Google
 

Ipinakilala ni Ressi (best friend at bad influence ni Melanie) kay Melanie ang kanyang pinsang si Ronald (Bobby Andrews). Nagandahan naman si Ronald kay Melanie ngunit atubili naman ang huli.



Samantala, niregaluhan ni Noel si Melanie ng kanyang gustung gustong bilhin na pantalon mula sa (sponsor) Folded and Hung. Napag-alaman kasi ni Noel na nag-iipon si Melanie para lang may ipambili nung pantalon as a gift to herself. Tuwang tuwa naman si Melanie kaya hindi nito napigilang halikan si Noel, ngunit humarap si Noel kaya eksakto sa labi ang paghalik ni Melanie.


Isa pang pang-surprise birthday treat ni Noel ay ang pag-organize niya ng isang dinner party kasama ang mga friends at relatives ni Melanie. Dahil wala ang kanilang mga magulang ay si Noel mismo ang nag-asikaso sa mga preparations. Ngunit hindi ito sinipot ni Melanie, dahil ang kaniyang best friend ay nag-organize naman ng isang house party.



Pagkauwi ni Noel ay galit na galit nitong pinalayas ang mga bisita. Hinanap nito si Melanie at nahuli niya sa aktong nakikipaglandian kay Ronald. Galit na galit si Noel, dahil nasayang ang kanyang pinaghandaan. Hindi kaya nagagalit lang ito sa eksenang nakita niya?


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!