Google
 

Here's episode 66 of "Tayong Dalawa" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Pag-uwi ni Dave, sinabi niya kay Elizabeth na hindi na niya kailangan ng gamot na pinapainom niya. Tinanong niya si Elizabeth kung bakit siya hindi niya ipinapakita na nasasaktan siya? Sinabi ni Elizabeth na kailangan kasi niyang magpakatatag. Buuin daw ni Dave ang sarili niya. Sinabi ni Dave na wasak na wasak na raw siya.

Sinabi ni JR na ngayong alam na ni Dave, pwede na silang magpakasal ni Audrey. (Ano ba itong si JR, mag-sex na nga lang kayo ngayon din para matahimik ka ng konti). Ayaw pa ni Audrey dahil sa kakaalam pa lang ni Dave ng totoo. Sinabi ni JR na hayaan na lang nila masanay si Dave sa kanilang dalawa.


Sinabi ni Audrey na nararamdaman daw niyang mahalaga pa rin sina Dave at JR sa isa’t isa at darating din ang araw na magkakasundo sila.

Iyak ng iyak si Dave.

Pag-uwi ni Audrey, naroroon si Lily at nakikiusap itong iurong ang demanda kay Stanley. Kung gusto pa raw ni Audrey, hindi na lalapit si Stanley sa kanila, ibibigay pa ni Lily ang bahay at hindi na siya tututol kay JR.

Nakita ni Dave na umiiyak si Elizabeth. Naalala niya ang mga events that lead to their current situation. Pinapakalma siya ni Dave. Akala raw kasi ni Elizabeth na kakayanin niya ang lahat pero parang gusto na niyang bumigay. Nangako si Dave sa lola na aayusin na niya ang buhay niya, ibabalik daw nila ang mga nawala sa kanila.

You go, Dave!

Ayaw ni Angela na iurong ni AUdrey ang demanda. Sinabi ni Audrey na pamilya niya ang tatay niya. MAKAKAPILI KA RAW NG TAONG MAMAHALIN PERO HINDI ANG PAMILYA, dagdag pa ni Audrey. At saka alam daw niya mahal siya ng papa niya, kahit sa sarili nitong paraan. Suportado naman siya ni JR.

Hindi pa rin makapaniwala si Greta na magagawa ni Ramon ang mga nagawa na niya.

Dumating si Dave sa bahay nina Audrey at naabutan niyang nakaakbay si JR kay Audrey. Sinabi ni Dave na pumunta siya doon para sabihing sa kaniya na si Audrey , kakalimutan na raw niya si Audrey at kakalimutan na niyang magkapatid sila.

Gustong pag-usapan ni JR pero sinabi ni Dave na paano raw nila pag-uusapan iyon? Huwag na lang daw sanang dumating ang araw na kakailanganin nila ang tulong niya dahil never siyang tutulong sa kanila at hanggang mamatay daw siya ay hindi niya mapapatawad ang dalawa. Iyon lang at umalis na siya pero pagbaba niya sa stairs, umiyak na siya.

Pinuntahan ni Audrey si Stan para sabihing iniuurong na niya ang demanda. Pero may restraining order siya, hindi siya makakalapit kina Audrey at Robert.

Nakabalik na sa force si Dave. Unang assignment niya si Olivia.

Hindi maintindihan ni Marlene ang mga pinagsasabi ng isa sa mga staff niya.

Pinuntahan ng daddy ni Leo si Dave. Sinabi niya dito kung sino si Olivia. Isinuggest ni Rita na puntahan nila si Ingrid dahil alam niyang alam ni Ingrid ito. Ayaw ni Marlene. Ipinabasa na lang niya kay Angela at ipinatranslate ang feasibility studies.

Nalaman ni Dave na Rosalyn(?) Mercado ang pangalan ni Olivia at natunton nito ang tinutuluyan niya. Nagpunta si Dave doon at hinalungkat ang mga gamit ni Olivia. Nakakita ito ng baril.

It turned out, isa ang baril na iyon sa mga nanakaw sa firing range nina Dave. Ininterrogate ni Dave si Olivia.

Deadma lang si Olivia kaya nagwala na si Dave buti at napigil siya ng boss niya. Sinabi ni Dave kay Olivia na kapag nahanap na niya ang mga pumatay sa tatay niya, papatyin niya ang mga ito. Na-pull out sa kaso si Dave dahil masyado raw itong emotionally involved.

Worried naman si Ingrid dahil sa mga maling moves ni Marlene sa negosyo nila. Ayaw sana ni Elizabeth na makialam pa si Ingrid dahil mas gugustuhin pa raw nitong mawala lahat kaysa mapunta lang kina Marlene. Sinabi ni Ingrid na hindi lang naman pera ang inisiip niya, samahan nila ni David ang itatapon niya kung hahayaan niyang mawala ang lahat.

Nalaman ni Ingrid from Dave na may lead na sa kaso ng pagkamatay ni David. Pati na sina Marlene at JR alam na rin nila. Nagkitakita silang lahat sa kampo. Ipinamukha pa ni Marlene na siya ang legal wife at anytime, pwede niyang paalisin si Ingrid.

Worried naman si Ramon.

Sinabi ni Dave na sa susunod daw silang makita ni JR, mag-iwasan na lang daw sila. Nagalit si Marlene, pero sinabi ni Dave na sila raw ang nag-umpisa.

Noong nasa bahay sina JR, nagparamdam siya kay Ramon. Kunwari he was talking about Dave saying na kapatid daw niya ito pero kung lalabag ito sa batas, wala raw kapa-kapatid.

Hindi raw magets ni Marlene kung bakit iba raw ang pakiramdam niya kay Dave. Siguro raw kasi anak siya ni David.

Pinuntahan ni Manuel si Rita.




0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!