Google
 

Here's episode 63 of "Tayong Dalawa" with transcriptions courtesy of Pinoy TV Junkie.

Sinabi ni Rita kay Marlene na mahirap ang may kaaway dahil hindi siya matatahimik. Ayaw ng pag-usapan ni Marlene pero sinabi pa rin ni Rita na puro drama at kasinugalingan ang pinaggagawa ni Marlene sa korte. Baka raw lahat sila makarma. Buti na lang daw wala si JR kung hindi umalma ito sa harap ng maraming tao. Ginawa lang naman daw ni Marlene iyon dahil pinuwersa nila siya.


Sinabi ni Rita na kahit naman siya napuruhan pero the best thing to do na lang daw is to teach them a lesson. Pero kung siya raw si Marlene kapag nakuha na niya lahat ng pera niya, isosoli niya ang pera dahil baka makarma siya. Tutal raw maligaya na sila sa ganoong klaseng buhay.

In despair naman si Elizabeth because her family is falling apart.

Sinabi ni Dave na kung totoong inagaw nga ni JR si Audrey, hindi raw niya alam ang gagawin. Sana raw buhay pa si David, sabi ni Ingrid dahil hindi nito hahayaang masaktan sila.

Pumuslita si Audrey sa bahay ni Lily para hanapin si Robert (ang tanga lang e imagine bata iyon, as if naman na iiwan nilang mag-isa ito). Narinig niyang natatakot si Lily, gusto na niyang alisin si Robert doon. Pero sinabi ni Stanley na doon muna si Robert dahil habang naroroon si RObert, walang magagawa si Audrey.

Sinabi ng lawyer nina Elizabeth na pwede nilang ilaban sa korte at sabihing industrial partner si Ingrid pero complex daw at emotionally exhausting ang kaso.

Dinala ni Stan si Angela sa bahay na tinutuluyan ni Audrey (ang tanga lang no, talaga bang naniniwala si Audrey na afford ni Stan ang place na iyon kung sa allowance lang niya sa school galing?).

Nakipagkita si Elizabeth kay Manuel para utusang patayin sina Marlene.

Hindi nakakapunta si Dave sa mga appointments niya.

Tinawagan ni Dave ang friend nila ni JR para humingi tulong to find Audrey. Nalaman niya na pati si JR nagpapatulong din.

Habang kumakain sina Marlene, may mga lalaking nanloob sa bahay nila.

Nagrorosaryo si Elizabeth. Nilapitan siya ni Dave at sinabing hindi niya mahanap si Audrey.

Tinali sina Marlene, Rita at Greta pero inihiwalay nila si Greta.

May nakitang unfamiliar vehicle si Ramon sa labas ng bahay nila (kung hindi ba naman sila mga tanga…) at kinabahan ito. Nagkagulo-gulo na sa bahay. Nailigtas ni Ramon ang pamilya niya.

Tinawagan din ni JR si Greta.

Tuwang-tuwa sina Marlene at Rita at nakita si Ramon.

Ayaw maniwala ni Marlene na pagnanakaw lang ang pakay ng mga nanloob sa kanila dahil may nag-uutos daw sa kanila.

Kinausap ni JR si Ramon. Tinanong nito kung kailan siya natutong humawak ng baril. Sinabi ni Ramon na di raw ba isinama siya nito sa firing range at saka nakikita niya sa TV ganoon raw daw pala ang pakiramdam kapag pamilya mo na ang nasa panganib. Sinabi ni JR na ang baril daw pwedeng kaibigan, pwedeng kaaway. delikado raw kapag gagaw siya ng ilegal.

Na-offend si Ramon (LOL), sinabi niyang parang hindi niya gusto ang pananalita ni JR wala raw siyang ginagawang ilegal. Sana nga raw sabi ni JR dahil alagad siya ng batas, wala siyang sasantuhin.

Nagkita-kita sa presinto ang dalawang pamilya Garcia. Naghalo na ang balat sa tinalupan.

Ibinalita ni Angela ang nangyari kina Marlene kay Audrey.

Nadismiss ang kaso dahil walang evidence.

Mas lalong naging desidido si Marlene na ipagpatuloy ang kaso.

Pinagalitan ni Elizabeth si Manuel. Humingi ng karagdagang pera si Manuel dahil kailangan nitong magtago at magpalamig.

Naipanalo ni Marlene ang kaso. Sa kaniya mapupunta lahat ng mana ni Ingrid. Isang milyong piso lang ang makukuha ni Ingrid bilang kabayaran sa pagpapalago ng mga businesses.




0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!