Google
 

Iniwan man siya ni Emil ay may bagong lalaking nagkakagusto kay Nessa, si Nicholas (Zoren Legaspi. At habang tumatagal ay unti-unti na ring nagugustuha ni Nessa si Nicholas.


At umabot pa nga ito sa puntong may nangyari sa kanilang dalawa. Pangyayaring nagbunga, dahil nabuntis ni Nicholas si Nessa.


Handa naman si Nicholas na akuin ang responsibilidad ng pagdadalang-tao ni Nessa, ngunit ipinagtapat muna ni Nessa ang kanyang itinatagong lihim sa lalaki, nag-palit ito ng anyo at nagsa-lobo. Pero tinanggap pa rin siya ni Nicholas.
Lumaki ang anak nila ni Nicholas at pinangalanan nilang Lyka. Pero isang hindi inaasahang pangyayari ang muling gugulo sa tahimik na sana nilang pamumuhay.
Nalaman ng mga ka-barrio nila ang tungkol sa lihim ni Nessa, at balak silang patayin ng mga ito. Itinakas ni Nicholas ang kanyang mag-ina, ngunit sa pagtakas nila ay nasugatan siya at walang nagawa kungdi ang magpaiwan. Pinatay ng mga humahabol sa kanila ang kawawang si Nicholas, samantala sina Nessa at Lyka ay nakatakas.
Sa pinuntahan nilang lugar, isang tao ang hindi niya inaasahang makita. Si Emil!







2 Comments:

  1. shing2she said...
    A million thanks po!! God Bless n tc!!
    Anonymous said...
    this is going to be one good love story.

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!