Google
 

Sorry for the delay. We had some problems with our Internet connection. Here's episode 61 of "Tayong Dalawa" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Nakakapagsalit na si Rita kaya iyak ng iyak si Marlene dahil natutuwa ito.

Pinaalala naman ng psychiatrist (I assume) ni Dave na it’ll be in his advantage kung nagpupunta ito sa mga sessions niya.

Sinabi ni JR na nakakaawa naman si Ingrid. Pero desidido si Marlene na i-pursue ang legal actions against Ingrid.

Noong paalis na si JR, nalaglag ang sketch ni Olivia at nakita iyon nina Marlene at Ramon.


Ayaw papasukin ni Stanley si JR. Ayw maniwala ni JR pero luambas rin si Angela to confrm. Iyak ng iyak si Audrey habang nagsisisigaw si JR sa labas ng bahay nila.

Galit na galit si Ramon, kapag minamalas nga raw daw siya, kapatid pa niya ang humahawak sa kaso ni Olivia. Ipinaalala ni Nico na kailangang mag-ingat ng kapatid niya.

Naloka sina Elizabeth noong malamang wala si Ingrid at papunta ito kina Marlene.

Naloka rin sina Marlene noong biglang pumunta si Ingrid na may dala-dalang fruit basket. Nagpunta raw siya doon para magpasorry at magpasalamat. Hahahaha!

Mas lalong nagalit si Marlene kasi sabi ni Ingrid “kahit ganyan ka lang…nagkamali ako ng pagkakakilala sa iyo.”

Nagkaalaman na. Alam na ni Ingrid na hindi sila totoong pinatawad nina Marlene. Nagwala si Ingrid, sakto dumating sina Dave at Elizabeth para kunin siya.

Noong nagpunta si Stanley sa bahay ni Lily dahil may pinapakuhang papeles si Stanley. Lingid sa kaalaman ni Lily, kasama ni Stan sina Audrey at Angela. Noong kinuha ni Lily ang mga papeles, Audrey and Angela went through her livng room. Nakita nila ang mga toys ni Robert.

Nakiusap kay JR si Dave para pakiusapan si Marlene na iurong ang demanda. Sinabi ni JR na pinakiusapan na niya ang nanay niya pero ayaw iurong ni Marlene ang demanda. Sinabi ni Dave na siguro nga raw talagang gusto lang ni JR agawin ang lahat. Siempre dineny ni JR. Sinabi ni Dave na sisiguraduhin niyang hindi maagaw ni JR ang lahat sa kaniya.

Nakipagkita si Greta kay Dave at sinabi na ni Greta na talagang may relasyon sina Audrey at JR kaya bilis-bilisan na niya ang pagpapakasal nila. Ayaw maniwala ni Dave pero sinabi ni Greta na bakit hindi niya sundan ang dalawa para malaman niya ang totoo.

Nakakalakad na si Olivia at nagtangka siyang tumakas pero nahuli siya ng mga bantay niya.

Nag-aalala si Ramon dahil hindi siya sigurado kung ilalaglag sila ni Olivia.

Sinabi na ni Angela ang plano niya kay Audrey. Sa Sabado raw birthday niya at maghahanda siya at iimbitahan niya sina Lily para makuha nila si Robert.

Nagkita sina JR at Olivia at kinumpirma niyang siya nga ang babaeng nabaril niya sa Mindanao. Sakto namang tumawag si Stan para sabihing malapit ng matapos ang problema ni Audrey. Hindi na siya nag-elborate pa.

Nairita si Dave sa dami ng tanong ng lola niya tungkol sa treatments niya. Sinabi ng lola niya na concerned lang siya. Nagpasorry si Dave sa inasal niya sa lola. Sinabi ni Elizabeth na ipangako ni Dave na he’ll get himself better.

Nakita nilang pareho na nasa balkonahe si Ingrid.

Nagpunta sa grocery si JR para puntahan si Audrey…nakasalubong niya si Dave.




0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!