Google
 

Isang madamdaming episode ang matutunghayan natin sa Day 9 ng PBB Celebrity Edition 2.



Birthday noong nakaraang linggo ng baby girl ni Mcoy na si Maggie, at humihiling ito ng isang barbie doll sa kanyang daddy. Bilang special task, magiging PBB doll si Mcoy para maibigay ang gift na hinihiling ng kanyang anak.


Pero bago iyon, kinausap muna ni Kuya si Megan at pinagkwento tungkol sa childhood days nito. Ang naalala ni Megan ay ang hilig niya sa paglalaro ng barbie dolls. Sinabi ni kuya kung gusto daw bang balikan ni Megan ang kanyang pagkabata, at gusto naman iyon ni Megan. Kaya pinagbigyan niya si Megan, isang buhay na doll ang ibinigay sa kanya sa katauhan ni Mcoy. Prologue lang pala iyon para sa isang nakaka-antig damdaming special task ni Mcoy.


Awang awa ang mga housemates kay Mcoy at gusto nila itong ilabas sa kahon, ngunit pinagbawalan sila ni Kuya. Nagu-guilty naman ng husto si Megan dahil akala niya ay part pa rin iyon ng task na maging doll niya.



Nang kausapin ng mga housemates si kuya sa confession room, hindi sinabi ni kuya kung para saan ang ginagawang iyon ni Mcoy. Bagkus, naghanap siya ng mga housemates na marunong magbalot ng regalo. Sina Yayo, Gaby at Jon ang pinili ni kuya, at sa tatlong ito mamimili naman si Mcoy ng pinakamagandang magbalot ng regalo. Ang napili niya ay si Yayo, kaya si Yayo ang pinagbalot ni kuya ng regalong ibibigay ni Mcoy sa kanyang anak.




Lahat ng housemates ay humanga sa kanyang ginawang sakripisyo para sa kaligayahan ng kanyang anak.











0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!