Google
 

Eto na. Mape-feel na talaga ang competition sa loob ng bahay ni kuya sa pag-introduce ng Head of Household status. Para makamit ang prestigious na posisyong ito, kailangan manalo ang housemate sa isang palaro ni kuya, at ang game para sa first HOH of the week ay isang giant "Touch the Color" game.



Nakasuot ang mga celebrity housemates ng malaking "kamay" costume. Sa harap nila ang mga kulay na dadapaan nila depende sa pipiliing kulay ni Big Brother. Ang housemate na nasa pinakaibabaw ang matatanggal, hanggang sa isa na lamang ang matira.




Ang dalawang natira ay sina Ethel Booba at Yayo Aguila. Ngunit dahil siguro sa mas bata at mas agresibo, ay nanalo si Ethel.


Si Ethel Booba ang kauna-unahang Head of Household ng PBB. Ang mga privileges ng isang HOH ay ang mga sumusunod:

- May exclusive rights sa isang special shower room na siya lamang ang maaaring gumamit, pero maaari din siyang pumili ng isang makakasama.
- Special powers para sa darating na nomination.
- Immunity. Hindi siya maaaring i-nominate ng mga housemates habang siya ang HOH.
- Magbigay ng automatic nominations.



0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!