Google
 

Read the transcript of Episode 50 of Iisa Pa Lamang courtesy of Pinoy TV Junkie.

Kausap ni Rafael ang isang contractor dahil gusto nyang sya ang kunin para sa project. Noon pa daw nya nakausap ang ama ni Rafael para sa project na iyon. Sinabi naman ni Rafael kay Mr. Lintoco (yung contractor) na madaming contractors ang nagbi-bid pero wala pa syang nakukuha. Pero pinagpipilitan ni Mr. Lintoco na sa kanya ang project na iyon matagal na.


Hinanapan sya ni Rafael nang kasulatan or kontrata na pinirmahan. Sinabi naman ni Mr. Lintoco na walang kasulatan at everything was agreed verbally. Biglang naglabas nang envelope si Mr. Lintoco at iniabot kay Rafael. Pag bukas ni Rafael ay pera pala ang laman nun, at sinabi nya dito na hindi nila ginagawa ang ganong bagay sa kanilang opisina (bribery.) Isinoli ni Rafael ang pera at pinapaalis na nya si Mr. Lintoco dahil baka kasuhan daw nya ito nang attempted bribery at magiging magulo daw iyon, pinayuhan din nya na huwag nang bumalik ito.

Pumasok si Winnie sa kwarto ni Scarlet at may dalai tong mga bulaklak. Iyon pala ay nagpa-order si Scarlet. Nang tanungin sya ni Winnie kung saan ilalagay ang mga bulaklak, sinabi ni Scarlet (umiiyak) na itapon nalang daw iyon. Pinagsabihan sya ni Winnie dahil ilang araw na din daw sinasabi ni Scarlet na papasok ito pero hindi parin pumapasok sa office, tinanong ni Winnie kung depressed si Scarlet.
Umiiyak na kinuwento ni Scarlet kay Winnie na nakita nya si Miguel at meron itong dalang bulaklak. Sinabi naman ni Winnie kay Scarlet na nagmo-move on na si Miguel at naghahanap nang bagong makakasama (sa buhay), at pinayuhan din nya si Scarlet na makipag-date din ito, tinanong din nya kung umaasa parin ba daw si Scarlet na sa kanya ang mga bulaklak? “It’s foolish, Scarlet!” comment ni Winnie. Inamin naman ni Scarlet iyon, kaya lang ay hindi daw maiaalis sa kanya ang umasa, dahil akala nya ay maaalala ni Miguel na it’s their anniversary.

Kausap ni Rafael si Estelle (malapit sa pond) at kinuwento nya ang ginawa ni Mr. Lintoco. Malinaw daw na sanay itong mang-bribe sa office nang kanyang ama. Medyo nagalit naman si Estelle dahil Rafael is accusing his father of corruption. Sinabi naman ni Rafael na matagal nang nai-iskandalo ang ama sa mga illegal dealings at smuggling, pero tino-tolerate daw ito nang kanyang ama.

Defensive naman si Estelle dahil paano daw nya iyon malalaman, hindi naman sya involved sa politics. Sinabi ni Rafael na maliit lang ang sweldo nang mga politicians, pero tingan daw nila ang kanilang mansion, ang kanilang mga gamit, at kanilang ari-arian, paano daw nila iyon na-accumulate sa napaka-ikling panahon? Defend naman ni Estelle kay Rafael na his father was a smart businessman at marami daw itong investments. Kung hindi lang daw self-absorbed noon si Rafael, nalaman daw sana nito ang mga negosyo nang kanyang ama.

Sinabi ni Estelle ang kanilang mga businesses – meron daw silang malaking farm, they were engaged in importing and exporting goods, they had brokerage and shipping pa on the side. Pinuna ni Estelle na ilang araw palang nakaupo si Rafael ay masyado na daw itong naging pro-poor, masama ba daw ang maging mayaman? “Oho, malaking kasalanan ho ang maging mayaman. Lalo ho kung dahil sa pagnanakaw sa taong bayan” sagot ni Rafael na kinagulat ni Estelle.

Nasa law firm office ni Rafael si Miguel at kausap nya ang lawyer na hahawak sa kanyang annulment case. Nabanggit nang (lady) lawyer na Miguel is filling for annulment for the grounds of irreconcilable differences (present din doon si Catherine at isa pang staff), at ayaw daw iyon pirmahan ni Scarlet dahil umaasa ba daw itong magkakabalikan sila? Tumitingin si Miguel kay Catherine pero iniiwasan ni Catherine ang mga tingin ni Miguel.

Sinabi ni Miguel na wala nang reconciliation na mangyayari at kay Scarlet na din daw nanggaling na hindi sya makikipag-cooperate para hindi matuloy ang annulment dahil gusto daw nitong maging miserable ang buhay nila pareho. Sabi naman nang lawyer na madami na syang nakitang ganong case, at what Scarlet’s going through is just normal, bibigyan din daw sila Miguel nang husgado nang sufficient time to work things out. Biglang tinanong ni Miguel kung pwede nalang nilang lagpasan ang period na iyon. Napansin naman nang lawyer na he’s very eager to push through with the case, tinanong nang lawyer kung may third party involved.

Tumingin si Miguel kay Catherine, muli ay iniwasan ni Catherine ang tingin ni Miguel. Akala naman nang lady lawyer na Miguel feels uncomfortable because Catherine is around. Sinabi nang lawyer na assistant nya si Catherine at very professional daw ito. Biglang tinanong sya ulit nang lawyer if he’s having an affair. Mabilis na “no!” ang sagot ni Miguel. Naging defensive si Miguel at sinabing na-carried away lang sya at humingi nang pasensya sa lawyer. Sinabi ni Miguel na wala syang affair at kaya nya minamadali ang case ay dahil may ibang babae syang gusto at mahal.

Medyo nagi-guilty naman si Catherine at hindi makatingin kay Miguel. Alam nang lawyer na past love iyon ni Miguel at tinanong nya kung aware daw ang asawa ni Miguel. Inamin naman ni Miguel na alam iyon ni Scarlet, pero wala na daw itong magagawa dahil nagkamali na daw sya nung mawala ang babaeng iyon sa buhay nya (sinasabi iyon ni Miguel habang nakatingin kay Catherine.) Dagdag pa ni Miguel na pag napawalang-bisa ang kasal nya with Scarlet ay gagawin daw nya ang lahat para balikan ang babaeng iyon at this time daw ay hindi na nya ito papakawalan. Feeling awkward naman si Catherine.

Kausap ni Vernon ang kanyang boss at pinag-uusapan nila ang hindi pagbigay ni Rafael nang project kay Mr. Lintoco, masyado daw straight si Rafael, sabi nang boss. Sa umpisa lang daw iyon, sabi ni Vernon, dahil bagito pa daw si Rafael. Sabi naman nang boss ni Vernon, sa tingin daw nya ay hindi dahil malayong-malayo si Rafael sa kanyang ama. Sagot naman ni Vernon na ang lahat nang tao ay may katapat na halaga, at pera-pera lang daw iyon.

Umaasa naman ang boss ni Vernon na sana nga ay ganon si Rafael, at kapag nasilaw daw ni Vernon sa pera si Rafael ay gagawin nyang kanang kamay si Vernon. Nag-iisip na si Vernon kung paano nya iyon gagawin. Biglang sinabi nang boss na matagal pa iyon, ang gusto nya ay makuha muna ang highway project. Gusto nang boss ni Vernon na pagalawin na si Miguel, at pag na-close nila ang deal ay babawasan nang 5 million ang utang nila ni Isadora.

Pumunta naman si Estelle sa bahay ni Isadora at kinuwento ang mga masasakit na sinabi ni Rafael sa kanya tungkol sa pagnanakaw sa taong bayan, dahil parang inakusan sila ni Rafael nang pagnanakaw. Si Isadora naman ay sinabing na-influence na naman si Rafael ni Catherine kaya ito naging pro-poor dahil si Catherine daw ay poor na poor. Sabi naman ni Estelle na kung nabubuhay lang daw si Enrique ay dinagukan na nito si Rafael dahil hindi nito isinang-alang-ala ang feelings ni Estelle.

Binanggit ni Isadora na ganon din daw si Sofia sa kanya dahil kinukulit daw sya tungkol sa tunay nitong ama. Nagrereklamo si Isadora sa kanilang mga anak na kung tratuhin daw sila ay para silang ibang tao at nakaka-stress daw. Biglang natahimik si Estelle at alam daw nya na pag sinabi ni Isadora ang “nakaka-stress” ay alam na din nya ang kasunod nito – ang pagpunta sa casino.

Nasa isang coffee shop sila Catherine at Rafael. Kinuwento ni Catherine ang nangyari kanina sa kanilang law firm office. Medyo naiinis si Rafael sa ginawa ni Miguel. Ayaw naman ni Catherine na mag-away sila Rafael at Miguel kaya daw nya sinabi iyon kay Rafael dahil ayaw nyang malaman pa nito sa iba. Client nang boss ni Catherine si Miguel, at gusto ni Catherine na humanap nalang nang ibang pagtratrabahuhan dahil nahihirapan na sya sa kanyang sitwasyon.

Nanghihinayang naman si Rafael na maghahanap nang ibang trabaho si Catherine dahil lang kay Miguel. Wala na daw magagawa si Catherine dahil susundan parin sya ni Miguel. Tinanong ni Catherine kung galit si Rafael. Sinabi naman ni Rafael na hindi sya nagagalit pero minsan daw hindi nya naiiwasan na hindi makaramdam nang konting selos. Niloko at inamo naman sya ni Catherine at sinabing “Ikaw? Si Cong. Rafael Torralba? Nakakaramdam nang selos? Parang hindi naman ako naniniwala.” Binanggit ni Rafael na siguro daw ay tama ang sinabi ni Miguel na marami nang napagdaanan at pinaghirapan si Catherine para kay Miguel, kaya daw kung minsan ay nagkakaroon sya nang konting insecurities.

Inassure naman ni Catherine si Rafael na wala dapat itong ika-insecure, “dahil katulad nang sinabi ko sa iyo, ikaw lang at ikaw na Rafael ang mahal ko.” Biglang niyaya sya ni Rafael na magpakasal na. Hindi naman makasagot agad si Catherine at akala ni Rafael ay ayaw nya. Sinabi naman ni Catherine na hindi sa ayaw nya, actually ay gustong gusto nya, kaya lang daw ay marami pa dapat silang isang-alang-alang, at maraming adjustments and problema.

Katulad daw nang lupa ni Lola Aura at si Rafael ay congressman na ngayon. Huwag daw sasama ang loob ni Rafael sa kanya, at gusto lang nyang malaman ni Rafael kung gaano sya ka-espesyal at kung gaano nya ito kamahal, na kahit engradeng wedding ay gusto nya na masaya at ok ang lahat, hindi pilit at ramdam na ramdam nilang dalawa na ang lahat nang tao ay nakikiisa sa araw nang pagmamahalan nila. Natutuwa naman si Rafael sa sinabi ni Catherine at perfect daw iyon katulad nang isang fairy tale wedding. Naisip ni Rafael na malapit na ang kaarawan nang kanyang mama at iimbitahan nya ang lahat para mai-announce na din nya ang engagement nilang dalawa. Masayang nag-kiss ang dalawa (smack sa lips lang.)

Sa bahay naman nila Isadora ay pinagtimpla nya nang juice si Miguel. Nagulat si Miguel dahil at nakakapagtaka daw ang ina sa gesture nito, “first time in a long time” sabi ni Miguel, dahil dati-dati ay sermon ang binibigay nito sa kanya. Malambing namang sinabi ni Isadora na ganon lang daw iyon lalo na pag gipit at walang pera, nagiging talakera sya na wala sa lugar. At paano naman daw iinit ang ulo nya kay Miguel, ito ang bread-winner nila ngayon.

Binanggit ni Isadora na nakuwento daw sa kanya ni Vernon na ang kinuhang lawyer ni Miguel ay boss ni Catherine, at very good strategy daw iyon dahil mababakuran na ni Miguel si Catherine. At huwag daw mag-aalala si Miguel dahil sinusuportahan nya doon si Miguel. Nagulat naman si Miguel sa sinabi nang ina at sigurado ba daw ito sa sinasabi nya? Sinabi naman ni Isadora na hindi naman sya magpapaka-plastic para sabihin na gusto nya si Catherine, ang gusto lang nya ay ipursue ni Miguel ang annulment para maging malaya na si Miguel at maging masaya.

Sabi naman ni Miguel na pag ganon ang tono nang ina ay kinakabahan sya. Pinagpilitan ni Isadora na ang gusto lang nya ay ma-annul ang kasal ni Miguel para makapili sya kung sino ang gusto nyang makasama habang buhay, not necessarily si Catherine. At nangako daw sya kay Miguel na susuportahan nya ito basta huwag lang papabayaan ang trabaho nito. Todo ang lambing ni Isadora kay Miguel, na medyo ipinagtataka naman ni Miguel.

Umuwi muna si lola sa kanilang apartment at tuwang tuwa silang 3. Lalo na si lola na miss na miss ang kanyang sewing machine. Pinansin din ni Catherine ang pinkish na mukha ni lola. Bida naman ni Lola na syempre daw sariwa ang hangin sa probinsya. Pinansin naman ni Louella na malakas na si lola ngayon. Bida ulit ni lola na malakas sya talaga dahil yung mga dala nyang gulay ay sya lang ang nagbitbit nun at talagang lumalakas sya pag naaalala nya na malakas ang laban nila kay Isadora.

Tuwang tuwa ang tatlo. Dagdag pa ni Lola na marami silang magagawa sa hacienda para lalong umunlad at pag naiisip daw nya na merong mapapait na alaala doon, pero mahal nya ang hacienda lalo na ang mga tao doon. Sinabi naman ni Catherine kay lola na ibibigay iyon nang Diyos sa kanila kung para sa kanila iyon. Sagot naman ni lola na talagang sa kanila iyon, at hindi daw kakampihan nang Diyos ang mga ganid at sakim na katulad ni Isadora. Agree naman si Louella at nakikita na daw nya na pag nagkatotoo ang kanilang mga dasal nila ay magiging masaya na silang lahat at si lola daw ay reyna na nang Amadesto, si Catherine naman ay maybahay na ni Cong. Rafael. Naalala ni Catherine na may engagement party na dapat maitawid.

Natuwa naman si lola at nabanggit ni Catherine na this week iyon at itataon daw ni Rafael na birthday nang kanyang mama. Ipagtatahi ni lola nang magandang damit si Catherine dahil kailangan daw maganda ito sa araw na iyon. Excited si Catherine at sabi ni lola na sa ganda nang gagawin nyang damit for Catherine ay hindi na daw magdadalawang isip si Estelle na si Catherine ang dapat mapangasawa nang kanyang anak. Nagbiro naman si Louella na itahi din sya ni lola, masaya silang tatlo na nagbibiruan.

Sumapit na ang birthday ni Estelle at halos lahat nang friends nang mga Torralbas ay dumating, including Isadora and Sofia (they arrived together.) Magkasabay na dumating din sila Rafael at Catherine, at nang makita sila nang mga bwisit, este nila Isadora at Estelle ay pinagtaasan si Catherine nang kilay. Nailang naman agad si Catherine sa unwelcoming gesture nila.

During the party, kukuha sana nang food si Catherine pero nilapitan sya ni Isadora at binati.
Isadora: Hi Catherine. (Estelle and Rafael saw them.) Birthday nang biyenan mong hilaw, pero ikaw ang dinalhan ko nang regalo. From Miguel, with love (Isadora handed a rose to Catherine.)

Catherine: (she did not take the rose) Huwag dito Isadora.

Isadora: Hahaha! Shy? Hahaha! At saka bakit? Natatakot ka pa ba sa iskandalo? Eh sa tabloids palang, quota ka na. Saka alam mo, a little bird told me, na matunog na matunog daw si Rafael na pwedeng maging presidente nang Pilipinas. That will make you a…First Lady! Hahaha! (Catherine is keeping it cool but she’s boiling inside.) Siguro, masarap manglait nang First Lady, no?

Catherine: Tumigil ka na Isadora.

Isadora: O sige, titigil ako. Kaya huwag mo nang hintayin na hiyain pa kita dito. Kilala mo ako Catherine, kaya kung ako sa iyo, tatakbo na ako pauwi. Come on Catherine, takbo na, takbo na pauwi. (Catherine did not give Isadora the pleasure.) Sige, hintayin mo ha?

Teasers:
- Rafael announced his engagement with Catherine.
- Binigay ni Winnie ang mga annulment papers kay Scarlet at nakita ni Scarlet ang Gonzales Law Office. Nagulat sya dahil alam nyang doon din nagtratrabaho si Catherine. Galit na galit si Scarlet kina Miguel at Catherine. Nag threat si Scarlet na mamamatay si Catherine.
- Pinuntahan ni Sofia si lola sa Amadesto. Gusto lang nyang malaman kung totoo syang Castillejos, hiniling nya kay lola na magpa-DNA test sila.
- Sinugod na naman ni Miguel si Scarlet at sinabing talagang hindi patas lumaban si Scarlet. Inamin naman iyon ni Scarlet, kaya nga daw sya parating nananalo. Sinumbat naman ni Miguel na si Catherine ay di hamak na mas magiging mabuti itong ina at asawa kesa kay Scarlet.
- Nagpunta muli si Mr. Lintoco sa office ni Rafael at napansin ang picture ni Catherine doon. Tinanong nya kung sya (si Catherine) ba daw ang mapapangasawa ni Rafael, sana daw ay inaalagaan ito ni Rafael dahil baka daw kung ano ang mangyari, dahil ang mundo daw ay madaming loko at dapat ay nag-iingat sila lagi. Parang may kahalong threat iyon para kay Rafael.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!