Google
 

Here's episode 35 of "Tayong Dalawa" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Bago siya sunggaban ng mag-ina sinabi ni Ingrid na i-postpone muna nila ang away nila dahil nangako ito kay Dave na iiwas siya sa gulo.

Galit na galit ang mag-ina noong sinabi ng security guard na titignan niya ang mga bags nila dahil may nakapagsabing nagsa-shabu sila.

Susugurin sana nila si Ingrid pero sinabi ni Marlene na mukhang tama nga raw na tama si Ingird, huwag na nilang hayaang magdala pa ito ng problema.


Niyaya ni Dave si JR na lumabas bago siya umalis. Pinakain muna sila ni Marlene na kumain bago sila umalis para puntahan ang lugar na pinag-e-emotan ni David noon.

Nag-aalala naman si Ingrid para sa anak dahil aalis na ito. Sabi ni Elizabeth na huwag ng ipakita ni Ingrid iyon kay Dave.

Masaya namang kumakain sina Dave, JR at Marlene. Nakiusap si Dave kay Marlene sana iwasan na nila ang away.

Nakiusap naman si Dave kay JR na kahit bad trip siya kay Ingrid, baka pwedeng tignan-tignan pa rin siya ni JR. Kampante naman si Dave na mamimiss siya ni Audrey. Pagbalik daw niya kukunin niya si Audrey ulit at hindi na niya ito pakakawalan, pakakasal daw siya at magiging masaya sila.

Alagaan daw ni JR si Audrey. (LOL, Dave ang tanga mo!)

Kinukulilt si Stan ng friend niya tungkol sa investment. Pag-uwi ni Audrey sinabi ni Stan na matagal na mawawala si Dave, kahit na bilang kaibigan na lang daw ang turing ng ate niya kay Dave, sana raw mag-goodbye naman ito.

Masayang-masaya si Dave dahil akala niya hindi siya ihahatid ni Audrey. Nagyakap sila. Sinabi ni Audrey na simula bata raw sila marami na silang pinagdaanan, importante daw si Dave sa kaniya. Para raw hindi mawala sa isip ni Audrey si Dave –hinalikan siya nito sa lips.

Audrey pulled away. Selos naman itong si JR. Nagpasorry si Dave, gusto lang daw niyang bauin ang halik ni Audrey.

Nag-byebye na siya sa dalawa. Ipinahatid pa ni Dave si Audrey kay JR.

Hinalikan ulit ni Dave si Audrey. This time sa lips.

Malungkot si Marlene dahil umalis na si Dave.

Sinabi ni Rita na kung apo niya si Dave at aalis ito papuntang Mindanao, hindi raw ito mapapakali…iyong parang nilalanggam ang panty niya. HAHAHAHAH!

Parang nagpapaliwanag pa si Audrey sa paghalik ni Dave sa kaniya. Baka raw kasi isipin ni JR na easy to get si Audrey at pinapaasa niya si Dave. Sinabi ni JR na hindi naman siya iniisip nito. Lihim na ngumiti ang dalawang taksil. At iba ang kulay ng damit ni Audrey. LOL!

Nagtalo sina Marlene at Ramon. Inaakusahan siya ni Marlene na nagdadrugs at nagdududa na siya sa trabaho niya. Si JR lang naman daw ang magaling sa kaniya.

Inakyat ni Rita si Ramon para sabihin kay Ramon na puro putak lang naman ang nanay niya. Umiiyak si Ramon. Si JR lang naman daw ang magaling sa bahay na iyon. Sinabi ni Rita na hindi naman siya dapat nakikipagcompete kay JR. Sinabi ni Rita na ayaw lang siyang mapariwara ng ina.

Hindi pa raw nagpapaliwanag si Ramon sa lola noong minsang umuwi ito ng duguan. Wala namang inamin si Ramon kay Rita.

Nakarating na sa bagong assingment niya si Dave. Naita ni Dave ang ilang mga duguang mga sundalo na ibinbababa sa truck.

Marlene: Umalis na ba si Dave?
JR: Oho, umuwi na.

Hello, JR hindi umuwi si Dave no!

Napansin ni JR na balisa si Marlene. Sinabi ni Marlene na nag-aalala ito kay Ramon. Sinabi ni Rita na minsan lang naman hindi umuwi itong si Ramon, kriminal na agad ang tingin niya. Hinalikan ni JR ang ina at sinabi nitong kakausapin niya ang kapatid

Tinawag siyang sira ng ina. Kitang-kita naman daw na si JR ang ibinibida niya. Igawa na lang daw ni Marlene ng tula si JR. Kahit daw siya proud kay JR, pero isipin na lang daw niya na si Ramon nagbago din naman. Magpasalamat daw ito na kahit magkano nakakapagbigay ito. Sana ipakita man lang daw nito paminsan-minsan na proud ito sa anak. Kahit konting pagtingin lang daw.

Marlene: Bakit, nakatingin naman ako a.
Rita: Nakikita mo ba siya? Marlene, dapat parehas ka sa mga anak mo. Dapat lahat pantay-pantay.

Sinabi ni Leo na pupunta sila sa Mindanao para sa bago nilang order. Pagkatapos ng meeting nila, kinausap ni Ping Medina (sorry hindi ko talaga alam ang pangalan nila) si Ramon. Sinabi niyang mag-iingat ito sa ginagawa niya dahil kilala niya kung paano magalit si Leo.

Binigyan ni Greta ng necktie. Bilang thank you ni JR, hinalikan siya ni Greta sa pisngi.



0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!