Google
 

Here's episode 62 of "Tayong Dalawa" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Tinignan lang ni JR si Dave at naglakad ito papalayo. Pag-alis ni Dave, nilapitan pa rin ni JR si Audrey to tell her na sinasabi niya kay Angela na lalabas na sa ospital si Rita.

Napanood nina Ramon sa TV ang tungkol sa kalagayan ni Olivia. Nagkamalay na raw ito.

Nagdududa na talaga si Greta kung saan nanggagaling ang pera ni Ramon.


Sinabi ni Stanley kay Audrey na ikakasal na sila ni Dave sa huwes immediately. Ayaw pumayag ni AUdrey pero sinabi ni Stanley na kung gusto pang makita ni Audrey ang kapatid niya magpapakasal siya.

(I really find this hiding-Robert subplot ridiculous!) - KapamilyaOverload: I have to agree

Noong ibinalita ni Elizabeth kay Ingrid ang tungkol sa pagpapakasal nina Dae at Audrey, naalala niya noong niyaya siyag pakasalan ni David. Ang saya saya raw niya noon…pero inuna pa raw pa lang niyang pakasalan si Marlene. Papatayin daw ni Ingrid si Marlene.

Nasa bahay na si Rita. Kinumusta ni Ramon kay JR ang kaso pero sinabi ni JR na wala pang developments.

Sinabi ni Elizabeth na may laban sila sa kaso at hindi na kailangang humantong pa ito sa ganoon. Right now daw ayusin muna nila ang buhay ni Dave, pagkatapos aayusin niya ang buhay nila.

Dumating ang abugado ni Marlene, tinanong ni JR kung sigurado raw ba siya sa gagawin niya may paahon pa raw para umatras. Sinabi ni Marlene na ito raw ang gusto niyang mangyari, huwag na siyang pigilan nito.

Naloloka na si Audrey, hindi na niya alam ang gagawin. Sinabi ni Angela na kailangan na nilang makuha si Robert.

Nagpunta sila sa bahay ni Lily at naabutan ang katulong. Ayaw sabihin ng katulong kung nasaan si Robert pero tinutukan siya ng kitchen knife ni Angela kaya natakot ito.

Pinuntahan ni Dave si JR para imbitahin this weekend sa kasal nila ni Audrey, siya raw ang witness.

Pagpasok nila sa kwarto, naroroon sina Stanley at Lily. Hindi siya pwede kuha Robert dahil ayaw pakasal sa Dave.

Nag-away sina Stanley at Angela. Pinalayas ni Stanley si Angela sa bahay nila. Hindi na raw makikita ni Audrey ang kapatid niya kung susunod ito kay Angela.

Kinausap ni Marlene si JR. Kinumusta niya ito. Sinabi ni JR na pinuntahan siya ni Dave kanina para sbaihing ikakasal na sila ni Audrey. Hindi naman niya makausap si Audrey dahil hindi niya sinasagot ang phone.

Aalis na si Angela sa bahay nina Audrey. Paano raw siya, sabi ni Audrey. Tuloy pa rin daw ang plano nilang kunin si Robert, sabi ni Angela.

Siguro raw kailangan ng tanggapin ni JR ang lahat. E di dapat raw na tanggapin din Marlene na si Ingrid talaga ang mahal ni David, tanong ni JR sa ina. Sinabi ni Marlene na iba raw kasi iyon.

May laban si Ingrid kasi siya ang pinamanahan ni David. May laban din si Marlene dahil siya ang legal wife.

Marlene embellished in her testimony sa korte. Sinabi niyang pagkatapos nilang magpakasal ni David, bumalik ito sa America at nalaman niyang may iba itong babae kaya nanahimik na lang siya. Kinasuhan din si Marlene ng bigamy.

Galit na galit si Ingrid at nagwala ito sa korte.

Naiyak si Marlene. Hindi naman matignan ni Rita ang anak.

Sinabi ni Elizabeth kay Ingrid na sa susunod na hearing, huwag na itong sumama dahil ayaw niyang sumama ang loob nito.

Nawawala si Audrey.

Pinuntahan ni Dave si JR para hanapin si Audrey. Solian na raw ng kandila, sabi ni Dave. Muntik na siyang sinapak ni Ramon.

Pinuntahan ni Stanley si Angela sa trabaho para itanong kung nasaan si Audrey. Hindi raw alam ni Angela, pero kung alam daw niya kung nasaan ito, hindi rin niya sasabihin sa kaniya. Amanos na raw sila.

Sinabi ni JR sa pamilya na hindi niya alam kung nasaan si Audrey dahil patas siyang lumaban.

Sinabi ni Stanley kay Elizabeth na tanggalin si Angela sa supermarket. Sinabi ni Elizabeth na mabuti ng naroroon si Angela para mabantayan nila ang mga kilos nito.

Nasa isang apartment si Audrey at binisita siya ni Stan. Nagpasalamat si Audrey sa kapatid dahil nahanapan siya nito ng matutuluyan.

Sinabi ni Stan na mula sa ipon niyang baon ang perang ipinambayad niya sa apartment. Naninawala naman ang tangang si Audrey.

Nagkita sina Greta at Dave. Sinabi ni Greta na hindi rin alam ni JR kung nasan si Audrey dahil kilala niya ito at alam niya kung nagsisinungaling siya.

Pinaghahanap ni JR si Audrey.

Kampante si Ramon na hindi sila ikakanta ni Olivia. Hindi na nila ito itatakas dahil mas delikado raw iyon.

Humingi ng tulong si JR sa isang kaibigan niya sa trabaho (I guess for Audrey?).

Pinuntahan si JR ng daddy ni Leo. Nakilala niya kasi si Olivia mula sa balita, iyon daw ang girlfriend ni Leo.




0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!