Google
 

Read the transcript of episode 55 of "Iisa Pa Lamang" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Kinabukasan sa campus ay magkasama ulit sila Toby at Sofia. Sinabi ni Toby na tinatawagan daw nya si Sofia kahapon pero hindi nito sinasagot ang phone. Sabi naman ni Sofia na sumama ang kanyang pakiramdam at maaga syang natulog. Tinanong sya ulit ni Toby kung ok na sya at sana daw ay hindi na muna ito pumasok.

Sabi naman ni Sofia na may test pa sila sa English, nagmamadaling nagpaalam si Sofia kay Toby. Niyaya ni Toby na pumunta sila ni Sofia sa bday party ni Doug, pero tumanggi si Sofia dahil she don’t feel like partying. Nagsuggest naman nang ibang way si Toby para makasama si Sofia at sabi nya na magdadala nalang sya nang maraming DVDs at pupunta sa bahay nila, pero tinanggihan ulit iyon ni Sofia at sinabing maaga syang matutulog. Nagpaalam muli si Sofia kay Toby at umalis. Medyo nalungkot naman si Toby.

Si Louella naman ay pupunta sana sa office ni Rafael kaya lang ay nakasara ang pintuan. Akala ni Louella ay wala na si Rafael, pero sabi nang staff na may close-door meeting daw kasama yung mga sponsors sa fund raising project. Biglang kinabahan si Louella at tinanong kung nandoon si Scarlet sa loob, sabi naman nang staff na oo dahil ito ang pinakamalaking contributor at malayo ang mararating nang tulong nito. Hindi ito ikinatuwa ni Louella.
Sa fund raising project party, magkasamang dumating sila Catherine at Rafael and they were introduced as a couple soon to be married. Nandoon din si Miguel at nalungkot sya nang ipakilala sila Rafael at Catherine. Biglang dumating si Scarlet (kasama yata si Winnie at yaya nya – na dating katulong ni Isadora) at nilapitan/binati at nagbeso si Rafael sa kanya.

Pinaupo ni Rafael si Scarlet sa tabi ni Catherine. Nagulat si Miguel nang makita doon si Scarlet at lumapit sya dito, pero hindi nya binati si Scarlet, at nilagay/iniwan lang sa tapat ni Scarlet ang iniinom nyang alak at umalis na si Miguel.

That night, dumalaw si Toby kina Sofia at nakita nyang mag-isa si Sofia sa may porch at malalim ang iniisip. Medyo nagulat si Sofia dahil nandoon si Toby. Tinanong sya ni Toby kung galit sya sa kanya. Medyo ilang sa pagsagot si Sofia, pero sinabi nyang hindi. Sabi naman ni Toby na para daw kasing iniiwasan sya ni Sofia at tinanong kung meron ba syang nagawang masama? Medyo naawa naman si Sofia kay Toby at sinabi nyang busy lang sya talaga. Nagyaya naman si Toby na magkape muna sila ni Sofia pero tumanggi si Sofia dahil hindi sya pwedeng umalis.

Tinanong sya ni Toby kung hindi ba daw sya pwedeng mag-hang out sa bahay nila. Naghahanap nang dahilan si Sofia para makaiwas kay Toby at naiyak itong sinabi kay Toby na huwag muna. Medyo nainis naman si Toby dahil ayaw ni Sofia na sabihin ang problema. Pinaalis sya ni Sofia, sabay pumasok ito sa bahay at iniwan si Toby.

Sa party naman ay may auction for a date at tinawag na nang host (John Avila) sa stage ang mga bachelors. Since alam nyang bachelor pa naman si Rafael ay tinawag nya ito sa stage pero tumatanggi si Rafael. Dahil na din sa buyo nang mga guests ay napilitan si Rafael. Pero bago pumunta si Rafael sa stage ay binulungan si Catherine na mag-bid ito sa kanya dahil baka mapahiya daw sya. Sabi naman ni Catherine na uubusin nya ang lahat nang perang meron sya mapanalunan lang nya si Rafael (at narinig iyon ni Scarlet.)

Binigyan ni Rafael nang tender kiss sa noo si Catherine bago ito pumunta nang stage. Inis naman si Scarlet at naiinggit. Si Rafael ang inuna nang host, at bago sinimulan ang bid, nagsalita muna si Rafael at sinabing walang personalan at iyon daw ay isang fund raising lang. Medyo iba ang takbo nang utak ni Scarlet at may masamang plano. Nagsimula na ang bidding for Rafael – may isang babae na nagstart nang bid for 10,000; Catherine bid for 15thou; another woman bid for 50thou; Catherine made another bid for 60thou (and Louella is getting nervous) ; another lady for 80thou; Catherine made another bid for 85thou (Louella reacted as to where Catherine will get the money.) Since Scarlet heard them, she raised the bid to 100thou (Catherine gave a sharp stare at Scarlet and vice versa, Rafael is getting nervous.) Catherine made another bid for 150thou (again, Louella reacted and really nervous because she knows that Catherine don’t have that much money.)

Scarlet won’t let Catherine take Rafael, so she bid for 200thou. Rafael is really nervous. Catherine made another bid for 300thou. Rafael wants his bidding to stop, so he said that 300thou is enough and that he’s leaving the stage. The host is about to close the bidding, then suddenly Scarlet stood up and made a final bid that nobody can outbid her “2 million pesos for Cong. Rafael Torralba!” The crowd cheered and even the host was so surprised, including Catherine that was left speechless. The host took Scarlet on stage with Rafael.

Pagkatapos nang bidding, ay pinuntahan ni Scarlet si Miguel at tinanong kung nag-enjoy ba daw ito.

Miguel: (mad) What are you up to?

Scarlet: (pretending to be innocent) Anong ibig mong sabihin?

Miguel: “Anong ibig mong sabihin?” Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin. Bakit kailangan mong magbid para kay Rafael?

Scarlet: Disappointed ka ba dahil hindi ako nagbid para sa iyo? Nagseselos ka siguro ano?

Miguel: Asa ka pa.

Scarlet: Feeling ko kasi, nasaktan ko yung macho pride mo eh. Kaya lang Miguel naisip ko, bakit naman ako magbi-bid sa iyo, I already own you, tinapon na nga kita, remember? Excuse me ha, baka hinihintay na ako ni Rafael. Bye! (Scarlet left with Winnie and her yaya.)

Sa bahay naman ni Isadora ay nandoon si Vernon at pinapaalala na malapit na ang payment date ni Isadora kay Marco (o Marcus?) Parang wala namang pakielam si Isadora at sinabing ano naman daw ngayon, kulang pa ang kanyang pera dahil matumal ang panalo nya sa casino. Medyo nag-aalala naman si Vernon, sabi naman ni Isadora na sanay naman silang naghahabol nang deadline. Sabi naman ni Vernon na kailangan ni Isadora na magbenta nang assets. Medyo nainis naman si Isadora at sinabing kakahila lang nang kanyang kotse at kung napapansin daw ni Vernon ang kanyang bahay ay ‘minimalist’ na ang style; yung mga alahas nya ay custom jewelry nalang, at anong assets ang pinagsasabi daw ni Vernon?

Gusto ni Vernon na ibenta ni Isadora ang hacienda sa Amadesto. Ayaw ni Isadora na ibenta ang hacienda dahil iyon nalang daw ang natitira sa kanya, at pag binenta nya iyon ay hindi na daw sya magiging haciendera. Sabi naman ni Vernon na kailangang gawin iyon ni Isadora kung ayaw nyang makulong o kung ayaw nitong mabuwisit sa kanya si Marco, dahil baka mas malaki pa ang singilin nito sa kanya. Matapang naman na tinanong ni Isadora si Vernon kung papatayin ba daw sya ni Marco, di lalo syang hindi nakabayad. Sagot ni Vernon na hindi ang buhay ni Isadora, kundi ang buhay nang mga anak nya. Medyo natakot naman si Isadora sa sinabi ni Vernon.

That night ay nag-date na sila Rafael at Scarlet. Sinabi ni Scarlet na naisip nyang doon nalang sa bahay nya sila magdate para daw mas private. Nagpauna na si Rafael na magkalinawagan daw sila ni Scarlet. Sagot naman ni Scarlet na iyon naman daw ang gusto nya talaga ang magkalinawagan sila ni Rafael, at huwag daw mag-alala si Rafael dahil hindi nya ito gusto. Gusto lang daw nyang masolo si Rafael para may mapag-usapan sila, lalo na tungkol sa arson case ni Catherine.

Rafael: (starts to eat) And, what about it?

Scarlet: Wala lang naman, naisip ko lang kasi…sobra mo akong napatawa doon sa surprise evidence mo. Kasi all these time, akala ko I have the latest inspection report, pero biglang papaso ka, dadating ka at meron kang mas bago. Diba nakakagulat ‘yon? Gusto ko ding malaman kung saan mo naman nahalukay ang mga ganoong klaseng bagay.

Rafael: Well, tapos na iyon at hindi na natin pag-uusapan pa. So, let’s go ahead and eat.

Scarlet: Alam mo kasi Rafael, ikaw yung pinaka-principled na taong nakilala ko. Ikaw ba…wala ka bang weakness? Or wala ka bang mga deep, dark secret? Baka pwede mo naman iyong i-share kay Scarlet?

Rafael: (shakes his head) Wala naman. Wala. (His cellphone rings.)

Scarlet: Wow, saved by the bell.

Rafael: (looked at his cellphone) Si Catherine.

Scarlet: O, bakit ka naman nya tinatawagan? Siguro wala syang tiwala sa iyo ano? (Rafael’s phone continues to ring.)

Rafael: Hindi ganon si Catherine.

Scarlet: Oh, ok. Pakisabi nalang sa kanya na hindi ka pa uuwi. For 2 million pesos Rafael, you should stay with me the whole night.

(Rafael excused his self to take the call. Scarlet took something out of her purse and made sure that Rafael is still on the phone. She took a capsule, broke it to half and put the drug in Rafael’s wine; and mixed well. Then she returned to her chair and so happy about it.)

Pag pasok ni Sofia sa kanyang kwarto ay nagulat sya dahil nakita nya ang kanyang ina na naghahalungkat at nilalabas ang iba nyang gamit sa kanyang closet. Sinabi ni Isadora na walang wala na silang pera at ibebenta nya ang mga ibang gamit ni Sofia sa tiangge, at huwag daw magdadamot si Sofia, tutal naman daw ay sya ang nagbigay nang lahat nang iyon sa kanya, at siguro naman daw ay pwede nya itong bawiin kay Sofia. Pati yung tv ni Sofia ay gustong ibenta ni Isadora, mga bags at damit sa closet. Paghalungkat ni Isadora sa closet ni Sofia ay nakita nya ang DVD na tinago ni Sofia doon, yung ninakaw nya kay Toby na evidence nito. Biglang kinuha ni Sofia at sinabing wala iyon. Gusto ni Isadora na piliin na ni Sofia ang mga gamit, damit na pwede nyang ibenta, pati custom jewelries ni Sofia ay kinuha nya din.

Pagkatapos nang kanilang dinner, nagpakalasing si Scarlet at naubos na nya ang isang boteng wine. Lasing na si Scarlet at sinabi nya kay Rafael na inaantok na sya at blurred na daw ang paningin nya. Sinabi ni Rafael na lasing na si Scarlet, inamin naman iyon ni Scarlet at tumayo ito at sinabing “and it feels wonderful!” Umikot-ikot si Scarlet at (sinadyang) matumba at bumagsak sa bisig ni Rafael. Humingi nang favor si Scarlet kay Rafael at gusto nyang ihatid sya nito sa kanyang kwarto. Wala namang choice si Rafael kundi ang tulungan si Scarlet.

Inalalayan nya si Scarlet papunta sa kanyang kwarto. Nang makarating na sila sa kwarto ni Scarlet, ay biglang nahilo si Rafael at napaupo ito sa silya. Sinabi ni Rafael na doon muna sya. Tinanong sya ni Scarlet kung lasing ba sya, sabi naman ni Rafael na hindi dahil isang baso lang ang ininom nya pero bigla syang nahilo. Lumapit si Scarlet sa kanya at hiniga sya sa kama. Nawalan na nang lakas si Rafael at pinagsamantalahan sya ni Scarlet at hinalikan sa labi. Kahit ayaw ni Rafael and he really refused, wala namang syang lakas, kaya nagawa ni Scarlet ang masamang balak kay Rafael at hinubaran, pinaghahalikan nya si Rafael. Nakatulog na si Rafael habang nasa tabi nya si Scarlet.

Pag gising ni Rafael ay nakahubad na sya (may kumot) at katabi nya si Scarlet na hubad din. Nagising na din si Scarlet. Masakit ang ulo ni Rafael at tinanong nya si Scarlet kung ano ang nangyari. Sabi ni Scarlet na nakainom sila so one thing led to another. Sa labas naman nang bahay ni Scarlet ay dumating si Catherine at hinahanap si Rafael. Nagmamadaling bumangon si Rafael, nagbihis at nagmamadaling lumabas nang kwarto, hinabol naman sya ni Scarlet. Si Catherine naman ay nakapasok na sa bahay ni Scarlet at tinatawag si Rafael. Pagbaba ni Rafael nakita sya ni Catherine at hindi pa maayos ang kanyang damit, si Scarlet naman ay nakita nyang naka-robe lang. Nagulat si Rafael dahil nandoon si Catherine. Shocked na shocked si Catherine. Hindi naman alam ni Rafael kung ano ang sasabihin kay Catherine.

Rafael: Catherine, walang nangyari dito ok? (sat on the stairs and putting on his shoes.)

Scarlet: Tapos na kasi tayong mag-agawan nang yaman eh, so naisip ko dapat next level na. Doon naman tayo sa ‘agawan nang mapapangasawa.’ (Scarlet starts to laugh and Rafael is trying to explain to Catherine. Catherine starts to cry.)

Rafael: Catherine, walang nangyari dito ok? Maniwala ka sa akin.

Scarlet: That’s not true Rafael! Hahaha!

Rafael: (went to Catherine) Huwag kang maniwala sa kanya, walang…(Catherine slapped him on the face, then walked out of the house. Rafael followed her.) CATHERINE! Catherine, maniwala ka, walang nangyari! Please maniwala ka! (Catherine is crying and wanting to get off from Rafael. Scarlet is watching them at the gate.)

Catherine: Ang ba-baboy nyo! Ikaw…huhuhu… ikaw sa lahat nang tao…huhuhu…

Rafael: Maniwala ka, walang nangyari.

Catherine: Walanghiya kayo…walanghiya kayo! Sa lahat nang tao, bakit si Scarlet pa?! Huhuhu…ang bababoy nyo!! (Scarlet went to Rafael.)

Scarlet: Rafael? Bakit hindi ka magsalita? Bakit hindi mo sabihin sa kanya na we made passionate love.

Rafael: SHUT UP! (Catherine walks out.)

Scarlet: NOW WE’RE EVEN CATHERINE! NOW WE’RE EVEN!! Hahaha!

(Rafael is so mad at Scarlet, and he followed Catherine.)

Teasers:

- Nagpunta si Rafael sa apartment nila Catherine at kinausap si Lola Aura. Sinabi nya na hindi nya alam kung ano ang nangyari at wala syang maipapaliwanag. Sabi naman ni lola na sinaktan ni Rafael si Catherine.

- Si Sofia naman ay medyo galit at tinatanong si Isadora kung bakit ito biglang dumalaw kay Mang Rolando sa ospital. Bakit ganon nalang ang concern nito, magkakilala ba daw sila, may nakaraan ba sila sa Amadesto? Ano ba daw ang tinatago nito sa kanya? Nagalit si Isadora kay Sofia at sinigawan nya ito, tantanan daw sya ni Sofia.

- Si Toby ay pumunta ulit sa bahay nila Sofia pero hindi sya pinapapasok. Sumisigaw si Toby sa labas nang kanilang bahay para kausapin sya ni Sofia.

- Si Vernon ang humarap kay Toby. Biglang lumabas si Sofia at sinabihan si Toby na ayaw na nya itong makita.

- Si Lola Aura naman ay pumunta sa bahay ni Isadora, pero sa labas lang sila nag-usap. Sinabi ni lola kay Isadora na alam nyang walang bisa ang kasal ni Isadora sa kanyang kapatid na si Victor, kaya lalong walang karapatan na ibenta ni Isadora ang hacienda.

- Kausap ni Scarlet si Winnie at ang kanyang lawyer. Desidido si Scarlet sa gagawin at madamay na daw kung sino ang madadamay, basta ang importante ay masira nya ang buhay ni Catherine.

- Narinig ni Sofia na kinakausap ni Isadora si Vernon at pinipilit na pumirma si Vernon. Dahil pag pinirmahan ni Vernon iyon ay mapapatunayan na null and void ang kasal nila ni Isadora, bago pa magpakasal si Isadora kay Don Victor.

- Pinuntahan ni Miguel si Scarlet para kausapin.

Miguel: Bakit naman kasi, bukang-bibig mo parati na ‘karma is a bitch.’ Look what happened (Scarlet is crying), na out-karma ka na, na-out bitch ka pa. (Miguel laughs.)

- Narinig ni Sofia ang pag-uusap nila Vernon at Isadora. Narinig nyang sinabi ni Vernon kay Isadora na nagawa na nitong pumatay minsan at magagawa ulit ito ni Isadora.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!