili nang tali para sa mga boxes. Pag labas ni Louella ay hindi nya napansin ang nakaparadang van sa tapat lang nang bahay nila. Pag alis ni Louella ay may bumabang mga lalake sa van at pumasok sa bahay nila Catherine para kunin si Sofia. Nanlaban si Sofia at mabuti nalang na dumating si Toby at nilabanan ang mga goons. Habang nakikipagsuntukan si Toby ay sumigaw naman for help si Sofia. Dumating ang mga bodyguards ni Toby at tinulungan sya. Na-save si Sofia.

- Sa bahay naman ni Isadora ay galit na galit si Vernon sa dalawang nakauwing goons na inutusan nya para kunin si Sofia. Sinabi nang goon na dumating daw si Toby at yung mga bodyguards nito, at babalikan nalang daw nila ulit si Sofia. Galit na galit si Vernon dahil sa lahat daw nang hitman ay sila ang laging palpak, dahil pumalpak na daw sila sa pagpatay kay Rolando at ngayon naman ay pumalpak sila kay Sofia. Hindi nila alam na kadarating lang ni Estelle at narinig ang mga sinabi ni Vernon. Narinig din ni Estelle ang pagsabi ni Vernon na mabuti pa daw si Isadora na nagawa nitong patayin si Rolando. Gulat na gulat si Estelle at umalis na agad ito. Kaya lang sa pagtalikod ni Vernon ay naaninagan nya na may tao at mabilis nyang tiningnan kung sino iyon. Pag labas nya ay nakita nyang walang tao pero bukas ang gate.

- Pumunta si Isadora sa bahay ni Scarlet at nagulat sya dahil nakita nya ang kanyang dating maid. Nagtarayan ang dalawa. Biglang dumating si Scarlet at pinapunta na sa kusina ang maid. Pinapunta pala ni Scarlet si Isadora doon at alam ni Isadora na may kailangan si Scarlet sa kanya. Sinabi ni Scarlet na nabalitaan nyang naagaw na ni Catherine sa kay Isadora ang Amadesto, at baka hindi din nito nabalitaan na naagaw na din ni Catherine sa kanya ang Dela Rhea Foods.

Nagulat si Isadora. Nagsuggest naman si Scarlet na since inagawan sila ni Catherine ay magtulungan sila para pabagsakin si Catherine. Nagustuhan naman ni Isadora ang idea ni Scarlet, pero paano naman daw sya makakasiguro na hindi sya tratraydurin ni Scarlet samantalang galit ito sa kanya, tapos ngayon ay gusto nitong makipagtulungan sa kanya? Sinagot sya ni Scarlet nang “because the enemy of my enemy is my friend.” Nagtawanan ang dalawa at sinabi nilang they missed each other. Biglang humingi nang pabor si Isadora kay Scarlet, kung pwede daw nyang sampalin ang katulong nito. Tinanong ni Scarlet kung malakas, sabi naman ni Isadora ay ‘parang.’ Biglang nag-ring ang cellphone ni Isadora at si Miguel ang tumawag. Ibinalita ni Miguel na may nangyari kay Sofia.

- Dali-daling umuwi si Isadora sa kanyang bahay para awayin si Vernon. Galit na galit si Isadora at sinasaktan nya si Vernon. Sinabi nya na kahit hindi man sya ang pinakamabuting ina sa mundo ay isa pa rin syang ina. Subukan lang daw galawin ni Vernon ang mga anak nya at sinusumpa nya na mananagot ito sa kanya. Galit na din si Vernon at sinabi kay Isadora na hindi na nga nito ma-control ang anak at paano daw kung tuluyan nang masulsulan ito ni Catherine?

Sabi naman ni Isadora na hindi iyon gagawin ni Sofia dahil tiniis na nitong makulong, at ina parin sya nito at proprotektahan sya ni Sofia. Biglang sinabi ni Vernon na gawan nang paran ni Isadora si Estelle dahil alam na nito ang tungkol kay Rolando. Nagulat at nagtaka naman si Isadora kung paano iyon nalaman ni Estelle. Hindi na sa kanya sinabi pa ni Vernon kung paano nalaman ni Estelle, ayusin nalang daw ni Isadora ang gusot kundi ay pareho silang mananagot. Sinabi ni Isadora na gagawan nya nang paraan si Estelle pero huwag daw gagalawin ni Vernon ang kanyang mga anak.

- Pag alis nang bahay ay tinawagan agad ni Isadora si Scarlet para itanong kung may appointment sila ni Rafael sa doctor, sabi naman ni Scarlet na meron nga. Sabi ni Isadora na dumaan daw sya sa office ni Rafael at pinapasabing hindi na nito masusundo si Scarlet at pinapapunta nalang ito ni Rafael sa kanilang bahay at doon nalang daw sila magkita. Nagtataka naman si Scarlet dahil bakit hindi daw si Rafael mismo ang tumawag sa kanya? Sagot naman ni Isadora na hindi nya alam at napag-utusan lang sya, pinagmamadali nyang pumunta na si Scarlet sa bahay nila Rafael at huwag daw itong made-delay. May masamang plano si Isadora.

- Si Estelle naman ay tinawagan si Catherine para sabihin na may nalaman sya tungkol kina Isadora at Vernon. Pinapapunta nya si Catherine sa kanilang bahay para mag-usap sila. Sinabi naman ni Catherine na pupuntahan nya si Estelle. Hindi pa man nila nabababa ang phone ay may narinig si Estelle at habang nasa phone ay sinasabi nya kay Catherine na parang may tao. Alam ni Catherine na parang ninenerbyos si Estelle at tinanong ni Catherine kung nasaan na ang mga bodyguards nito. Sinabi ni Estelle na wala daw at driver lang nya ang kasama nya at nasa labas ito. Sinabi ni Catherine na pupuntahan nya si Estelle and in 10 minutes ay nandoon na sya dahil malapit lang daw ang office nya sa bahay ni Estelle. Biglang hindi na sumagot si Estelle sa kabilang line, kinabahan si Catherine habang tinatawag nya ang pangalan ni Estelle. Bumaba si Estelle sa living room at nakita nyang bukas ang pintuan, kaya agad nyang sinara ito.

Nagulat sya nang makita si Isadora sa may likod nang pintuan. Sinabi tuloy ni Isadora bakit daw nagulat si Estelle, para daw itong nakakita nang multo. Tumawa at pilit na inalis ni Estelle ang kaba para maikubli nya ang takot kay Isadora, sinabi nya na ginulat daw kasi sya ni Isadora. Magbe-beso sana si Estelle kay Isadora pero hindi sya pinagbigyan ni Isadora. Huwag daw magmaang-maangan si Estelle na parang wala syang ginawa sa kanya, traydor daw si Estelle dahil sya ang nagbigay nang titulo kay Aura. Hindi sumagot si Estelle at lumalapit sa kanya si Isadora, takot si Estelle kay Isadora at napapaurong ito. Galit na galit si Isadora kay Estelle, dahil daw sa ginawa nito ay tuluyan nang nawala sa kanya ang Hacienda Amadesto, walang natira sa kanya. Akala daw nya ay kaibigan nya si Estelle, yun pala ay nag-aalaga sya nang ahas, at ano daw ang pinakain sa kanya ni Aura para ibigay dito ang titulo? Kalmado namang sumagot si Estelle at sinabing kay Aura talaga ang Amadesto at ginawa lang nya kung ano ang tama. Nagsisisigaw si Isadora sa galit at sinabing hindi tama iyon dahil sa kanya ang Amadesto, hindi kay Aura o Catherine,

wala daw dapat may mag-ari nang hacienda. Hindi daw alam ni Estelle kung ano ang pinuhunan nya para makuha ang hacienda, at ngayon dahil sa pangingielam ni Estelle ay mapapahamak daw ito. Tinulak ni Isadora si Estelle. Nagalit na si Estelle at sinabi nyang si Isadora daw ang nag-frame up sa kanya sa pagkamatay ni Aura at kailangan nyang linisin ang pangalan nya dahil hindi sya ang pumatay kay Aura, si Isadora daw ang pumatay kay Aura. Habang tumatawa si Isadora ay naglabas sya nang white gloves at sinuot nya iyon. Inamin nyang sya nga ang pumatay kay Aura pero walang ibang nakakaalam nun kundi silang dalawa lang. Nilabas din ni Isadora ang baril sa kanyang bag. Nanlaban si Estelle at nabitawan ni Isadora ang baril, pero kinuha nya ulit ito at hinabol si Estelle. Tumakbo sa may dining room si Estelle at binaril sya ni Isadora likod.

Kahit medyo nagulat si Isadora dahil nakapatay na naman sya, naisipan nya agad na umalis sa bahay ni Estelle, at naiwan ang baril katabi lang nang katawan ni Estelle. Pag dating ni Catherine sa bahay ni Estelle ay nakita nyang walang malay (o patay na) ang mga bodyguards at maid ni Estelle. Kinakabahan at dali-daling pumasok si Catherine sa bahay ni Estelle at nakita nya ang duguang katawan ni Estelle. Nilapitan agad ni Catherine si Estelle at sumisigaw for help. Dahil sa pagkandong ni Catherine kay Estelle, napasubsob sya nang konti at nahawakan ang baril. Kung bakit naman naisipan ni Catherine na kunin/hawakan ang baril, sya namang pagdating ni Scarlet (kasama ang maid) at nakita nyang duguan si Estelle at hawak ni Catherine ang baril.

Napasigaw si Scarlet at inakalang si Catherine ang bumaril kay Estelle. Inutusan agad ni Scarlet ang maid na tumawag nang pulis. Nagpapanic na din si Catherine at humihingi nang tulong kay Scarlet, sinasabi din nya na hindi sya ang gumawa nun kay Estelle. Hindi naniniwala sa kanya si Scarlet at nagpapanic na din ito. Dumating na ang mga pulis at pinaaresto agad ni Scarlet si Catherine at sinasabing ito daw ang bumaril kay Estelle. Dahil hawak ni Catherine ang baril, tinutukan din sya nang mga pulis nang baril at pinapababa sa kanya ang baril. Kahit nagmamakaawa si Catherine at sinasabing hindi sya ang bumaril kay Estelle, si Scarlet naman ay panay ang sabi sa mga pulis na matagal nang may galit si Catherine kay Estelle at sya ang bumaril dito. Kinuha nang pulis ang baril kay Catherine at hinuli sya. Habang nilalabas si Catherine sa bahay ni Estelle ay concerned parin sya kay Estelle at sinabing tulungan nila si Estelle. Dinala agad si Catherine sa presinto at madaming reporters ang nandoon. Kinunan na nang finger print si Catherine and did her mug shot.

- Dumating sila Toby at Rafael at nakitang isasakay si Estelle sa ambulance. Umiyak si Toby at si Rafael naman ay kinausap agad ang mga pulis. Sinabi nang pulis na kailangan nilang dalhin agad si Estelle sa ospital at nahuli na nila ang salarin – si Catherine Dela Rhea daw. Nagulat naman si Rafael.

- Sa presinto naman ay ini-interrogate na nang mga pulis si Catherine. Umiiyak at sinasabi ni Catherine na hindi sya ang bumaril kay Estelle. Sinabi naman nang mga pulis na hawak ni Catherine ang baril at punong-puno ito nang kanyang finger prints, paano daw iyon mapapaliwanag ni Catherine? Sinabi naman ni Catherine na nakita lang nya iyon sa may pinto at hindi naman nya alam na iyon ang ginamit na baril kaya’t pinulot nya. Tanong naman nang mga pulis na bakit halos naliligo na daw si Catherine sa dugo nang biktima? Nag explain muli si Catherine at sinabi nyang pinipigilan daw nya kasi ang dugong dumadaloy kay Estelle. Pero sabi naman nang mga pulis na may nakakita kay Catherine, si Scarlet Dela Rhea. Sinabi ni Catherine na galit daw sa kanya si Scarlet at lahat daw ay gagawin nito para masira lang ang buhay nya. Kinukumbinsi ni Catherine ang mga pulis na inosente sya.

- Dinalaw agad ni Rafael si Catherine sa presinto. Medyo nahihiyang humarap si Catherine kay Rafael. Naiiyak sya nang kausapin si Rafael at tinanong nya agad ang kalagayan ni Estelle. Sinabi ni Rafael na kritikal ang condition nito dahil kay Catherine. Naiyak si Catherine at sinabing hindi sya ang bumaril dito. Sinabi naman ni Rafael na alam nyang madaming silang hindi pagkakaintindihan nang kanyang mama, maaaring hindi rin sila trinato ni Estelle nang maganda, pero hindi raw deserve iyon nang kanyang mama para gawin iyon ni Catherine.

Umiiyak at ine-explain ni Catherine na hindi sya ang gumawa nun sa mama ni Rafael, pero parang bingi naman si Rafael kay Catherine. Sabi naman ni Rafael na akala siguro ni Catherine na ang mama nya ang pumatay kay Lola Aura kaya ito ang ginawa nyang paghihiganti. Sinabi ni Catherine na magkasundo na sila ni Estelle, pero hindi naniwala sa kanya si Rafael at tinawag syang sinungaling. Nagmamakaawa si Catherine sa kanya at alam daw ni Rafael na hindi nya magagawa iyon dahil kilala daw sya nito. Sabi naman ni Rafael na hindi na daw nya kilala si Catherine, sabay alis. Nanlumo lang si Catherine at umiyak nang umiyak. Sa paglabas ni Rafael ay galit na galit sya at pinagsusuntok nya ang pader.

Teasers:
- Bumisita si Isadora sa kulungan. Inasar nya si Catherine at sinabing maganda daw ang damit nito, bagay na bagay daw kay Catherine. Pinapaalis sya ni Catherine. Pero nang-asar parin si Isadora at sinabing mas malaki ngayon ang bahay ni Catherine, iyon nga lang ay mas marami itong boarders, mga criminal na katulad ni Catherine.
- Sa hearing, si Scarlet ang isa sa witness. Sinasabi nya na nakita nya si Catherine na duguan at hawak ang baril. Tinuro ni Scarlet si Catherine, saying “that’s the murderess in yellow” (because Catherine is wearing a yellow shirt.)
- Sinugod ni Miguel si Scarlet sa bahay nito at sinasabing walang kasalanan si Catherine. Sabi naman ni Scarlet: “Open your eyes Miguel! Your precious Catherine is a cold-blooded killer!”

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!