Google
 

Here's episode 57 of "Tayong Dalawa" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Isinuggest ng kunsintidor na si Stanley na ipasyal ni Dave si Audrey.

Instead, Dave formally proposed to Audrey. For the 100th time daw, will Audrey marry Dave?

Tensiyonada pa rin si Ingrid. Sinabi ni Elizabeth sa anak na maghahanap sila ng solusyon. Siya raw ang bahala.


Si Robert ang naisip ni Audrey kaya umoo sya sa proposal ni Dave. Masayang masaya si Dave. Siguro may diperensiya ang mga mata ni Dave, kasi hindi niy napansin na mukhang namatayan si Audrey.

Hindi na matiis ni JR ang nakikita niya kaya nagpaalam na siya. Nagpaalam din si Audrey at sinabing mag-si-CR siya. Hinabol ng tingin ni Audrey si JR.

Isinasama ni Ramon si Stan sa operasyon nila, pero ayaw niya.

Curios na curious sina Marlene sa sinasabi ni Arthur na iimbestigahan niya.

Nadedepress na naman si Ingrid kaya kinakausap niya ang picture ni David. Nalulungkot naman si Elizabeth habang pinapanood ang anak.

May tip na natanggap sina JR tungkol sa operation nina Ramon.

Nakiusap si Stanley kay Ramon na huwag na muna siyang isama. Pinagbigyan siya ni Ramon.

Nagkita sina JR at Audrey. Tinanong ni JR si Audrey kung may babalikan pa ito. Sinabi ni Audrey na maghihintay siya. (Tingnan mo to!) Nakita nina Lily at Stanley sina JR at Audrey. Pinapapasok ni Lily sina Audrey at JR sa loob ng bahay. Baka raw kasi makita ng mga kapitbahay na kausap ni Audrey ang bayaw niya sa labas ng bahay nila.

Kinausap ni Elizabeth sina Marlene. Nakikibalita ito sa buhay buhay nila. Ginawang rason ni Elizabeth ang pagbabalik ni Dave kaya nag-iba ang ugali niya. Inoffer pa ng all expense paid vaaction ni Elizabeth sina Marlene. Type nina Marlene na magbakasyon either sa Hongkong or sa Australia.

Hindi pa rin sold sina Marlene. Sinabi ni Elizabeth na iyon daw ang gusto ni Dave. Tinanggihan nina Marlene ang alok niya. Basta raw matino ng kausap si Elizabeth okay na sa kaniya iyon.

Tinanong ni Ingrid si Dave, paano raw kung mawala ang lahat, paano raw kung maghirap sila. Sinabi ni Dave na kagaya raw ng sabi niya, wala na siyang mahihiling pa. Ang pinakaimportanteng bagay daw sa mundo ay ang pagmamahal pati na ang mga tao sa paligid niya, kagaya niya, si Elizabeth, si Audrey at JR. Naluha naman si Ingrid sa sinabi ni Dave.

Nakipagkita si Elizabeth kay Manuel (iyong tauhan niya). Ayaw ni Elizabeth ang suggestion nito na ipatumba si Marlene or si Arthur Smith. Hindi raw kaya ni Elizabeth na magpapatay ng tao.

Tinutuya naman ni Greta si JR tungkol sa situation niya.

Nawawalan na ng pag-asa si Ingrid. Napapagod na raw siyang ipaglaban ang mga karapatan niya.

Naguguluhan na si Audrey hindi raw niya alam kung paan makakalas sa kasal nila ni Dave, hindi niya alam kung nasaan si Robert, hindi niya alam kung bakit mabait sina Lily at Stanley sa kanila.

Lilipat na sa bagong bahay nila sina Dave.

Nagpaalam na si JR kay Audrey. Sinabi ni Audrey na mangako si JR na babalik ito…para sa mga taong nagmamahal sa kaniya. Para sa pamilya niya, para sa kaniya.

Pag-alis nina Ingrid, ininterview ni Arthur ang maid tungkol kay Marlene/Ingrid.

Nagkaka-hallucinations na naman ata si Dave. (Bakit kaya hindi sila mag-hire ng nurse for him?)

Nagpaalam na si Ramon sa nanay at lola. Proud na proud ang dalawa kay Ramon pero namimiss din raw ni Rita kung paano sila dati.

Naiimbyerna si Olivia noong nalaman niyang hinayaan ni Ramon na hindi sumama si Stan.

Niyaya ni Dave si Audrey na tumakas. Gusto raw niyang lumabas.




0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!