Google
 

Read the transcript of episode 59 of "Iisa Pa Lamang" courtesy of Pinoy TV Junkie.

- Si Toby ay naghihintay sa labas nang bahay nila Sofia. Biglang dumating si Sofia at nakita si Toby sa labas. Natuwa si Toby dahil sinabi ni Sofia na mabuti at nandoon sya. Akala ni Toby ay namiss din sya ni Sofia at nagpapa-hard to get lang ito. Seryoso si Sofia at may inabot syang white envelope kay Toby. Akala ni Toby ay love letter, yun pala ay bayad ni Sofia sa utang nya (pera ang inabot nya), bayad para sa binayarang tuition fee ni Toby. Medyo nainis si Toby at sinabing hindi naman sya nagpunta doon para maningil nang utang at hindi naman kailangan syang bayaran ni Sofia. Naiiyak na sinabi ni Sofia na mabuting clean slate sila para hindi sya masumbatan ni Toby dahil makikipag-break na sya dito. Nagulat naman si Toby at tinanong kung may nagawa syang masama kay Sofia at magsosorry sya agad. Umiiyak na sinabi ni Sofia na walang ginawang masama si Toby. Inis na tinanong ni Toby si Sofia kung bakit ito makikipag-break sa kanya. Sinabi nalang ni Sofia na their relationship will not work. Nagtatanong pa si Toby kung bakit iyon nasabi ni Sofia, pero pumasok na sa bahay si Sofia at iniwan na si Toby na sumisigaw sa labas nang bahay nila, tinatawag si Sofia para kausapin sya.

- Sila Estelle at Isadora naman ay kumakain sa isang restaurant at hiningi na ni Isadora kay Estelle ang titulo nang hacienda. Nagdahilan si Estelle na dapat nung isang araw pa nya ibibigay iyon kay Isadora, kaya lang daw on her way to Isadora’s house, dumaan muna sya sa mall at iniwan nya ang mga papeles sa loob nang kanyang kotse. Medyo kinakabahan na si Isadora at tinanong kung ano ang nangyari. Sinabi ni Estelle na nakawan ang loob nang kanyang kotse, kasama na ang briefcase kung saan nandoon ang titulo nang hacienda ni Isadora. Medyo nainis si Isadora at the same time ay nanlulumo at sinabihan si Estelle na sana daw ay iningatan nito ang mga papeles dahil importante iyon. Paano daw kung nasundan si Estelle nang mga abugado ni Aura, malalaman daw nila na talagang kahati si Aura sa lupa sa hacienda. Dahil hinuhuli talaga ni Estelle si Isadora, kunyari ay binanggit nito ang tungkol sa power of attorney ni Isadora at sinabi nyang legal naman iyon, at sinabi daw sa kanya ni Isadora na malinis iyon. Hindi na nakakibo pa si Isadora, pero sobrang nag-aalala.

- Pag pasok nang bahay ni Sofia ay binuksan na nya ang nasa brown envelope na dala nya – ang kanyang DNA result. Pagkabasa nya ay nanlumo at naiyak lang sya. Iniisip nya na kahit anak sa labas si Lola Aura ay isa itong tunay na Castillejos, at sinasabi doon sa result na hindi sila match ni Lola Aura, ibig sabihin daw ay hindi sila magkadugo. Naiiyak na tinatanong ni Sofia ang sarili na paano naging magkapatid sila lola at ang kanyang ama? Nalaman na ni Sofia na hindi sya talaga isang Castillejos at lalo syang naguluhan dahil hindi nya alam kung sino ang tunay nyang ama.

- Pag uwi naman ni Catherine sa bahay ay kinausap sya ni lola habang hawak titulo nang hacienda. Naiiyak na sinasabi ni lola kay Catherine na dumating na ang araw nila, at ang titulo ay ang kanilang hustisya dahil sa kanila ang hacienda. Pinakita ni lola ang titulo kay Catherine at nakalagay daw doon na hati sila ni Victor. Naiiyak si lola dahil kinilala pala sya nang kanyang ama. Maski si Catherine ay naiiyak sa tuwa dahil sa nararamdamang tuwa ni lola. Akala daw ni lola ay ang mahal lang nang kanilang ama ay si Victor at akala nya ay balewala sya sa kanyang ama, yun pala ay kinilala sya nito. Iyak nang iyak si lola dahil sa kaligayahan and she’s really touched, ganon din si Catherine.

- Sa bahay naman ni Isadora ay kausap nya si Vernon at sinasabi nya na hindi sya papayag na maisahan ni lola at hindi sya papayag na mapunta dito ang hacienda. Naiinis na sinabi ni Isadora kung bakit daw ang haba-haba nang buhay ni lola. Sinabi nya kay Vernon kung pwede daw nitong ‘tapusin’ si lola. Sabi naman ni Vernon na hindi wise move iyon dahil ang unang paghihinalaan ay si Isadora, mag-isip-isip daw muna ito. Nabubuwisit na daw si Isadora at ayaw nyang may kahati sa hacienda. Hindi nila alam ay nakikinig si Sofia sa kanilang usapan. Inalok ni Isadora si Vernon na pag tinulungan sya nito ay bibigyan nya nang share si Vernon sa hacienda. Natawa lang si Vernon at sinabing kilala nya na tuso si Isadora, mas tuso pa ito sa pinakamasamang criminal sa bilibid. At kahit pirmahan daw ni Vernon ang sworn statement ay hindi parin magbibigay si Isadora nang share sa hacienda at baka patayin pa daw sya ni Isadora dahil nakuha na nitong pumatay minsan, kayang-kaya na nitong pumatay ulit. Lahat nang iyon ay dinig na dinig ni Sofia.

- The following day ay bumisita ulit si Vernon sa bahay at kinausap nya si Miguel. Nalaman ni Vernon na naipanalo na ni Miguel ang annulment case kaya kinongratulate nya ito at pabirong humingi nang balato. Sinabi naman ni Miguel na medyo gipit sya ngayon. Nagsuggest naman si Vernon nang konting raket/extra income kay Miguel. Medyo naging interesado naman si Miguel dahil malaki daw ang nagastos nya sa annulment nila ni Scarlet at gipit talaga sya ngayon, at baka hindi daw sya tumanggi sa alok nang kanyang ama. Sinabi ni Vernon na may malaking shipment nang luxury cars na paparating at nagkaroon nang problema ang permit nila sa Manila, nagkagipitan, baka pwede daw sa pier nang Amadesto nila ito padaanin. Tutal naman daw ay tauhan si Miguel nang congressman at kaibigan pa nito si Rafael, baka pwede daw nyang pakiusapan ito. Sinabi pa ni Vernon na pag natuloy iyon ay milyon agad ang kikitain ni Miguel, makakabangon ito agad at makakapagmalaki kay Scarlet. Parang interesado si Miguel habang nag-iisip.

- Habang naghahapunan sila (si Sofia ay naghahain nang pagkain for therm), kinukuwento ni Vernon kay Isadora ang tungkol sa shipment nang mga luxury cars, meron nga daw isang kotse palang ay P30M na ang halaga. Amazed na amazed naman si Miguel sa sobrang mahal nang kotse at nangarap kung kailan daw kaya sya magkakaroon nang ganon. Sabi ni Vernon na pag kumita sya ay bibilhan nya si Miguel nang ganong kotse, pati na din si Isadora at Sofia. Biglang nag-react si Sofia at sinabing “I don’t want anything from you.” Pinagsabihan ni Miguel ang kapatid at igalang daw ang kanyang itay. Sabi naman ni Sofia na ang respect ay ini-earn, and he hasn’t earn her respect. Pagkatapos maghain nang pagkain ay hindi umupo si Sofia para kumain, instead ay aakyat na ito. Tinanong sya ni Miguel kung saan sya pupunta, sinabi ni Sofia na nawalan na sya nang ganang kumain, sabay akyat. Sinabi ni Isadora kay Miguel na pabayaan na si Sofia. Medyo nainis naman si Miguel sa inasal ni Sofia at sinabi sa ina na pagsabihan daw si Sofia dahil nagkakasungay na daw ito.

- Sa bar naman ay magkasama sila Scarlet at Winnie. Galit na galit si Scarlet dahil nagkaayos na sila Rafael at Catherine kahit pagkatapos nang ginawa nya. Naghihimutok sya dahil tuluyan nang nawala sa kanya si Miguel at magiging masaya si Catherine, hindi daw pupuwede iyon. Nagsisisigaw si Scarlet sa galit at naglalasing. Pinagsasabihan sya ni Winnie dahil halos magwala na doon si Scarlet. Umiiyak at sumisigaw sa galit si Scarlet, ano daw ang meron si Catherine at hindi nya ito mapatumba?

- Si Isadora naman ay pumunta sa kwarto ni Sofia at napanood ang video footage nang ambush ni Enrique, nakita nya na nakunan si Vernon doon. Pag pasok ni Sofia nang kwarto ay nagulat sya dahil nandoon ang ina. Tinanong ni Isadora kung saan nakuha ni Sofia ang video, pero sinabi ni Sofia na hindi na it doesn’t matter kung saan nya ito nakuha. Kinompronta sya ni Sofia at sinabing matagal na nyang alam na may kinalaman si Isadora at Vernon sa pagkamatay ni Enrique. Nagpalusot si Isadora na si Vernon daw ay nakikiusyoso lang daw dahil chismoso ito, at bakit daw sya idadamay ni Sofia, wala naman daw sya sa video. Ni-reveal na ni Sofia na sinabi sa kanya ang lahat ni Mang Rolando bago ito namatay, sinabi sa kanya na sila ni Vernon ang may pakana nang ambush para manalo ang kanyang Kuya Miguel. Umiiyak si Sofia at sinabing matagal na nyang alam ang katotohanan at nagsingungaling sya para protektahan sila. Alam daw nya ang lahat at alam daw din iyon ni Mang Rolando, kaya ito pinatay…kaya sya pinatay ni Isadora. Isadora is trying to keep cool at sinabi kay Sofia na bakit daw sya pinagbibintangan, hindi naman sya mamamatay-tao. Sabi naman ni Sofia na huwag na itong mag-deny at huwag na itong magsinungaling dahil she can see right through her. Nahanap daw nya ang syringe at na-analyze na, na morphine ang laman at morphine din ang nakapatay kay Mang Rolando. Shocked si Isadora.

Sofia: (crying) Coincidence? I don’t think so Ma. And I’m willing to bet on it that it has your fingerprints all over it. Huling huli ka na Ma, wala ka nang lusot. Paano mo nagawa iyon Ma? Dahil sa pera?

Isadora: (starts to cry) Oo…pinatay ko sya…dahil napilitan ako…pinatay ko sya. Dahil kung hindi ko sya papatayin…kayo nang Kuya Miguel mo ang papatayin nila. Ginawa ko iyon dahil ayokong mawala kayo sa akin. Ginawa ko iyon para sa inyo! (Sofia’s heart softened and hugged her mother.)

- Bumisita ang mga taga Amadesto kina Catherine at Rafael dahil nabalitaan nilang ikakasal na ang dalawa, at may dala silang mga produce for them. Inimbita sila ni Rafael sa kanilang kasal. Lahat sila ay boto sa dalawa at sinabing bagay sila. Kung masaya si Rafael parang half-hearted naman si Catherine kahit sa kanyang ngiti. May isang lalakeng trabahador na sinabi kay Catherine na maswerte sila at si Rafael ang nanalo bilang congressman. Hindi daw sya maka-pro-Torralba dahil ayaw nya si Enrique, at dapat daw ay si Miguel ang iboboto nya, pero nung nalaman nyang si Rafael ang papalit sa ama ay nagbago na ang isip nya at si Rafael ang binoto nya. Medyo nahihiya si Rafael, at ang mga ibang kasamahan nang lalake ay biniro sya na nagpapalakas lang ito kay Rafael. Naging curious si Catherine at tinanong kung bakit naman ito nasabi nang lalake. Sinabi nang lalake na parang iba daw kasi si Rafael, maamo ang mata, parang hindi ito gagawa nang masama. At sa tuwing naririnig nyang magsalita si Rafael, pakiramdam daw nya ang lahat nang sinasabi nito ay totoo, dahil totoong tao ito at parang hindi marunong magsinungaling. Umagree naman si Catherine sa lalake at sinabing hindi ito marunong magsinungaling at lalong hindi ito gagawa nang masama. Pagkatapos sabihin iyon ni Catherine ay naalala nya ang sinabi sa kanya ni Rafael nang magsorry ito sa kanya dahil sa nangyari sa kanila ni Scarlet, naalala din nya nung mga panahong si Rafael lang ang dumadamay sa lahat nang naging problema nya, at kung paano sya nagpropose dito. Gustong maiyak ni Catherine pero pinipigil lang nya dahil maraming tao ang nandoon.

- Si Isadora naman ay naghahalungkat sa kwarto ni Sofia dahil hinahanap nya ang syringe na kanyang ginamit para patayin si Rolando. Hindi nya iyon nakita.

- Si Catherine naman ay pumunta sa bahay nila Rafael. Nag-usap sila sa labas, sa may tapat nang fountain.

Rafael: Catherine…bakit?

Catherine: Nagpunta ako dito, para sabihin sa iyo na…(starts to cry) ang tanga tanga ko. Ang tanga tanga ko dahil…hindi ako naniwala sa iyo. Naniwala ko na kagaya ka din nang mga taong nanakit sa akin noon.

Rafael: Naunawaan kita. Nangako ako sa iyo Catherine na hinding hindi kita sasaktan. Pero nagawa ko parin iyon dahil…

Catherine: (crying) Alam ko naman na hindi mo sinasadya iyon. Pinakinggan ko ang paliwanag mo…pero ang totoo nun, hindi kita napatawad at pinatawad nang buo. I’m sorry, I’m sorry dahil…

Rafael: Catherine, you have all the rights, I’m sorry.

Catherine: Rafael, ako dapat ang magsorry sa iyo. Dahil these past few days, naging napakasama ko sa iyo. (Catherine went closer and held Rafael’s arms.) Rafael, ikaw minahal mo ako, kahit ang dami kong pagkukulang sa iyo…kahit ang dami kong kasalanan sa iyo, minahal mo parin ako.

Rafael: Ikaw lang ang mahal ko.

Catherine: Mahal na mahal kita Rafael. At kahit ilang beses mo pa akong saktan, mamahalin parin kita. At kung ano man ang nangyari sa inyo ni Scarlet, tatanggapin ko iyon dahil mahal kita. (They hugged and kissed.)

- After the hearing, the judge decided to give the ownership to the heirs of Victor Castillejos (Isadora and Sofia), and equal ownership to Aura. Shocked si Isadora.

- Pag uwi sa bahay ay nagwala si Isadora, nagbasag at nagsira nang gamit. Pinagsasabihan sya ni Sofia na tumigil na dahil wala na silang gamit at sinisira pa ni Isadora, ano pa daw ang matitira? Sinigawan din ni Isadora si Sofia at sinabi nya na galit sya at kailangan nyang ilabas ang galit nya, o baka naman daw gusto ni Sofia sa kanya ilabas ni Isadora ang galit nya?

Sofia: (with sarcasm) Oh, I’m so scared!

Isadora: (got so mad at Sofia) MALDITA KA TALAGA! (Isadora was about to charge/hurt Sofia.)

Sofia: Careful Ma! Alalahanin mong I know your secrets. Baka gusto nyong makulong? (Isadora looked away.) Hindi ko alam kung ano ang pinagpuputok nang butche nyo eh! Kung tutuusin, wala naman tayong karapatan sa Amadesto! Maswerte na tayong binigyan tayo nang kalahati eh!

Isadora: MERON TAYONG KARAPATAN DUN! Castillejos tayo, huwag mong kakalimutan yun! CASTILLEJOS TAYO!

Sofia: Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin Ma! And by the way, huwag mo nang pakielaman ang kwarto ko. Kung hinahanap nyo ang syringe, hindi nyo na makikita yun, dahil wala iyon dun. (Sofia was about to leave but…) By the way Ma, wala na tayong maid dito, hindi ko na liligpitin ang kalat mo. (Sofia walked away. Isadora raised her eyebrow because Sofia got so rude.)

- Scarlet went to Rafael’s house. (OMG, fashion disaster dito si Scarlet. You guys have to see! – Ara)

Rafael: Ang kapal mo din naman talaga, pagkatapos nang ginawa mo. Alam mo ba ang ginawa mo? Muntik na kaming magkahiwalay!

Scarlet: Muntik lang? Well, I’m not yet finished Rafael.

Rafael: Ang sama mo talaga. Kaya siguro kayo nagkahiwalay ni Miguel. Hindi pa ba sapat yang ginawa mo?!

Scarlet: Hindi pa. Pagkatapos ko sa iyo, dun siguro, tuluyan nang mawawala sa iyo si Catherine.

Rafael: Get out Scarlet. Ayokong makita ka sa harap ko.

Scarlet: Hindi mo ako mapapaalis nang basta-basta lang, dahil hawak ko ang alas.

Rafael: GET OUT. I don’t want to have anything to do with you. GET OUT OF MY LIFE, GET OUT OF MY HOUSE.

Scarlet: Ayoko. Gusto ko pang sirain ang buhay nyo eh.

Rafael: Umalis ka na Scarlet. O baka naman gusto mong kaladkarin pa kita palabas?

Scarlet: Oh no Rafael. I’m sure hindi mo iyon kayang gawin sa akin. You’re the perfect gentleman, hindi ba? At gusto ko lang sabihin sa iyo, na meron tayong mutual friend. Si Inspector Valdez. SYA YUNG TAONG SINUHULAN MO PARA LANG MAILIGTAS SI CATHERINE SA KASONG ARSON, NAAALALA MO BA SYA RAFAEL? Naisip ko lang kasi, nung NAKAPAG-USAP kaming dalawa na pwede kitang kasuhan nang falsification of documents, nang bribery, o kaya naman nang corruption! Mamimili ka sa tatlong iyon kung ano ang gusto mo. Kung wala naman, pwedeng all of the above!

Rafael: Anong gusto mo?

Scarlet: Yan ang gusto ko sa iyo. Napakabilis nang pick-up mo at straight to the point. Tuloy ang kasal nyo ni Catherine, hindi ba?

Rafael: Oo.

Scarlet: (teary eyed) Sige, ituloy nyo yan. Pero sa araw nang kasal nyo, maniningil ako! Ang gusto ko, iwan mo si Catherine sa altar!

Teasers:

- Pumunta si Estelle sa bahay ni Isadora at lasing na ito. Tinanong nya si Estelle kung binigay nito kina Aura ang titulo nang hacienda. Tumawa lang si Estelle at sinabing lasing na nga si Isadora at bakit naman daw nya gagawin iyon? Pag-alis ni Estelle ay nagbanta si Isadora na may oras din si Estelle.

- Habang nasa hacienda ay naglilinis si Lola kasama ang ilang trabahador sa hacienda. Nakita sya ni Isadora at nang-asar. Sinabihan si lola na bagay nga sa kanya ang maduduming lugar. Nagalit si lola at tinapunan si Isadora nang duming kanyang nililinis. Nagpalakpakan ang mga tao sa ginawa ni lola, habang si Isadora ay nag ba-back out na.

- Pinuntahan ni Scarlet si Catherine sa office. Nang asar si Catherine at sinabing tingnan daw sya ni Scarlet, nakapag move on na sya. Sana daw ay iyon din ang gawin ni Scarlet dahil mukha na itong kawawa. Nagulat si Catherine nang sabihin ni Scarlet na buntis sya at si Rafael ang ama.

- Kinausap ni Rafael si Scarlet at sinabi nyang paninindigan nya ang bata at hindi nya tatakasan si Scarlet.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!