Google
 

Here's episode 58 of "Tayong Dalawa" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Masama ang kutob ng mga clowns, este ni Ramon na nakamaskara pero itinuloy nila ang transaction.

Wife from the 50s ang gusto ni Dave. Gusto daw niya na sana raw sa bahay na lang si Audrey, magluluto aalagaan ang mga anak nila. Magiging masaya daw sila.

Hindi na raw makahinga si Audrey sa mga plani ni Dave (kasi gusto ni Audrey, wife from the 50s siya ni JR HAHAHAHAHA). Take it easy raw muna sabi ni Audrey, may anim na buwan pa raw sila.


Sinugod ng mga militar (kasama si JR) ang transaction nina Ramon. Nabaril ni JR si Olivia sa shoulder. Nilapitan ito ni JR at nakita niya ang mukha ni Olivia, hinampas ni Nico ng armalite si JR at kinuha nilang dalawa ni Ramon si Olivia. Nawalan ng malay si JR. Nakatakas sila.

Si Stan ang iniisip nilang nagsumbong sa mga militar tungkol sa transaction.

Sinabi na ni Audrey na hindi siya handang magpakasal sa kanya. Sigurado raw bang hindi lang siya handa o may mahal raw ba siyang iba?

Huling beses na raw itatanong ni Dave, may iba na raw ba itong mahal o pinapaikot lang niya ang ulo niya? Sinabi ni Audrey na nakapag-move on na siya noong mamatay ito pero bumalik siya at gusto ng lahat na mahalin niya ulit si Dave.

Nasesense ni Dave na may iba na siyang mahal. Oras na malaman daw niya na tama ang iniisip niya (si JR ba ang tinutukoy ni Dave, hindi ako nagpepay attention) hindi raw niya ito mapapatawad kahit kailan.

Kumuha ng doctor sina Ramon para gamutin si Olivia. Masyado na raw maraming mga dugo ang nawala kay Olivia, kailangan daw madala io sa ospital.

Walang kibo si Dave on the drive home. Natatakot si Audrey dahil masyadong mabilis magpatakbo si Dave. Napilitan si Audrey na sabihin kay Dave na wala siyang ibang mahal, na wala na sila.

Gustong marinig ni Dave sa bibig ni Audrey kung sino ang tiutukoy ni Audrey.

Muntik na silang mabangga pero muntik na silang mabangga ni Audrey.

Galit na galit si Audrey kay Dave.

Hindi macontact nina Elizabeth si Arthur Smith.

Palpak ang operatons nina Ramon. Nakuha halos ang mga pera nila.

Bumaba ng sasakyan si Audrey, wala ng nagawa si Dave.

Alam na ni Dave na si JR ang umagaw sa kaniya kay Audrey, nasense na niya.

Malala ang lagay ni Olivia. Kailangan na talaga siyang dalhin sa ospital, ayon sa doktor.

Nagpunta si Arthur Smith sa supermarket. Agad namang tumawag si Manuel kay Elizabeth.

Hindi naman masabi ni Angela kay Marlene na nawawala si Robert noong nagtanong ito tungkol sa kaniya.

Na-i-guhit na ng sketch artist si Olivia at ipapadala na raw daw nila sa lahat ng ospital.

Niyaya nina Ingrdi at Elizabeth si Arthur Smith for lunch. Sinubukan nilang i-bribe ito ng P10M in cash. Tinanggihan ito ni Arthur dahil sinabi niyang wala siya sa posisyon para mag-judge at hindi raw siya magdedemanda. Pero sa isang kondisyon daw, sabihin nina Ingrid ang totoo kay Marlene.

Tinatawagan ni JR si Audrey pero hindi ito sumasagot (JR Work daw…e cellphone ang gamit ni Dave ano ba!).

Nagpapanic na si Ingrid, gusto na niyang ipapatay si Arthur pero sinabi ni Elizabeth na hindi niya kayang magpapatay. Nagwawala na si Ingrid. Kaya sinampal siya ni Elizabeth.

(May sinabi pa si Ingrid pero hindi na ako nagpe-pay attention. HEHEHE.)





0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!