Google
 

Here's episode 70 of "Tayong Dalawa" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Nag-alala si Dave sa lola kaya humingi ito ng temporary pass para makalabas. Pag-uwi ni Dave, sinabi ni Elizabeth na ipangako niyang hindi niya sila iiwan. Hindi man maintindihan, nangako si Dave sa lola.

Kumunsulta si Marlene sa abugado tungkol kay Manuel. Sinabi ng abugado ang mga ramifications kung isusumbong niya si Manuel kasi baka makasuhan daw si Rita ng child trafficking.


Patuloy pa ring ang pamba-black mail ni Manuel kay Elizabeth.

Nagkita-kita sina Dave, Marlene, JR at Audrey sa supermarket. Hinahanap niya si Ingrid. Sinabi ni Marlene na sana raw huwag siyang ituring na kalaban ni Dave (HIBANG KA BA MARLENE?). Sinabi ni Marlene na hindi parang anak na raw ang turing niya kay Dave. Sinabi naman ni Dave na kung siya ang nanay nito, ikakahiya niya ito, hihingi daw siya ng ibang nanay. To the rescue naman si JR. Pero sinabi ni Dave na sila raw ba hindi nila inaalipusta si Ingrid? Hindi lang daw pera ang kinuha nila sa kanila, pati dignidad daw.

Hahabulin pa raw sana ni JR si Dave, pero pinigil siya ni Marlene.

Tuloy ang court marshall ni Dave at isa si JR sa mga tatawaging witness.

Sinabi ni Ingrid na huwag na niyang pansinin sina Marlene. Tinanong ni Dave kung may problema raw ba si Elizabeth? Iba raw kasi ang dinadala ni Elizabeth, sabi ni Dave sa ina.

Sina Stanley ang sinisingil ni Elizabeth. Kinabukasan ang deadline nya for P5M.

Galit pa rin si Marlene sa ina.

Hearing na ni Dave at tumestigo si JR. Ipinaliwanag ni JR na wala siyang choice kung hindi tumestigo.

Sinabi ni Dave na sa oras na madismiss siya sa service, humanda si JR dahil magtutuos sila.

Hind makatulog pareho sina Dave at JR.

Deadma pa rin si Marlene kay Rita.

Iyak pa rin ng iyak si Elizabeth.

Nagkakamabutihan na sina Greta at Ramon.

Naglaslas ng pulso si Olivia pero gimik lang pala ni Olivia iyon para makatakas siya. Nakatakas nga siya.

Guilty ang verdict kay Dave. Talsik na siya sa military.

Mangiyak-ngiyak si JR (sige pakasalan mo pa si Audrey).

Nakarating si Olivia sa shop nina Ramon pero nakita niyang sweet na sweet sina Greta at Ramon.

Noong nagpapaalam na sina Dave sa mga kasama nila, dumating si JR. Sinugod ni Dave si JR pero napigilan ito ng mga kasama. Sinabi niyang may araw din si JR.

Sinabi ni Marlene na kung lalagyan nila ng patibong si Manuel, pati si Rita pwede siyang makulong.

Hindi nakatiis si Ingrid, nagbigay na rin siya ng opinyon para sa ikabubuti ng negosyo.

Habang nagmamaneho si Dave, naalala niya noong magkasundo sila ni Dave up, noong naalis siya sa service, noong nakita niyang naghahalikan sina Audrey at JR.

Sinabi ni Rita na kung kinakailangan niyang makulong para makuha ulit ang apo, “oks” lang daw. Payag daw siya. Blah blah blah. Wala pa ring reaction si Marlene.

Ibinalita ni JR kay Audrey ang nangyari kay Dave. Hindi raw nito alam kung paano niya tutulungan si Dave, pero hindi rin niya ito masisisi. Nalaman ni JR na nakatakas si Olivia.

Pag-alis ni Rita, naiyak na si Marlene.

Deny to death naman si Ramon na someone special si Greta sa kaniya (hindi talaga ako nagpe-pay attention, nagkita na pala sila ni Olivia). Binantaan ni Olivia si Ramon, hindi raw nito alam kung ano ang kaya niyang gawin kay Greta.

Nalulungkot si Marlene para kay Dave. Sunod-sunod na raw kasi ang kalbaryo niya, hindi na raw matapos-tapos.

Hindi raw niya alam kung bakit affected si Marlene kay Dave.



0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!