Google
 

Sa unang episode ng Lobo, nakatuon ang istorya kay Nessa, isang taong-lobo, at ina ni Lyka.


Kasintahan noon ni Nessa (Agot Isidro) si Emil (Bobby Andrews). Masayang pinagsasaluhan ng dalawa ang kanilang pag-iibigan, nang matuklasan ni Nessa ang isang lihim na babago sa kanyang buhay.
Nang sumapit ang ika-21ng kaarawan ni Nessa, dito na lumabas ang kanyang itinatagong pagkatao. Isa pala siyang taong lobo, na namana niya sa kanyang ama (sa papel ni Diether Ocampo). Ipinagtapat ng kanyang ina (Susan Africa) ang kanilang nakaraan at hindi ito matanggap ni Nessa. Dahil sa natuklasan ay ninais niyang makipaghiwalay kay Emil.

Ayaw sana ni Emil na makipaghiwalay kay Nessa, ngunit nang makita ni Emil ang pagpapalit anyo ng dalaga, tumakbo itong palayo. Naiwan ang lobong si Nessa na umiiyak.








1 Comment:

  1. Anonymous said...
    so far i like it i can't too see the rest.

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!