Google
 

Ayaw na raw ni Kuya ng iyakan sa loob ng bahay, kaya ipinaubos niya ang mga luha ng mga housemates. Pinatawag ni Kuya si Will at Zara upang mamuno sa isang special task - ang punuin ng luha ang shot glass na ibinigay sa kanila.



Hinati sa dalawang grupo ang mga housemates, at ang bawat grupo ay may isang shot glass na kailangang punuin ng luha. Kanya-kanyang labasan ng sama ng loob ang mga housemates upang makagawa ng luha, at sa kalaunan ay naging emosyonal ang ilang mga housemates. Nang tawagin muli ni Kuya sina Will at Zara, pinapili sila ng housemate, at iniutos ni kuya na ipainom ang naipong luha. Hindi naman pumayag ang dalawa, at nagpresinta na sila na lang ang iinom. Pero isa pala itong pagsubok mula kay kuya.


At ang pagsubok ay naging kasiyahan sa bandang huli... panoorin ang mga videos para sa isang makabuluhang episode ng PBB.










0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!