Google
 

Nababahala na si Eli sa kanyang mga napapanaginipan kaya kumonsulta na siya sa isang dalubhasa sa pag-interpret ng mga panaginip.


Sa galit ni Celine kay JB at selos nito sa boss niya, lumayas si Celine at tumuloy muna sa bahay nila Onay. Tinanggap naman siya doon.







Read more of this article

Pinangalanan na ang pinakamagaling sa bagong batch ng mga agents ng Neptune.


At ang pinakamagaling sa bagong batch ay walang iba kungdi si Giancarlo.


Hindi naman ito nagustuhan ni Agent Sylvia, na siyang dating nangunguna bago dumating si Giancarlo.




Read more of this article

Hindi mapigilan ni Nessa ang kanyang sarili kapag ito ay nagagalit. Lumalabas ang kanyang hayop na instincts.


Samantala, isang gamot ang nagawa ni Emil na pipigil sa pagpapalit-anyo ng isang taong lobo. Ngunit hindi pa niya ito nasusubukan sa tao. Pero willing subukan ito ni Nessa.

Ngunit hindi ito gumana dahil naging lobo pa rin si Nessa. At dahil sa aatakihin ng lobo si Emil, napaatras siya sa bangin na kanyang ikinamatay .







Read more of this article

Nilusob ng mga shadow warriors ang bahay ni Mr. Ong upang hanapin ang itim na puso na nakatago sa fisherboy na figurine.


Pilit na lumaban si Mr. Ong, ngunit natalo siya ng pinakalider ng mga shadow warriors.

Buti na lamang at sa dami ng mga fisherboy na figurine ay hindi nila nakuha ang naglalaman ng itim na puso.
Samantala bago pa man malagutan ng hininga si Mr. Ong ay naipagbilin niya kay Lembot ang fisherboy na nasa aquarium. Si Lembot ay napadaan sa bahay ni Mr. Ong dahil nakita niyang bukas ito at pumasok ang mga shadow warriors.





Read more of this article

Habang nagsasayaw sa flat ni Mateo ang personal secretary nitong si Veron, dumating naman dito si Corazon. Nagkaroon sila ng maikling nakakaaliw na palitan ng salita at umalis din itong si Corazon dahil wala si Mateo doon.


Samantala, medyo nababahala itong si Celine sa hindi pag-uwi nitong si JB dahil diumano busy sa trabaho. Ang hindi nagustuhan ni Celine ay ang boses ng isang babae na diumano ay demanding.
Ang babaeng tinutukoy ni Celine ay si Vanessa (Julianna Palermo), ang boss ni JB.







Read more of this article

Nakatakas si Fabio sa mga bumihag at nagto-torture sa kanya.


Samantala, tinanong ni Giancarlo kung sino yung taong pumatay sa kanyang ina. Sinabi ni Alessandro na ang taong nakabaril (diumano) sa kanyang ina ay ang sikat na agent na si alyas Palos.
Sa kagustuhan maipaghiganti ang kamatayan ng ina ay nag-aral ng pagiging agent itong si Giancarlo sa institusyong Neptune, isang govenment agency na naghahasa ng mga agents na magsisibling kanang kamay ng gobyerno sa pagpapanatili ng peace and order ng bansa.



Ang Top Five Agents:
Jay-R Siaboc as Agent Enzo
Ron Morales as Agent Aldo
Roxanne Guinoo as Agent Anna
Bangs Garcia as Agent Sylvia
Jake Cuenca as Agent Giancarlo, "ang Bagong Palos".






Read more of this article

Iniwan man siya ni Emil ay may bagong lalaking nagkakagusto kay Nessa, si Nicholas (Zoren Legaspi. At habang tumatagal ay unti-unti na ring nagugustuha ni Nessa si Nicholas.


At umabot pa nga ito sa puntong may nangyari sa kanilang dalawa. Pangyayaring nagbunga, dahil nabuntis ni Nicholas si Nessa.


Handa naman si Nicholas na akuin ang responsibilidad ng pagdadalang-tao ni Nessa, ngunit ipinagtapat muna ni Nessa ang kanyang itinatagong lihim sa lalaki, nag-palit ito ng anyo at nagsa-lobo. Pero tinanggap pa rin siya ni Nicholas.
Lumaki ang anak nila ni Nicholas at pinangalanan nilang Lyka. Pero isang hindi inaasahang pangyayari ang muling gugulo sa tahimik na sana nilang pamumuhay.
Nalaman ng mga ka-barrio nila ang tungkol sa lihim ni Nessa, at balak silang patayin ng mga ito. Itinakas ni Nicholas ang kanyang mag-ina, ngunit sa pagtakas nila ay nasugatan siya at walang nagawa kungdi ang magpaiwan. Pinatay ng mga humahabol sa kanila ang kawawang si Nicholas, samantala sina Nessa at Lyka ay nakatakas.
Sa pinuntahan nilang lugar, isang tao ang hindi niya inaasahang makita. Si Emil!







Read more of this article

May napapansin si Macoy (Gerard Pizarras), ang nagbabantay ng Shen Li Liang, na umiilaw na ito. Kaya naman tinipon niya ang kanyang mga kasamahan upang pagplanuhan ang pagkuha sa mga puso ni Shen.


Sinabi ng isa na mahirap kunin ang Ruby Heart kay Master Kung (si Krung-krung) dahil sa galing nito sa kung fu. Subalit sinabi ni Macoy na dagdagan pa ang mga shadow warriors upang matalo si Kung.
Sinabi naman ng isa na ang itim na puso (Onyx Heart) ay nasa isang pigurin na nasa isang aquarium na kasalukuyang pag-aari ni Mr. Ong.





Read more of this article

Muling dinalaw ni Eli ang kapatid na si Pong sa mental, na ngayon ay bumubuti na ang kalagayan. Namumuno si Pong sa grupo ng pageehersisyo.


Tuwang tuwa si Eli sa nakikita nitong pagbabago sa kanyang kapatid, ngunit mas gusto ni Pong na mamuhay na sa labas ng facility na iyon.







Read more of this article

Umpisa pa lamang ng Palos, marami nang bakbakan! Maiinit na kaagad ang mga eksena! At sa unang episode, ipinakita kung bakit ganun na lamang ang galit ng "bagong Palos" sa orihinal na Palos.


Isang misyon na magdadala kay Giancarlo (Jake Cuenca) ang magpapa-alala sa kanyang nakaraan. Kung paanong ang isang masayang out-of-the-country experience ay naging trahedya.



Naalala ni Giancarlo ang una nilang pagkikita ni Fabio (Cesar Montano), isang agent, alyas Palos, na may misyon palang gagawin doon din sa lugar na kinaroroonan ni Giancarlo at ng kanyang ina (sa papel ni Sunshine Cruz).

Nang pumalpak ang undercover mission ng grupo ni Palos, nagkaroon ng palitan ng putok, kung saan naipit sa gitna sina Giancarlo at ang kanyang ina. At ayon sa pagkakakita ni Giancarlo, nabaril ni Fabio ang kanyang ina, at dito nagsimula ang kanyang galit sa nasabing sikat na agent.







Read more of this article


 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!