Google
 

Mukhang nagkakamabutihan na nga sina Mendez at Carissa, at may-i padala pa si Mendez ng kung anu-ano kay Carissa. Hay, sana tlga mukha na lang akong unggoy. Pero, on second thought, wag na lang...

Samantala, iritang irita si Morita sa pagmumukha ni Carissa at gusto niya itong ibalik sa agency na pinagkuhanan ni Yaya (Matutina), subalit ayaw naman ng huli na ibalik si Carissa. Si Carissa ay katulong ngayon sa bahay ni Dr. Hugo.


Dahil hindi pa masyadong sanay, nagkamali ito ng luto minsan. Nalagyan niya ng sibuyas ang ulam nila for the night, gayung hindi kumakain ng sibuyas si Dr. Hugo. Dahil napahiya ang nagmamagandang si Morita, inaway nito si Carissa.


Samantala, sa kagustuhan ni Mendez na mag-date sila ni Carissa, gumawa ng paraan si Mendez para magkaroon ito ng bagong damit na maisusuot si Carissa. Nagsangla (o nagbenta) siya ng kanyang mga alahas at ito ang ipinambili nya ng tela para sa damit ni Carissa na siya pa mismo ang nagtahi (saan ka pa makakakita ng ganyang lalaki ngayon, ha?) Kaya natuloy ang kanilang date. Kumain sila sa isang restaurant at para maitago ni Carissa ang kanyang mukha ay tinatakpan niya ito ng puting panyo habang siya ay ngumunguya, suggestion ito ni Mendez. Syempre pa maligayang maligaya si Carissa.





Ngunit minamatyagan pala sila ni Shirley, ang girlfriend ni Mendez, kaya inaway nito si Carissa pagkahatid ni Mendez.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!