Google
 

Tinuruan ni Toni ang mga housemates na may asawa ng forms ng paglangoy. May special moment na ibibigay si kuya sa housemate na matututong lumangoy, at hindi ito alam ng mga tuturuang housemates ni Toni.



Kay Mcoy, ipinakita ni kuya ang video kung saan natanggap na ng baby girl ni Mcoy na si Maggie ang regalong Barbie doll at doll house.


At para naman kay Yayo, isang pagkakataon para mayakap ang anak na si Adam. Ang mga special moments ng dalawang ito ay hindi nila maaaring sabihin sa mga housemates.



At para naman sa weekly task ng ating mga housemates, kailangang 25 hours lang ang total na tulog ng mga housemates, kasama na ang siyesta at kung anu pang pagtulog. Ang kanilang task ay tinawag na "Gising na Gising". 100% ang bet ng mga celebrity housemates, nakumbinsi kasi sila ni kuya na gawing 100% para may special birthday celebration din para kay Mcoy.








0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!