Google
 

Ang malditang si Wilma, kay Flor pinapagawa ang assignment nya sa Math. Ngunit ayaw gawin ito ni Flor, at nauwi sa palitan ng maaanghang na salita ang dalawa. Sabi ni Flor kay Wilma ay magiging poor daw paglaki ang hindi gumagawa ng assignments, yun daw ang sabi sa kanya ni Mang Tibor. At dahil nauwi kay Mang Tibor ang usapan, nilait ito ni Wilma at sinabing Sampid, sampid, sampid. Ay, teka lang Wilma ha, look who's talking?!?! At dahil napikon itong si Flor, binuhusan nya ito ng tubig. Very good Flor! Dapat ganyan lagi. Hehe. Nauwi sa sabunutan ang eksenang ito.



Ngunit nakaisip ng kapilyuhan itong si Flor. Hindi nya sinagutan ng tama ang assignments ni Wilma kaya itlog ang nakuha nito sa assignment. Syempre napahiya sa klase ang malditang Wilma kaya nagalit ito kay Flor. Sinumbong niya ito sa maldita din nyang Mamita kaya pinagtulungan nilang mag-lola ang kawawang si Flor. Kakabwisit ano? Sarap patayin ng mga sampid na social-climbers.


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!