Google
 

Read the transcript of episode 52 of Iisa Pa Lamang courtesy of Pinoy TV Junkie.

Kinidnap si Catherine at dinala sa isang abandoned building (parang school building.)

Sa office naman ni Rafael, sinabihan nya si Miguel na marami pa dapat pag-aralan sa project at hindi pwedeng sige-sige. Biglang nakatanggap nang tawag si Rafael sa kanyang cellphone kaya naputol ang kanilang diskusyon. Isang di kilalang lalake ang tumawag kay Rafael at sinabing nasa kanila si Catherine.



Nagulat si Rafael at tinanong kung ano ang kailangan nila. Sinabi nang lalake na madami silang kailangan kay Rafael pero siguruduhin daw nya na huwag syang magsusumbong sa mga pulis dahil madali silang kausap. Nakiusap si Rafael na huwag sasaktan si Catherine, pero sagot nang lalake ay depende. Tinanong ni Rafael kung ano ang gusto nila. Nakikinig si Miguel kay Rafael dahil alam nyang may masamang nangyayari. Binabaan nang telepono si Rafael at tinanong ni Miguel kung ano ang nangyayari. Sinabi ni Rafael kay Miguel na kinidnap si Catherine.

Pinuntahan ni Rafael sila lola at Louella para sabihin ang nangyari kay Catherine. Takot na takot at sobrang nag-aalala si lola para kay Catherine, at naitanong kay Rafael kung sino naman ang kikidnap kay Catherine. Sinabi ni Rafael na hindi pa nila alam pero doon muna daw sila sa bahay ni Rafael para masiguro nyang safe sila lola dahil baka sila naman ang puntiryahin.
Sa campus naman ay tapos na ang class at nagyaya si Toby na manood sila nang sine ni Sofia. Biglang dumating ang mga bodyguards ni Rafael at sinusundo si Toby para umuwi na nang bahay. Nagtaka si Toby at tinanong kung ano ang nangyari.

Sa bahay ni Rafael ay sinabihan nya ang mga bodyguards nya na maging alert sa mga umaaligid sa labas nang bahay at siguraduhin daw na walang lalabas, doon daw muna silang lahat hangga’t hindi nila alam kung ano ang nangyari kay Catherine. Nandoon sila Estelle, Lola Aura, Toby, Sofia at Louella. Sinabi nang isang bodyguard ni Rafael na kanina pa nya tinatawagan ang number na tumawag kay Rafael pero hindi na ito sumasagot.

Aburido si Rafael at sinabing wala na silang magagawa kundi ang maghintay. Pinapakalma naman sya ni Estelle. Nagalit si Rafael at nasigawan ang ina, “Ma, calm down?! YOU EXPECT ME TO CALM DOWN?! NAWALA SI CATHERINE, KINIDNAP SYA, AT ALAM KO KUNG SINO ANG GUMAWA NITO!!” Kinuha ni Rafael ang baril nang isa nyang bodyguard at umalis nang bahay. Tinatawag sya ni Estelle para bumalik sa loob nang bahay pero hindi nagpapigil si Rafael kaya inutusan nalang ni Estelle na samahan pa ito nang mga iba pa nilang bodyguards. Maski si lola ay sobrang nag-aalala.

Si Catherine naman ay sinusubukan na buksan ang pintuan at sumisigaw, sinasabi na mali ang kinidnap nila dahil wala syang pera.

Si lola naman ay hindi mapakali at iyak nang iyak. Sinasabihan sya ni Louella na magpahinga muna. Ayaw ni lola dahil paano sya makakapagpahinga gayong alalang-alala sya kay Catherine at kawawa naman ang kanyang apo. Sinabi ni Louella na ginagawa naman ni Rafael ang lahat.

Naalala tuloy ni lola ang nangyari kay Catherine noon sa Amadesto na ilang buwan itong nawala (nung kinidnap sya ni Isadora) at ilang buwan din syang alalang-alala dito, hindi sya mapakali at naiisip kung ano ang nangyari dito, pero ang lahat daw nang pag-aalalang iyon ay wala kung ihahambing sa paghihirap na pinagdaanan ni Catherine. Inalo ni Louella si lola at sinabi na nung kinidnap daw si Catherine ay madalas nyang nakikita itong lumalaban, kahit anong gawin nila kay Catherine ay hindi ito sumusuko, at kung nasaan man ito ngayon ay alam nyang lumalaban ito at hindi susuko.

Nagkita sila Lintoco at Rafael sa isang liblib na lugar. Pinagbintangan ni Rafael na si Lintoco ang nagpakidnap kay Catherine dahil sya lang daw ang may motibo para gawin ang lahat nang iyon. Kung galit daw si Lintoco sa kanya ay huwag itong mandadamay nang ibang tao. Sinabi ni Lintoco na wala syang alam sa sinasabi ni Rafael, pero kung kailangan daw ni Rafael ang tulong nya para mahanap si Catherine ay meron syang mga taong pwedeng makausap. Sinabi ni Rafael na tinutulungan na sya nang mga pulis.

Sagot naman ni Lintoco na mas mahusay ang mga contact nya. Pero pinagdiinan ni Rafael na hindi sya interesado sa mga contact ni Lintoco. Sinabihan ni Lintoco si Rafael na dapat matuto ito sa mga gawain nang kanyang ama dahil masyado itong straight at dapat matuto naman syang bumaluktot kahit konti. Nakakapagod daw ang ginagawa ni Rafael at baka hindi nito kayang panindigan, kawawa naman daw si Catherine kung ito ang magbabayad sa katigasan nang ulo ni Rafael.

Sa bahay ni Isadora ay tinawagan sya ni Estelle para sabihin na kinidnap si Catherine. Nandoon sa bahay ni Isadora si Vernon at nakikinig sa usapan nila. Pagbaba nang phone ni Isadora ay tinanong sya agad ni Vernon kung sino ang nakidnap. Sinabi ni Isadora na si Catherine ang nakidnap, at kung sino man daw ang kumidnap dito ay sana daw ay huwag nang ibalik si Catherine dahil salot daw ito at agaw-atensyon. Tuwang tuwa naman si Isadora sa nangyari kay Catherine and she still considers her night a lucky day (kahit hindi sya tumuloy/natuloy sa pagsusugal.)

Nasa may lanai naman sila Toby, Estelle at Rafael. Sobra paring nag-aalala si Rafael para kay Catherine. Sinabihan sya ni Estelle na it is his test bilang congressman at huwag daw itong magpapadala sa kanyang emotions. Medyo nainis na naman si Rafael sa ina at sinabing paano sya magiging kalmado gayong si Catherine ang nakidnap at girlfriend nya ito. Sabi naman ni Estelle na hindi nya sinasabing huwag kumilos si Rafael, ang sa kanya lang ay maging kalmado si Rafael so they could think straight.

Sinabi ni Rafael sa ina na si Lintoco ang alam nyang may pakana nun. Na-i-imposiblehan naman si Estelle sa sinabi ni Rafael dahil matalik daw na kaibigan ni Enrique si Lintoco at hindi nya ito gagawin. Sabi naman ni Rafael na si Lintoco lang daw ang may motibo. Hindi parin naniniwala si Estelle dahil alam daw nya ang background nito at isa itong businessman, wala daw ito sa mga gawain nito.

Kinabukasan ay nagkausap naman si Miguel at Rafael sa kanyang office. Naikuwento ni Rafael kay Miguel ang lahat at sinabi ni Miguel na kung iyon ang kutob ni Rafael ay bakit hindi nalang daw ibigay ni Rafael ang deal kay Lintoco kesa manganib ang buhay ni Catherine. Ayaw namang magpatalo ni Rafael sa kanila. Naisumbat tuloy ni Miguel na mas mahalaga pa daw kay Rafael ang kanyang prinsipyo kesa kay Catherine. Sinagot sya ni Rafael na hindi totoo iyon at huwag daw kukuwestyunin ni Miguel ang pagmamahal nya kay Catherine.

At kung pagbibigyan nya ang mga iyon (sila Lintoco) ay magde-demand sila dahil hawak sya sa leeg ang mga ito at hindi ba daw nakikita ni Miguel na inuubos nila ang lahat nang mahahalaga sa kanya? Medyo naiinis na sinabi ni Miguel kay Rafael na hindi nya alam kung bibilib sya o maiinis sya sa prinsipyo ni Rafael, at sana lang ay tama daw si Rafael dahil oras na may mangyari kay Catherine ay silang dalawa ang magtutuos (sabay walk out si Miguel sa office ni Rafael.)

Si Catherine naman ay hindi mapakali at naririnig ang usapan nang 3 lalakeng nakabantay sa kanya, hinihintay nito ang tawag nang kanilang boss para ‘mayari’ na sya. May dumating pang isang lalake at may dalang pagkain para kay Catherine. Binuksan ang kwartong pinagkukulungan ni Catherine.

Si Miguel naman ay pumunta sa bahay nang kanyang ama at tinanong kung may alam sya tungkol kay Lintoco. Sinabi ni Vernon na madami itong illegal na gawain at sanay pumatay, madami na din itong pina-salvage sa probinsya. Tinanong ni Miguel kung naniniwala si Vernon sa kutob ni Rafael. Umoo naman si Vernon at sinabing malinis magtrabaho si Lintoco, kaya nitong baligtarin ang sitwasyon.

Tinanong ni Vernon si Miguel kung sa tingin ba daw nito ay ibibigay ni Rafael ang project kay Lintoco? Sinabi ni Miguel na malabo dahil nagmamatigas si Rafael. Sabi naman ni Vernon na siguro ay ngayon lang iyon, dahil pag nagkagipitan ay bibigay din si Rafael. Humingi nang tulong si Miguel sa ama dahil alam nyang madami din itong contact. Pumayag si Vernon na kukunin nila si Catherine at pag nakuha nila ay magiging partida sila ni Miguel at kay Marcus Silvestre daw ang deal.

Habang binibigay kay Catherine ang kanyang pagkain ay nakakita nang opportunity si Catherine na lumaban at tinangka nyang tumakas. Pero kahit nakakuha sya nang kahoy para panlaban ay hindi naging sapat iyon. Nahuli syang muli at pinasok sa kwarto, tinalian na sya this time. Tinakot si Catherine na pag nagtaka pa itong tumakas ay papatayin na sya. Kinuha din ang kanyang pagkain.

Nagmanman na sila Vernon at Miguel kay Lintoco. Gustong sundan ni Miguel si Lintoco pero sinabi ni Vernon na huwag dahil delikado. May itinurong mga lalake si Vernon kay Miguel at sinabing mga undercover cops daw iyon na nagmamanman din kay Lintoco. Sabi pa ni Vernon na matalino si Lintoco dahil alam nitong madaming nagmamatyag sa kanya. Tinanong naman ni Miguel si Vernon kung paano nila malalaman ang kinaroroonan ni Catherine. Sinabi ni Vernon na may kakilala sya na pwedeng tumulong sa kanila.

Sa bahay naman nila Rafael ay alalang-alala parin sila lola, Louella at Rafael; silang tatlo ay nasa living room with some bodyguards. Biglang nakatanggap nang tawag si Rafael sa kanyang cellphone – si Catherine ang tumawag. Biglang inagaw ang phone kay Catherine at sinabi kay Rafael na iyakin daw ang syota nya, humihingi din sila nang 10million kay Rafael. Tinanong ni Rafael kung saan nya ihahatid ang pera, pero sinabi nang lalake na ihanda muna ito ni Rafael, sabay baba nang phone.

Sobrang nag-alala si lola at sinabi kay Rafael na wala silang 10 million. Sinabi ni Rafael na magagawan nya ito nang paraan, ang importante ay mailigtas nila si Catherine. Biglang pumasok ang isa pang bodyguard ni Rafael at sinabing nagmamatyag na ang mga undercover cops kay Lintoco pero mukhang malinis daw itong gumalaw dahil walang makapagturo kung saan si Catherine.

May kinausap si Vernon na isang lalake (nandoon si Miguel para makinig din sa sasabihin nang lalake) at tinatanong kung saan ang hideout nila Lintoco dahil dati itong naging messenger. Nakiusap si Miguel sa lalake dahil baka mapahamak daw ang kinidnap nila Lintoco at buhay ang nakasalalay doon. Hindi parin nagsasalita ang lalake, kaya sinabi ni Vernon na wala itong gagawin dahil sila ang kikilos. Sinabi na nang lalake ang hideout nila Lintoco.

Bumisita si Isadora sa bahay nila Rafael at may dala itong bulaklak. Nagalit si Lola nang makita nya doon si Isadora at tinanong kung ano ang ginawa nya doon. Sinabi ni Isadora na kakausapin nya sana si Rafael tungkol sa kaso nila, hindi naman nya alam na na-take over na pala nang mga squatters ang bahay nila Rafael. Nang-inis pa ulit si Isadora at sinabing ilang araw palang doon sila lola pero nag-iba na ang dating nang bahay nila Rafael (she rubbed her nose as if there’s something stinky.) Hindi naman nagpatalo si Lola at lumaban kay Isadora, sinabi nya na kanina pa mainit ang kanyang ulo at naghahanap sya nang mababasag, lumapit daw si Isadora nang mabasag nya ang pagmumukha niot.

Tinawanan lang sya ni Isadora at sinabing masyadong mainit ang ulo ni lola. Tinanong ni Isadora ang isang maid at hinanap si Rafael. Ang chismosang maid ay sinabi na inaayos ni Rafael ang pang-ransom kay Catherine. Nag-urirat si Isadora at tinanong ang maid kung magkano. Ang chismosang maid ay sinabi kay Isadora na 10 million daw. Nagkaroon ulit nang pagkakataong mang-asar si Isadora kay lola at sinabing mamahalin pala ang apo nya. Galit na galit si lola (at Louella) kay Isadora.

Nang-inis pa ulit si Isadora at sinabing ang taray-taray daw ni lola, hindi naman nya iyon bahay. Ang bulaklak daw ay para kay Catherine, nagdala sya dahil nakikiramay daw sya. Sinigawan ni lola si Isadora at sinabing buhay pa ang apo nya. Nang-asar pang muli si Isadora at sinabing parang hindi naman sya kilala ni lola, parati syang advance, kaya bumati si Isadora kay lola nang advance condolence. Gustong gustong sugurin ni lola si Isadora, pero napigilan sya ni Louella.

Sa bahay nila Miguel ay nag-usap sila ni Vernon. Sinabi ni Vernon kay Miguel na alam na nila kung saan ang lugar na sinabi ni Tino (yung dating messenger.) Magsasama daw si Vernon nang kanyang grupo, pero sinabi ni Miguel na baka mas mapahamak si Catherine kung makikita nang mga kidnapers na madami sila. Sinabi ni Vernon na mas alam nila kung paano kumilos.

Tinanong ni Miguel kung kailan sila pupunta, sabi naman ni Vernon ay bukas pero hindi kasama si Miguel. Gusto ni Miguel sumama, pero sabi ni Vernon na hindi kilala ni Miguel ang mga taong iyon dahil wala silang sinasanto at kung ano pa ang mangyari kay Miguel. Sinabi ni Vernon na huwag daw mag-alala si Miguel at dadalhin nila si Catherine nang buong buo.

Nakarating na ang balita sa bahay ni Scarlet, sinabi ni Winnie habang kumakain sila nang dinner ni Scarlet. Sabi naman ni Scarlet na baka gimmick lang daw iyon ni Catherine dahil sa ransom, ngayon palang daw ay kinukwartahan na nito si Rafael. Pinagsabihan naman ni Winnie si Scarlet dahil parang natutuwa pa ito gayong nanganganib na ang buhay ni Catherine, isipin daw nito na may anak sya.

Kahit inis si Scarlet dahil pinagsabihan sya ni Winnie ay sumunod naman sya dito, pero sinabihan nyang KJ si Winnie. Naiba ang usapan nila dahil tinanong ni Winnie si Scarlet kung itutuloy nito ang pag-appeal sa arson case. Gustong gusto talaga ituloy ni Scarlet ang kaso dahil wala namang kinalaman ang pakaka-kidnap ni Catherine sa kanilang kaso, at gusto daw nyang mag-suffer si Catherine in her own hands.

Si lola ay umiiyak habang nagdadasal sa Diyos para sa kaligtasan ni Catherine.

Sa office naman ni Rafael ay abala ang mga pulis at iba nyang staff para sa search and rescue kay Catherine. Si Rafael ay parang lutang ang isip at sobrang nag-aalala for Catherine.

Sa bahay naman nila Miguel ay papaalis na sana sya (he’s in the kitchen) pero nakita sya ni Sofia at tinanong kung saan sya pupunta. Sinabi ni Miguel na pupuntahan nya si Catherine. Nag-alala naman si Sofia sa kapatid dahil mag-isa lang ito at delikado pa, baka kung ano daw ang mangyari sa kanya. Sabi naman ni Miguel na hindi na sya makakapaghintay pa kaya pupuntahan na nya si Catherine ngayon, basta daw huwag maingay si Sofia. Hindi na nagpapigil pa si Miguel at umalis na nang bahay.

Pinuntahan ni Miguel ang hideout nang mga kidnapers at nakita nya doon si Catherine na natutulog sa pinagkukulungang kwarto. Maingat na sinilip ni Miguel ang mga bantay at nakita nyang isa lang ang gising and the rest of the bantays are asleep. Nakahanap nang butas si Miguel sa kwartong pinagkukulungan kay Catherine at nagawa nyang tanggalin ang takip na kahoy at pumasok sya sa loob. Dahan-dahan si Miguel lumapit kay Catherine at ginising nya ito. Yung isang bantay na gising ay pabalik na para silipin muli ang kwarto ni Catherine. Nagtago sila Miguel at Catherine.

Teasers:

- Nalaman ni Isadora na sumugod mag-isa si Miguel para i-rescue si Catherine. Nagagalit si Isadora dahil ang tanga daw ni Miguel at ano ang naisip nito para magpakabayani. Sinabi ni Vernon kay Isadora na ang usapan nila ay that night lalakad. Sinabihan naman ni Isadora si Vernon na kung meron mapapahamak ay si Catherine iyon at ibalik daw ni Vernon nang buong buo ang kanyang anak.

- Nagkausap muli sila Lintoco at Rafael. Sinabi ni Rafael na babayaran nya nang 10million sa mga kasahan ni Lintoco. Sabi naman ni Lintoco na pwede nyang kausapin na huwag nang mag-claim nang ransom at sya nalang daw ang didiskarte. Dagdag pa ni Lintoco na maliit na halaga kapalit nang buhay nang mga mahal ni Rafael.

- Si Scarlet naman ay kausap si Winnie at sinasabi nya na alam nyang mabait na tao si Rafael. Pero what if daw kung tama ang hinala nya na binayaran ni Rafael ang inspector? Eh di maipapanalo daw nya ang kaso.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!