Google
 

Here's episode 38 of "Tayong Dalawa" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Galit si Stanley (as usual) kay Audrey dahil siya ang sinisisi nito sa pag-cancel ni Ingrid sa business partnership nila. Sampal at sabunot ang inabot niya kay Stanley. (Tanga naman kasi si Audrey, naka-wheel chair na nga si Stanley, nagpapa-api pa siya. Tignan ko nga kung mahahabol ka niya kung tumakbo ka). Tapos nagalit na naman siya dahil maliit lang ang sweldo ni Audrey. Dapat daw kasi nagpakasal na siya kay Dave para natapos na ang finacial problems nila.


Naaawa naman si Stan sa ate niya kaya kinuha niya ang pera ni Stanley at ibinigay sa kaibigang “investor” ang P50,000.00 hoping na lalago pa ang pera nila. (Nakuuuuu! Ito talagang si Stan, masyadong innocent.)

Napag-usapan naman nina Olivia at Ramon si Leo. Sinabi ni Ramon na sumosobra na si Leo, pati mga terorista binibentahan na niya ng mga armas. Sinabi naman ni Olivia na wala naman silang magagawa dahil mahirap kalaban si Leo at kung sino man ang kakalaban sa kaniya ay hindi niya titigilan…unless patay na ito…o patay na si Leo. (Ano ba namang klaseng pillow talk `yan, can’t you just talk about your feelings?)

Habang nag-mi-meeting ang mga tauhan ni Leo, inabutan ng sulat ni Olivia si Ramon (saying magkita tayo mamya or something like that), e eto namang si Ramon, na-drop niya sa floor. Nakita iyon ni Leo at kinompronta niya si Olivia later on. Hindi pa nito alam kung sino ang gusto niyang i-meet. Binugbog ni Leo si Olivia. Nakita ni Ping Medina (LOL ano ba ang pangalan niya dito kasi!!!) na duguan si Olivia at binuhat niya ito. Lingid sa kaniyang kaalaman, nagmamasid si Leo. (Naku, baka akalain niya siya ang lalaki niya.)

Nagmamakaawa naman si Stanley sa ina na ibalik na sa kaniya ang hardware. Pero matigas pa rin si Lily, kahit na may anak ng lalaki si Stanley (2 na nga e), galing pa rin daw ito kay Loreta na isang atsay. (Hay naku, get over it!)

Nabulilyaso naman ang balak ni Marlene na kausapin si Arthur Smith dahil wala siyang maipakitang identification sa gate ng US Embassy dahil dinukutan siya ng lalaking inutusan ni Elizabeth para manmanan siya.

Pakipot pa rin si Audrey kay JR, ayaw niya itong sunduin siya or whatever.

Napilitang mag-overtime si Audrey para lumaki ang kita niya. Paglabas niya mukha siyang disappointed dahil walang JR na nag-aabang sa kaniya (tanga lang talaga e, nandoon lang sa sulok si JR, tapos naka-yellow pa nga , imposible namang hindi mo makita). May lalaking nag-holdap sa kaniya at balak pa ata siyang gahasain. To the rescue naman si JR. Niyakap ni Audrey si JR. (Ah, ewan ko sa inyo.)

Sinabi naman ni Greta kay Ramon na pumapayag na siyang ligawan nito. (Kita mo `tong si Ramon, dalawa na ang chicas niya).

Birthday ni Rita, kaya nag-celebrate siya at ng mga kaibigan niyang jologs sa country club. Nagtalo sila ni Elizabeth sa pool side. Nahila ni Rita si Elizabeth at napunta ito sa pool kung saan nagsabunutan sila. (Gusto lang talaga ata nilang manggulo, may pool naman sila sa bahay bakit `di sila doon nagswimming).




0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!