Google
 

Ipinakilala naman ni Bruce sa kanyang mga kasama sa Slovenia ang isang sikat na Filipino cuisine - ang Adobo (bow). Ipinagluto niya ito at tinulungan naman siya ng mga Slovenian housemates sa pag-prepare ng mga karne. Napansin ko lang, parang wala ako nakitang taba sa mga hiniwa nilang karne. Sarap na sarap namang kinain ng mga Slovenian housemates ang niluto ni Bruce - at take noke, kumain sila ng naka-kamay! Yes, para nga naman kumpleto ang Filipino experience.

Pagkatapos niyon ay may ipinakitang video clip si Big Brother ng Slovenia para kay Bruce na miss na miss na ang kanyang mga ka-housemate dito sa Pinas. Isa itong video kung saan nagsasayaw ng tinikling ang mga Filipino housemates. Isa isa namang pinakilala ni Bruce sa mga Slovenian housemates ang mga Filipino housemates sa video. Naengganyo ang mga Slovenian housemates na muling magsayaw ng tinikling, ngunit dahil hirap nga sila ay iba na lamang ang ginawa nila sa mga kawayan - nag - limbo rock na lang sila.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!