Google
 

Isang hindi magandang eksena ang nakita ni Alicia (Heart Evangelista). Nilandi ni Morita (Katya Santos) si Dr. Hugo Roldan (TJ Trinidad) at nakita ni Alicia ang paghahalikan nila. Ikinasama ng loob ito ni Alicia na nagpasyang mangibang bansa.





Samantala, nabuko ng namboso kay Carissa na siya ay may hindi magandang pagmumukha, at nakarating ito sa kapitana ng baranggay. Pilit nilang pinapaalis ang mag-inang "unggoy". Isang araw ay may isang inang nagrereklamo dahil ang anak nya ay ngkaroon ng bulutong. Isinisi nila ito sa mag-inang "unggoy" kaya nilusob nila ito at pilit pinapaalis. To the rescue naman ang gwapong gwapong si Mendez. Hay... sana mukhang unggoy na lang din ako (joke lang!).









Samantala, isang trahedya ang naganap sa mag-asawang Roldan. Nasiraan ng makina ang eroplanong sinasakyan ni Alicia. Abangan ang iba pang eksena tungkol sa trahedyang ito sa susunod na episode. (Although yung mga nakapanuod nito sa sine, syempre alam na ang istorya, ako kasi hindi ko napanuod)

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!