Google
 

Sorry for the delay. We had some problems with our Internet connection. Here's episode 60 of "Tayong Dalawa" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Nakita ni Dave si Greta sa lobby ng ospital. Kinumusta ni Dave si Rita kay Greta, nasa ICU pa raw ito. Nakipagkita si Dave kay Marlene para humingi ng tawad sa ginawa ni Ingrid.

Sinabi ni Marlene na labas sina JR at Dave tungkol sa legality chuvaness na nangyayari. Pumayag si Marlene na makipagkita kina Ingrid at Elizabeth.


Isinumbat (albeit gently) ni Elizabeth kay Stanley ang mga naitulong niya sa kanila, humingi ito ng tulong sa kanila.

Dumating na si Ramon sa ospital. Sinabi ni Ramon na papatayin daw niya ng may gumawa noon kay Rita.

Bago umalis si Dave, sinabi ni Marlene na kahit na anong mangyari sa kanila ni Ingrid, labas silang dalawa ni JR doon. Paglabas ni Dave ng pinto, nakasalubong niya sina Audrey at JR. Tahimik lng ng naglakad paalis si Dave pero tinawag siya ni JR.

Sinabi ni Dave na nagpunta siya roon para makausap si Marlene. Sinabi ni JR na hindi raw nila palalampasin ang ginawa ni Ingrid kay Rita. Nabigla si JR.

Tinanong ni Dave si JR kung sila na ni Audrey. Nag-deny si Audrey.

Blah blah blah baka raw mapatay ni Dave si JR kapag nalaman niyang sila ni Audrey. Mas gugustuhin pa raw niya na mapunta ito sa iba kaysa sa kaniya.

Pagpasok nina Audrey sa loob ng gate nila narinig nila ang iyak ni Robert. Pag-akyat nila, recorded video lang pala ang naririnig nilang boses ni Robert. Ayaw pa ring sabihin ni Stanley kung nasaan si Robert.

Hindi makumbinsi ni JR na i-pursue ang kaso ni Ingrid.

Nabigla si Elizabeth noong malaman niya na gustong makipag-ayos ni Marlene. Pati raw kasal nina David, ipapawalang bisa niya. Ayaw isama ni Elizabeth si Ingrid. LOL.

Noong magkita sina Marlene at Elizabeth…hindi naman pala totoo na makikipag-ayos si Marlene. Pagbabayaran daw ni Ingrid ang ginawa niya sa nanay niya. Nasa bingit daw ng kamatayan si Rita dahil ay Ingrid.

Ilalaban daw ni Marlene sa korte na siya ang una at legal na asawa ni David. Uubusin daw nito ang lahat ng meron sila.

Medyo naantig ang puso ni Marlene kay Dave, pero decided pa rin siya sa gusto niyang gawin. Labas daw sila ni JR doon (tatlong beses na niyang sinabi ito).

Sinabi ni Marlene na matagal na nilang tinitiis ang pang-aalipusta nila dahil karapatan lang ni JR ang ipinaglalaban niya. Pero ngayon raw, nanay na niya ang sinaktan nila kaya lalaban sila hanngang kamatayan.

Noong nalaman daw ni Marlene na legal ang kasal nila ni David, handa raw siyang ipawalang bisa ang lahat. Hindi na raw ngayon.

(Nakakaawa naman ang itsura ni Dave.)

Tinanggihan ni Dave ang alok ni Greta na tulungan niya ito kay Marlene. Akala niya kasi pinapunta siya ni JR.

Nakilala ng mga nurses ang sketch ni Olivia sa TV. (Ang arte naman ng sketch artist nila, baki nakapose si Olivia LOL).

Hindi pa sinabi ni Elizabeth kay Ingrid na hindi nakipag-ayos sina Marlene.

Binisita ni Ramon si Olivia. Kasunod nil sina JR.

Nakatakas sina Ramon. Pero hindi naitakas ng tauhan niya si Olivia.

Nagkamalay na si Rita at tinatawag niya ang pangalan ni Marlene (while intubated!!!).

Pinigilan ni Elizabeth si Dave na magmakaawa kay JR. Sinabi kasi ni Dave na kahit na anong pinagdadaanan nila, alam niyang mabuting tao si JR.

Dumating si Audrey. Sinabi niyang pumapayag na siyang magpakasal kay Dave. Natakot lang daw kasi siya noong una.

(Nagtataka lang ako kay Stanley, bakit ayaw niya kay JR may datung naman siya.)

Masaya si Dave. May isang lang siyang hinihingi, huwag na raw makipagkita si Audrey kay Dave JR.

Nakipagkita si Marlene sa isang abugado. Sinabi niya kay Marlene na malakas ang depensa ni Ingrid dahil may mahaba itong history ng psychiatric illness.

Sinabi na rin niya sa abugado na gusto niyang bawiin ang lahat ng kayamanan ni David. Dumating sina Arthur kasama si Angela.



0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!