Google
 

Wow! Ngayon lang nangyari ito sa Pinoy Big Brother. Parang eksena sa palengke kung saan ang mga tsismosang tindera ay nagkapikunan at nagsigawan. Pero in fairness kay Bea, kalmado talaga siya, talaga lang napipika na siya sa kakulitan ni Maricris, na talaga namang nakakainis kasi napakamapilit. Ipipilit talaga ni Maricris kung ano talaga ang gusto niya. Malamang si Maricris ang nakatakdang i-force evict dahil na din sa inasal niya, at sa binitiwan nitong salita na "Baka masaksak ko si Bea".

Narito ang ilang mga quotes sa mga sinabi ni Bea kay Maricris:

"Act like your age!"
"Yung respect, hindi yun ini-impose, ine-earn yun!"

"Don't be such a pushy!"

"Don't push your luck!"

"You doubted me!"
Ano Nel? Ang hirap maging magandang lalaki ano? Pinag-aawayan ka ng dalawang hitad! Ahehe.

Dahil nga sa behavior na ito ni Maricris ay humingi sila ng opinyon sa kanilang resident psychologist na si Dr. Randy Dellosa. Normal naman daw si Maricris, nagkaroon lang ito ng hindi magandang nakaraan kung saan nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng dating close nyang ama. Medyo nahihirapan tuloy siyang kumuha ng tiwala, lalo na kapag hindi open ang isang tao. Kaya naman mahilig siya sa confrontations. Gusto niya na mag-open ang taong kausap niya. Kung hindi, ipo-provoke niya ito, kahit na mapikon pa ito, na siya namang mas gusto ng isang katulad ni Maricris ayon na din sa psychologist. Ay grabe. Hindi ko kaya makasama ang isang katulad ni Maricris. Yung kutsilyo na hawak ni Bea, malamang naihagis ko un kay Maricris.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!