Google
 

Read the transcript of episode 53 of "Iisa Pa Lamang" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Inis na inis si Isadora nang malamang pinuntahan ni Miguel si Catherine para i-rescue. Sinabi naman ni Vernon na ang usapan nila ay susugod sila ngayon, nag-alala din si Vernon dahil baka ma-trouble sila Miguel. Sinabihan naman ni Isadora si Vernon na lumakad na sila nang kanyang mga tauhan at siguraduhin din daw ni Vernon na kung may mapapahamak ay si Catherine iyon at ibalik nya si Miguel nang buong buo.

Si Rafael naman ay hindi mapakali sa kanyang bahay at sinabihan ang ina na hihingi na sya nang tulong kina Lintoco dahil hindi na sya makapaghintay, at ibibigay na din nya ang hinihingi nang mga kidnappers. Hindi naman sang-ayon si Estelle sa gagawin ni Rafael dahil kapag naglabas sya nang ganong kalaking pera at nag-leak ito sa press ay kukuwestyonin nila kung saan nanggaling ang pera. Pasigaw na sumagot si Rafael at sinabi nyang wala syang pakielam dahil malinis ang kunsensya nya at hindi sya nangurakot, yung pera daw na iyon ay galing sa savings nya at ang importante ay mabawi nya si Catherine. Sinabi naman ni Estelle na mababali din pala dahil sa kabaliwan ni Rafael sa pag-ibig ang iniingatan nitong prinsipyo.

Sila Catherine at Miguel naman ay patakas na sa kwarto at lumabas sila sa butas na nahanap ni Miguel. Pagsilip nang isang tauhan ay wala na si Catherine at ginising nya ang iba pang kasamahan. Nakalabas na sila Catherine at Miguel. Dahil natapilok at sumakit ang paa ni Catherine, kinailangan syang buhatin ni Miguel. Nagtago muna sila dahil may dala nang mga baril ang mga humahabol sa kanila. Takot na takot si Catherine at tinatanong nya si Miguel kung ano ang gagawin nila. Sinabi ni Miguel na doon muna sila (magtago) dahil baka pag lumabas sila ay makasalubong nila ang mga humahabol sa kanila dahil hindi nila alam kung saan sila nagpunta, at saka magpapahinga daw muna sya dahil napagod sya kay Catherine dahil mabigat daw ito. Sinabihan naman sya ni Catherine na nasa peligro na nga daw ang buhay nila ay nagpapatawa pa ito. Sinabi naman ni Miguel na hindi parin nagbabago si Catherine dahil masungit parin ito. Sabi naman ni Catherine na ganon din si Miguel, hindi parin nagbabago dahil para parin itong bata. Nagpapatawa parin si Miguel at sinabi nya kay Catherine na “batang cute” daw sya. Hindi naman natutuwa si Catherine sa mga biro ni Miguel dahil sa sitwasyon nila, hindi nila alam kung makakalabas pa sila nang buhay doon. Sabi naman ni Miguel na sinasamantala lang nya ang pagkakataon dahil minsan lang nyang masolo si Catherine nang ganon. Hindi naman nagustuhan ni Catherine ang sinabi ni Miguel at sinabi nya na hindi nga nya alam kung ano ang pumasok sa utak nito at niligtas sya, pero kung ano man daw iyon ay nagpasalamat naman si Catherine kay Miguel. Sagot naman ni Miguel na hindi nya pwedeng pabayaan si Catherine at gagawin nya ang lahat para sa kanya, at alam naman daw siguro ni Catherine kung bakit nya ginawa iyon, dahil mahal nya ito. Hindi naman nakasagot si Catherine, tiningnan lang si Miguel.

Nakipagkita si Rafael kay Lintoco. Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Lintoco nang kausapin nya si Rafael, tinanong nya agad ito “do we have a deal?” Sinabi ni Rafael na babayaran nya ang mga tauhan ni Lintoco nang Php10M. Sabi naman ni Lintoco na pwede nyang kausapin ang mga ito para huwag nang mag-claim nang ransom, at sya na daw ang didiskarte. Inabot ni Lintoco ang kanyang kamay kay Rafael to shake hands and to have a deal.

Sa pinagtataguan nila Miguel, nakatulog sa bisig nya si Catherine at ginising nya ito para silipin kung pwede na silang makaalis. Ayaw sanang magpaiwan ni Catherine pero sinabi ni Miguel na dapat nyang malaman kung safe na silang makaalis. Iniwan muna ni Miguel si Catherine para silipin ang paligid kung safe na silang lumabas at umalis. Nang makita ni Miguel na wala na ang mga bantay ay tinawag nya si Catherine para lumabas sa pinagtataguan. Pag labas nila para tumakas ay sya namang dumating ang mga bantay at nakita sila. Pinaligiran sila at tinutukan nang baril. Gusto nang mga bad guys na patayin nalang din sila Miguel dahil isusumbong naman din daw sila. Nagmakaawa si Miguel at sinabing kung papatayin sila ay sya nalang at huwag si Catherine. Babarilin na sana si Miguel pero dumating si Vernon at tauhan nya, at nagbarilan sila. Naubos ang mga bad guys (na kumidnap kay Catherine) at naligtas sila Catherine at Miguel.

Si Rafael naman ay kausap parin si Lintoco at alam nya na ang gustong deal ni Lintoco ay ang SLEX project. “Maliit na halaga, kapalit nang buhay nang mga mahal mo” sabi ni Lintoco kay Rafael. Biglang nakatanggap nang tawag si Rafael sa kanyang cellphone at si Catherine ang tumawag, he made sure and asked Catherine kung ligtas na ito sa panganib. Pagbaba ni Rafael nang telepono ay pinahuli nya agad si Lintoco sa mga bodyguards nya at sinabi nyang kakasuhan nya si Lintoco nang bribery, extortion at kidnapping. Galit na sumigaw si Lintoco at sinabing wala daw katibayan si Rafael, at hindi din daw alam ni Rafael kung sino ang kinakalaban nya (pagbabanta ni Lintoco kay Rafael.)

Nakauwi na si Catherine sa bahay nila Rafael at nagkita/magkayakap sila ni Lola Aura. Naiiyak sa tuwa si lola dahil nakaligtas si Catherine. Nandoon din si Miguel at natutuwa habang nakatingin kina lola at Catherine na magkayakap. Dumating si Rafael at agad na hinanap at niyakap si Catherine. Mahigpit na mahigpit ang yakapan nilang dalawa at umiiyak si Catherine. Parang dinudurog naman ang puso ni Miguel sa nakikita. Nagpasalamat si Rafael at Catherine kay Miguel.

Nagpa-interview si Rafael sa mga press at nagpapasalamat sya na ligtas na si Catherine at sinabi din nya na ang kanyang office ay hindi magto-tolerate nang kahit na anong uri nang corruption. Meron daw syang mission na gagampanan para sa mga taga-Amadesto, na maaari nilang makamtan/makamit ang tagumpay nang hindi sila nanglalamang, nang-iisa at nambibiktima. Nagpalakpakan ang lahat sa speech ni Rafael.

Napapanood naman iyon ni Scarlet sa kanya tv, habang nasa kitchen sya with Winnie. Bilib naman si Winnie kay Rafael dahil nakidnap na daw si Catherine pero hindi ito bumigay sa pressure and she thinks that Rafael is honest kaya sa tingin nya ay hindi nito kayang mag-bribe nang inspector to forge the documents. Sabi naman ni Scarlet na alam nyang mabuting tao si Rafael pero tao lang ito, meaning hindi ito perfect at pwede itong gumawa nang mali lalo na pag desperado ang isang tao. Sinagot naman ni Winnie na si Scarlet daw ang desperado dahil sa kagustuhan nyang ipakulong si Catherine ay naghahanap ito nang mali. Alam naman daw iyon ni Scarlet, sabi nya kay Winnie, pero what if daw na tama sya at binayaran ni Rafael ang inspector, eh di maipapanalo nya ang kaso at kailangan nyang tingnan ang bawat anggulo doon.

Si Isadora naman ay inabot kay Vernon ang mga documents for his signature. Iyon ay ang sworn statement ni Vernon na inabandona nya sila Isadora for 10 years bago ito nagpakasal kay Don Victor. Dagdag pa ni Isadora na hindi nya masabing na-annul ang kasal nila dahil mahirap daw itong i-antedate at saka court lang daw ang nag-ga-grant nun. Ayaw pirmahan ni Vernon ang papeles dahil puros kasinungalingan daw iyon. Sinumbatan naman ni Isadora si Vernon na kailan pa ito para sa tama (or pro-right.) Sabi naman ni Vernon na hindi nya inabandona si Miguel, si Isadora daw ang nang-iwan sa kanya. Medyo naiinis si Isadora at sinabi nya kay Vernon na ang tagal-tagal na nun at malaki na ngayon si Miguel, may anak na nga ito. Hindi kumibo si Vernon. Tinanong ni Isadora kung ano ang gusto ni Vernon, kung may kapalit ba daw ang hinihingi nyang pirma dito? Lumapit si Isadora at nilambing si Vernon. Nagwalk out naman si Vernon.

Habang nasa isang coffee shop sila Rafael at Catherine, kinausap ni Catherine si Rafael at nagpauna na may sasabihin sya dito pero huwag sanang sumama ang loob nya. Sinabi ni Catherine na napag-usapan at napagdesisyunan na nila lola na uuwi na sila sa kanilang bahay bukas. Sabi naman ni Rafael na hindi pa safe sila Catherine doon. Alam naman daw iyon ni Catherine, pero pwede din naman daw maglagay/magbigay si Rafael nang security para sa kanila para mapanatag ang loob nito. At nahihiya na daw si Catherine sa mga tulong nito sa kanya, at gusto lang nilang bumalik na dahil baka may masabi daw ang ibang tao na inaabuso o sinasamatala nila ang kabaitan ni Rafael. Hindi din nya alam na ganoon pala ka-possesive din si Rafael, na tipong kahit mawala lang sya sa paningin nito nang kahit saglit ay parang kakabahan na ito nang sobra. Inamin naman iyon ni Rafael at nung nakidnap daw si Catherine ay hindi daw nya alam ang gagawin at talagang kabadong-kabado daw sya. Natuwa naman si Catherine sa sinabi ni Rafael at kung magsalita daw ito ay para syang ginto. “Higit pa doon” sagot ni Rafael, sabay alok na magpakasal na sila ni Catherine. Sabi naman ni Catherine na magpapakasal sila pagkatapos nang kanilang babang-luksa. Pero sabi ni Rafael na matagal pa iyon at modern naman na daw ngayon, siguro naman ay hindi magagalit ang kanilang mga magulang kung bibilisan na nila. Natawa naman si Catherine at tinanong si Rafael kung ‘gaano kabilis.’ Sabi ni Rafael na next month daw. Medyo natawa at hindi makapagsalita si Catherine. Si Rafael naman ay kinukulit parin si Catherine na pumayag at gusto na daw nyang maging asawa si Catherine. Masayang ngumiti si Catherine kay Rafael at sumagot ito nang “Ok.” Tuwang tuwa si Rafael.

Habang nasa bahay (Torralba’s residence) ay naging abala na sila Rafael, Catherine, Lola at Louella sa kakatingin sa mga magazines for their wedding. Masaya silang apat. Mabilis ang paghahanda nila Rafael at Catherine para sa kanilang kasal. Dumating na din ang couturier para kunin ang kanilang sukat para sa tatahiin sa entourage. Habang sinusukatan sila Toby at Rafael, si Estelle naman ay gumagawa nang dahilan para hindi sya masukatan at sinabing i-reschedule nalang sya dahil may lakad sya. Sinabi naman ni Rafael na magpapabalik-balik pa at kailangan na nilang i-rush iyon. Sagot naman ni Estelle na hindi nya iyon kasalanan at sino ba daw ang nagmamadaling magpakasal? Kinampihan naman ni Toby ang kanyang kapatid at sinabihan na din ang kanyang mama na ilang beses na nagpabalik-balik ang mga nagsusukat at hindi na nila pwedeng i-delay iyon, at kahit wala sila ay mukhang itutuloy nang kanyang kuya ang kasal na iyon. Iyon ang pinupunto ni Estelle, kaya ang sabi nya na makakaraos ang kasalang iyon kahit wala sya. Nilambing sya ni Rafael at sinabing hindi naman dapat maging difficult iyon and she is not losing a son, in fact she is gaining a daughter. Dagdag pa ni Rafael na mabait naman si Catherine at higit sa lahat ay mahal nya ito. Wala nang nasabi pa si Estelle. Napangiti lang si Toby.

Sa office naman ni Rafael ay nandoon si Miguel para sa proposal ni Marcus Silvestre. Sabi ni Miguel na so far ay sila ang may magandang proposal at nakapag-background check na sya sa kanilang construction firm at ok naman daw. Ok naman kay Rafael, kaya pinirmahan na nya ang mga papeles. Pagbigay ni Rafael nang papers kay Miguel ay nagpasalamat ito dahil he saved Catherine, at inextend na din ni Rafael ang pasasalamat nya kay Vernon, dahil kahit sa lahat nang nangyari ay nagawa parin nitong tumulong. Sinabi ni Miguel na ginawa iyon nang kanyang ama para sa kanya at hindi sa kung ano pa mang dahilan.

Sa kwarto naman ni Scarlet ay bumangon sya sa kama at pumunta sa banyo. Tiningnan ang pregnancy test at positive ito. Umiyak si Scarlet at naalala ang gabing lasing si Miguel at may nangyari sa kanila. Inis na inis si Scarlet sa sarili at sinabing ang tanga-tanga nya.

Si Catherine ay naghihintay sa may labas nang office ni Rafael at lumapit ang staff (yung parating kasama ni Rafael) para sabihin na pinapapasok sya ni Rafael sa office, may important phone call lang daw ito. Ayaw naman ni Catherine pumasok dahil baka makaistorbo lang sya. Inalok sya nang coffee pero tumanggi si Catherine. Pag alis nang staff ay sya namang dating ni Miguel at nakita si Catherine. Tinanong sya ni Miguel kung ano ang ginagawa nya doon. Sinabi ni Catherine na hinihintay lang nya si Rafael dahil may lalakarin sila. Kinamusta ni Miguel ang paa ni Catherine at umupo ito sa tabi nya. Sabi naman ni Catherine na ok na at nailalakad nya. Napansin din ni Miguel na pumapayat si Catherine, sagot naman ni Catherine na talagang nagpapapayat sya, sabay urong sa kinauupuan nya para hindi malapit si Miguel sa kanya. Umurong ulit si Miguel at nagbiro na siguro daw ay para next time ay kaya na nyang buhatin ulit si Catherine. Umurong ulit si Catherine at sinabing para daw kumasya sya sa kanyang wedding gown. Biglang nagulat si Miguel dahil ang alam nya ay next year pa iyon. Pinapahinaan ni Catherine ang boses ni Miguel (dahil nga nagulat ito kaya medyo napalakas ang boses) at sinabing baka marinig sya nang ibang tao dahil hindi parin tapos ang kanilang wedding invitations, at sana daw ay huwag sumama ang loob ni Miguel. Parang gustong maiyak ni Miguel sa galit.

Miguel: Sasama ang loob?…Ako, sasama ang loob? Hindi, dahil sinira mo ang kalooban ko. Bakit Catherine?

Catherine: Anong bakit? Si Rafel ang mahal ko, Miguel.

Miguel: Niloloko mo lang ang sarili mo eh!

Catherine: (stood up and so does Miguel) Nagpapasalamat ako sa pagligtas mo sa akin, pero hindi ibig sabihin nun na parte ka na ulit nang buhay ko!

Miguel: Mali ang desisyon mo, hindi mo mahal si Rafael.

Catherine: Wala kang alam sa nararamdaman ko! Itigil mo na yan! (Miguel grabbed her arms and forcing her to be close to him, Catherine fights back.)

Miguel: Alam ko, hindi mo sya mahal! Ako ang mahal mo! (Rafael went out from his office.)

Catherine: (was able to free herself from Miguel) Si Rafael ang mahal ko! Sya ang pinili ko, kaya pabayaan mo na kami!

Rafael: Catherine, may problema ba?

Catherine: Halika na. Halika na, masama ang pakiramdam ko (pulls Rafael.)

(Miguel was left, feeling devastated.)

Teasers:

- Sinasabi ni Estelle kay Isadora na hindi nya napigilan ang kasal nila Rafael at Catherine. Sabi naman ni Isadora na sya na ang bahala doon tutal naman daw si Miguel ay patay na patay parin kay Catherine kaya tutulungan nalang daw nya para maagaw muli nito si Catherine. Natuwa naman si Estelle.

- Ayaw makipag-cooperate ni Scarlet sa annulment case. Sinabi nya sa lawyer ni Miguel na in fact daw ay he’s having an affair at yung babae ay nandoon mismo sa kwartong iyon. Lumapit si Scarlet sa tabi ni Catherine at tiningnan sya, sabay sabing “nakakasuka.”

- Pag labas sa meeting, kinausap ni Catherine si Scarlet at sinabi nyang wala silang affair ni Miguel at ikakasal na sila ni Rafael. Sabi naman ni Scarlet na huwag daw masyadong magpakasaya si Catherine dahil hindi nya hahayaang mangyari iyon (ang ikasal sya kay Rafael) dahil kung miserable sya ay dapat damay-damay silang lahat.

- Pumunta si Toby sa bahay nila Sofia at nagkakilala sila ni Vernon. Parang namukhaan ni Toby si Vernon at sinabing parang nakita na nya ito dati.

- Kausap ni Scarlet si Winnie at masayang sinabi nya na alam na nya ang weakness ni Catherine – si Rafael.

- Nanakot si Scarlet kay Catherine at sinabi nya na ang next project daw nya ay si Rafael. Sinabi naman ni Catherine kay Scarlet na hindi nya maagaw si Rafael sa kanya dahil mahal sya nito, at hindi daw ang tipo ni Rafael ang mangangaliwa. Sabi naman ni Scarlet na sa sinabi ni Catherine ay mas lalo syang nacha-challenge, mas lalo syang ginanahan, at mas lalo syang na-in love kay Rafael.

- Pumunta si Scarlet sa office ni Rafael. Umiiyak si Scarlet at yumakap kay Rafael, inalo naman sya ni Rafael. Pagpasok ni Catherine sa office ni Rafael ay nakita nyang magkayap sila ni Scarlet at tinawag nya si Rafael.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!