Google
 

Hindi ko napanuod ang pilot episode ng SineSeryeng ito, pero mukhang makakahabol pa ko sa istorya. Pinatakas sila sa karnibal ni Aling Azon (Eva Darren) at pinatuloy sa kaniyang bahay. Habang tumatakas ang mga ito ay muntik na silang nabundol ng sasakyan ni Dr. Hugo (TJ Trinidad) at ang asawa nito (played also by Heart Evangelista). Nagimbal sila pareho sa nakitang itsura ng mag-ina, ngunit ito ay natatak sa isipan ni Dr. Hugo.


Si Mendez (Geoff Eigenman) ay isang mabait na ka-baryo ni Aling Azon, at nagkaroon sila ng pagkakataon na magkita at magkakilala ni Clarisse (ang "unggoy" na Heart Evangelista) nuong inakala ni Mendez na nagnanakaw ng sinampay si Clarisse. Kagwapo naman talaga ni Mendez oo...hay...
Samantala, isang tambay ang nagkaroon ng interes kay Clarisse, hindi pa nito nalalaman ang totoong itsura ng huli. Nagkaroon ito ng pagkakataong silipan si Clarisse habang naliligo, at laking gulat niya ng makita ang mukha ni Clarisse. Sa susunod na episode ay malalaman ng buong baryo na may kasamang mga "unggoy" si Aling Azon at pagkakasunduan nilang palayasin ang mga ito. Tutukan natin ang mga susunod pang eksena...

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!