Google
 

Pinatunayan na naman ng mga Pilipino ang pagiging pinaka-hospitable at friendly na bansa sa buong mundo sa pag-swap ng Endemol ng mga housemates. I'm sure nag-enjoy ng husto si Tina, and I'm sure maraming kwento ang kanyang baon para sa kasama nyang housemates at pamilya. At dahil sa experience na ito, sigurado ako na babalik ito sa Philippines, or kukunin siya ng ABS-CBN at gagawing artista. Tama di ba?


Si Nel ang housemate at Pinoy na hinding-hindi nya malilimutan. Gustung gusto ni Tina ang pagiging palabiro ni Nel. Si Nel naman, may ibinigay na kwintas kay Tina, parang dahon ata yun. Espesyal yun para kay Nel dahil bigay iyon ng kanyang ama.
Isang map ng Slovenia ang regalo ni Tina sa kanyang pag-alis.

Syempre pa hindi nakalimot ang ating mga housemates at may regalo din sila para kay Tina, ang kanilang group picture sa Santacruzan task nila.

Paalam Tina! Balik ka sa Pilipinas, pero huwag mo nang isuot yang Balintawak dress pagbalik dito ha?


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!