Google
 

Pinagu-usapan ngayon sa Slovenia at dito sa Pinas ang kontrobersyal na joke ng dalawang housemates tungkol sa ating housemate na si Bruce. At dahil may kinalaman ito sa kulay brown (na kulay nating mga Pilipino), parang lumalabas na isa itong race issue. Ang biro ay ito:

1. Sinabi ni Pero kay Alen na kung gusto nyang maging tsokolate ang kanyang gatas na iniinom, utusan si Bruce na idawdaw ang daliri niya dito.

2. Sinabi ni Miha na mag-jacuzzi sila at huwag payagan si Bruce na sumali dahil magiging brown ang tubig.

Biro man ito o hindi, marami sa ating mga kababayan ay hindi natuwa sa mga sinabing ito ng dalawang Slovenian housemates. Naparusahan na ang dalawa, si Pero ay evicted samantalang si Miha ay automatically nominated. Kung alam lang nila kung paano natin pinahalagahan ang pag-pasok ni Tina sa PBB, I'm sure hindi nila magagawa ang ganito.

Kayo, ano sa tingin nyo?
Samantala, narito ang ilang mga pictures ng pag-alis ni Bruce sa Slovenian Big Brother House.


Si Bruce sa isang animal task sa Slovenian Big Brother.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!