Google
 

Isang Winter-to-Summer fashion show ang ginawa ng mga housemates. Talaga namang wowowee ang mga wankata! Sayang nga lamang at wala si Bruce, siya lang ang may pinakamagandang katawan sa mga lalaki. Pero sa mga babae, lahat seksi! Lalo na ang ating Slovenian housemate na si Tina. Talagang beauty queen ang lola mo!
Nagbigay ng isang game si kuya sa mga Filipino housemates. Ipinahagis niya sa swimming pool ang mga winter outfits ng mga housemates at kung sino sa mga Filipino housemates ang unang makakapagsuot ng kanyang winter outfit ay magkakaroon ng isang mini-dinner date with Tina. Guess who ang nanalo... syempre pa si Nel.

Isang street-food-dinner-date ang inihanda ni kuya para kay Tina at sa nanalong si Nel. Kwek-kwek (coated quail eggs), may kikiam pa ata, Adidas (chicken feet) at balot. Nasarapan si Tina sa kwek-kwek, sa adidas naman ay parang ngumuya daw siya ng bubble gum.

Ito ang pinaka exciting, ang pagkain ng balot. Nung una, ay sarap na sarap pa si Tina sa pag-higop ng sabaw nito. Laking gulat niya nung kanyang binabalatan na ito at makita ang sisiw. Ewww!





Sinabi ni Tina na hindi nya kayang kainin ang sisiw dahil naawa siya sa itsura nito. May buhay din daw ito at parang nakikita niya ang isang bata at hindi nya ito kayang kainin. Naintindihan ito ni kuya at naappreciate ang effort ni Tina na subukan ang mga Filipino street foods, kaya being the hospitable and friendly people that we are, ay bumawi si kuya. Nagpiknik sila Filipino style. Kumain sila sa dahon ng saging, magkakahalo ang mga pagkain, at kumain sila ng salo-salo na kamay lamang ang gamit. Gustung gusto ni Tina ang experience na ito. Actually maraming ginawa dito si Tina sa bahay ni kuya kaya naman nag-eenjoy siya ng husto.


Another treat from kuya was Tina's favorite foods. Mahilig daw sa spicy food si Tina, coconut, at mango. Napansin ni kuya na hindi pa rin marunong kumain ng mangga ni Tina kaya isang food trip na naman ang inihanda ni kuya. Tinuruan ng mga housemates si Tina ng tamang pagkain ng mangga. Ang bait talaga ng mga pinoy di ba?


At para ma-experience ni Tina ang saya ng Pinoy festivities ay ginawa nyang Majorette si Tina. Sa tulong ng mga housemates ay tinuruan nila si Tina ng baton styles. Medyo napapagod na si Tina at naiinitan dahil hindi siya sanay sa ating klima, kaya makaraan ang ilang steps ay pumasok sila ni Bea sa loob upang magpahinga.


Kinagabihan ay isang grandiosang Santacruzan ang ipinagawa ni kuya sa kanila. May re-enactment pa sila ng history ng Santacruzan kung saan napagtanto ni Reyna Elena ang totoong krus ni Kristo sa pamamagitan ng pagpapahawak nito sa isang may-sakit.




Ang Krus ni Kristo!


Ang Krus ni Kristo!!! In fairness, bagay sa kanya ang Balintawak...

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!