Google
 

Read the transcript of episode 77 of "Iisa Pa Lamang" courtesy of Pinoy TV Junkie.

- Nasa bahay nila Toby si Sofia at nahalata ni Toby na malungkot ito. Naiiyak si Sofia dahil wala na ang tatay nya, wala pa ang mommy nya, ang Ate nya ay ibabalik naman sa kulungan, ang Kuya nya ay babalik naman sa America – wala na daw syang kasama sa mundo, paano na daw sya? Sabi naman ni Toby na masakit ang mawalan nang pamilya dahil alam nya iyon, pero matapang daw si Sofia at alam nyang makakayanan nya ito. Dagdag pa ni Toby na nandoon sya for Sofia at hindi nya ito iiwan dahil mahal na mahal nya si Sofia. Niyakap ni Toby si Sofia, naramdaman naman ni Sofia ang sincerity ni Toby.



- Na dismissed ang kaso ni Catherine for attempted murder kay Estelle dahil na din sa sworn statement ni Scarlet at mismong testimony ni Estelle. Nagkaroon nang party sa bagong bahay nila Catherine. Nandoon sina Miguel, Rafael, Toby, Sofia at Louella.

- That night, hindi makatulog si Sofia at naaalala ang kanyang mommy – nung mga panahong bata palang sya ay sinabihan na sya ni Isadora na mag English para hindi sya api-apihin nang mga tao; nung mga panahong pinagtatanggol nya ang ina dahil ini-imbestigahan ito sa pagkamatay ni Rolando; nung inamin ni Isadora na kaya nya pinatay si Rolando ay dahil ginawa nya iyon para sa kanilang magkapatid. Naiyak si Sofia, miss din nya ang kanyang mommy.

- Nagpunta naman si Winnie sa bahay ni Scarlet. Nalaman at sinabi ni Winnie kay Scarlet na nare-instate si Catherine bilang president nang Dela Rhea Foods, at huwag daw sa kanyang sasabihin ni Scarlet na makikipag-agawan ulit ito kay Catherine. Advice ni Winnie na si Scarlet pa naman din daw ang may-ari nang kumpanya at hayaan nalang daw si Catherine ang magpalago nito. Walang imik si Scarlet at nakaupo lang habang hinihimas ang tiyan. Tumayo si Scarlet at sinabi kay Winnie na hindi naman sa kanya iyon lahat. Akala naman ni Winnie ay dahil mas maraming stock share si Catherine, pero marami din naman investors si Catherine. Sabi naman ni Scarlet na hindi iyon ang kanyang ibig sabihin; ipinamana daw nang kanyang Papa kay Catherine ang kumpanya pero hindi nya ito ibinigay, dinaya daw nya si Catherine. Nagtaka naman si Winnie dahil may video daw si Martin na binabawi nito ang lahat kay Catherine. Naalala naman ni Scarlet ang araw na iyon nang ipinanood nila kay Catherine ang video at pagkatapos ay pinagtabuyan nya ito paalis nang mansion. Sabi ni Winnie na hindi nandaya si Scarlet dahil sinunod lang nya ang huling bilin nang kanyang Papa. Sabi naman ni Scarlet na hindi iyon ang huling bilin nang kanyang Papa. Nagtaka si Winnie at ano daw ang ibig sabihin ni Scarlet? Maiyak-iyak si Scarlet at hindi umimik.

- Pumunta si Scarlet sa kanyang kwarto at nilabas ang isang box sa kanyang closet. Nilabas nya sa box ang isang note na galing kay Martin bago ito namatay. Umiyak si Scarlet habang inaalala ang panahong pinatawag nya ang nurse na naka-duty that time nung naaksidente si Martin. Tinanong ni Scarlet kung talagang ang kanyang ama ang gumawa nang sulat na iyon. Sinabi nang nurse na oo, at tandang tanda pa nya na sabi nang nurse na naka-duty noon (the one that attended to Martin) na nakahiga daw si Martin sa kama at hingi daw ito nang hingi nang papel, at kahit hirap ay pilit nitong sinulat ang nilalaman nang papel (end of flashback.) Iyak nang iyak si Scarlet habang hawak ang papel.

- Sa bahay naman nila Catherine ay tuwang tuwa sila Louella at Sofia dahil ibinalita ni Catherine sa kanila na tuloy ang kasal nila ni Rafael. Sinabi ni Catherine na nagkabalikan sila dahil na din kay Scarlet. Nagbida naman si Louella na tama daw ang sinabi nya kay Catherine, na mabuti ang walang kaaway, at mismong si Scarlet pa daw ang tumulong sa pagbabalik ni Rafael kay Catherine. Wala daw magandang idudulot ang paghihiganti ni Catherine. Na-realize naman ni Catherine na totoo ang sinabi nang kanyang Lola, at sana daw ay noon pa man ay nakinig na sya sa mga sinasabi nito sa kanya. Sayang daw dahil sana ay naabutan daw iyon nang kanyang Lola, namimiss ni Catherine ang kanyang Lola, maski si Sofia ay namimiss din ang mga pangaral ni Lola Aura. Sabat naman ni Louella na hindi na nila masyadong mamimiss si Lola dahil hangga’t nandoon daw sya ay sya ang magsesermon at mangangaral sa kanila tulad nang ginagawa ni Lola Aura, sya daw ang kanilang kunsensya. Nagtawanan nalang silang tatlo.

- Nasa garden sila Toby at Sofia, nag-uusap. Sabi ni Toby na hindi sya sumama sa yaya nang mga kaibigan na manood nang sine dahil dinahilan daw nyang hindi na nya nakakasama ang kanyang girlfriend, at namimiss na nya ito. Natawa naman si Sofia dahil paano daw mangyayari iyon, halos araw-araw naman silang magkasama ni Toby. Sagot naman ni Toby na parang hindi daw dahil pag umuwi na daw sya nang bahay ay doon na daw nya namimiss si Sofia nang sobra-sobra. Hindi nila alam na may isang taong nakatago sa di-kalayuan, nagkikinig at tinitingnan sila. Naka-shawl ito na pinangtatago sa kanyang ulo/mukha, katulad nang ginagawa ni Isadora everytime na nagtatago ito. Umalis na ang taong nagtatago at nakaramdam nang kilabot si Sofia at sinabing parang biglang tumaas daw ang kanyang balahibo, at parang may tao. Sinilip ni Toby ang paligid pero wala naman silang makita. Natawa lang si Sofia dahil daw siguro November na kaya malamig ang hangin. Naglambing naman si Toby at sinabing kaya dapat ay lagi silang magkasama dahil malamig ang hangin. At pag parati silang magkasama ay pro-proteksyunan nya si Sofia. Nauwi sa pagyayakapan ang dalawa.

- Si Miguel naman ay pumunta kina Rafael at kinausap nya ito. Nalulungkot si Rafael dahil itutuloy ni Miguel ang kanyang pagre-resign. Sabi ni Miguel na hindi sya karapat-dapat sa posisyon na iyon, nagpasalamat din sya kay Rafael dahil hindi sya kinasuhan nito. Sabi naman ni Rafael na walang mabuting mapupuntahan iyon at tutal naman daw ay ibinalik ni Miguel sa Amadesto ang lahat nang nakuha nya kay Marco, nakipag-ayos na si Miguel at sapat na daw iyon sa kanya. Ipinaalam na din ni Rafael kay Miguel na tuloy ang kasal nila ni Catherine. Nalungkot si Miguel pero kinongratulate parin nya si Rafael. Nagsorry naman si Rafael kay Miguel dahil nahalata nyang na-hurt ito. Sabi naman ni Miguel na ok lang iyon, “the better man won, but I’m still the best.” Nagtawanan lang silang dalawa. Gusto sanang imbitahan ni Rafael si Miguel, pero hindi pa man tapos magsalita si Rafael ay sinabi sa kanya ni Miguel na tanggap na nya na si Rafael ang talagang mahal ni Catherine, pero huwag na daw syang imbitahan sa kasal nila dahil baka hindi na nya kayanin. Natawa naman si Rafael sa sinabi ni Miguel at tinanong kung magkaibigan na ulit sila ni Miguel. Ang sagot ni Miguel ay magkaibigan parin sila. Tuwang-tuwa si Rafael, nagkamayan at nagyakapan ang dalawa.

- Pag labas ni Sofia sa bahay ay may nakita syang isang malaking regalo. Lumingon-lingon sya sa paligid pero wala namang tao. Kinuha nya ang box. Pag alis ni Sofia ay lumabas si Vernon sa kanyang pinagtataguan.

- Pinasok ni Sofia ang regalo at ipinakita kay Catherine, akala nila ay para kay Catherine ito. Nagtaka naman si Catherine at tinanong kung kanino galing, inabot ni Sofia ang card. Binasa iyon ni Catherine – “To my dear Catherine, this reminds me of you.” Kilig na kilig naman si Louella. Nagtataka naman si Catherine kung kanino galing iyon. Sabi naman ni Louella ay may secret admirer si Catherine at hinulaan pa ang laman nang regalo – cute na doll, kasi cute daw si Catherine; mamahalin na bag, dahil sosyal daw si Catherine. Nagpasya naman si Louella na buksan na ang box dahil excited sya. Nagulat ang lahat at kinilabutan sa nakita dahil ang laman nang box ay isang patay na pusa.

- Sa bahay naman nila Rafael ay kinausap nya si Estelle. Ipinaalam nya na nag-usap na sila ni Catherine at itutuloy na nila ang kasal. Hindi umiimik si Estelle at tinanong sya ni Rafael kung wala itong sasabihin tungkol doon. Ngumiti si Estelle at kinongratulate si Rafael, she’s happy for him daw. Natuwa si Rafael at napaakbay sa ina, tinanong kung ok lang ang sa kanya iyon. Sabi naman ni Estelle na pag muntik nang mamatay at matagal na nakahiga sa kama, wala kang gagawin kundi ang mag-isip tungkol sa buhay at pamilya. Naalala daw nya noon na bata palang si Rafael ay minahal na nito si Catherine. Through all these years, after all that happened, all that he has been through, mahal parin nito si Catherine. Kaya sino daw sya para hadlangan iyon? Niyakap ni Rafael si Estelle sa tuwa.

- Si Miguel naman ay dumalaw kina Scarlet. (Nasa may garahe lang sila Maggie at Scarlet.) Tuwang tuwa si Maggie na nakita ang ama, gusto agad makipaglaro nang bola. Nakipaglaro naman nang bola si Miguel at napalakas ang sipa, kaya inutusan nalang nila ang yaya ni Maggie para kunin iyon. Kinamusta ni Miguel si Scarlet at hinimas pa nito ang tiyan ni Scarlet. Si Maggie naman ay nakatingin lang sa labas at nang may makita sya ay tuwang-tuwang tumakbo ito sa labas. Napansin ni Scarlet na wala si Maggie, nag-alala sila ni Miguel at hinanap nila ito sa labas. Nakita nila si Maggie na nakaupo sa may bangketa at may hawak na chocolate. Tinanong agad ni Miguel kung kanino galing iyon. Sagot naman ni Maggie na galing iyon sa kanyang Lola. Kinabahan si Scarlet at lumingon-lingon naman si Miguel. Sinabi ni Scarlet kay Maggie na wala na ang Lola nito. Pero sabi ni Maggie na kanina daw ay pumunta ang kanyang Lola at love daw sya nito. Nagkatinginan lang sila Miguel at Scarlet, may takot sa mukha ni Scarlet.

Teasers:

- Sa loob nang bahay ay nag-usap sila Miguel at Scarlet. Sinabi ni Scarlet na paano daw nakita ni Maggie si Isadora, imposible daw iyon. Sabi naman ni Miguel na posibleng buhay ang kanyang mommy.

- May party sa bahay nila Rafael, wala pa si Catherine. Tinanong ni Rafael si Louella kung nasaan na si Catherine. Sabi ni Louella na kanina pa nya tinetext pero hindi ito sumasagot. Nag-alala naman si Rafael.

- Sa kwarto ni Scarlet ay natutulog sya. Bigla syang nagising dahil parang may tao. Bumangon sya at kinuha agad ang baril sa ilalim nang kanyang unan. Tinawagan ni Scarlet si Miguel. Tinanong ni Miguel kung ok lang si Scarlet. Biglang naputol ang kanilang pag-uusap.

- Pumunta naman si Toby sa bahay nila Sofia. Sinabi ni Louella na may nagbigay daw nang sulat kay Catherine at ang sabi ay magbabayad daw si Catherine.

- Nag-aalala naman si Sofia para sa kanyang kapatid dahil baka may masamang nangyari dito. Maski si Rafael at Miguel ay kinukutuban nang masama.

- Habang naglalakad naman si Sofia ay may isang kotseng pumarada, akala ni Sofia ay may bagong kotse ang kanyang Kuya. Pag lapit nya dito ay biglang nag-iba ang masayang mukha ni Sofia, bigla itong natakot sa nakita kung sino ang nakasakay sa loob nang kotse.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!