Google
 

Read the transcript of episode 71 of "Iisa Pa Lamang" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Pagdating ni Rafael sa bahay, nakita nya si Sofia at nagpaalam agad si Toby na kukunin na ni Sofia ang mga gamit nya at uuwi na sya sa bahay nila. Sinabi ni Rafael na hindi naman kailangang umuwi ni Sofia sa kanila and she’s welcome to stay. Nahihiya naman si Sofia at sinabi nyang gusto din nyang umuwi dahil mag-isa lang si Louella sa bahay at sila na ang mamamahala sa hacienda kaya magpapabalik-balik na sila sa Amadesto. Sinabi naman ni Rafael na kung sakaling gusto ni Sofia bumalik sa kanila ay welcome sya. Pinasama ni Rafael si Toby para tulungan si Sofia na kunin ang mga damit/gamit. Pag-akyat nila Toby at Sofia sa itaas ay dumating naman ang executive assistant ni Rafael para ibalita sa kanya na na-ambush ang transfer vehicle ni Catherine. Gulat na gulat si Rafael at kinamusta agad si Catherine. Sinabi nang assistant ni Rafael na mukhang kakampi ni Catherine ang mga nang-ambush dahil nakatakas ito. Hindi naman maintindihan ni Rafael kung bakit nagkaganon.


- Dumating si Miguel (kasama si Vernon) sa isang bahay kung saan dinala si Catherine. Nakita ni Miguel na natutulog sa sofa si Catherine at tinanong nya kung ano ang nangyari dito. Sinabi nang isang tauhan ni Vernon na pinatulog nya muna dahil nanlalaban daw si Catherine, kaya imbes na masaktan ay pinatulog nalang nya (though hindi nya sinabi kung paano nya pinatulog. – Ara) Sa galit ni Miguel ay sinuntok nya ang tauhan ni Vernon. Sinabi naman ni Vernon na doon muna sila Miguel at Catherine dahil hindi sila mahahanap nila Marco at Rafael doon. Nagpasalamat naman si Miguel sa ama habang hinahaplos ang ulo ni Catherine.

- Habang tinutulungan ni Toby mag-impake nang mga damit/gamit si Sofia, nagpunta muna sa banyo si Sofia para kunin ang mga toiletries nya. Sa bag ni Sofia, nakita ni Toby ang video na nawala sa kanya. Tinanong ni Toby kung bakit nandoon iyon kay Sofia, matagal na daw nya iyong hinahanap. Hindi masyadong narinig ni Sofia si Toby dahil nasa banyo sya, ang ginawa ni Toby ay he played the video at pinanood ulit iyon. Pag labas ni Sofia ay nagulat sya na pinapanood na ni Toby ang video. Nakita din ni Toby si Vernon sa video. May galit sa mukha ni Toby, si Sofia naman ay halos maiyak sa takot/nerbyos.

- Si Catherine naman ay nananaginip; napanaginipan nya ang huling scene nya sa korte when she was found guilty sa pagpatay kay Estelle. Nagising si Catherine at sya lang mag-isa. Biglang dumating si Miguel at may dalang pagkain. Tinanong agad ni Catherine si Miguel kung ano ang ginagawa nila doon. Sinabi ni Miguel na doon muna sila ni Catherine at tinakas nya ito, malaya na daw si Catherine.

- Si Toby naman ay tinanong kung si Vernon nga iyong nasa video. Sumagot naman (at naiiyak) si Sofia nang oo. Galit si Toby dahil matagal na daw palang alam iyon ni Sofia pero nilihim ito sa kanya. Sabi naman ni Sofia na gusto nyang sabihin iyon kay Toby pero baka magalit daw ito sa kanya and he might hate her.

Toby: Sofia, hindi ako TANGA! Hindi ikaw si Vernon. Hindi kita sisisihin kung sa kahit ano mang ginawa nya sa Papa ko! Pero ito? Iba yan eh! Matagal mo nang alam na naghahanap ako nang clue para sa ambush nang Papa ko! Isa iyong napaka-importanteng LEAD! Pero nilihim mo sa akin, ha?

Sofia: (crying) I’m sorry Toby, ginawa ko lang naman ang akala kong tama.

Toby: (mad) Alin?! Alin ang tama?! Ang proteksyunan si Vernon?! Prinoprotektahan mo ang killer nang Papa?!

Sofia: Toby, hindi tayo sigurado kung may kinalaman si Vernon. Nandoon lang sya noon. Pinanood nya ang barilan pero hindi tayo sigurado, walang ibig sabihin nun!

Toby: Anong walang ibig sabihin nun?! Kung walang ibig sabihin nun, bakit mo nilihim sa akin? Ninakaw mo pa ang DVD para hindi ko makita! Bakit? Bakit Sofia?.. Dahil alam mong guilty sya. Diba? Alam mo Sofia, dahil dyan…I think I hate you. (Toby walked out.)

- Si Catherine naman ay medyo naguguluhan at sinabi kay Miguel na hindi tama iyon dahil ang pagtakas nila ay hindi makakatulong sa kaso nya. Si Miguel naman ay sinabing hindi sya makakapayag na mawala si Catherine sa buhay nya at makulong ito. Naiiyak si Catherine at sinabing dapat harapin nya ang kanyang kaso, kung hindi man nya mapatunayan sa korte, mapatunayan man lang nya kay Rafael. Nagalit si Miguel dahil si Rafael parin ang iniisip ni Catherine ganong pinabayaan at tinalikuran na daw nito si Catherine, sya daw ang nandoon para alagaan, proteksyunan si Catherine. Hindi daw nya pababayaan na may mangyaring masama kay Catherine dahil mahal na mahal nya ito, sya lang daw ang unang babaeng minahal nya at si Catherine lang daw ang mamahalin nya hanggang sa dulo nang buhay nya. Mapusok na hinalikan ni Miguel si Catherine pero tinulak sya ni Catherine. Nagalit si Miguel dahil ilang beses na daw syang ni-re-reject ni Catherine. Inexplain ni Catherine na tapos na sila ni Miguel at si Rafael na ang mahal nya. Ayaw maniwala ni Miguel kay Catherine dahil hindi daw ito totoo, sinasaktan lang daw sya ni Catherine dahil sa mga nagawa nya sa kanya dati. Alam daw nyang sya ang mahal ni Catherine at huwag na daw nyang ipilit si Rafael. Nansisi si Miguel kay Catherine dahil may kasalanan din daw ito kung bakit sila nagkahiwalay. Nainis naman si Catherine at sinumbat kay Miguel na ito ang nagpakasal sa isang heredera para huwag lang mawala ang kanilang hacienda. Naiyak at sumisigaw na nanumbat si Miguel kay Catherine na pinagpalit daw sya nito sa isang Emilio. Nagulat si Catherine sa sinabi ni Miguel.

- Pag-uwing pag-uwi ni Isadora sa bahay ay hinanap nya agad si Miguel. Nang makita si Vernon ay sinabi nya na nakatakas si Catherine at kailangan nilang warningan si Miguel dahil baka pumunta si Catherine at humingi ito nang tulong. Sinabi ni Vernon na wala doon si Miguel, nagtatago at kasama si Catherine. Sa sobrang inis ay napasigaw si Isadora at tinawag na gago si Miguel dahil tinulungan na naman si Catherine. Biglang napaisip at tinanong ni Isadora si Vernon kung bakit nito alam. Sinabi ni Vernon na tinulungan daw nang mga tauhan nya si Miguel. Lalong nagalit si Isadora at sinabing mas gago si Vernon dahil pinabayaan daw ang anak nila at lalong malalagay ito sa peligro sa ginawa ni Vernon. Sinabi naman ni Vernon na malaki na ang nasangkutan ni Miguel at ipit na ipit na ito kay Marco at Rafael, at lahat nang gulong iyon ay dahil kay Isadora, kung meron dapat sisihin ay si Isadora daw iyon.

- Gulat na gulat si Catherine dahil hindi nya alam ang pinagsasabi ni Miguel tungkol kay Emilio dahil wala daw silang relasyon. Sinabi ni Miguel na huwag na nilang pag-usapan iyon dahil pinatawad na daw nya si Catherine, ang importante ay magkasama na sila ngayon. Si Catherine naman ay gusto nyang pag-usapan nila iyon dahil importante sa kanya, at sinabi nyang wala silang relasyon ni Emilio, wala syang kasalanan kay Miguel. Naalala at sinabi ni Miguel na nakita nya ang litrato nila Emilio at Catherine. Nagtataka naman si Catherine tungkol sa litrato na sinasabi ni Miguel. Naiiyak na sinabi ni Miguel na nung nawala si Catherine ay araw-araw nya itong hinanap, inabot na nang linggo, buwan, nagkaroon nang usapan na pinagpalit na daw sya ni Catherine sa ibang lalake pero hindi sya naniwala at hindi nawalan nang pag-asa. Naiyak si Catherine sa mga narinig mula kay Miguel. Patuloy parin sa pagkuwento si Miguel, hanggang sa dumating daw ang panahong sinabi sa kanya ni Sofia na nakita syang kausap si Isadora at inabutan sya nang pera para magsimula sila ni Emilio. Sinabi ni Catherine na hindi ganon ang pangyayari; totoong inabutan daw sya ni Isadora nang malaking pera para layuan nya si Miguel pero hindi nya ito tinanggap.

Miguel: (crying) Kung hindi, nasaan ka nung mga panahon na iyon?

Catherine: (crying) Nasaan ako?…Nasaan ako?…Nandoon ako sa Castillejos Memorial Hospital, sa basement, nakakulong! (Catherine threw something because of anger.) Pinakulong ako nang nanay mo doon! Huhuhu…Ilang buwan akong nakakulong doon…kung ano-anong klaseng gamot ang itinurok sa akin…huhuhu…sobra akong nanghihina noon, minsan wala akong maalala. Kung hindi dahil kay Louella, hindi..hindi ako makakatakas, kung hindi nya ako tinakas. Di sana, hindi na ako buhay ngayon. Huhuhu…kahit ang anak ko…

Miguel: (shocked) Anong sabi mo?…Buntis ka nung mga panahon nang iyon?

Catherine: (still crying)….Oo, at alam ni Isadora iyon. Pero binalewala nya iyon, huhuhu…wala syang pakielam kahit buntis ako, patuloy parin akong tinuturukan nang kung ano-anong gamot, hanggang sa…hanggang sa tinakas ako ni Louella…hanggang sa…huhuhu…nakunan ako. Nakunan ako! Huhuhu….pinatay nya ang anak ko! Huhuhu…Miguel, hindi lang ako ang nagdusa dito! Hindi lang ako ang nagdusa dito…pati ang anak ko, ang anak natin. (Miguel raged, and after a short while went next to Catherine.) Huhuhu…iyon ang totoo…iyon ang totoo, huhuhu…. (Miguel is also in tears and didn’t know what to do; he feels Catherine’s pain too.)

Miguel: Pa-patawarin mo ako…patawarin mo ako…hindi ko alam…wala akong alam. Walang nagsabi sa akin, huhuhu…maniwala ka sa akin, walang nagsabi sa akin, huhuhu…

Catherine: Kakampi ni Isadora ang buong bayan, ang lahat nang tao…ang lahat nang tao sa Amadesto, pati ang lahat nang tao sa ospital, pati hustisya, hawak ni Isadora…kaya binasura ang kaso ko laban sa kanya, walang naniwala sa akin…si Rafael lang. Si Rafael lang ang nanindigan at nagtanggol sa akin. (Miguel tries to hold Catherine’s face but she avoids it.)

Miguel: Hindi…hindi…bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?

Catherine: (got mad and grabbed Miguel’s collar) Sinabi ko sa iyo!! Sinubukan kong sabihin sa iyo!! Natatandaan mo ba?! Nung unang beses, sinubukan kong sabihin sa iyo, pero hindi ka nakinig!! Pinagtabuyan mo ako, huhuhu…

Miguel: Wala akong alam…patawarin mo ako…(Miguel cried on Catherine’s bosom like a child.)

- Pumunta si Toby sa bahay nila Sofia at si Vernon ang nagbukas nang gate at sinabing wala doon si Sofia. Serious ang mukha ni Toby at sinabing alam nya (na wala doon si Sofia) at si Vernon ang gusto nyang makausap.

- Si Rafael naman ay pumunta sa presinto para kausapin at tanungin ang mga pulis kung paano nakatakas si Catherine. Sinabi nang pulis na hinarang daw ang transfer vehicle at pinaulanan sila nang bala. Nagtataka naman si Rafael kung sino ang mga lalakeng tumakas kay Catherine. Sinabi naman nang pulis na ini-imbestigahan na nila at mukhang mga professional ang mga ito, parang trabaho nang isang sindikato. Ipinaalam din kay Rafael na ipinamalita na sa mga tv station, presinto, baranggay at magpapaskil na din sila sa mga wanted posters ni Catherine.

- Sa loob nang bahay ni Isadora, nag-usap sila Vernon at Toby. Sinabi ni Toby na gumagawa daw sya nang video na parang tribute nya sa kanyang Mama at Papa. Nagustuhan naman ni Vernon ang idea ni Toby, maganda daw. Dagdag pa ni Toby na gusto nyang interviewhin ang mga taong nakakakilala sa kanila, kung ok lang daw iyon kay Vernon. Sinabi ni Vernon na hindi nya talaga kakilala ang mga magulang ni Toby. Me konting sarcasm naman ang pagtanong ni Toby na “sigurado ho ba kayo?” Wala namang idea si Vernon na nagdududa na sa kanya si Toby at sinabi nya na ang alam lang nya ay kamahjungan ni Estelle si Isadora, congressman ang tatay ni Toby, pero hindi nya kilala ang mga ito personally, maliban kay Toby. Tinanong naman ni Toby kung ano ang alam ni Vernon sa pagkamatay nang Papa nya. Medyo nakahalata na si Vernon kaya nya tinanong kung ano ang ibig sabihin doon ni Toby. Sinabi ni Toby na kumukuha sya nang mga feedback sa mga tao tungkol sa ambush. Naglaho naman (?) ang hinala ni Vernon at sinagot si Toby; sinabi nya na since hindi pa nya nakikilala noon si Toby, wala syang halos reaction nang mabalitaan iyon. Tinanong ni Toby kung saan ito nabalitaan ni Vernon, sagot naman ni Vernon ay nabasa nya sa diaryo. Napatanong ulit si Toby kung hindi ito napanood ni Vernon, o hindi nakita. Sumagot naman si Vernon na hindi, at halos hindi nya pinansin ang balita. Nagtanong ulit si Toby; bakit daw pinatay ang Papa nya? Bumalik ulit ang duda ni Vernon at tinanong si Toby kung bakit sa kanya iyon tinatanong? Sinabi ni Toby na sa tingin nya ay alam ni Vernon ang dahilan dahil nasabi sa kanya ni Sofia na ex-con sya at napag-isipan nya na alam ni Vernon ang utak/iniisip nang mga criminal. Sagot naman ni Vernon na smuggling ang kaso nya at hindi sa pagpatay, wala daw syang alam tungkol doon. Pagkatapos nang pag-uusap ay nagpaalam na si Toby. Medyo nagduda naman si Vernon.

- Sa bahay, sa sobrang pagod ay nakatulog si Rafael sa couch. Nagising sya dahil dumating ang kanyang assistant at binigay sa kanya ang monthly report nang construction for Amadesto Highway. Pinalagay muna ni Rafael sa may table at mamaya nalang daw nya babasahin. Inalok sya nang kanyang assistant nang coffee, pero tumanggi si Rafael. Binigay din nang assistant ni Rafael ang proposal for Amadesto gym. Biglang naalala ni Rafael na iyon ang proposal na binigay ni Miguel kay Marco Silvestre. Saka nalang daw iyon pipirmahan ni Rafael dahil marami pang ipapaliwanag sa kanya si Miguel kung bakit ibinigay nya iyon kay Marco Silvestre. Hinanap bigla ni Rafael si Miguel at sinabi nang assistant nya na hindi ito pumasok at hindi rin sinasagot ang mga tawag nila, ni walang nakakaalam kung nasaan ito.

- Sa ospital naman ay patuloy ang check up nang doctor kay Estelle, wala parin itong malay.

- Si Miguel ay bumibili nang sardinas sa tindahan, at napanood nya sa tv ang balita tungkol sa pagtakas ni Catherine; wanted ito ngayon. Si Rafael din ay nanonood nang balita.

Teasers:

- Kinausap ni Toby si Rafael at tinanong ang tungkol kay Vernon. Nagulat si Toby nang malamang kilala ni Rafael si Vernon. Sinabi ni Rafael na sya ang nagpakulong dito. Alam ni Toby na may kinalaman si Vernon sa pagkamatay nang Papa nila.

- Sinugod ni Rafael si Vernon. Hinarap at tinanong nya si Vernon kung gusto nitong maghiganti sa kanya, bakit dinamay at pinatay pa ni Vernon ang kanyang ama, sana daw ay sya nalang. Banta naman ni Vernon na darating din sila doon ni Rafael.

- May hawak na baril si Toby at may tinutukan.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!