Google
 

Umpisa pa lamang ng Palos, marami nang bakbakan! Maiinit na kaagad ang mga eksena! At sa unang episode, ipinakita kung bakit ganun na lamang ang galit ng "bagong Palos" sa orihinal na Palos.


Isang misyon na magdadala kay Giancarlo (Jake Cuenca) ang magpapa-alala sa kanyang nakaraan. Kung paanong ang isang masayang out-of-the-country experience ay naging trahedya.



Naalala ni Giancarlo ang una nilang pagkikita ni Fabio (Cesar Montano), isang agent, alyas Palos, na may misyon palang gagawin doon din sa lugar na kinaroroonan ni Giancarlo at ng kanyang ina (sa papel ni Sunshine Cruz).

Nang pumalpak ang undercover mission ng grupo ni Palos, nagkaroon ng palitan ng putok, kung saan naipit sa gitna sina Giancarlo at ang kanyang ina. At ayon sa pagkakakita ni Giancarlo, nabaril ni Fabio ang kanyang ina, at dito nagsimula ang kanyang galit sa nasabing sikat na agent.







0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!