Google
 

Dahil sa ipinakita ni Jared, inakala nga ni Amon Labao na naghahasik ng kaguluhan si Lastikman sa daigdig. Kaya ipinadakip ni Amon Labao si Lastikman pati na si Ruth, ang taga-lupang bihag nila dati na nakatakas sa pamamagitan ni Irroian.


Ngunit ipinagtanggol ni Ruth si Lastikman at sinabing si Jared ang totoong naghahasik ng kaguluhan sa daigdig. Bilang patunay, ipinakita ni Ruth kay Amon Labao ang batong Liwata na nasa kwintas ni Miguel, na bigay ni Irroian. Naglalaman ang Liwata ng mga nakaraang pangyayari.

Itinapat ni Amon Labao sa kanyang noo ang Liwata at nalaman niya ang buong katotohanan.
Kaya naman nanghingi siya ng paumanhin kina Ruth, at ipinadakip ni Amon Labao sa kanyang mga tauhan si Jared a.k.a. Agaddon upang parusahan sa Harraio.







0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!