Google
 

Si Rosario o Sario (Lorna Tolentino) ay isang hard-working mother. Masipag at puro trabaho ang inaatupag, na kung minsan ay napapabayaan na niya ang kanyang pamilya. Dahil sa sobrang sipag nito ay nagkaroon ito ng problema sa mata. Dahil na rin sa kagustuhang makatipid dahil siya ay manganganak, sa albularyo ito unang nagpatingin. May ipinatak sa kanyang mata, na mukhang lalong nagpalala sa kanyang mata. Nagpatingin siya sa isang espesyalista sa mata at dito nalaman na medyo malala na ang problema at kailangang niyang uminom ng mga gamot, ngunit maaari itong makasama sa batang kanyang ipinagbubuntis.


Dahil sa kalagayan nya ay hindi siya nakainom ng gamot, at nung manganganak na siya ay namaga na ng husto ang mata niya. Kelangan maoperahan dahil maaaring may pumutok na ugat kapag siya ay nagle-labor na. Ngunit dahil lalabas na ang bata ay hindi na siya nakuhang operahan. Nanganak siya at tuluyan na nga siyang nabulag.
Mahirap ang pinagdaanan ni Sario. Madalas na silang mag-away ng kanyang asawa (Joel Torre). At dahil na rin sa sitwasyon ni Sario ay nagloko itong asawa niya. May kinuha siyang katulong (Cassandra Pontri) ngunit may namumuo pala silang relasyon. Nahuli ito ni Sario (sa pamamagitan ng mga ungol na kanyang narinig) at pinalayas niya ang dalawa.





Dahil sa nangyari, itinaguyod niyang mag-isa ang kanyang mga anak, nagsikap siya, at tinuruan niya ang kanyang mga anak ng gawaing-bahay. Hindi naglaon, nag-aral si Sario ng Body Massage at nagkaroon ng trabaho. Sa katagalan ay nasanay din siyang gumalaw sa kanilang bahay at nagagawa na niya ang mga gawaing bahay.

Hindi nagtagal ang relasyon ng kanyang asawa at ang kinatuluyan nito, kaya muli itong bumalik sa kanila at humingi ng tawad. Dahil sa hirap na napagdaanan ni Sario ay ayaw na nitong makipagbalikan sa asawa. Ngunit ang kanyang mga anak ay nangangailanan ng kalinga ng isang ama, at pinilit siya ng kanyang mga anak na pabalikin na ang kanilang ama.



Isang trahedya ang nangyari sa kanyang asawa na naging sanhi ng pagpayag ni Sario na umuwi na ito. Nai-stroke ang kanyang asawa at naging baldado.
Sa pag-uwi ng kanyang asawa sa kanilang bahay, napansin nya ang panunumbalik ng ingay at saya sa bahay. Naisip nya, buo na naman ang kanilang pamilya. Dahil dito ay napatawad na din nya ang kanyang asawa, at hindi nagtagal ay namatay ito.



Sa ngayon ay patuloy pa din ang buhay kay Sario. Naging maayos na ang kanilang buhay at ang kanyang pagkabulag ay naging sanhi upang magbago ang kanyang pananaw sa buhay.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!